December 2021 (i) Meet the Community

Simula na naman ng bagong buwan! Ibig sabihin nito, may bago na namang isyu ang ating newsletter! Ngunit bago ang lahat, nais namin kayong pasalamatan sa suportang inyong ibinigay sa newsletter na ito sa nakalipas na taon. 

Ang isyu na ito ay ang panlabing-dalawang isyu ng ating newsletter... Ibig sabihin, nagkasama na tayo sa pagkilala sa iba't ibang manunulat at ambassador, pati na rin sa pag-abang sa mga kapana-panabik na aktibidad na inihanda ng Wattpad at ng Wattpad Ambassadors para sa inyo!

Maraming maraming salamat sa inyong suporta at magbabalik kami sa susunod na buwan bitbit ang mga bagong pakulo para sa inyong lahat!

Para sa isyung ito, aming kinapanayam ang mga sumusunod:

Wattpad Stars: AknedMars, AnjSmykynyze, lostmortals, stoutnovelist, VR_Athena

Undiscovered Writers: ar_verayo, fallensermo, YOULUH

Wattpad Staff: cappuchienooo, littleauds, nayinK, peachxvision, pilosopotasya

Halina't kilalanin natin sila!

---

Wattpad Stars

Nagsimula si AknedMars na magsulat sa Wattpad noong 2011. Sa kasalukuyan ay isa na rin siyang manggagawa ngunit nananatiling nagsusulat sa Wattpad. Ang mga akda niya ay relatable at naglalaman ng kilig, comedy at drama na nagmula sa pangyayari sa tunay na buhay.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni AknedMars.<<


Isang proud Iliganon na mahilig magbasa at manood ng mga drama sa telebisyon. Nagsimula siyang magsulat noong 2015 nang hamunin siyang sumulat ng Filipino story sa wattpad. Angieross Sharon Valenzuela o "Anj" for short, ay kilala bilang AnjSmykynyze sa Wattpad. Ang kanyang pangalan ay kumbinasyon ng palayaw niya at mga palayaw ng kanyang mga anak – Smyle, Kyss at Nyze. Ilan sa mga na-publish niyang kwento ay ang "The Woman He Broke", "Sold to My Ex-Husband" at "My On-Cam Wife" sa Psicom habang isa naman sa kanyang mga kwento ay napabilang sa Paid Stories ng Wattpad at ito ay ang "The Kiss of Poison Venus".

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni AnjSmykynyze.<<


Si lostmortals sa Wattpad, o kilala rin bilang Melgen o Meg, ay mahilig sa mga fantasy stories. Ginagamit niya ang kaniyang panulat upang lumikha ng mga mundo at magbahagi ng mga kuwento sa mga estranghero, na kalauna'y naging bahagi ng kaniyang binuong sansinukob. Tinatawag niya ring "Lost Mortals" ang kaniyang mga karakter at mga mambabasa dahil naniniwala siyang lahat tayo'y nawawala habang binubuo ang sarili nating mga storya. Noong 2020, nanalo ang kaniyang fantasy-scifi novel na "The Orphic Secret," at naging opisyal na Wattpad Star noong magbukas ang taong 2021. Ang kaniyang "The Semideus" ay maisasalibro naman sa ilalim ng PSICOM Publishing Inc. Gayunpaman, ang lahat ito ay magiging imposible kung hindi muna siya naging isang mambabasa.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni lostmortals.<<


Si Sario Julian o stoutnovelist sa Wattpad ay dalawampung taong gulang na ang nais niya ay iparating ang kaniyang kwento sa mga mambabasa para mabigyan ang mga ito ng inspirasyon at aliw. Siya ay nagsusulat sa iba't ibang genre; paranormal, fantasy, young adult, romance, new adult, horror o mystery/thriller. Siya ay nakapagsulat na ng 23 na kwento sa Wattpad, pero 15 lamang ang naroon dahil kailangan niya muna itong ayusin. Bukod doon, marami pa siyang isusulat. Nabigyan siya ng pagkakataon na makilala sa Wattpad nang manalo siya sa Wattys Award at nabigyan ng Wattpad Star badge. Nakilala niya ang mga manunulat na hinahangaan at pangarap niya lang noon na maka-usap. 

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni stoutnovelist.<<


Si VR_Athena ay isang Historical Romance writer sa Wattpad. Siya ay nanalo ng Wattys 2020 at naging Wattpad Star sa kaparehas na taon. Kasalukuyan siyang nagsusulat ng mga series na nakapaloob sa iisang mundo. Ang mga akda niya ay patungkol sa time-travelling at ang pangingialam ng mga Diyos sa buhay ng mga tao.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni VR_Athena.<<

---

Undiscovered Writers

Si A.R. Verayo ay isang manunulat na palaging lunod sa kwento ng iba. Paminsan-minsan ay umaahon siya't nagsusulat para makahinga. Unconsiously, matalinhaga siya at parating nagsusulat ng mga bagay na sa tingin niya'y kakaiba. Kung hindi man ay iikutin niya ito hanggang sa makuntento siya. Karamihan ng mga ito'y nasa utak pa niya pero balang araw, hiling niyang, makawala ito't mamuhay sa utak ng iba.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni ar_verayo.<<


Para kay Fallen Sermo, ang pagsusulat ay isang paraan ng paghinga ng kanyang utak. Fallen Sermo also likes to spend her time daydreaming, sa mga mundong nabubuo niya gamit ang mga salitang dahan-dahang pinaghalo. Habang linalangoy niya ang kanyang malawak na imahinasyon, inilalathala rin niya ang mga nakikita niya na magiging isang istorya balang araw.

 >>I-click ito upang mabasa ang interview ni fallensermo.<<


Si E. Mayari o mas kilala sa username na YOULUH ay isang kwentista. Para sa kaniya, ang buhay ay punong-puno ng kuwento. Mga kuwentong maaring galing sa sariling karanasan o 'di kaya naman ay mula sa mga taong nakikilala. Puwedeng kapulutan ng aral o minsan ay for the sake of bragging rights lang. Basta ang mahalaga, may kuwentong maibabahagi sa mundo. Kaya naman nasa wattpad siya ngayon, nagbabasa ng iba pang kuwento at balak ibahagi ang mga kuwentong matagal niya ng iniipon.

 >>I-click ito upang mabasa ang interview ni YOULUH.<<

---

Wattpad Staff

Bukod sa pagiging frustrated na manunulat, tamad na mambabasa, at freelance na editor, si Mitch ay nagtatrabaho bilang Content Associate ng Wattpad WEBTOON Studios. Kung hindi siya nagre-review ng mga kuwento, gumagawa ng story assessments, at nakikipag-ugnayan sa mga manunulat, malamang ay abala si Mitch sa panonood ng Asian dramas, pag-inom ng kape, o pagbabasa ng Christian books.

 >>I-click ito upang mabasa ang interview ni cappuchienooo.<<


Si Audrin ay nagsimulang maging bahagi ng Wattpad Ambassadors Program noong 2014. Isa sa mga responsibilidad niya noon ay ang mag-organize ng mga Wattpad Meet-up tuwing summer at MIBF season. Ngunit dahil naging prayoridad niya ang kaniyang pag-aaral, iniwan niya ang programa noong 2017. Ngayong 2021, nabigyan siya muli ng pagkakataon at oportunidad na maging bahagi ng Wattpad pero sa pagkakataong ito ay bilang isang Wattpad Staff.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni littleauds.<<


Si Nayin Yagdulas, kilala rin bilang nayinK sa Wattpad, ay... isang author na nakapagpaglathala na ng tatlong libro: I'm 20 but still NBSB (na ipinalabas din sa TV5 Wattpad Presents noong 2015,) Tadhana Compilation, at Life: A Rainbow (mga anthology ng mga maiikling fiction stories.), isang accountant, isang Wattpad Staff, at isang bagong wife at mommy! Ang huli ang para sa kanya'y pinakamaganda at makabuluhang naidagdag sa pagpapakilala niya. :) Siya ay alagad ng ka-busy-han dahil sa rami ng kanyang ginagawa pero naniniwala siya na hanggang masaya siya, ipagpapatuloy niya ito.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni nayinK.<<


Si Peach, o mas kilala bilang peachxvision sa Wattpad, ay isang manunulat at editor. Sa mahigit isang dekada niyang pagsusulat online, nakapaglimbag siya ng pitong nobela, at lahat ng mga ito ay nakilala rin sa Wattpad. Bukod sa pag-e-edit at pagsusulat ng mga nobela, maiikling kuwento, at tula, mahilig din siya tumuklas ng mga bagong kapihan, sumulat ng mga blog, tumugtog ng gitara, at gumuhit.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni peachxvision.<<


Si pilosopotasya ay ilang taon nang kuwentista at founder ng Guilty Reads community. Ang laman ng catalogue niya ay mga Taglish serialized online stories na naglalakbay sa human morality at darker shade ng cliches na minsan ay may patak ng humor na binuhasan ng reyalidad. Balak niyang magsulat pa ng mas marami sa iba't ibang genre, mas matuto pa sa mundo, at mas dumami pa ang kaalaman. Matapos ang mahabang pagmumuni-muni at paglayo sa pagsusulat ng fiction stories, dala ang kanyang mga kaalaman ngayon, hinukay niyang muli ang dahilan kung bakit nga ba siya nag-umpisa: nagsusulat dahil masaya.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni pilosopotasya.<<

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top