Chapter 25

Anthony

Isang buwan na ako pabalik-balik sa ospital dahil sa lung cancer ko. Alam na din ni Mama na iyon ang sakit ko pero naki-usap ako na huwag pa rin niyang sasabihin kay Celine kung ano ang tunay na kalagayan ko at iyon naman ang ginawa niya.

Nandito ako ngayon sa bahay, dito muna ako nagpapahinga pero kapag kailangan na doon ako sa ospital ay napunta ako. Naki-usap kasi ako sa doktor kung pwede na umuwi ako sa amin dahil kung mag-stay ako sa ospital eh lalo ko ma-fefeel na may sakit ako. Masaya naman ako dahil pumayag yung doktor sa idea ko.

Gusto ko lumabas ngayon dahil inip na inip na ako kaya naisipan ko na magpaalam kay Mama na kung pwede ay lumabas muna ako. Alam ko na kung saan ako pupunta, sa fountain na may lights. Alam kong kakalma ako kapag nakita ko iyon.

"Mama, isasama ko si Eid ha? Huwag ka mag-alala, hindi ko naman papagudin ang sarili ko. Uuwi agad ako kapag nakaramdam na ako ng pagod kahit konti." sabi ko kay Mama

"Basta anak itext mo ako kung ano na ang update sa iyo. Hindi muna ako matutulog anak, dito lang ako maghihintay sa pag-uwi mo." sabi ni Mama sa akin

Pagkatapos ay sinundo na ako ni Eid para pumunta doon. Hindi ko alam pero naiisip ko na makikita ko si Celine doon dahil naniniwala pa din ako na tutuparin niya yung pangako namin sa isa't isa na pupunta kami doon para alalahanin ang mga masasayang alaala namin.

"Oh pare, bakit ka nakangiti dyan? Wagas ah. May hindi ka yata naki-kwento. Share mo naman!" udyok ni Eid sa akin

"Naku pare, wala ah. Naisip ko lang bigla si Celine. Iniisip ko kung ano na kaya ang itsura niya ngayon, kamusta na kaya siya? Masaya kaya siyang wala ako sa tabi niya? Iniisip ko din kung ano ang gagawin ko kung nandoon din siya ngayon." sabi ko kay Eid

"Edi kung nandoon siya eh sigurado ako na masaya ka. Sigurado ako na kahit papaano eh mawawala ang sakit na nararamdaman mo kasi nakita mo na yung kaisa-isang taong gamot mo." sabi ni Eid sa akin

Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya, totoo naman eh. Si Celine ang gamot ko, pero nakakalungkot na wala na siya sa tabi ko dahil sa mga mali kong desisyon sa buhay.

Ilang minuto pa ay nandoon na kami sa may fountain, nakakatuwa na nung bumaba ako sa kotse at nakita ko iyon ay gumaan ang pakiramdam ko kahit naka hospital facemask ako dahil bawal ako sa alikabok o kahit anong polusyon.

"Medyo nawala ang sakit ko dahil napunta ulit ako dito. Alam mo ba kung bakit naisipan kong pumunta dito ngayon? Kasi nung huli kaming nag-date ni Celine ay nangako kami sa isa't isa na pupunta kami dito at aalalahanin namin ang mga bagay na napagdaanan namin bilang mag-asawa." sabi ko kay Eid

"Masaya ako para sa'yo kasi kahit konti ay naging okay ka dahil pumunta tayo dito. Kung gusto mo pare kapag nasa bahay ka lang ay pumunta tayo dito kahit saglit pagkatapos ko sa trabaho." sabi sa akin ni Eid

Napangiti ako sa idea niya na iyon, oo nga naman bakit hindi ko gawin iyon? Baka naman makatulong iyon sa paggaling ko. Ito na lang kasi ang isa sa mga bagay na nagpapaalala sa akin kay Celine eh.

"Oh sige pare, wala naman problema iyon. Baka nga gumaling pa ako dahil dinadala mo ako dito. Salamat pare ha, lagi ka nandyan para sa akin. Hindi ko akalain ito dahil sila Franz ang kasama ko eh." sabi ko kay Eid

Habang nakatambay kami sa fountain ay nagulat ako nang biglang may nakita akong pamilyar na mukha. Kung hindi ako nagkakamali ay si Mary iyon. Lumabas siya sa restaurant kung saan kami huling nag-date ni Celine.

Kung nandyan si Mary, hindi malabong kasama niya din si Celine. Nung naisip ko iyon ay kumabog ang aking dibdib. ilang minuto pa ay nakita kong sumunod ngang lumabas si Celine. Hindi ko napigilan pero napangiti ako na nakita ko ulit siya.

"Pare, magtago tayo sa may kotse mo. Nasa restaurant si Celine, ayaw kong makita niya ako sa ganitong sitwasyon." sabi ko kay Eid, nagulat naman siya at napatingin sa may restaurant

"Aba, kaka-discuss lang natin pare ah. Nandito pala talaga si Celine, bakit hindi ka pa magpakita? Chance mo na ito oh, abot kamay mo na ang asawa mo. Gawin mo na ang gusto mong gawin." sabi sa akin ni Eid

Natigilan ako sa sinabi niya, para kasi sa akin ay hindi na niya dapat akong makita pa. Okay na rin na buo na sa isip niyang iniwan ko siya at pinabayaan para hindi na siya mamroblema pa sa sakit ko. Inaalala ko kasi ang anak namin, ayaw ko siya ma-stress.

"Hindi na pare, ayos na sa akin na makita ko siya sa malayo. Masaya na ako at nakita ko na nasa maayos siyang kalagayan. Tama na 'to para sa akin, si Celine ang dahilan ko para mabuhay. Kapag magaling na ako ay babalik ako sakanya." sabi ko kay Eid

"Ayan ang gusto kong marinig, huwag kang sumuko kay Celine at sa buhay mo. Lagi mong tandaan na kapag magaling ka na ay babalikan mo ang asawa't anak mo. Okay iyan, pare."sabi sa akin ni Eid

Walang paglagyan ang ngiti ko dahil nakatingin ako kay Celine ngayon pero nawala iyon nung may lalaking lumabas mula sa restaurant at hinabol nito si Celine. Sino naman iyon? Huwag naman sana, sana hindi niya bago iyon.

Tiningnan ko pa rin kung ano ang gagawin nung lalaki kay Celine kahit na sabihing masakit sa part ko. May inabot na purse yung lalaki kay Celine pagkatapos ay nagpaalam na ito at nagbeso-beso sila.

Doon na ako nalungkot, kitang-kita ko ang saya sa mga mata ni Celine. Ngayon ko lang nakita ulit iyon, ngiting inlove iyon eh. Ngiting buong-buo na ulit siya. Bakit? Bakit hindi mo na ako nahintay sa aking pagbalik?

"Tapos na pala ang laban ko. May bago na siya, may nagmamay-ari na sakanya. Wala na pala akong dahilan para mabuhay ulit. Pare, ang sakit-sakit naman. Lumalaban ka para sakanya pero iba na ang pinaglalaban niya." sabi ko kay Eid

"Sshh, baka naman kaibigan niya lang iyon o kakilala. Huwag ka agad mag-isip ng kung anu-ano. Hayaan mo, gagawin ko ang lahat para malaman ko kung sino iyon sa buhay ni Celine." sabi sa akin ni Eid

Hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng kung anu-ano. Kung pwede ko lang sugurin sina Celine at ang lalaking iyon ginawa ko na eh. Celine naman, buhay pa ako pero pinapatay mo na ako.

Ilang minuto pa ay nakita kong nakita niya ako, ang mukha niya ay gulat na gulat kaya agad akong nagtago sa likod ng kotse ni Eid at doon ako nagpunas ng mga luha ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, parang gusto ko na lang mawala sa mundo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top