Chapter 33
Celine
October 15, 2018
Ito na ang araw kung saan ililibing na namin si Anthony, hindi ko alam pero parang panaginip lang ang lahat. Nung isang araw lang ay kasama ko siya sa may fountain pagkatapos ngayon ay ilibing na namin siya. Ang bilis talaga ng panahon at oras ng tao, hindi mo masasabi kung kailan ka bibitaw. I think this is the saddest surprise a person will receive.
Nasa bahay pa lang kami ni Mama at naghahanda sa libing nang biglang niyakap niya ako habang nakatingin ako sa salamin. Agad akong tumingin sakanya na may halong pagtataka. Umiiyak din siya habang yakap-yakap niya ako. I turned to her and asked why she is crying.
"Mama, bakit ka po nayak? Please be okay, Ma. Ikaw na lang at ang mga anak ko ang meron ako, kayo ang lakas ko kaya please be strong for me too. Huwag ka na umiyak, kung ano man ang nakaraan ay pinatawad ka na ni Anthony." sabi ko kay Mama
"Naalala ko lang kasi yung time na tinaboy ko siya to protect you. Nagsisisi ako na ginawa ko iyon, sana hinayaan ko kayong mag-usap. Sana pinagbigyan ko siya nung nagmamakaawa siya. Doon man lang sana ay naisalba ko siya dahil alam ko naman na ikaw lang ang lakas niya, anak." sagot ni Mama sa akin
"Tulad nga ng sinabi ko kanina Mama, alam ko na napatawad ka na ni Anthony ngayon. Mahal na mahal ka niya at nirerespeto ka niya sa lahat ng aspeto kaya alam kong maayos na siya ngayon. Huwag ka na malungkot, Mama. Magiging okay din ang lahat." sabi ko kay Mama
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay umalis na kami ng bahay para pumunta kung saan ililibing si Anthony. Ang dami ng tao pagdating namin, agad kong pinuntahan ang Mama ni Anthony na nakita kong nag-aayos ng mga gamit at nag-aasikaso ng mga bisita.
"Hello po, Mama. Good after noon po, tulungan ko na po kayo dyan. Alam kong pagod na kayo buong linggo." sabi ko kay Mama
"Hinding-hindi ako mapapagod sa anak ko, ito na yung mahirap na parte. Talagang hindi na natin siya makikita. Ang sakit-sakit anak dahil konting oras na lang ang napagsamahan namin. Ngayon ko lang talaga napagtanto na wala na pala talaga ang anak ko. Dapat ako ang ililibing niya eh pero bakit nauna siya?" sabi ni Mama habang naiyak sa akin
"Mama, kapitan na lang po natin ang isa't isa ha? Nandito lang naman po ako eh, pwede niyo pa rin po akong iturin na anak kung iyon ay okay lang po sa inyo? Sa akin niyo na lang po ibuhos ang pagmamahal niyo kay Anthony." sabi ko sabay ngiti kay Mama
"Oo naman anak, hindi ako papayag na mawala ang koneksyon natin dahil lang sa nawala ang anak kong si Anthony.Ibubuhos ko sa iyo ang pagmamahal ko at sa mga apo ko. Alam kong may kapalit ang lahat kaya doon ko na lang itutuon ang atensyon ko." sabi sa akin ni Mama
Niyakap ko si Mama. Ramdam na ramdam namin sa isa't isa ang lungkot pero alam naming makakaya namin ito para sa mga bata. Pumunta naman ang nanay ko sa amin para magbigay respeto sa nanay ni Anthony. nagkabati na rin sila sa wakas. Isa din ito sa mga magandang nangyari simula noong nawala si Anthony, napagbati niya ang mga tao.
"Welcome pa rin kayo sa bahay at sa buhay ko ah. Lalo na ngayon na mag-isa na lang ako doon. Baka mamaya ay magmulto si Anthony eh baka atakihin ako dahil sakanya." sabi sa akin ni Mama
"Opo, Mama. Pupuntahan ko pa rin kayo doon kahit na wala na si Anthony.Marami pa po kayong ikekwento sa akin para maikwento ko rin sa mga bata." sabi ko kay Mama
Napangiti ako dahil ngumiti na ulit si Mama. Tiyak na lalong matutuwa si Mama kapag lumabas na ang mga bata. Sana kamukha ni Anthony para maalala ko siya lagi kapag titingin ako sa mga anak ko.
Ilang oras pa ay nagsimula na ang libing. Nagsalita ako ulit sa harapan sa huling pagkakataon.Bumuhos ulit ang mga luha ko, akala ko tapos na pero hindi pa pala. Kahit kailan yata, hindi mawawala ang sakit ng pagkawala niya.
Anthony, bantayan mo kami ng mga anak mo ah? Magkikita rin tayo, hindi man ngayon pero sa darating na tamang oras. Hindi ko man alam kung kailan pero alam ko darating iyon. Aalagaan ko ang sarili ko para sa iyo. Yun lagi mong bilin hindi ba? Pupunuin ko ng pagmamahal si Mama mo. Lahat ay gagawin ko para lang makabawi ako sa iyo. Huwag ka na mag-yoyosi o inom dyan sa taas ha? Behave ka na. Fly and spread your wings, we love you so much. Walang makakapalit sa iyo dito sa puso ko, dumating man ang iba ay ikaw pa rin ang pipiliin ko.
Pagkatapos noon ay nagsalita na si Mama at ang Mama ko. Ilang kaibigan pa ang dumating para makasilay sa huling pagkakataon kay Anthony. Nagsaboy na ng puting rose ang lahat at nagdasal na rin kami.
Hindi muna ako sumabay sakanila pauwi, nakatingin lang ako sa puntod ni Anthony habang inaalala ang mga nangyari sa amin. Mabuti man o masama ay iyon ang bumubuo sa aming dalawa. Ang sakit, ang sakit na alam mong sa mga alaala ka na lang nakakapit.
Ilang minuto pa ay may narinig akong boses sa may likod ko, nakita kong si Odz iyon kasama si Mary. Bakit sila nandito at bakit sila magkasama? Nandito ba sila para pagtawanan ako habang naiyak sa puntod ni Anthony?
"Bakit mo kasama iyan, Odz? Sinabi ko na sa iyo hindi ba? Wala na siyang lugar sa akin. Umalis na kayo kung dahil ayaw ko ng gulo. Huwag dito sa harapan ng puntod ng asawa ko. Irespeto niyo naman sana si Anthony." sabi ko sakanilang dalawa
"Nandito si Mary para makipagbati sa iyo at hindi para makipag-away. Alam na niya kung ano ang mali niya at pinagsisisihan na niya iyon hindi ba Mary?" sagot ni Odz sa akin
Lumapit sa akin si Mary, nandoon lang siya sa likod ko habang naririnig ko ang mga hikbi niya. Niyakap niya ako pagkatapos ay nagsalita siya.
"Patawarin mo na ako, alam ko na ang mali ko. Hayaan mong damayan kita ngayon, hindi na ako mangingialam pa sa kahit na ano basta ipangako mo lang sa akin na papatawarin mo na ako. Hindi ko kayang itapon ang maraming taon dahil lang sa isang pagkakamali, Celine." sabi niya sa akin
Doon na tumulo ang mga luha ko, niyakap ko na siya nang mahigpit at pinatawad ko na siya sa ginawa niya sa amin ni Anthony.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top