April 2021 (ii) Writing and Multimedia Tips

Sawang-sawa ka na bang paulit-ulit na niloloko? Taon-taon ka na lang bang nasasaktan? Para sa buwan ng Abril, ulit-ulitin natin ang mga salitang pwedeng pag-usapan.

Katulad ng mga salitang nagamit sa itaas, ang pag-uusapan natin para sa ating Writing Tips ngayong buwan ay ang mga inuulit na salita!

Marami sa atin ang nag-iisip na kapag inuulit ang salita, awtomatikong nagbabago ang patinig ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nangyayari iyon.


Ilan sa mga salita na hindi kailangang baguhin ang patinig (E o O) ay ang mga sumusunod:

babaeng-babae hindi babaing-babae

biro-biro hindi biru-biro

ano-ano hindi anu-ano 

alon-alon hindi alun-alon

taon-taon hindi taun-taon 

pito-pito hindi pitu-pito 

patong-patong hindi patung-patong

sunod-sunod hindi sunud-sunod


Ngunit pakatandaan na may ilang mga salita na kapag inuulit na at binago ang patinig nito ay nag-iiba na ang kahulugan. Ilan sa mga halimbawa ay ang mga sumusunod:

salo-salo — magkakasama at magkakasabay na kumain 

salusalo — isang piging o handaan para sa maraming tao 

bato-bato — paraan ng paglalarawan sa daan na maraming bato 

batubato — ibon, isang uri ng ilahas na kalapati


At dito nagtatapos ang Writing Tips sa buwan na ito. Nawa'y nakatulong ito sa inyong pagsusulat. Hanggang sa susunod na isyu!


Sanggunian:

Almario, V. S. (2014). KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat. Manila: Komisyon sa Wikang Filipino.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top