January 2021 (ii) Writing and Multimedia Tips
"The pen is mightier than the sword." "Halos 200 taon na ang nakalilipas, na-obserbahan ito ni Edward Bulwer-Lytton, at ito nananatiling totoo hanggang sa ngayon. Ang pagsusulat ay isa sa pinakamakapangyarihang form na mayroon, at ang simpleng kuwento ay maaaring magbago ng maraming buhay. Ito rin ay totoo sa kahit na anong malikhaing akda dahil ito ay nagbabahagi ng kuwento. Bilang isang designer, naibabahagi mo ang kuwentong ito sa pamamagitan ng kulay, font, texture at iba pang graphic elements.
At parte ng mahika ng paggawa ng malikhaing akda ay palagi kang may pagkakataong lumago at hinangin ang iyong kakayahan. Kapag sa tingin mo ay naabot mo ang iyong pinakamahusay na estado, mayroon pang ibang mga bagay na maaari mong mapagbuti.
At nandito kami upang tumulong sa pamamagitan ng buwanang writing at multimedia tips.
Ng vs Nang
Marami sa atin ang patuloy na nagkakamali sa paggamit ng ng at nang. Ngunit, ano nga ba talaga ang pinagkaiba ng dalawang ito?
Ang NG ay ginagamit sa mga sumusunod na pagkakataon:
1. Kapag ito ay kasunod ng isang pangngalan. (Sinasagot nito ang tanong na ano.)
Halimbawa: Bumili ng milk tea si Luna. (Bumili ng ano?)
2. Kapag ito ay nagpapahitawig ng pagmamay-ari.
Halimbawa: Ito ang cellphone ng aking kapatid.
3. Kapag ito ay kasunod ng pang-uri.
Halimbawa: Gumawa ng magandang painting si Caleb.
4. Kapag ito ay kasunod ng pang-uring pamilang.
Halimbawa: Kumain ng limang siomai si kuya.
5. Kapag ito ay ginagamit bilang pananda sa gumaganap ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa: Hinabol ng pulis ang magnanakaw.
6. Kapag ito ay nagpapahiwatig ng oras o petsa. (Sinasagot ang tanong na kailan.)
Halimbawa: Kumain ako ng 6 pm bago ako pumunta sa party.
Ang NANG ay ginagamit naman sa mga sumusunod na pagkakataon:
1. Kapag ito ay ginagamit bilang panghalili sa noong.
Halimbawa: Biglang nahilo at nagsuka si Cassie nang umagang iyon.
2. Kapag ito ay ginagamit bilang panghalili sa para o upang.
Halimbawa: Mag-aral ka nang makakuha ka ng mataas na grado.
3. Kapag pinagsama ang mga salitang na at ng.
Halimbawa: Sobra nang lupit ng kanyang step-mother.
4. Kapag ito ay nagpapahitawig kung paano nangyari ang kilos. (Sinasagot ang tanong na paano o gaano.)
Halimbawa: Kumain nang mabilis si Carl upang hindi siya mahuli ng kanyang amo.
5. Kapag ito ay ginagamit na pang-angkop sa umuulit na salita.
Halimbawa: Tumakbo nang tumakbo si Jane upang hindi siya abutan ng mga pulis.
6. Kapag ito ay kasunod ng salitang maaga.
Halimbawa: Gumising nang maaga si Jessie.
Sanggunian:
Almario, V. S. (2014). KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat. Manila: Komisyon sa Wikang Filipino.
Ghaz, S. (2019, July 17). Ng At Nang – Kaibahan & Wastong Paggamit ng "Ng" at "Nang". Retrieved from Phillipine News: https://philnews.ph/2019/07/17/ng-at-nang-kaibahan-wastong-paggamit-ng-ng-at-nang/
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top