Chapter 32

Celine

Pagpatak ng alasyiete ng gabi ay nagsulputan na ang mga bisitang makikiramay sa pagkamatay ni Anthony. Agad nila akong pinuntahan para kamustahin.

Ang dami kong bagay na naririnig sa paligid na hindi ko alam na nangyari pala kay Anthony. Sising-sisi ako na wala ako nung mga panahong kailangan ako ng asawa ko.

"Condolences, Celine. Sayang at magkaka-baby pa naman kayo ni Anthony. Sayang at hindi na niya makikita pa iyon. Kaya pala hindi na siya nakakapagtrabaho noon." sabi sa akin ng isang ka-opisina ni Anthony

"Oo nga po eh, sayang kasi hindi na niya makikita pa ang mga anak namin pero alam ko po kakayanin ko kasi I know that he is watching over us." sagot ko naman

"Sige hija, uupo muna ako doon at kakausapin ko iba naming kasamahan. Condolences ulit. Alam kong kakayanin mo iyan." sabi nung ka-opisina ni Anthony

Ilang minuto pa ay nakita ko si Eid papunta sa akin. May hawak-hawak siya, hindi ko nga lang alam kung ano iyon pero mukhang letter.

"Condolences, Celine. Sayang dahil wala ako nung mga oras na kasama ka niya. Hindi ko nakita gaano kasaya ang kaibigan ko pero masaya ako dahil hanggang sa huli niyang sandali ay naging okay kayo." sabi ni Eid sa akin

"Salamat sa pag-aalaga sakanya, Eid ha? Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi mo siya tinulungan nung wala ako sa tabi niya. Tunay ka niyang kaibigan at alam kong masaya na siya kung nasaan na siya ngayon." sabi ko kay Eid

Nagpapakatatag lang talaga ako sa harap ng maraming tao na ito para sa mga anak ko. Sa totoo lang hindi ko alam saan ako kakapit kasi si Anthony ang lakas ko. Ngayong wala na siya, hindi ko na alam.

"Oo nga pala, may pinapabigay si Anthony bago siya mawala noon. Incase raw na hindi kayo magkita ay ibigay ko daw 'tong letter sa iyo. Kahit nagkita kayo bago siya mawala, ibibigay ko pa rin sa iyo ito." sabi ni Eid sa akin pagkatapos binigay sa akin ang isang papel

"Salamat dito Eid, babasahin ko na lang mamaya kapag wala ng tao masyado. Hindi kasi ako aalis dito sa tabi niya, gusto ko lang siyang bantayan magdamag." sabi ko kay Eid

"I suggest na huwag mo munang basahin iyan. Saka na kapag ready ka na, sinabi rin niya sa akin na sabihin ko daw sayo na basahin mo iyan kapag matagal na siyang wala." sabi sa akin ni Eid

Hindi na ako nakapagtanong kung bakit dahil kinuha ni Mama ang atensyon ko. Ako na daw ang susunod na mag-eeulogy sa wake ni Anthony.

Ito ang ayaw ko, ang magpaalam ng tuluyan kay Anthony. Hindi ako handa, ni hindi ko na nga naisulat kung ano ang gusto kong sabihin sakanya. Bahala na kung ano masabi ko.

Pumunta na ako sa unahan, nakatingin na ang lahat sa akin. Naririnig ko ang usapan ng iba, they are judging me quickly kahit hindi pa nila alam ang kwento kung bakit kami biglang naghiwalay ni Anthony.

Anthony, pasensya ka na ha? Pasensya ka na kung kailangan mong pagdaanan ito ng wala ako sa tabi mo. Pasensya ka na kung hindi kita naalagaan, kung nagawa ko lang iyon ay napahaba ko pa sana ang buhay mo mahal ko. Kasama ka pa sana namin ng mga anak mo ngayon. Huwag ka mag-alala, lagi kong ipapaalala sakanila kung sino ka sa buhay nila. Hindi ito isang paalam kundi isang see you soon. Hindi ko man alam kung kailan pero alam kong makikita kita ulit. Doon natin itutuloy ang pag-iibigan natin. Maraming salamat, mahal na mahal kita. Lagi mong tatandaan na nasa puso kita, dito ka nabubuhay. Lagi lang akong uuwi sa iyo dahil para sa akin, ikaw pa rin ang tahanan ko.

Pagkatapos ko magsalit sa lahat ay sumunod naman sa akin si Eid at ang iba pang kasamahan sa trabaho ni Anthony. Sinabi nila kung gaano sila kaswerte dahil nakilala nila si Anthony. Ang hiling ko lang ngayon ay sana makita pa ni Anthony ang mga iyon, sana naririnig pa niya. Sana nung nasa mundo pa siya ay sinabi niyo iyan sa harapan niya.

Pagkatapos ng gabi ay naisipan na naming umuwi, may naiwan naman doon para magbantay kay Anthony. Gusto ko lang umuwi dahil I want to feel him, I know na sa bahay siya nandoon. Miss ko na agad ang lahat sakanya sa totoo lang, kahit na hirap na hirap na ako sakanya nung mga nakaraang araw dahil irritable na siya sa lahat ay kinaya ko dahil mahal na mahal ko siya.

Pagdating ko sa bahay namin ni Anthony ay madilim, parang mundo ko lang ngayon. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula eh, wasak na wasak ako. Kahit nagkaroon kami ng di pagkakaintindihan ni Anthony eh sapat na yung oras na binigay sa akin ng Diyos para masabi ko na ang laki ng kulang sa buhay ko ngayon.

Una pa lang naman ay siya na ang mundo ko, siya na ang buhay ko. Lagi ko siyang pinagbibigyan sa mga kasalanan niya, pinapatawad ko siya sa lahat pero ang unfair kasi noong ako na ang hihingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko sakanya ay agad naman siyang kinuha sa akin. Bakit ganoon? Bakit kailangan kong dumaan sa ganitong sitwasyon?

Humiga ako sa kama kung saan kami madalas na magkatabi nung mag-asawa pa kami. I can still feel him here, parang katabi ko pa rin siya ngayon. Naaamoy ko pa rin ang paborito niyang pabango. 

Tumingin ako sa paligid ng kwarto, nakita ko na ang gulo na nito. Hindi na naalagaan ni Anthony nung mag-isa na lang siya dito. Agad akong tumayo at inayos ang mga iyon. Gusto ko kasi na kahit wala na siya ngayon ay manatili pa din ang memories naming dalawa. Napangiti na lang ako at naluha nung nakita ko ang picture naming dalawa sa side table at niyakap ko iyon.

Anthony, kung nandito ka lang sana. Kung naririnig mo lang sana ako. Umuwi ka na ulit sa akin, pwede ba iyon? Come home, Anthony. Please? I am your home, come back to me. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top