December 2021 (i) Panayam kay YOULUH
1. Ano ang kuwento sa likod ng iyong unique na username?
Wala namang special o malalim na hugot ang wattpad username ko, galing lang siya sa real name ko na "Eula" kaya naging "YOULUH" [You + luh], pinaarateng eula para cute, charet!
2. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat?
I think elementary pa lang nagsusulat na ako ng kwento pero more on sa scripts siya ng mga roleplay, school activities, gano'n. Noong highschool naman, frustrated writer talaga ako. Ang dami kong nasisimulang novel pero hindi natatapos kasi kulang ako sa 'will' at somehow may part sa akin na naiisip ko na wala naman akong mapapala tapos hindi naman ako magaling, kaya huminto na ako.
Ngayong 2021 siguro 'yung legit na masasabi kong sagot sa tanong na kailan ako nagsimulang magsulat ng mga kuwento. Itong taon ko talaga naisipang magbalik loob sa first love ko, ang creative writing dahil dito talaga ako masaya. Kaya ayun... sabi ko sa sarili ko, mgsusulat na ako ng mga kuwento na gusto kong ibahagi, na parte ng pagkatao ko. Kuwento na sa akin, at hindi lang dahil required sa school o roleplays.
Ang nagtulak sa akin na magsulat bukod sa sarili ko, masasabi kong ang lipunan. Weird man pakinggan para sa iilan pero gano'n na nga ata talaga. Kasi pansin ko marami pang nangyayari sa lipunan natin na hindi pa naku-kuwento, marami pang hindi napapansin. Tutal sawa na rin naman kasi akong maghanap ng kuwento na gusto ko, kaya why not ako na lang magsulat 'di ba? Hahaha pansin kong kulang pa ng LGBTQ+ characters sa mga novels at umay na rin akong laging best friend o extra lang ang mga bakla, kaya imbes na i-rant ko 'to, e 'di ako na gagagawa.
3. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito?
Junior High School pa lang ako noong na-discover ko ang wattpad dahil nakikita ko sa mga softcopies na sine-send sa akin noon na galing daw siyang wattpad. Tapos ang funny nga kasi laging nakalagay sa dulo ng soft copies ay huwag piratahin 'yung kuwento dahil galing wattpad daw talaga iyon. Kaya ayun, tumatatak sa akin na may site pala 'tong mga kuwentong sine-send sa akin. At bilang mabuting nilalang, sumunod ako sa note sa softcopies hahaha sa wattpad na ako directly nagbabasa.
Gaya ng sagot ko sa question #2, gusto kong bumalik sa pagsusulat kaya ayun... naisip ko na magsulat. Pero hindi ko rin kasi alam kung saan magsisimula, clueless ako kahit na ang dami kong story ideas. Kaya noong shinare sa akin na may Romanceph's writing contest, naisip ko na magandang training o way to practice 'to sa pagsusulat. Wala rin namang mawawala sa akin, hindi ko naman goal na manalo sa mga contest. Gusto ko lang mag practice, matuto, at magbahagi ng mga kuwento, mga ibang paraan kung paano ikuwento ang mga istorya ng mga babaeng nagmamahalan.
4. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit?
Beeyotch at Pilosopotasya talaga. Sa kanila ako loyal simula noong na-discover ko sila dito sa wattpad. Sila rin 'yung masasabi kong favorite hindi lang sa wattpad, kundi pati sa kabuoan. Pakiramdam ko kasi kasabay ko silang mag grow, and at the same time kasabay kong mag grow 'yung mga characters na naisusulat nila. Hindi sapat ang interview na ito para masabi kung gaano ko sila kamahal at ang mga gawa nila, pero sure talaga ako na worth it sila hangaan. Promise!
5. May paborito ka bang manunulat o kuwento sa Wattpad?
Dahil nasagot ko na ang unang part ng tanong, sagutin ko na lang 'yung paboritong kuwento. Sa mga sulat ni Beeyotch ang paborito ko ay No One Will Know at Control the Game. Kay Pilosopotasya naman ay ang Uncensored. Weird ba na favorite ko siya kahit hindi pa siya tapos? Hahahaha siguro weird nga. Pero ito kasi unang sumagi sa isip ko noong nabasa ko ang tanong. Masasabi kong worth it ang paghihintay sa kuwento ni Unica at Chino. Imagine, 3rd year high school ako noong isinulat ang kuwento nila at ngayon 4th year college na ako hahaha grabe! Ang tagal na rin pala, pero hindi ako nagrereklamo kasi willing to wait ako kahit mas MA muna ako hahaha
6. Ano ang hilig mong gawin kapag hindi ka nagsusulat?
Valid bang sagot ang magalit? Hobby ko kasi magtanim ng sama ng loob, charot! But kidding aside, marami akong ginagawa kapag hindi ako nagsusulat, pero siguro ang pinakahilig ko ay ang makinig ng podcast, magbasa ng mga research papers, mag work-out, at maglinis. Kapag ayan ang ginagawa ko, hindi ko na namamalayan ang oras dahil nag e-enjoy talaga ako.
7. Matunog ang iyong pangalan bilang isa sa manunulat na halos walang palya sa pagsali sa mga pa-writing contest ng RomancePH, maaari mo bang ibahagi sa amin ang iyong dahilan ng pagsali rito?
Para talaga sa pag p-practice. Nasabi kasi sa amin ni Ate Rayne at Ate Chie na kailangan alam mo na writing voice mo, kaya napatanong ako sa kanila kung paano ba malalaman ang writing voice kasi hindi ko talaga alam kung paano 'yun. Hindi ba puwedeng nagsusulat na lang ako at ayun na ang writing voice ko? Hahaha may mga ganiyan akong thoughts. Kaya noong nakausap ko si Ate Chie, sabi niya malalaman mo lang ang tunay na writing voice mo kapag nakakapagsulat ka na, kapag nag p-practice ka na. Kaya naman kapag kaya ng oras at may ideas ako, g lang ako sa pagsali ng RomancePH. 'Yung mga hindi gano'n kahinog na story ideas ko, nahihinog siya dahil sa mga prompt ng RomancePH dahil napapag combine ko 'yung plot ideas ko na nakatambak na sa notes ko at mga story prompts nila. Win win situation para sa akin.
8. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na makipag-collab sa ibang manunulat, lokal man o international / sikat man o hindi, sino ito at bakit?
Hindi na ako lalayo, sa mga kaibigan ko na hahaha si Endee (loveisnotrude), Deng (A.R. Verayo) at Yassie (waysieth) na hahaha dahil sila nag-push sa akin sa pagsusulat. Sila naging support system ko. Gusto kong makapagsulat na kasama sila.
9. Saan mo hinuhugot ang inpirasyon sa bawat kuwentong isinusulat mo?
Iba-iba e. Based sa prompts na sinalihan ko, lahat may goal ako o challenge sa sarili dahil nga nag p-practice ako. Gusto kong somehow may "something new" o ibang flavor ang naisusulat ko sa mga sinasalihan ko kaya iba-iba rin inspirasyon ko.
For example:
Walang Liligaya - Ang inspirasyon ko talaga diyan ay light story telling, tapos tagpi-tagping ideas na hirap akong i-let go pero hirap panindigan hahaha gusto ko kasi talaga 'yung idea na malas at suwerte kaya pinagsama ko na.
at hindi na muling babalik - Ang inspirasyon ko dito ay 'yung mabigat na batuhan ng line sa movie na "Changing partners", gusto ko 'yung umaapaw 'yung tensyon. Kaya ayun, sana nabigyan ng justice hahaha sana ramdam 'yung batuhan ng linya ng bawat karakter.
Will You Not Marry Me - Ang goal ko dito ay makapagsulat ng kuwento na ang POV na ginagamit ay hindi bida. Hindi talaga sa kaniya ang kuwento. Inspirasyon ko rin 'yung napanuod kong scene sa series na favorite ko, may scene kasi na lesbian talaga 'yung babae at pinu-push siyang magpakasal sa lalaki, kaya nakaisip ako ng "what if".
But to summarize it, 'yung inspirasyon ko ay 'yung mga nababasa ko at napapansin ko sa aking paligid. Gusto ko kasing may konting unique flavor pero relatable pa rin at the same time.
10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
Bagong manunulat lang din ako, hindi ko alam kung may kakayahan akong magbigay ng payo hahaha pero ang tanging masasabi ko lang ay magsulat at magpahinga. Huwag kang ma-feel bad kapag hindi ka nakakapagsulat, huwag mong pilitin sarili mo. Kasi pansin ko kapag bagong manunulat ka, grabe 'yung energy mo to write at grabe rin pressure mo sa sarili mo na kailangan may naisusulat ka. Which is for me, problematic na kung titignan. Huwag tayo magbigay ng pressure sa sarili natin. Magsulat ka kung gusto mo, magpahinga ka kung kinakailangan, at higit sa lahat gawin mong pahinga ang pagsusulat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top