Chapter 7

Celine

Sobrang saya ko lang malaman na mahal pa din ako ni Anthony sa kabila ng lahat. Akala ko ay hindi na talaga mababalik pa kung ano ang meron sa amin dati.

Hanggang may buhay, may pag-asa nga talaga. Naniniwala ako na mahal na mahal niya ako kaya napalitan na ng pagpapatawad at pagmamahal kung ano man ang kasalanan niya sa akin.

Sigurado ako na matutuwa si Mary kapag nalaman niya ang magandang balita na ito. Sabi ko naman kasi sakanya eh maghintay lang siya at mangyayari ang sinasabi ko.

Masigla akong nagising after noong nangyari sa amin ni Anthony. Sana lang talaga ay magbunga na ulit ito at magkaroon kami ng anak. Sana this time, hindi na malaglag pa.

Nagising ako pero tulog pa rin si Anthony kaya napagpasyahan ko na magluto na lang ng lunch for him. Para good vibes siya sa paggising niya.

Naisipan kong magluto ng kaldereta, tutal iyon naman ang isa din sa mga paborito niya maliban sa adobo. Tiyak ako na paggising niya para siyang bata na hahabulin ang amoy ng niluluto ko.

Habang nagluluto ay excited akong kinuha ang aking cellphone and I dialed Mary's number. Kahit hindi pa ako nagsasalita ay kilig na kilig na ako.

"Oh, napatawag ka? May problema ka ba? Ano iyon? Nag-away nanaman ba kayo ni Anthony? Sabihin mo lang sa akin, lagot talaga iyang lalaki na iyan sa--" hindi na niya natapos ang sinasabi niya dahil sumagot na ako

"Okay na kami. Kinausap niya ako. He told me he still loves me. Kahit hindi siya dumating kagabi ay okay pa rin sa akin iyon kasi binati niya ako kanina pag-uwi." sabi ko at alam kong ramdam ni Mary ang kilig na meron ako sa aking puso

"At ano na ang ibigsabihin noon? Wala na? Napatawad mo na siya sa mga ginawa niya sa iyo? Malay mo may balak na masama iyan sa iyo tapos pinaglalaruan ka lang pala. Tanga nanaman ang aking kaibigan." sagot ni Mary sa akin

"Hindi, iba yung nararamdaman ko sa sinabi niya sa akin kanina. Parang babawi na talaga siya sa mga kasalanan na nagawa niya sa akin. Give him chance, baka naman iba na this time." sagot ko naman kay Mary

"Give him chance? For the past three years lagi natin siyang binibigyan ng chance. Kung ako nga ang naging asawa niyan eh suko na agad ako unang taon pa lang. Hindi ko alam kung bakit tanga ka kay Anthony eh." sagot naman sa akin ni Mary

"Kapag nagmahal ka, tanga ka. Hindi ka ba ganun sa asawa mo? Lahat naman ng pwede mong gawin ay gagawin mo para magkaayos kayo diba?" sagot ko naman

"Mahal ko asawa ko pero alam ko naman worth ko bilang babae kung sakali man na may hindi kami napag-usapan na maayos. Iba yan si Anthony, alam mo yan sa sarili mo. Huwag mo na i-deny." sagot ni Mary sa akin

Hindi ko na nakayanan pa ang mga salita na naririnig ko mula sakanya kaya pinatay ko na ang tawag at hindi ko na siya sinagot pa. Akala ko pa naman ay matutuwa siya sa ibabalita ko sakanya pero mali pala ako.

Ang sakit, si Mary na lang ang meron ako tapos hindi pa niya ako sinuportahan sa gusto ko. Nagmamahal lang naman ako eh, anong mali doon?

Tinuloy ko na lang ang pagluluto ko ng kaldereta, yung saya ko tuloy nawala. Bumagsak ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi ni Mary.

Habang nagluluto ay nakita kong bumangon na si Anthony. Agad akong ngumiti sakanya, siya naman ay ngumiti rin sa akin.

Niyakap niya ako habang nagluluto ng kaldereta. Ano ba naman itong asawa ko, amoy ulam na nga ako niyakap pa ako. Nakakahiya naman!

"Huwag mo na ako yakapin. Sige ka, mag-aamoy ulam ka. Mabaho ako, tigilan mo iyan. Nakakahiya sa iyo Anthony!" sabi ko sakanya

Hindi pa rin siya tumigil, sininghot-singhot pa din niya ako at niyakap. Nakikiliti ako sa bawat hawak niya. Kinikilig ako sa ginagawa niya sa akin. This is the new Anthony, I guess.

"Ano naman kung amoy ulam ka ha? Isa pa, paborito ko namang ulam iyan kaya walang problema. Isa pa, gusto din naman kitang ulamin eh. Ayaw mo ba?" biro ni Anthony sa akin

Natawa ako dahil sa sinabi niya. Humarap na lang ako sakanya at hinalikan siya. Namiss ko ang scenario na ito, namiss ko ang asawa ko.

"Kung anu-ano naman ang sinasabi ng asawa ko. Binobola mo pa ko ah. Hayaan mo, ilang minuto na lang ay luto na yung kaldereta mo." sabi ko sabay ngiti ulit sakanya ng matamis

"Sige, kakainin kita este yung kaldereta. Alam kong masarap iyan, ikaw nagluto eh. Namiss ko ang luto mo actually." sagot naman niya pagkatapos ay inamoy-amoy niya ang niluluto kong kaldereta

Tuwang-tuwa ako sa mga nangyayari. Sana hindi ito panaginip, kasi kung panaginip lang ang lahat ng ito ay ayaw ko na magising pa.

Saglit siyang pumasok sa aming kwarto at nagbihis. Nakita ko ang katawan niya habang nakahubad. Miss na miss ko iyon, miss ko na ang buong siya.

Masaya akong nagluluto nang biglang lumabas na siya ng kwarto. Parang problemado at hindi mapakali. Ano kaya ang problema niya?

Lumapit na siya sa akin, hinimas-himas ko ang likod niya para kumalma naman siya at masabi niya sa akin ang kanyang problema.

"Ano problema mo? May masakit ba? Ano? Bakit hindi mapakali ang asawa ko? Sabihin mo sa akin para kung sakali, maayos natin." sabi ko sakanya

"Ah, kasi ano eh. May lunch meeting pala kami ng mga ka-officemate ko. Hindi ko alam iyon, ngayon lang tumawag sa akin. Sorry asawa ko, hindi ko talaga sinasadya." sagot sa akin ni Anthony

Biglang nawala ang ngiti sa labi ko. Parang bumagsak langit sa akin. Ang ganda na nung moment eh, bakit ba aagawin pa nung mga ka-officemate niya?

Wala na akong nagawa kundi sumang-ayon na lang. Trabaho iyon eh, asawa lang ako. Pwede naman siguro makisingit sa oras niya mamaya hindi ba? Babalik naman siya at kakain kaming sabay.

"Babalik ka naman diba? Hihintayin kita. Kakainin natin 'tong niluto ko. Promise me, Anthony." sabi ko sakanya

"Oo, babalik ako. I'll make sure na matatapos agad ang lunch meeting namin na iyon para makauwi na ako at makasama ulit kita. Babawi pa ako sa iyo hindi ba?" sabi naman niya sa akin

Napawi ang lungkot ko nung narinig ko ang sinabi niya. Akala ko mauudlot nanaman ang masasayang moments namin bilang mag-asawa eh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top