July 2021 (i) Panayam kay ZenRoxen_Boy
1. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat?
Since childhood, mahilig na talaga akong mag-imagine ng mga story scenario at characters sa utak ko tapos dino-drawing ko sila sa papel. Wala nga akong ginawa noon kung hindi mag-drawing nang mag-drawing sa likod ng notebook imbes na makinig sa discussion sa school o kaya mag-lecture. Kaya sa sobrang dalas kong mag-drawing, nauubos 'yong leaves ng mga notebook kaya wala nang space para makapagsulat pa ako ng lecture. Bumibili rin ako ng separate notebooks noon para doon ako mag-drawing na madalas—kahit wala pang dalawang araw, nauubos na rin 'yong leaves.
Noong second year high school din, dahil nakaramdam ako ng "inggit" sa classmate kong nagsusulat ng novel sa notebook niya, bumili rin ako ng notebook para doon magsulat ng sarili kong story. Pero hindi ko pa man natatapos noon ang chapter one ng sinusulat ko... sinukuan ko na. Kaya ang ending pinang-drawing-an ko na lang 'yong binili kong notebook at hindi na ginalaw 'yong kuwento ko. Na-realize ko siguro that time na mas maganda pang i-drawing 'yong mga nai-imagine ko kaysa i-put into words.
Curiosity sa buhay ang nagtulak sa aking magsulat. Marami kasi akong katanungan na gustong masagot kaya ako mismo ang gumagawa ng efforts para sagutin ang mga ito. Talagang malikot din 'yong isip ko na palagi bang may ibinubulong sa akin na kung minsan hindi na ako pinatutulog ng mga thought kong ito.
2. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito?
Through HaveYouSeenThisGirL's works. Mas nauna akong naging fan ng published book version ng "Diary ng Panget" noong 2013 kaysa maging Wattpad reader, as in Wattpad reader talaga. Mga kuwento niya rin 'yong nag-engage sa akin na magbasa ng mga novel. Then updated din ako sa FB page niya noon at lagi niyang name-mention 'yong Wattpad kaya na-curious ako.
Pansin ko rin kasi noon na 'yong mga pina-publish na libro ay mga sumikat at galing sa Wattpad. And inaamin ko rin... parang naging way 'yon para magbigay ng drive sa akin na gusto ko ring makilala someday. So, doon din ako nag-start na magsulat ng mga kuwento at kasabay noon, umaasa at nagbabaka-sakali rin ako na sumikat sa Wattpad at maisalibro ang kuwentong sinusulat ko.
3. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit?
Sa Fantasy genre, I really admire Rick Riordan. Fascinated kasi ako sa Greek Mythology kaya natutuwa rin ako kung paano in-incorporate ni Uncle Rick 'yon sa modern setting through "Percy Jackson and the Olympian" series. Gusto ko rin kung paano niya binigyan ng proper representation ang mga taong may learning and behavioral disabilities sa mga novel niya—which is nakaka-proud. Iba 'yong feeling na makita mo 'yong part ng sarili mo sa mga nababasa mo. Pinakikita rin na despite the limitations na mayroon ang mga tulad namin, wala pa ring imposible at lahat ng pangarap mo ay kaya mong maabot basta magtiwala ka lang sa 'yong sarili. Kaya na-inspire akong makapagsulat (someday) ng isang Fantasy novel na this time, tungkol naman sa Filipino Mythology.
I'm also into YA novels. At gusto ko rin ang paraan ng pagsusulat ni Becky Albertalli na author ng "Simon vs. the Homosapiens Agenda". Light man ang approach, pero nandoon 'yong homey vibes ng mga libro niya na masarap basahin habang umuulan, tapos nakaupo ka sa kama at nakatalukbong ng kumot; may pagka-bubbly ang feels. Very wholesome din ang pag-tackle niya about sexuality, body positivity, friendship, self-acceptance, and love. May kaunting kirot man, pero hindi ka iiwan sa ere na may empty feeling.
Sa Filipino authors naman, siyempre isa na roon si Bob Ong. Isa talaga siya sa hinahangaan kong authors kasi napakamasining at ang humorous ng way ng kaniyang magkuwento. Para bang ang way niya nakikipagkuwentuhan lang sa readers niya. May dalang nostalgic feeling sa akin 'yong "ABNKKBSNPLako" na bumabalik sa memories ko noong nag-aaral pa ako. Na-inspire din ako sa vivid experiences niya sa "Stainless Longganisa" sa kung paano niya kinuwento ang journey niya bilang manunulat.
4. May paborito ka bang manunulat o kuwento sa Wattpad?
"Project LOKI" series ni AkoSiIbarra ang nag-ignite sa akin na magseryoso sa pagsusulat, lumabas sa sarili kong comfort zone, at sumubok ng ibang way ng pagbuo ng mga kuwento. Saludo rin ako kay Kuya Cris Ibarra kasi sobrang passionate niya sa craft at sa unconventional way niya ng pagkukuwento. Siyempre, na-amaze din ako sa way ng pag-iisip niya para makabuo ng mind-boggling twists lalo na at Mystery ang genre na isinusulat niya.
Isa rin sa favorite kong Wattpad story 'yong "AFGITMOLFM" ni Pilosopotasya. Para sa akin, ito 'yong naging standard ko for Teen Fiction novels kasi sobrang swak lang niya sa panlasa ko. Parang it has sugar, spice, and everything nice and sobrang balanced lang ang elements na para bang hindi sila nagsasapawan. Isa pa, pina-feel sa akin ni Ate Rayne at ng characters na hindi ako alienated sa mundo nila at sila 'yong tipong madalas mong nakikita sa araw-araw na buhay. Walang something extravagant and simple lang ang characters.
5. Maaari mo bang ibahagi sa amin kung tungkol saan ang iyong kuwento, at gaano katagal mo nang isinusulat ito?
Naka-focus ako ngayon sa pagsusulat ng Teen Fic / Slice-of-life novel kong "Tropang 3some: Sina Wholesome, Awesome, at Handsome" na noong around mid-April to May ko lang sinimulang isulat. Tungkol ito sa tatlong magkakaibigan na sina Owen, Toto, at Dimitri pati na sa mga pinagdaanan nilang mga adventure, kaganapan sa buhay, at pagsubok sa huling taon bilang mga high school student. Ito rin ang first time ko na magsulat na hindi lang iisa ang bida—kung hindi tatlo pa, kaya triple threat talaga. Challenging din sa akin kung paano ko iba-balance-out ang perspectives ng tatlo kong protagonists at kung paano ija-juggle ang kaniya-kaniya nilang story arcs.
Mga ganitong genre ang gustong-gusto kong isulat dahil in a way—amalgamation ito ng mga "what-happened-thens" at "what-ifs" ko sa buhay. What-happened-thens, kasi base sa mga totoong experience ko noong high school 'yong ibang mga pangyayari sa story kong 'to. What-ifs naman, kasi may mga isinulat ako na hinihiling ko na sana nangyari din sa akin noon sa totoong buhay.
Currently, nagsusulat din ako ng epistolary novel na collaboration namin ng co-author kong si wordsandlenses. "Smile in Your Heart" ang title at tungkol ito sa dalawang pen pals na nagpapalitan ng letters sa isang app na pinangalanan naming "Smaile". Iba rin ang dynamic ng kuwentong ito kasi aside sa epistolary siya, parang kailangan kong i-act out ang character sa sinusulat ko sa kung paano siya mag-isip at kung paano niya i-e-express ang sarili niya sa pagsusulat ng letters dahil may pagka-polar opposite kaming dalawa.
6. Sa ilang taon mo nang pagsusulat, maaari ka bang magbahagi ng iilang tips para sa mga taong gusto ring magsulat at makapaglimbag ng sarili nilang libro sa hinaharap?
Huwag matakot sa rejections. Que sa writing contest man iyan or sa pa-call for submission ng mga publisher. Rejections are part of your growth as a writer kasi rito nakikita ang grounds kung papaano ka mag-i-improve sa pagsusulat ng kuwento at makita kung ano ang dapat gawin para mas mapaganda 'yong manuscript ng story mo.
Okay lang din na magpahinga paminsan-minsan sa pagsusulat once nakaramdam ka ng pagod. Okay lang na huminga saglit para maka-absorb ulit ng panibanong energy at inspirasyon. Gawin mo rin ang mga bagay na magbibigay sa 'yo ng comfort: magbasa ng novels, manood ng anime, K-dramas, at iba pang TV series, gumuhit, o kaya mag-yoga. Magpapahinga man pero hindi dapat titigil sa pagsusulat.
7. Kung bibigyan mo ng titulo ang kuwento ng iyong buhay, ano ito at bakit?
"That Eccentric Dork"—na title rin ng isa kong story. Feeling ko kasi, napaka-unconventional kong tao and may pagka-wirdo ako kung minsan. Masasabi ko ring "outcast" ako at ibang-iba ang way ng pag-iisip. Ako kasi 'yong tipo ng tao na palaging naliliko ang dinaraanan kahit na ang gusto kong tahakin 'yong path sa kung ano talaga ang "norm". Dork kasi awkward din akong tao. Hindi ako 'yong tipong mahilig makipag-socialize at mas gusto na lang na magmukmok sa sulok.
Kahinaan ko man 'yong ganitong attributes, matuturing ko pa rin itong strengths ko kasi gusto kong gumawa ng sarili kong marka despite the "limitations" na mayroon ako. Gusto ko pa ring ipakita na mayroon akong magagawa na makapagbibigay ng pride sa akin—at isa na roon ang pagsusulat.
8. Paano mo tinatanggap ang mga kritisismong nakukuha mo sa pagsusulat? At ano rin ang epekto nito sa iyo?
Inaamin ko rin naman, nakararamdam din ako ng kaunting lungkot kapag nakare-receive ng criticisms kasi masakit din naman talagang mabugbog ng mga puna. Pero hindi ako 'yong totally sobrang nagdaramdam kapag nakatatanggap ng mga ganito from other people. Besides, I really take criticisms as grounds for self-improvement and to educate myself kung saan ako puwedeng nagkulang. Gusto ko ring nakaririnig at nakababasa ng feedback and suggestions sa ibang tao kasi mas nalalaman ko 'yong perspectives nila sa story ko na iba sa kung ano 'yong nakikita ko at kung paano ko pa mas mai-improve ang paraan ng pagsusulat ko.
9. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maging katulad ng paborito mong kuwento ang takbo ng iyong buhay, ano ito at bakit?
Gusto kong maging part ng mundo ng Writers' Bloc ni AkoSiIbarra (na sadly unpublished na ngayon). Kasi pangarap ko ring maging part ng isang writing group / organization sa school although naging part ako ng school paper organization noong high school. Sadly, walang ganoon sa kung saan ako nag-aral noong college and gusto ko na siyang seryosohin talaga. Parang ang sarap kasi sa feeling na matuto sa pagsusulat through the wisdom of the characters from that story. And masarap 'yong feeling na parte ka ng isang group na pareho kayo ng goals and passion ng co-members mo.
10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
Una, mahalin mo 'yong craft ng pagsusulat at ibuhos mo rito ang buong puso mo. I believe writing is a labor of love and a form of love kasi rito natin inilalalaan 'yong feelings, thoughts, and emotions natin sa mga bagay-bagay.
Ikalawa, magsulat hindi para sa number of reads o votes kung hindi para makatapos ng kuwento. Aminin natin, masarap sa feeling 'yong makatapos ng sinusulat na nobela na binuhusan mo ng energy at panahon; parang mas malaking achievement nga 'yong maging "completed" ang status ng story mo.
Ikatlo, don't rush yourself. Hindi dapat minamadali ang pagsusulat ng kuwento; naniniwala kasi ako na it takes time to build a masterpiece at hindi dapat puwersahan ang paglabas ng ideas kung hindi pa talaga ito handang lumabas o kung pilit lang talaga. Mas hindi nga magiging maganda 'yong kalalabasan kung ganoon. Just let the ideas flow naturally. Lastly, magbasa ng iba't ibang stories from different genres, ire-read ang natipuhan mo, at kumuha rito ng valid points at inspiration kung sakaling balak mong makapagsulat ng isang kuwento.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top