Chapter 28

Celine

Pagdating namin sa ospital ay bumagsak agad ang mga luha ko noong nakita ko na payat na si Anthony, lubog na rin ang kanyang mga mata. Nakakalbo na rin siya. Nadurog ang puso ko kasi all this time, akala ko ay okay siya pero hindi pala.

"Sinama na kita dito dahil gusto kong ngumiti ang anak ko. Alam kong ikaw lang ang magpapalakas sakanya para lumaban sa sakit niyang lung cancer. Kaya makiki-usap sana ako ngayon na alagaan mo ang anak ko. Oras na para ikaw na ang mag-alaga sakanya, mukhang susuko na kasi siya any minute." sabi ni Mama sa akin

Ang sakit-sakit, bakit hindi agad sinabi sa akin ni Anthony kung ano ang nangyayari sakanya? I deserve to know, asawa pa rin niya ako kahit na sabihin na naghiwalay na kami. Ang daya-daya mo, Anthony! Bakit ngayon ko lang ito nalaman? Edi sana naalagaan kita umpisa pa lang.

Mahimbing na natutulog si Anthony kaya doon ako umupo sa kalapit niya. Ibang-iba na nga talaga ang kanyang itsura. Ibang-iba doon sa huli naming pagkikitang dalawa. Kailan pa niya kaya alam na may sakit siyang lung cancer?

"Mama, maitanong ko lang po. Kailan pa po siya may sakit? Wala po kasi siyang nasasabi sa akin saka ibang-iba po ang itsura niya ngayon sa itsura niya noon. Bagsak na bagsak po ang katawan niya, sobrang payat po Mama." sabi ko sa Mama ni Anthony

"Hija siguro mga apat na buwan na rin kaming labas-pasok sa ospital. Hindi ko na nga alam saan ako kukuha ng pambayad eh, ilang beses ko na sinabi sakanya na dapat mo na malaman ang totoo pero ayaw niya dahil daw buntis ka. Ayaw ka niya ma-stress, baka daw mawala ang baby niyo ulit." sabi ni Mama sa akin

"Di ko po akalain na mangyayari ito sakanya, ilang beses ko na siyang sinabihan na huwag na uminom at mag-yosi pero ginagawa pa rin po pala niya. Sana po nalaman ko nung una pa lang para nabantayan ko na siya kahit papaano." sabi ko kay Mama

"Ewan ko ba dyan sa anak ko kung bakit ayaw ipasabi sa iyo eh alam ko naman na ikaw lang ang gamot niya. Ikaw lang ang hinihintay ni Anthony." sabi sa akin ni Mama

Hinihintay niya ako pero ako itong walang kaalam-alam sa kalagayan niya. Nagpadala kasi ako sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid ko eh, hindi ako nakinig sa puso ko. Hindi ko pinaniwalaan si Anthony una pa lang kaya siya naging ganito.

"Kamusta po pala yung anak niyang isa pa? May balita po ba kayo doon? Ay teka, alam niyo po ba ang bagay na iyon o hindi pa rin sinasabi sa inyo ni Anthony ang problemang iyon?" tanong ko kay Mama

"Ah iyon ba hija? Alam ko iyon, napag-alamanan din namin na hindi niya pala tunay na anak iyong batang iyon at pinapaako lang sakanya dahil may pera siya. Umamin na yung tatay nung bata sa amin na siya ang tunay na ama. Stressed na stressed nga noon si Anthony eh, nasayang daw oras niya at nawala ka daw dahil doon." sabi sa akin ni Mama

Bigla akong nanlumo, naghiwalay kami dahil sa isang kasinungalingan. Naniwala ako na niloko niya ako at hindi na talaga binalikan pero all this time pala siya lang yung nahihirapan. Hindi ko na alam ang gagawin ko, umiiyak ako ngayon sa harapan ni Anthony habang hawak ang mga kamay niya.

Ilang minuto pa ay naramdaman kong kumilos na siya at nagmulat. Ngumiti ako pagkatapos ay pinunasan ko ang luha ko para hindi niya makitang nalulungkot ako dahil sa kalagayan niya ngayon.

"Ano ang ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na may sakit ako? Totoo ba 'to o nasa langit ako? Patay na ba ako at kasama na kita? Sagutin mo ako." sabi sa akin ni Anthony

"Pinuntahan ako ni Mama sa bahay para makita ka, ang daya mo dahil hindi mo sinabi sa akin na may sakit ka. Bakit hindi mo sinabi? Naalagaan sana kita, hayaan mo na nandito na ako at hindi na ako aalis sa tabi mo kahit kailan." sabi ko sabay halik sa noo ni Anthony

"Ayaw kong malaman mo dahil buntis ka, ayaw kong ma-stress ka dahil sa akin. Baka hindi matuloy ang anak natin kaya nagtago ako ng mahabang panahon. Pasensya ka na, inalala lang kita at ang anak natin." sabi sa akin ni anthony

Ngumiti ulit ako at tumayo para makita ni Anthony kung gaano na kalaki ang tyan ko. hinawakan niya iyon at nakita kong napaluha siya. Nakita ko talaga ang pagmamahal ni Anthony sa mga anak niya.

"Ang laki na pala ng tyan mo, siguro lalabas na siya ano? Sana makita ko pa siya at makasama. Sa sitwasyon ko kasi ngayon dito sa ospital eh parang hindi ko na magagawa pa iyon." sabi sa akin ni Anthony

"Anong siya? Sila, kasi kambal ang anak mo. Parehas silang babae at 6 months ko na silang dinadala sa tyan ko kaya sobrang laki na nito. Saka ano ka ba? Uuwi pa tayo sa atin, bubuoin na natin ang pamilya na matagal na nating gustong buoin. Pangako natin sa isa't isa iyon hindi ba? Saka alam ko na ang totoo na hindi mo anak yung anak nung babae kaya aayusin na natin lahat." sabi ko kay Anthony

"Paano kung sabihin ko na hindi ko na kaya? Kalbo na nga ako oh, mahina na ako. Mga ilang araw lang eh kukunin na ako ng Diyos, alam ko. Kunin niya na ako ngayon, wala na akong pakialam dahil ikaw ang huling nakita ko bago ako mawala kaya masaya na ako." sabi ni Anthony sa akin habang nakita siya

Anthony, hindi pa. Hindi ako papayag na mangyari ang sinasabi mo. Uuwi pa tayo at gagaling ka. Makakasama ka pa namin ng kambal, kumapit ka naman oh. Nandito na ako ngayon kaya lumaban ka na para sa amin. Ang daya-daya mo naman kung ngayon nga susuko.

Nandito na ang tahanan mo, kami ng mga anak mo ang tahanan mo kaya uuwi ka sa amin. Please? Come home, Anthony. Hindi ko kaya na lumaki ang mga bata na walang kinikilalang ama, hindi pa ngayon. 

Diyos ko, konting oras pa kung pwede naman. Kahit masulyapan niya lang ang mga anak niya at maalagaan ko pa siya ng ilang buwan. Basta sana hindi pa agad, babawi pa ako sa asawa ko. Babawi pa ako sa tahanan ko.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top