Chapter 27

Celine

After 3 months

Six months na ang tyan ko kaya naman sobrang excited ako lalo na at nalaman kong kambal ang magiging anak namin ni Anthony. Kaya pala ang lakas ko talaga kumain kasi tatlo kaming nakain dito. Bumili na din ako ng mga gamit ng baby kasi alam ko na ang gender nila, parehas silang babae.

May dalawa na akong prinsesa, si Anthony na lang ang kulang. Sana magpakita na siya sa amin ng mga anak namin para hindi na ako nag-aalala pa sakanya, wala na kasi akong balita eh para tuloy may kakaiba na akong nararamdaman.

"Hi Celine, iyan ha bumili ako ng prutas para sa mga anak mo. Para paglabas nila mapuputi sila at makinis dahil puro prutas ang kinakain mo saka gulay. Excited na talaga ako sa magiging inaanak ko." sabi sa akin ni Odz habang pinapatong niya ang mga prutas sa table

"Salamat Odz ha, inaalagaan mong mabuti ang kaibigan kong si Celine. Buti ka pa nga eh, may pake ka sa kaibigan ko pero yung tunay na ama ng bata hindi man lang magpakita sa amin." sabi ni Mary kay Odz

"Uy ano ka ba? Hayaan mo na kung nasaan na si Anthony. Ako naman ang nagsabi na layuan niya ako kaya kung hindi siya nagpapakita iyon ay dahil sinunod niya lang ang sinabi ko." sabi ko kay Mary

"Hindi dapat ganoon, kung mahal niya talaga kayo  eh gagawa siya ng paraan para makita kayo. Baka nasa ibang babae niya lang iyon kaya hindi na nagpapakita sa iyo." sabi ni Mary sa akin

"Uy tama na, kung hindi man magpakita si pareng Anthony ay sigurado akong may dahilan siya. Alam ko din na alam niya ang tama kaya babalikan niya kayo at aayusin nuya kung ano man ang problema niyo. Lalaki din ako, alam ko ang takbo ng utak ng mga iyan." sabi ni Odz sa amin

"Eh hindi yata nag-iisip yung lalaki na iyon eh, walang utak! Alam naman niyang may pananagutan siya sa kaibigan ko tapos iiwan niya sa ere? Nakakainis, kung nasaan man siya ay sana nasusunog na siya sa impyerno!" sigaw ni Mary

Doon na ako nagalit, alam kong may mali si Anthony sa akin pero sobra na ang pang-aalipusta ng kaibigan ko sakanya. Pinalagpas ko lahat pero hindi na ngayon, sobra na ang naririnig ko mula kay Mary kaya hindi ko sinasadya na masampal siya. Kinagulat naman niya iyon.

"Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko ah? Kung mahal ka talaga ng asawa mo ay babalik siya sa iyo. Kung may malasakit siya sa magiging anak niyo ay nagparamdam na sa iyo iyon pero may nakita ka ba kahit anino niya? Wala hindi ba?!" sabi ni Mary sa akin, dahil doon ay nasampal ko ulit siya

"Akala ko noon ay kaibigan kita, pero grabe ka na ngayon. Wala ka na respeto, wala namang may alam kung nasaan si Anthony ngayon pero ikaw?! May konklusyon ka na agad, nakakapagod ka na Mary. Iniisip ko nga kung dapat ba talaga akong makinig sa iyo dahil puro haka-haka lang iyang sinasabi mo!" sigaw ko naman sakanya

"Ako pa ngayon ang masama? Wala naman akong ginawa kundi protektahan ka hindi ba? Akala mo bang madali lang itong ginagawa ko? Hindi Celine, hindi! Tama naman ako sa mga naiisip ko hindi ba? Napatunayan ko na babaero asawa mo, pero pinili mo pa din siya." sabi ni Mary sa akin

"Tigilan mo na ako, hindi ka nagpoprotekta sa akin kundi nangingialam ka. Pinapakialamanan mo ang mga desisyon ko sa buhay na ako naman si tanga, sunud-sunuran sa iyo. Pwes ngayon, nagising na ako. Hindi na ako makikinig sa mga sasabihin mo dahil may sarili akong buhay!" sigaw ko kay Mary

"Ginawa ko ang lahat para hindi ka masaktan ng lalaki na iyan tapos ito igaganti mo sa akin? Anong klase kang kaibigan? Lahat ng problema mo, kasama mo ako kaya wala kang karapatan na ganyanin ako!" sigaw ni Mary sa akin

"Pwes may paki-usap ako ngayon sa iyo, lubayan mo na ako dahil baka mawala pa ang mga anak ko dahil sa stress na dulot mo. Makaka-alis ka na dito at huwag ka na babalik pa. Ayusin mo ang buhay mo kasama ang asawa at anak mo." sabi ko 

Pagkatapos ay tiningnan niya ako ng madiin at saka umalis ng bahay. Nagdadabog pa siya, ang kapal ng mukha. Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit ako napaniwala noon sa mga sinaabi niya sa akin dati. Hindi ako nakinig sa sinasabi ng puso at isip ko bagkus kay Mary ako nakinig.

"Hayaan mo na iyon, parehas lang kayong mainit ang ulo kaya nagkaganoon pero alam ko magiging maayos din kayo ni Mary." sabi sa akin ni Odz

"Sorry pero I don't think so Odz. Hindi na, tapos na ang pakikipagkaibigan ko sa babaeng iyon. Oras na para makinig naman ako sa sarili kong puso at isip." sabi ko kay Odz

Ilang minuto pa ay pumasok sa loob ng bahay ang Mama ni Anthony. Agad-agad niya akong nilapitan at niyakap habang naiyak siya. Bakit kaya? May nangyari kaya kay Anthony na hindi ko alam? 

"Bakit po kayo naiyak, Mama? Saka bakit po pala kayo napasugod rito? May nangyari po bang masama kay Anthony?Sabihin niyo po sa akin para matulungan ko po kayo." sabi ko sa Mama ni Anthony

"Hindi ko na kaya kaya pinuntahan na kita dito. Sumama ka na lang sa akin para makita mo kung nasaan na si Anthony at kamusta na siya. Miss na miss ka na ng anak ko, kung alam mo lang." sabi ng Mama ni Anthony habang umiiyak, ngumiti din siya ng konti sa akin

Nagpa-iwan na si Odz dahil uuwi na daw siya sakanila. Sumama na ako sa Mama ni Anthony dahil malakas ang hula ko na may nangyaring masama sakanya. Sana hindi malala, sana sa pagkikita naming ito ay hindi madurog ang puso ko. 

Anhony, kumapit ka sa pagmamahalan natin. Kumapit ka para sa mga bata, kumapit ka dahil uuwi ka na sa akin. Please come home, Anthony. I am ready to welcome you back sa tahanan mo. Bubuuin na natin ang pamilya na dati mo pang pinapangarap.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top