December 2021 (i) Panayam kay fallensermo

1. Ano ang kuwento sa likod ng iyong unique na username? 

To be honest, galing itong username na ito nung mga araw na trip kong maging "mysterious". So yung "Fallen" part is not related sa fallen angels or anything in that vein. Kundi, sa kung paano nahuhulog sa isipan ko ang mga salita para sa isang ideya ng storya. Tapos yung "Sermo" is the latin word for well, word. Mandalas kasing tinatanong sa akin na, 'Pa'no mo naisip 'to?' tapos lagi kong sagot, 'Ewan, nahulog lang sa utak ko.' 

2. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat? 

Mga 12-13 nagsusulat na ako pero puro fanfiction ng EXO, tapos after watching City of Bones: The Mortal Instruments na-inspired ako magsulat ng sarili kong kwento na fantasy na hindi ko maalala kung tungkol saan. Sa notebook pa ako nagsusulat noon bago sa Wattpad. But even then, I always had an overactive imagination, so madalas nagde-daydream ako noon before I even knew the word daydream, I just wasn't able to jot them down into a story. 


3. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito? 

May nagturo lang sa akin kasi dati nakikibasa ako ng fanfiction sa phone ng iba, tapos sinabi na i-download ko. Hindi ko kasi alam san makakabili ng libro ng fanfiction, since avid reader na talaga ako bata pa lang. Nagsimula na ako magbasa ng fanfiction hanggang sa lumawak na yung mga genre na binabasa ko. Until hanggang naging parte na siya ng buhay ko. To be honest, hindi ko maalala bakit, but I must say na sa Wattpad lang din ako natuto magpursige sa pagsusulat at pagbabasa, at dahil rin dito, marami akong nakilala. Pero laking gulat ko na pwede ka pala mag-share ng stories mo, akala ko talaga kailangan ng license para maging writer. :') 


4. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit? 

Wala akong paboritong manunulat, mga libro, oo. Ewan ko rin. Pero may mga manunulat ako na gusto ko yung writing style o yung mga akda nila. But as an homage to the writers that kickstarted my habit, and made me fall in lvoe with literature, sabihin na nating si Pittacus Lore. 


5. May paborito ka bang manunulat o kuwento sa Wattpad? 

Marami akong manunulat na binabalik-balikan ko yung mga kwento; Si Ate Mitch (cappuchienoo [hello, ate!]), si Ate Rayne (pilosopotasya), iDangs, Louisse Carreon (Fallenbabybubu). As for stories, yung The Good Girl's Bad Boys by Rubixcube89201 tska The Bad Boy and the Tomboy by Nicole Nwosu. 


6. Ano ang hilig mong gawin kapag hindi ka nagsusulat? 

Lately, nag-eedit ako photos na related sa aking sinusulat, and curating Youtube/Spotify playlists. If not directly writing, then I'm plotting. If I'm not doing anything mentioned above, nag-aaral ako o natutulog. 


7. Limang taon mula ngayon, bilang manunulat, saan mo nakikita ang iyong sarili? 

If it's in the LORD's will, sana may natapos akong mga akda na nagbigay insipirasyon sa mga nakabasa. Tska gusto ko talaga makapag-publish ng libro, kahit kopya ko lang. 


8. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na makipag-collab sa ibang manunulat, lokal man o international / sikat man o hindi, sino ito at bakit? 

Una, yung Chikading: Eula, Endee, Deng, tska si Adi. Haha. Tapos si Ate Mitch, pero fantasy yung genre. Isagad ko na, pag-international, si Uncle Rick Riordan. 


9. Saan mo hinuhugot ang inpirasyon sa bawat kuwentong isinusulat mo? 

Ganito kasi 'yan, I'm easily influenced by the things I consume. So naturally, if nagbabasa ako ng romance, baka romance scenes/ideas ang mahuhulog sa isipan ko. Pero usually, wala naman akong need for inspirations kasi lagi akong nagde-daydream, everything just happens in my head. I can manipulate a story inside the events that are happening in my head. 


10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat? 

Wala na kasi akong maibibigay na unique na advice na hindi na nila narinig sa iba kaya uulitin ko na lang ulit. Palawakin mo ang mga genres ng libro na binabasa mo, but learn from the writers you are reading how do they write their stories. 

Isa rin sa mga natutunan ko ay wag hintayin/hanapin ang inspiration at motivation, magsulat ka lang. Kahit wala pang sense yan or what, pigain mo ang iyong utak, then tska mo tignan. Aside from that, maging adventurous ka sa pagsusulat. Try to write in different POVs, utilize story prompts, yung contests sa Wattpad para nahahasa yung skills mo as a writer. 

I also want to say na don't forget to enjoy the process of writing. Wala akong masasabi na tatak sayo kung hindi mo nae-enjoy ang pagsusulat ng mga istorya. Kung baguhan kang manunulat, wag kang matakot na baka basic yung plot mo, genre mo, i-enjoy mo lang. Just write.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top