August 2021 (i) Panayam kay zhaniamarie_07
1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang?
Nagsimula akong maging isang Wattpad Filipino Ambassador noong 2018. Tatlong taon na akong nagvo-volunteer bilang isang ambassador sa Wattpad community.
2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador?
We as part of the Wattpad Ambassador help the readers to connect and engage in the Wattpad community. Kabilang ako sa engagement team, bilang isang senior ambassador at bilang isang volunteer naglalaan kami ng apat na oras upang maisagawa ang mga task, prompts at initiatives para sa aming wattpad profile. Masaya ang mapabilang sa lumalagong pamilya ng mga taong handang maglaan ng oras para sa komunidad na ito.
3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador?
Noong panahon na iyon ay kakapasok ko pa lamang bilang isang public school teacher subalit dahil napaka-interesante ng notification na nagpop-up mula sa isang profile sa wattpad na finafollow ko ay napagdesisyunan kong magbakasakali na matanggap... and the rest is history. Napagdesisyunan ko ring sumali dahil gusto kong lumabas sa aking comfort zone, sobrang mahiyain kasi ako at hindi sana'y makihalubilo kahit na Communication Arts graduate ako. But luckily as of now masasabi kong unti-unti ko ng napagtatagumpayan na makalabas sa shell na iyon dahil na rin sa tulong ng Wattpad Ambassador community at ng pagiging guro ko.
4. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad?
Simple lang naglalaan ako ng oras ko tuwing wala akong ginagawa o kaya pag masyado nang stress at toxic sa work ko. Syempre kailangan maglaan ng oras para sa mga bagay na nakapagpapagaan ng iyong kalooban at nagpapasaya sa iyo. Totoong mahirap pagsabayin ang pagtuturo at ang pagvovulunteer subalit maraming mga bagay ang matututunan mo lamang kapag ibinigay mo ang iyong oras at pagsusumikap upang magawa ang bagay na iyong nais.
5. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador?
Iba-iba man tayo bilang mga miyembro ng Wattpad ambassador tayo ay nagkakaisa bilang isang pamilya.
6. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors?
Masasabi kong ang working environment ng Wattpad Ambassadors ay napakapropesyunal dahil kahit na maraming mga bagay ang ginagawa ng bawat miyembro sa labas ng Wattpad Ambassador ay napapanatili ng bawat isa ang pagtutulungan at pagsisikap na maging bahagi ng bawat task, prompts at inititiatives na isinasagawa ng buong team. At higit sa lahat ang culture at working environment ng Wattpad Ambassador ay napaka-caring dahil inaalalayan ng bawat isa ang mga miyembro lalo na ang mga profile leads at mga "ate" sa Ambassador. Thank you rin kay ate Raice ,ate Nayin, Sir Gav, Sir Dan at Sir Ryan na napakabait sa aming mga Ambassador.
7. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasá?
Nakatutulong ito nang malaki dahil nahahasa ang mga ambassador sa pagsusulat, paghawak ng mga contest at syempre nahahasa rin ang kakayahan ng bawat ambassador sa pagiging hurado ng mga patimpalak na sila mismo ang nag-isip at nag-asikaso. Bilang isang ambassador malaking bagay din ang seminar na isinagawa noong nakaraang Mayo upang maging mas mahusay kami sa aming pagsusulat at pag-iisip na rin ng mga bagong patimpalak na kagigiliwan ng mga mambabasa sa wattpad.
8. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador?
Marahil ang isa sa mga hindi ko malilimutang nakaranasan mula nang ako'y maging wattpad ambassador ay ang pagkakaroon ng mga bagong kaibigan at kakilala though hindi ko pa sila nakikita pakiramdam ko we became a big family. To my FanFicPH family especially to ate Rochel, Ven, Jean, Saviorkitty and Marianne I am so happy to be a part of the team. And also to the Wattpad Masterclass Family na pinangungunahan ni ate Mitch I am beyond grateful that I was able to know and work together with you guys.
9. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community?
Natural ang kritisismo hindi lamang sa wattpad kundi kahit sa labas man ng wattpad community naipapahayag ng mga manbabasa ang kanilang mga hinaing at komento hinggil sa isang bagay. Sabi nga nila hindi mo maaaring pilitin ang lahat para magustuhan ka subalit kailangang maging mabuti ka pa rin sa lahat ng pagkakataon. Kaya nagpopukos na lamang ako sa paggawa ng mga bagay na maaaring makatulong sa aming team upang mas mapabuti pa ang aming mga gawain para sa Filipino Wattpad community.
10. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap?
Dare to Dream. This is my message to all of the aspiring Ambassadors who wants to join the team. Minsan kailangan mo lang sundin ang ninanais ng iyong puso at syempre dapat ay may pagsisikap ka upang makamit ito katulad na lamang ng pagsali sa programang naglalapit sa mga mambabasa at manunulat – Ang Wattpad Ambassador Program.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top