Intro

Mga tao. Ang pinakamahinang nilalang sa mundong ito.

Hindi gaya ng mga hayop, wala silang taglay na bangis at sapat na pisikal na kakayahan para protektahan ang sarili nila.

Hindi gaya ng mga halaman, wala silang kakayahan na sustentuhan ang sarili nang hindi umaasa sa ibang nilalang.

Hindi kagaya ng mga anghel, maiiksi ang buhay nila.

At higit sa lahat, hindi kagaya ng mga demonyo, wala silang kapangyarihan.

Mahina sila.

Pero bakit sa lahat ng mga nilalang sa mundong ito, bakit parang sila ang pinapaboran ng kalangitan? Bakit sa kanila lahat binibigay ng mga bathala? Bakit sa lahat ng mga nilalang, sila ang pinili?

Ano bang meron sa mga mortal na mga ito?

Ano bang meron sa mga tao?

***

New story! Again. Oo, alam ko, pero parang excited kasi ako sa idea at parang nakakatuwa siya so isusulat ko na muna siya. Sana abangan niyo! Siya nga pala, salamat sa pagbabasa at vote naman kayo diyan. Thanks!

© Ren Sato/TheAnonymousBastard

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top