December 2021 (i) Panayam kay AnjSmykynyze
1. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat?
Bata pa lang ako, mahilig na akong magsulat ng kwento. High school ako nang simulan ko ang isinulat kong kwentong, "No Ordinary Love Songs," ngunit noong panahon, wala pang mga apps tulad ng Wattpad na nagbibigay ng oportunidad na makapagsulat ng kwento, hanggang sa nalimutan ko na ang tungkol dito. Nang maipakilala sa akin ang Wattpad, naisip ko na subukang isulat ang kwentong naisip ko noon. English ang kwento at konti lang ang readers ko – madalas, mga kaibigan ko lang.
Noong minsang napag-usapan namin ang pagsusulat ng kwento, hinikayat ako ng kaibigan ko na magsulat sa lenggwaheng tagalog. Dahil dito, isinulat ko ang una kong taglish story na pinamagatang "When the Foolish Heartbeats." Dahil sa unang taglish story ko, nakagawa ako ng iba pang kwento na tungkol sa mga kaibigan ng main characters dito.
2. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito?
July 27, 2014 nang ma-aksidente ako dahilan kaya hindi ako makapaglakad ng ilang buwan. Sa mga panahong iyun, nagiging bored ako kaya niyaya ako ng aking kaibigan na magbasa ng mga kwento sa Wattpad. Mula noon, naging parti na ng buhay ko ang pagsusulat at pagbabasa ng mga kwento sa wattpad.
Dahil sa mga nababasa kong kwento at sa mga napapanood kong teleserye, maraming malilikot na ideya ang pumasok sa isip ko. Noong minsang nakagiliwan naming pag-usapan ang mga nabasa't napanood namin (kami ng mga kaibigan ko), hindi ko maiwasang isatinig ang mga gusto ko sanang mangyari sa mga kwento. Dito na ako hinikayat ng mga kaibigan kong subukan ang pagsusulat.
3. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit?
Si Sandra Brown. Ang unang nobelang nabasa ko ay gawa ni Sandra Brown at ang pamagat nito ay, "Mirror Image." Mula noong nabasa ko ang panulat niya ay nagkaroon ako ng interes sa mga nobela.
Paborito ko rin sina J.R.R. Tolkien at Suzanne Colins. Fascinated ako sa mundong nagawa nila. Isa ito sa mga nais kong magawa, ang makagawa ng mundo na hindi karaniwan pero subrang nakakarelate ang mga pangyayari.
4. May paborito ka bang manunulat o kuwento sa Wattpad? Sino o ano ito, at bakit?
Marami akong naging paboritong manunulat sa Wattpad pero ang tumatak ay si Purplenayi dahil nakakarelate ako sa mga kwentong isinusulat niya. Pinakapaborito ko sa lahat ay ang kanyang "The Nerdy Rebound Girl". Maliban kay Purplenayi, paborito ko rin si Vampiremims at ArabelleRay. Lahat ng mga nasulat nila ay nabasa ko.
5. Maaari mo bang ibahagi sa amin kung tungkol saan ang iyong kuwento, at gaano katagal mo nang isinusulat ito?
Madalas sa mga kwentong sinusulat ko ay tungkol sa mga unrequited love pero nagkaroon ng twist. Sina Patricia Sandoval ng "Sold to My Ex-Husband", Vivienne Sy ng "My On-Cam Wife" at Arlene Mejorada ng "The Woman He Broke" ay mga babaeng nagmahal ng mga lalaking my mga inner issues, dahilan kaya hindi kaagad nasuklian ang kanilang pagmamahal.
Noon, umaabot sa apat hanggang anim na buwan saka ko natatapos ang isang kwento. Ngunit mula noong nagkaroon ako ng malaking responsibilidad sa trabaho, madalas umaabot ng isa o dalawang taon saka ko natatapos ang ginagawa ko.
Ngayon, pinipilit kong makatapos ng mga kwento, lalong-lalo na dahil marami pa akong mga pending.
6. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
Plan ahead, research, and start writing.
Plan ahead – madalas nababasa ko sa mga writers ay yung ideya na nagsusulat lang sila base sa kung ano ang pumapasok sa isip nila. Hindi ko naman sinasabing mali ito, pero mas mainam talaga kung pinag-isipan ng maigi ang bawat pangyayari sa isang kwento. Foreshadowing and hints makes reading rewarding. Madalas kasi sa mga readers, natutuwa sila kapag nahulaan nila ang mga bagay na nangyayari sa kwento. Marami din sila ang namamangha kapag may mga bagay na ibinigay bilang 'hint' pero hindi nila ito nahulaan.
Research – marami sa mga readers ngayon ay very skeptical. Kinukwestiyon nila ang mga impossible sa mga kwento, lalong lalo na kapag "realistic" ang dating ng kwento.
Start writing – ito rin ang payo ko para sa sarili. Maraming magagandang ideya na lumilipas lamang dahil madalas sinasabi natin na "wala ako sa mood magsulat". Base sa karanasan ko, hindi mood ang kailangan upang makatapos ng kwento kundi determinasyon. Napansin ko kasi na kahit wala ako sa mood magsulat, kapag pinu-push ko ang sarili na magsulat, nakakabuo pa rin ako ng magandang akda. Ito ay dahil "ideas flow when you let it flow." Ibig sabihin, kahit wala ka sa mood, i-try mong magsulat. Magugulat ka na lang dahil maraming ideyang papasok dahilan upang makatapos ka ng isang kwento.
7. Anong libro ang humubog sa iyo bilang isang manunulat?
Maraming libro ang humubog sa akin bilang manunulat:
"The God of Small Things" by Arundhati Roy at "Joyluck Club" by Amy Tan – ito ang ilan sa mga classic novels na humubog sa aking pagiging manunlat. Dito ako nagkaroon ng magagandang ideya kung paano isulat ang mga emosyon ng aking mga karakter.
"Ugly Love" by Colleen Hover and "50 Shades of Grey" by E.L James – dito ko natutunan kung paano isiwalat ang mga steamy scenes ng aking mga kwento.
Greek Mythology – bata pa lang ako, mahilig na ako sa Greek mythology. I love how the imperfect lives of the Greek gods and goddesses made them a perfect lesson for human beings.
8. Ano ang para sa 'yo ang pinakamagandang investment pagdating sa pagsusulat?
Reading. Laptop. Internet.
Reading dahil ito ang nagpapataba ng utak ng isang manunulat.
Laptop dahil dito ginagawa ang isang obra ng manunulat. Kung walang laptop, pwede na rin ang cellphone.
Internet dahil kung walang internet, mahirap magresearch, magbasa at magpost ng kwento.
9. Para sa iyo, ano ang espesyal na katangian ng libro mong "The Kiss of Poison Venus"?
Ang pagiging combination niya ng Mafia theme, Romcom, Action at steamy scenes. Nagawa ko ring idagdag ang women empowerment na theme.
Sa tingin ko ang pagiging vulnerable but at the same time fierce ni Semira Ernestine, ang main character ng story, ang dahilan kung bakit espesyal ang kwento. It is in the irony of her character that makes the story special.
Bilang prinsesa ng Amano-Kai, deprived siyang malaman, matuklasan at maramdaman ang "LOVE". Kaya noong maramdaman niya ito, she was totally lost at natakot siya dahil hindi siya pamilyar sa pakiramdam.
But Semira is an expert of seduction. Hindi man niya alam ang "LOVE", marami naman siyang alam tungkol sa "SEX" – but the biggest irony there is, she is an expert on "SEX" but she herself is a "VIRGIN".
So the book tackled basics of love on a funny, amusing, and delightful way – kasi love and sex goes together, pero paano ipapaliwanag sa isang expert on sex ang love? So the story goes on in a naughty but cute way of explaining what love is.
10. Mayroon ka bang routine na ginagawa kapag ikaw ay magsusulat ng kuwento?
Madalas, nakikinig ako ng mga kanta o manonood ng TV series. Habang ginagawa ko ito, iniisip ko rin ang takbo ng aking kwento. Minsan nakakakuha ako ng inspirasyon sa mga pinakikinggan ko o pinapanood ko.
Minsan naman, nagwi- window shopping ako. Habang naglalakad, iniimagine ko ang mga ganap ng aking kwento. Sa mga nakikita kong mga tao sa mall, at sa mga sitwasyong nakikita ko, minsan nakakaisip ako ng mga what if's na binabahagi ko sa aking kwento.
11. Mayroon ka bang mga plinaplanong bagong kuwento? Maaari mo bang bigyan mo kami ng pasilip nito?
Sa ngayon, may tinatapos akong kwento na hindi ko pa pwedeng isiwalat; pero may hinahanda akong kuwento para sa 2022, at ito ang kuwento ni Daegan Ross – ang third wheel nina Vyn at Semira sa "The Kiss of Poison Venus".
The story will start parallel to "The Kiss of Poison Venus" timeline in the POV of Daegan Ross, but it will continue as a sequel dahil isusulat ko dito kung ano ang nangyari kay Daegan pagkatapos mabuwag ang Amano-Kai.
Ang mga katanungan na sasagutin ng kuwentong, "On Daegan's Bed":
1. Bakit hindi kaagad kinuha ni Daegan si Semira nang malaman niyang nasa puder ito ni Vyn?
2. Ano ang mas malalim na lihim ni Godfather tungkol sa pagkatao ni Daegan?
3. Nabuwag ba talaga ang Amano-Kai pagkatapos mahuli't mamatay si Godfather?
4. Ano ang nangyari sa mga trainees ng Amano-kai? Naisalba ba sila? Saan sila napunta?
5. Sino ang makakatuluyan ni Daegan? Sila ba talaga ni Divo/Regiflor?
12. Malapit na ang Pasko! Bilang isang manunulat, ano ang iyong mga hiling na gusto mong matupad?
Namiss ko ang magkaroon ng meet-up at book signing. Kaya ang hiling ko ay sana ngayong December 19, 2021, may mga readers akong mameet at dadalo sa mini-meet-up ko sa SM MOA.
Mahigit dalawang taon na akong hindi nakapunta ng Maynila dahil taga-Mindanao ako. Dati, halos taon-taon akong bumibiyahe papuntang Manila para sa book signing, lalong lalo na tuwing MIBF.
Ngayong taon, swerteng nakapag-book ako ng flight papuntang Manila – actually, gift ko ito sa mga anak ko dahil sabay silang magtatapos ngayong taon (from different levels: college, high school and grade 6). Isiningit ko talaga ang mini-meet up sa December 19 (Sunday)- nagbabakasakaling may gustong pumunta at magpapapirma ng published books ko.
13. Kung ikaw ay papipiliin, anong simbolo ng Pasko ang gusto mong maging at bakit?
STAR – dahil sa pandemyang nagpapadilim ng ating mundo, at dahilan kung bakit hindi tiyak ang lahat na maaaring gawing balak, gusto ko maging isang star – di ko man maliwanagan ang lahat, magsisilbi naman akong "pag-asa" na darating pa rin liwanag.
Sana makatulong ang mga kwento sa pagbibigay saya at pagpaparamdam ng pag-asa sa mga readers ko.
14. Kung makakasama mo ngayong Pasko ang isa sa iyong mga karakter, sino ito at bakit?
Si Semira Ernestine ng "The Kiss of Poison Venus" – gusto kong pag-usapan namin kung ano ang isusulat ko tungkol sa buhay ni Daegan sa "On Daegan's Bed".
Dahil makwela at mataba ang utak ni Semira, siguradong magiging masaya ang pagsasama namin. Paniguradong mapupuno ng kapilyuhan ang kuwento ni Daegan.
15. Ano ang mensahe mo sa iyong mga readers ngayong Pasko?
Life will go on after the beginning of the end—the end of the pandemic. Marami mang bagay ang nabago dahil sa pandemya, marami naman tayong natutunan. Kapit lang tayo dahil malapit nang dumating ang araw para muli naman nating malasahan ang Kalayaan – Kalayaan mula sa pagkakulong sa ating mga bahay.
Ngayong Pasko, spend time with your family. Malaki ang posibilidad na babalik na ang lahat sa normal – magiging busy na tayo sa umaga dahil kailangan na nating maghanda para sa pagpasok sa trabaho/eskwelahan; magiging traffic na ulit dahil marami ang maghahabol na hindi male-late sa time-in; kukulangin na naman tayo sa oras dahil isisingit na natin ang pagkikita natin sa ating mga kaibigan: night-outs, drinking spree, parties. Mamimiss na natin ang paggising sa umaga at makasama ng mas mahaba ang ating kapamilya. There will be lesser family movie nights, lesser long dinner-talks, and weekend bonding in-the-house in lieu of barkada nights, overtime duties, and weekend conventions --- ang Pasko ay para sa pamilya, spend it with them dahil darating ang araw na mamimiss mo ang pakiramdam na makasama ang kapamilya mo kapag wala na sila.
I've lost loved ones due to the pandemic and it gave me one lesson – to spend and enjoy the company of your siblings and of your parents while you still can.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top