Chapter 26

Anthony

Agad akong nag-ayos ng sarili, pinunasan ko ang aking luha. Huminga ako ng malalim, inisip ko ang mga masasayang memories ko kasama si Celine at tinatak ko sa isip ko na hindi magagawa sa akin iyon ng asawa ko.

"Pare, hindi naman ako pinagpalit ng asawa ko hindi ba? Kaibigan niya lang siguro iyon na hindi pa napapakilala sa akin. Alam ko naman hindi ako lolokohin ng asawa ko." pagpapakalma ko sa sarili

"Oo naman pare, huwag kang mag-isip ng negative thoughts dyan at makakasama sa kalagayan mo. Malalaman mo din kung sino iyon sa tamang panahon saka nagbeso-beso lang naman sila eh. Normal iyon sa magkaibigan na ngayon lang ulit nagkita." sagot naman ni Eid sa akin

"Pare, may gusto akong gawin pero hindi pwedeng malaman ni Mama. Gusto ko sanang sa atin lang dalawa. Mangako ka sa akin, pwede?" sabi ko kay Eid

"Mukhang malalagot ako dyan ah, ano naman iyon? Basta kaya kong gawin sige, pwede pero kung hindi ko kaya eh hindi pwede." sabi sa akin ni Eid

"Kayang-kaya mo 'to, lagi nga natin 'tong ginagawa noon eh. Magugustuhan mo rin ito kasi alam ko na miss mo na ito eh." sagot ko kay Eid

"Ano naman iyon? Sige, gawin natin iyan kung ano man ang gusto mo." sabi sa akin ni Eid

"Talaga? Gusto ko mag-inom kahit ngayon lang. Kahit kasi pilitin ko ang sarili ko na wala lang ang lalaki na iyon eh may kirot pa din kasi sa akin eh. Ngayon lang naman, pagbigyan mo na ako kahit konti lang." sabi ko kay Eid

"Masisira ko ang tiwala ng Mama mo sa ginagawa mong iyan eh. Hindi ba sabi ko sa iyo pare, ang mga desisyon mo sa buhay ay minsan pwedeng maging mali o tama? Alam mo naman kung ano ang kalalabasan niyan eh. Mali iyan."sabi sa akin ni Eid

"Wala na akong pakialam kung tama o mali ang desisyon ko. Gusto ko lang makita kung kaya ko pa mabuhay katulad nung dati kong lifestyle. Kahit papaano ay namimiss ko na din ang normal na buhay, yung hindi ko pa alam ang sakit ko." sabi ko kay Eid

"Hindi na nga pwedeng bumalik sa ganoong lifestyle. Mahirap na baka mapagalitan pa ako ng Mama mo. Isa pa sabi niya mabilis lang tayo dito hindi ba? Tara na, umuwi na tayo." yaya sa akin ni Eid

Hindi ako kumibo o nagsalita, nung nakaramdam na si Eid ay niyaya na niya ako para uminom kami sa malapit na bar doon sa restaurant. Napangiti na lang ako dahil nakuha ko siya sa pa-bebe move ko.

"Tara na nga, basta secret lang ha! Hindi ako katulad ni Franz na pwede lahat ng gusto mo, una at huli na ito dahil ngayon ka lang lumabas ulit. Gusto ko lang na ma-enjoy mo ang paglabas mo dahil baka huli na ito dahil sa sobrang pasaway mo." sabi ni Eid sa akin

"Promise, una at huli na ito. Namiss ko lang ang normal na buhay nung wala pa akong cancer na nalalaman. Pasensya ka na kung pati ikaw eh idadamay ko sa kalokohan ko. Kung malaman man ito ni Mama ay ako ang sasalo, huwag ka mag-alala." sabi ko kay Eid

"Siguraduhin mo lang na hindi ka magpapakalasing ha? Tandaan mong may sakit ka pa rin at hindi iyon mawawala kung uminom ka o ano pa iyan." sagot ni Eid sa akin

Dahil pinayagan na niya akong uminom ay humirit na din ako kung pwedeng mag-yosi. Napailing na lang siya sa mga idea ko pero sa huli ay pumayag pa rin siya. Syempre kung may gagawin kang kalokohan ay isagad mo na para isahan na lang din ang sakit na mararamdaman mo kung sakali.

Ilang minuto pa ay pumunta na kami sa bar malapit sa restaurant. Inalis ko muna ang hospital mask sandali at umorder na kami ng beer at pulutan ni Eid. Sobrang saya ko, feeling ko nga huling araw ko na eh.

"Salamat talaga, hayaan mo kung mabuhay pa ako ng matagal ay susuklian ko lahat ng ginawa mo para sa akin. Iyon ay kung mabuhay pa ako ng matagal." sabi ko kay Eid sabay tawa

"Gago ka ba? Syempre naman ano, umiinom ka naman ng gamot mo at hindi ka nakakalimot sa check-ups mo kaya gagaling ka. Makakapagtrabaho ka ulit, babalik ka sa asawa mo at magiging masaya ka kasama ng magiging anak mo." sabi sa akin i Eid

"Sana nga, iba kasi nararamdaman ko eh. Sa totoo lang, parang babagsak na ako ngayon. Tinitiis ko na lang at nilalakasan ang loob ko para sa anak at asawa ko. Alam ko kasi na pagbalik ko sakanila ay magiging masaya kami. Ayaw ko lang talaga na makita ako ni Celine sa ganitong kalagayan." sabi ko kay Eid

"Pero alam mo pare, hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay itatago mo iyan kay Celine. Asawa mo pa rin siya, karapatan pa rin niyang malaman kung ano ang kalagayan mo dahil sigurado akong magagalit sa iyo iyon kapag hindi mo agad nasabi sakanya. Paano kung sa iba pa niya malaman hindi ba?" sabi sa akin ni Eid

Natigilan ako sa sinabi ni Eid, kung mangyari man iyon eh kahit masakit ay ipagtatabuyan ko si Celine. Ayaw kong makita niya ako sa pinakamahina kong state. Mas gusto ko pa rin itago ang katotohanan at magpanggap na kaya ko kahit hindi na. Lalo na ngayon na buntis siya, stress lang ito para sakanya eh.

"Bago niya malaman na may cancer ako eh sana ay magaling na ako noon para kahit sabihin ko sakanya ay wala na siyang magagawa dahil magaling na ako. Ayaw ko siyang makitang nasasaktan dahil sa akin. Ako na lang ang masaktan, huwag lang si Celine." sabi ko kay Eid

"Oo nga, sana talaga mabilis na ang paggaling mo para wala ka na problema. Alam ko naman na maaayos kayo ni Celine eh, sa bait ng asawa mo eh hindi malabong maging maayos kayo in the future. Saka nga pala, ninong ako kapag naipanganak na ang bata ha?" sagot ni Eid sa akin

"Aba oo naman, ang laki ng tinulong mo sa akin kaya unang-una ka talaga sa listahan. Ay teka, iihi lang ako pare ah?" paalam ko kay Eid

Pagtayo ko ay bigla akong nahilo at nawalan ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top