December 2021 (i) Panayam kay lostmortals

1. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat?

Naaalala kong bata palang ako ay nagsusulat na ako ng mga 'cliché' magical scenes sa mga notebook, ngunit 'di ko iyon natutuloy lahat na maging isang buong storya. Sa edad namang labingdalawa'y nagsimula na akong magsulat ng aking first fantasy novel na "The Semideus." Sa edad na 'yon ay natututo na ako sa mga akmang grammar, concepts, at iba pang mahalaga sa pagbuo sa storya. Since it's a childhood dream for me, why not try now that I'm learning more? Nang magsimula akong magkaroon ng mga readers ay mas lalo kong pinagpatuloy ang pagsusulat.


2. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito?

Sa kagustuhan kong magbasa pa ng mga fantasy stories, nag-search ako sa net at napadpad sa mundo ng Wattpad. Nagsimula akong kumilala ng mga author at kapwa readers at nakita ko ang Wattpad bilang 'safe space.' Dahil sa mga interaksyon na aking nagawa, nagkaroon ako ng lakas ng loob na ilathala rito ang mga storyang naiisip ko. I believed that Wattpad is a space for me to grow and foster my talents.


3. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit?

"They believe that objects have souls. The more love you put into one, the more beautiful it becomes," sinulat ni Marie Lu sa Warcross na isa rin sa mga paborito kong libro. Sa lahat ng mga manunulat ay mga katha niya ang pinakatumatak sa'kin na nagawa kong basahin lahat ng kaniyang sinulat. Maybe it has something to do with preference, and the way she writes her thoughts. Katulad nalang ng linyang narito. Ito ang isang katagang 'di ko malilimutan, at naging basehan din iyon ng aking motto bilang manunulat: "My readers are the ones who keep the worlds I create alive and meaningful."


4. May paborito ka bang manunulat o kuwento sa Wattpad? Sino o ano ito, at bakit?

Si Miss April_Avery ang aking paboritong manunulat sa Wattpad sapagkat ang kaniyang mga storya, para sa'kin, ay breakthrough sa buong WattpadPH community kabilang ang mga mambabasa at manunulat. It's not just her stories that are magical, but also the wise choice of her words. Tila ba'y nadadala ako sa mga mundo at mayroong nababago sa mga pananaw ko. Hinding hindi ko rin makakalimutan ang advice niya bago magbasa ng 'Something Spectacular' sa twitter. "Remember who you are before you read it, the story might change you a little after reading."


5. Maaari mo bang ibahagi sa amin kung tungkol saan ang iyong kuwento, at gaano katagal mo nang isinusulat ito?

The Semideus, ang una kong nobela, ay inspired sa Greek Mythology at umiikot sa mga propesiyang ukol sa 'life, time, and death.' Bukod doon ay naging pokus ng storya ang adventure at pagkakaibigan ng mga Semideus o mga mortal na pinaboran ng mga Olympians. Ang storya ay nabuo sa loob ng halos limang taon, ngunit naniniwala ako'y hindi pa ito tapos isulat. Palagi't palagi ko itong binabalikan at inaayos upang mas gumanda ito. The story may be done, but the progress of its improvement isn't.


6. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?

Ang nais kong iparating sa mga bagong manunulat ay nakaka-inspire sila. Para sa'kin ay mas naeenganyo akong makakilala ng mga bagong manunulat. Iyon ay dahil sa passion nila datapwat kaunti pa ang nagbabasa o nahihirapan pa silang bumuo ng kwento. They hold so much power even if only little recognizes them. Iba kasi sa pakiramdam ang magsulat para abutin ang kamay ng iba, kaysa sa magsulat dahil alam mong may nakahawak sa kamay mo. Kaya, padayon lang! Tuloy sa paglalathala ng mga kwento, at balang araw ay kwento ng tagumpay mo ang maibabahagi.


7. Ano ang proseso mo pagdating sa world- building?

Ang world-building ay hindi lang pagbuo ng lugar o setting ng storya. Kaakibat ng world building ang pundasyon ng buong storya. Maaaring maglagay ng bagong paniniwala, magic system, o hierarchy system. Para sa'kin ay mahalagang alam ko muna ang pinaka-concept bago magpatuloy sa world-building. Matapos ay inaalam ko kung sino ang mga gaganap na karakter na mas lalong makakapagpaganda ng concept. Gusto ko lang din ibahagi na ang ilan sa mga karakter ko ay mula rin sa ideya ng mga mambabasa ko.

Gumagamit ako ng map maker katulad ng Inkarnate upang mas lalong ma-visualize ang mundong gagalawan ng aking mga karakter. Malimit din ay ipinapangalan ko ang mga lugar sa apelyido nila o di kaya'y sa attributes na kilala sa lugar na 'yon. 'Di ko rin nakakaligtaan ang pagbuo ng magic at political system, magical creatures, history, at relasyon sa pagitan ng mga karakter. Madugo ngunit masaya ang proseso ng world building. Sa opinyon ko'y isa 'yang proseso na 'di natatapos hanggang matapos ang storya— or in my case, isang never-ending process dahil konektado rin ang lahat ng mga mundong sinusulat ko. Kaya't hindi ko rin minamadali ang prosesong ito, at hinahayaang magpabago-bago basta't akma pa rin sa kuwento.


8. Maaari mo bang ilarawan sa amin ang iyong writing space?

Anywhere quiet could be my writing space. Madalas ay sa kwarto ako nagsusulat, bitbit ang laptop, cellphone, at notebook kung sa'n nakapaloob ang aking mga notes. Sa notebook din na 'yon nakasulat ang mga important details sa mga karakter at world-building para naman 'di ma-lost si lostmortals, jk. 'Di rin mawawala ang soundtrip sa t'wing magsusulat!


9. Anong eksena o chapter ng iyong kuwento ang pinakapaborito mo? Maaari mo bang ibahagi ito?

Sa tingin ko'y ang paborito kong eksena sa mga kwento ko'y ang mga gruesome o gore scenes sa Legend of Cambions, particularly from Chapter 16 and Chapter 27. Bago pa man ako magsulat ng 'The Semideus,' hinamon ko ang sarili kong magsulat ng mga ganitong eksena, ngunit napapangunahan ako ng takot na baka hindi ko maipahayag nang maayos 'yon. Matapos ang apat na taon ng pagsusulat at pangangapa sa'kin writing style, nagawa ko ring makabuo ng mga dark fantasy scenes. Gusto kong i-explore ang kakayahan ko bilang manunulat at sa mga eksenang 'yon ay napatunyan kong kaya ko pala.


10. May mga panahon bang kailangan mong bawasan ang mga eksena sa iyong kuwento? Bakit mo ito nagawa?

Habang nag-re-revise ng The Semideus, marami akong binawasang mga eksena dahil napansin kong wala siyang koneksyon sa plot o sa susunod na mga chapters. Dumating din sa punto na nagbawas ako ng karakter upang maisaayos ang storya. Matapos n'on ay mas binigyang pansin ko ang iba pang mga karakter upang ma-establish nang mas maayos ang plot. Bagaman maraming nabawas o nabago, nabawasan naman ang plot hole at mas maunawaan ng readers ang kwento.


11. Kung pipili ka ng lugar sa iyong kuwento na gusto mong tirahan, saan ito at bakit?

Ang Aerilon sa Aerilon Academy ang pinakamapayapang mundo na aking nagawa. Ang mundong ito ay napupuno rin ng mga magical creatures o beasts na hindi naman nakakapahamak sa mga mortal. Gusto ko ring makita ang mga floating islands sa mundong ito at maging konektado sa magical 'nature' na mayroon sila. Tila ba'y mawawala na agad ang problema ko, basta't tumingin lang sa kapaligiran.


12. Malapit na ang Pasko! Bilang isang manunulat, ano ang iyong mga hiling na gusto mong matupad?

Merry Christmas! Ang makatapos ng isa pang libro ngayong taon ang hiling na gusto kong makamit ngayong Pasko. Noong nakaraang dalawang taon ay nagawa kong makapaghatid ng regalo sa'king mga mambabasa sa pamamagitan ng mga updates, at nais ko sanang ipagpatuloy 'yon ngayong taon at sa mga susunod pa. Higit doon ay hinihiling ko rin na maramdaman ng aking mga 'Lost Mortals' sa Pasko ang presensya ko sa ilalabas na physical book ng The Semideus under PSICOM publishing inc.


13. Kung ikaw ay papipiliin, anong simbolo ng Pasko ang gusto mong maging at bakit?

Pananatilihin ko ang bituin bilang simbolo ng Pasko sapagkat nakikita ko 'yon bilang simbolo ng pagningning ng Christmas season. Maaari rin ang bituin magsilbing simbolo sa mga 'lost' o naliligaw upang magkaroon ng pag-asa— na sa Pasko'y kinakailangan lang nilang lumapit sa ating Diyos upang makabalik o makakita ng bagong landas. Bagaman nawawala sa'ting paningin ang mga bituin pagdating ng araw, hindi nawawala ang presensya nito— kagaya ng Pasko.


14. Kung makakasama mo ngayong Pasko ang isa sa iyong mga karakter, sino ito at bakit?

Si Xynthea na main character ng The Semideus ang karakter na gusto kong makasama at mapasalamatan ngayong Pasko. Bagaman isa lang siyang fictional character, nagawa niyang tuparin ang isa sa mga hiling kong makapag-publish ng libro. Ang paglalakbay ko bilang manunulat sa Wattpad ay nagsimula sa kaniya, at gusto kong ipakita sa kaniya kung ano na ang narating naming ngayon.


15. Ano ang mensahe mo sa iyong mga readers ngayong Pasko?

Maraming maraming salamat sa pagsama sa'kin ngayong Pasko! Malayo na ang narating ko, ngunit mas malayo ang mararating ko kapag kasama kayo. Patuloy lang tayong tumingala sa bituin at sundan ang landas na ilalaan para sa'tin. In times that you feel lost, remember that you're always set to come to the point of your resolution. Sana'y 'wag niyong kalimutan na kasama niyo palagi ang ating mga karakter. Hiling ko'y matupad niyo rin ang inyong mga hiling at pangarap sa buhay. Mahal na mahal ko kayo, mi Lost Mortals!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top