Chapter 29
Anthony
Nagulat ako nung magising ako at nasa harapan ko si Celine. Gusto kong sampalin ang sarili ko para malaman kung totoo ba 'to o panaginip lang. Iniisip ko na nasa langit na ako dahil ang mga bagay na impossible ay naging possible na. Paano nangyari na nasa harapan ko siya ngayon? Kahit na hirap na ako magsalita ay ginawa ko pa rin.
"Ano ang ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na may sakit ako? Totoo ba 'to o nasa langit ako? Patay na ba ako at kasama na kita? Sagutin mo ako." sabi ko kay Celine
"Pinuntahan ako ni Mama sa bahay para makita ka, ang daya mo dahil hindi mo sinabi sa akin na may sakit ka. Bakit hindi mo sinabi? Naalagaan sana kita, hayaan mo na nandito na ako at hindi na ako aalis sa tabi mo kahit kailan." sabi naman ni Celine
Aba, totoo nga siya. Hindi siya panaginip, hindi pa ako patay. Possible ko pa pala siyang makasama kahit ilang araw na lang ang ilalagi ko dito sa mundo. Okay na din, atleast nakasama ko siya sa pinakahuling araw ko.
"Ayaw kong malaman mo dahil buntis ka, ayaw kong ma-stress ka dahil sa akin. Baka hindi matuloy ang anak natin kaya nagtago ako ng mahabang panahon. Pasensya ka na, inalala lang kita at ang anak natin." sabi ko kay Celine
Hindi ko maiwasan na hindi maluha, ang inaasam ko ay nandito na sa harapan ko ngayon. Buong-buo, healthy at masaya si Celine kaya naman dahil doon ay masaya na rin ako. Mamamatay akong masaya para sakanya.
Ngumiti siya sa akin at tumayo para ipakita ang tyan niyang malaki. Hinimas-himas ko iyon at naiyak ako dahil naalala ko na dumaan pala ang mga buwan na wala ako sa tabi niya. Wala akong naitulong para sa magiging anak namin, wala akong kwentang ama dahil sa sakit ko.
Hindi ko siya nabantayan, hindi ko nakita ang paglaki ng tyan niya. Ni hindi ko alam kung ang kinakain niya ay tama, inaalagaan kaya siyang mabuti sakanila? Sana hindi na lang ako nagpabaya, masaya sana kami ngayon ni Celine.
"Ang laki na pala ng tyan mo, siguro lalabas na siya ano? Sana makita ko pa siya at makasama. Sa sitwasyon ko kasi ngayon dito sa ospital eh parang hindi ko na magagawa pa iyon." sabi ko kay Celine
"Anong siya? Sila, kasi kambal ang anak mo. Parehas silang babae at 6 months ko na silang dinadala sa tyan ko kaya sobrang laki na nito. Saka ano ka ba? Uuwi pa tayo sa atin, bubuoin na natin ang pamilya na matagal na nating gustong buoin. Pangako natin sa isa't isa iyon hindi ba? Saka alam ko na ang totoo na hindi mo anak yung anak nung babae kaya aayusin na natin lahat." sabi ni Celine sa akin
"Paano kung sabihin ko na hindi ko na kaya? Kalbo na nga ako oh, mahina na ako. Mga ilang araw lang eh kukunin na ako ng Diyos, alam ko. Kunin niya na ako ngayon, wala na akong pakialam dahil ikaw ang huling nakita ko bago ako mawala kaya masaya na ako." sabi ko kay Celine
Nakita ko na lumuluha siya dahil sa sinabi ko kaya agad kong inalis ang mga luha na iyon gamit ang kamay ko. Pasensya ka na Celine, totoo lang ang sinasabi ko. Gusto ko lang maging handa ka sa mga pwedeng mangyari dahil hindi ko naman alam kung hanggang kailan ako mananatili sa mundo.
"Ikaw naman eh, hindi ko pa nga nasusulit ang oras na kasama ka tapos gusto mo na mawala agad? Hindi ka mawawala okay? Gagaling ka at magsasama tayo ng mga anak mo. Uuwi tayo sa atin." sabi sa akin ni Celine
"Hinahanda lang kita sa mga pwedeng mangyari, Celine. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako, kita mo naman ang itsura ko noon sa ngayon. Ibang-iba na at parang wala na akong pag-asa gumaling pa." sabi ko kay Celine
Hindi niya pinansin ang sinabi ko bagkus ay pumunta siya sa may mga prutas at binalatan niya ang mga iyon at lumapit ulit siya sa akin. Umiiyak pa din siya sa harapan ko habang pinapakain ako ng mga prutas.
"Sayang ano? Hindi na natin magagawa ito lagi dahil konti na lang ang natitirang oras ko pero alam mo bang masaya ako dahil nakita kita sa mga huling araw ko. Pwede na ako mawala dahil naging maayos na tayo. Sa totoo lang, ikaw na lang ang hinihintay ko eh." sabi ko kay Celine
Nainis siya sa sinabi ko kaya pinalo-palo niya ang braso ko. Ang cute niya mainis, nalaki ang ilong at ang mukha parang sasabog. Napangiti ako dahil doon, ngayon ko na lang kasi nakita ang mga ngiting iyon eh.
"Sinabi ko na sa iyo na hindi mangyayari iyang sinasabi mo eh, hindi ka mawawala! You'll come home with me. Nangako ka sa akin hindi ba? Babawi pa tayo sa isa't isa, ano ba?!" pagmamaktol ni Celine sa akin
"Okay, sorry if iyon ang nasabi ko. Oo na, gagaling na ako at makakasama mo na ako. Bubuoin na natin ang pamilya na dati pa nating pinapangarap. Yes, I'll come to you." pagsisinungaling ko kay Celine
Oo, nagsinungaling ako dahil bilang na ang araw ko. Sinabi na ng doktor kung hanggang kailan ako tatagal kaya pinatawag ko na si Celine kay Mama. Gusto ko kasi siyang makita sa huling pagkakataon. Makita ang mga ngiti niya, mayakap siya. Lahat, gusto kong magawa ang lahat bago ako mawala.
Umupo siya malapit sa akin, tiningnan niya ako sa aking mga mata at hinalikan ako sa noo. Nakita ko ang sincerity sakanyang mga mata, she is really back. She is back to me but it's too late because I won't be there for her anymore.
"Uuwi tayo na magkasama okay? Aalagaan kita hanggang sa maging okay ka na. Cancer lang iyan, alam ko may gamot pa dyan at iyon ay ang pagmamahal." sabi ni Celine sa akin
Tama ka, Celine. Pagmamahal ang kailangan ko at alam kong iyon ang magpapahaba pa nitong buhay ko kahit papaano. Dito ka lang sa tabi ko at huwag ka na sanang mawawala pa dahil bilang na ang araw ko na kasama ka.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top