December 2021 (i) Panayam kay peachxvision
1. Ilang taon ka nang Wattpad Staff at ano ang posisyon mo?
Isang buwan pa lamang ako nagtatrabaho bilang isang Filipino Editorial Specialist.
2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Wattpad Staff?
Nagbibigay ako ng suporta para sa mga eksklusibong manunulat sa Wattpad dito sa Pilipinas upang mapabuti ang kanilang mga akda.
3. Paano mo napagsasabay ang pagiging kabilang sa Wattpad Staff at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad?
May iskedyul ako na sinusunod para sa sarili ko.
4. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging Wattpad Staff?
Masyado pang maaga para makapasabi ng "pinakamagandang aral," ngunit sa isang buwan ng pagtatrabaho rito, nakita ko ang halaga ng pakikipag-usap sa kapuwa kong manunulat.
5. Ano ang pinakamasayang parte sa pagiging Wattpad Staff?
Ang mismong trabaho ko. Nagugustuhan ko kapag nakikipag-usap sa akin ang mga manunulat at nanghihingi ng payo. Napapagtanto ko rin kasi kung ano ang mga pagkukulang ko bilang isang manunulat at kung ano-ano ang mga bagay na nakatulong sa 'kin para makatulong din sa kanila.
6. Ano ang pinakamahirap na parte?
Sinasanay ko pa ang katawan ko sa mga meeting na gabi-gabing nangyayari.
7. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad?
Masaya. Flexible, kumbaga. Kontrolado ko ang oras.
8. Paano nakatutulong ang iyong pagiging kabilang sa Wattpad Staff bilang isang manunulat o mambabasá?
Katulad ng sagot ko sa isang tanong, napagtatanto ko kung ano-ano ang mga pagkukulang ko bilang manunulat. Nakasasalamuha rin ako ng ibang manunulat kaya nakababasa ako ng mga kuwento sa iba't ibang genre, hindi lang 'yung sa nakasanayan kong basahin.
9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging kabilang sa Wattpad Staff?
Lahat ng one-on-one meeting ko sa mga manunulat na parte ng Creator Exclusivity ay di ko malilimutan, pero bukod-tangi ang makita ko ang isang manunulat na madalas na nakasuot ng face mask na hindi nag-mask sa una naming pagkikita. Hindi ko ito kasi inaasahan.
10. Bilang kabilang sa Wattpad Staff, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa inyong ginagawa para sa buong community?
Wala pa namang kritisismo sa ngayon dahil hindi pa naman alam ng karamihan ang ginagawa ko sa Wattpad. Pero kung meron man, e di, isasabuhay ko lahat ng nakatutulong na kritisismo para mapabuti ang trabaho at hindi papansinin ang pawang paninirang-puri lamang.
11. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa Wattpad at sa komunidad natin?
Sa Wattpad mismo, maraming salamat sa oportunidad. Sa inyo lang naman ang katapatan ko, kaya masaya ako na makapagtrabaho para sa inyo. Para sa Wattpaders, maraming salamat sa pananatili at sa pagsuporta sa mga manunulat sa Wattpad. Iyon lang naman ang hiling ko bilang matagal nang nagsusulat para sa plataporma: suportahan natin sa kahit anong paraan ang mga manunulat. Sana ay wala ng siraan dahil lahat naman ng manunulat ay ginagawa ang kanilang makakaya upang makapagbigay ng kuwentong makapagpapasaya sa ating lahat. Ingat!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top