Chapter 8

Anthony

Nagising ako at may naamoy na masarap na ulam. Ang galing talaga ng asawa ko, alam pa rin pala niya na isa sa mga paborito kong ulam ay ang kaldereta.

Pagkalabas ko ng kwarto ay ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako sakanya, niyakap ko siya kahit nagluluto siya. Bakit ba? Namiss ko ang asawa ko eh.

"Huwag mo na ako yakapin. Sige ka, mag-aamoy ulam ka. Mabaho ako, tigilan mo iyan. Nakakahiya sa iyo Anthony!" sabi ni Celine sa akin

Kahit pinapalayo niya ako ay tuloy pa rin ako sa pagyakap sakanya. Wala akong pakialam sa amoy niya, bakit ba? Asawa ko siya, trabaho ko na mahalin siya at ipakita iyon kahit sa maliit na bagay lang.

"Ano naman kung amoy ulam ka ha? Isa pa, paborito ko namang ulam iyan kaya walang problema. Isa pa, gusto din naman kitang ulamin eh. Ayaw mo ba?" sagot ko kay Celine

Nakita ko siyang natawa dahil sa sinabi ko. Ang tawa niyang iyon, may halong kilig at saya. Puno ng pagmamahal para sa akin. Haynaku, ang swerte ko talaga sa asawa ko.

"Kung anu-ano naman ang sinasabi ng asawa ko. Binobola mo pa ko ah. Hayaan mo, ilang minuto na lang ay luto na yung kaldereta mo." sagot niya sa akin

"Sige, kakainin kita este yung kaldereta. Alam kong masarap iyan, ikaw nagluto eh. Namiss ko ang luto mo actually." sagot ko naman sabay inamoy-amoy ulit ang niluluto niyang kaldereta

Pagkatapos noon ay nagbihis na ako sa loob ng kwarto. Kinuha ko ang cellphone at chineck iyon kung may importante ba akong babasahin.

Nakita ko, may message ang ka-officemate ko sa akin. Nakalimutan daw pala niyang sabihin na may lunch meeting kami ngayon.

Bigla akong nalungkot dahil ito na nga lang ang araw kung saan magkakaayos kami ni Celine pero inaagaw pa rin iyon ng trabaho ko. Nakakainis.

Hindi pa nakuntento ang ka-officemate ko, tumawag pa siya para ipaalala sa akin ang lunch meeting na parang ayaw ko naman puntahan.

"Uy pare, yung lunch meeting ha? Pasensya ka na, hindi ko pala nasabi sa iyo. Alam kong day off mo ngayon pero sorry. We need you here." sabi nung ka-opisina ko sa kabilang linya

"Ah eh, hindi ba pwede bukas? Ang sakit ng katawan ko pare eh. Need ko magpahinga, baka naman mapapag-usapan iyan bukas pagbalik ko sa trabaho?" hirit ko pa, baka sakaling makalusot eh

"Hindi talaga pwede pare eh, hayaan mo kapag tapos na tayo dito eh makakapagpahinga ka na. Mabilis lang naman itong meeting. Sorry, kailangan ka talaga dito eh." sagot naman niya sa akin

Mukhang hindi na nga ako makakahirit pa. Nakakalungkot, bakit ngayon pa ang lunch meeting na ito kung kailan babawi na ako sa asawa ko? Hindi ba pwedeng pagbigyan muna ako ng tadhana kahit ngayon lang?

"Sige, bibihis na ako. Hintayin mo ako dyan. Siguro 20 minutes dyan na ako. Pag-usapan na natin iyan para matapos na." sabi ko naman sa kausap ko

Pinatay ko na ang cellphone, nagbihis na ako ulit ng pang-alis at lumabas na ng kwarto. Bagsak na bagsak ang itsura ko at alam kong nahalata iyon ni Celine.

"Ano problema mo? May masakit ba? Ano? Bakit hindi mapakali ang asawa ko? Sabihin mo sa akin para kung sakali, maayos natin." sabi niya sa akin nung nakita niya ako

"Ah, kasi ano eh. May lunch meeting pala kami ng mga ka-officemate ko. Hindi ko alam iyon, ngayon lang tumawag sa akin. Sorry asawa ko, hindi ko talaga sinasadya." sagot ko naman

Nakita ko na malungkot siya dahil sa sinabi ko. Para bang binagsakan ng langit ang lupa ang kanyang mukha. Nalulungkot tuloy ako, ngayon na dapat ako babawi, napurnada pa.

"Babalik ka naman diba? Hihintayin kita. Kakainin natin 'tong niluto ko. Promise me, Anthony." sabi niya sa akin

I saw the hope in her eyes. Yung umaasa siya na babalik ako agad. Oh Celine, I won't let you down this time. Babalik ako agad.

"Oo, babalik ako. I'll make sure na matatapos agad ang lunch meeting namin na iyon para makauwi na ako at makasama ulit kita. Babawi pa ako sa iyo hindi ba?" sagot ko naman

Sumaya naman siya dahil sa sinabi ko. Nakita ko iyon sa mga mata niya and for that, I am happy. After this lunch meeting, sa iyo na ako Celine.

"Promise mo iyan ha? Maghihintay ako. Sige na, umalis ka na. Baka hindi na kita mapaalis eh. Mamimiss kita, be good there." sagot naman niya sa akin

Napangiti ako, she really supports me in everything I do. Ang gago ko lang noon kasi hindi ko agad nakita kung gaano niya ko kamahal. Noon man o ngayon, hindi nagbago ang pagmamahal na iyon.

"Be safe here, okay? I'll be back soon. I love you, remember na may date tayo mamayang gabi. Wear your favorite dress and don't forget don't put too much make up on your face." sabi ko sabay ngiti sakanya

"Oo nga pala, I'll keep that in mind. Promise, mamayang gabi babalik tayo sa teenage years natin. Ibabalik natin ang excitement at kilig." sabi niya pagkatapos ay ngumiti siya sa akin

"I love you, Celine. Thank you for being there for me kahit mahirap akong samahan. I promise you, sasamahan na kita kahit saan this time." sabi ko sakanya

"I love you too, Anthony. You don't have to thank me for loving you. It is my duty and responsibility as a wife. I promised God na ikaw lang ang paglilingkuran at mamahalin ko." sabi naman niya sa akin

Bago pa ako maiyak ay napagpasyahan ko na umalis. I kissed her sa noo and sa lips before ako umalis sa bahay. This woman is mine and I have to love and protect her from everything.

Ang swerte ko sakanya, sabi iyon nung mga kaibigan namin at tama sila doon. Swerte nga ako at sinayang ko lang iyon for the past three years.

Sana dumating ang araw na hindi siya magsawa sa akin kahit nakakasawa na ako. Sana hindi siya mapagod.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top