Chapter 21

Anthony

Paggising ko ay nasa loob na ako ng ospital. Naaninag ko ang ilaw na para bang kukunin na ako ng langit. Nilingon ko ang paligid, walang tao sa loob kundi ako lang. Salamat na lang talaga dahil nandoon kanina sa bahay si Eid kundi ay walang magdadala sa akin dito sa ospital.

Ilang minuto pa ay biglang pumasok sa loob ng kwarto si Eid, alalang-alala siya sa akin. Kita ko sa mukha niya na parang may problema eh. Ano kaya iyon?  Lumapit siya sa akin at hinimas ang likod ko pagkatapos ay nagsalita na siya.

"Pare, mukhang hindi ka pa makakauwi. You'll undergo tests pa daw sabi ng doktor. Mukhang malala na daw sakit mo eh. Sorry pare pero mukhang lung cancer daw." sabi ni Eid sa akin na kinagulat ko naman

"Lung cancer? Paano naman nila nasabi? Hindi pare, hindi ako naniniwala na cancer 'to. Konting dugo lang naman ang inubo ko eh. Hindi lung cancer 'to." sagot ko kay Eid

"Alam ko masakit para sa iyo kaya denial ka pa pero hindi pa naman sigurado pare. Sabi ko nga, you'll undergo tests pa. Dito ka daw muna sa ospital." sabi sa akin ni Eid

Gumunaw ang mundo ko nung narinig ko ang lung cancer. Isa nanaman ba 'to sa pagsubok ng Diyos sa akin? Hindi na ba matatapos ang problema ko sa buhay? Nawala na sa akin ang pinakamamahal kong si Celine, tapos ito naman ang kasunod? Quota naman na yata ako sa problema.

"Pare, gusto ko sanang huwag na malaman 'to ni Celine. Ayaw ko siya mag-alala dahil buntis siya. Para sakanya at sa anak namin kaya itatago ko 'to. Isa pa, baka wala na din siyang pakialam eh. Huwag na huwag mo na sasabihin sakanya ha?" sabi ko kay Eid

"Masusunod, pare. Hindi ko sasabihin sa asawa mo pero pasensya ka na ha? Sinabi ko kasi sa nanay mo. Papunta na siya dito, nataranta kasi ako kanina kaya siya tinawagan ko." sabi ni Eid sa akin

Naalala ko tuloy kung kailan huling pagkikita namin ni Mama. Sobrang tagal na, simula nung nag-asawa ako eh hindi na kami nag-kausap pa. Sigurado ako na kapag nakita niya ako na nandito sa ganitong kalagayan eh papagalitan lang ako noon. Magkikita na nga lang kami, may sakit pa ako. 

"Sige pare, ako na bahala magsabi sa nanay ko. Salamat sa pagdala sa akin dito. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung hindi ka pumunta sa bahay ko kanina. " sabi ko kay Eid

"Wala iyon pare, sabi ko naman sa iyo na nandito lang ako lagi eh. Hayaan mo, sasabihin ko sa boss natin na matagal bago ka makakapasok ulit." sabi sa akin ni Eid

ilang minuto pa ay pumasok na sa kwarto si Mama. Alalang-alala siya sa akin. Nagmadali siyang yakapin ako at nagulat ako doon dahil ang buong akala ko ay papagalitan niya ako dahil may sakit ako.

"Paano ba iyan? Iwan ko muna kayo tita at Anthony. Uuwi na po ako. Kayo na po bahala sakanya." sabi ni Eid pagkatapos ay tinapik niya ang braso ko bago magpaalam

"Salamat pare ha? Basta, kung ano man ang pinag-usapan natin ay manatili na lang sanang ganoon. May tiwala naman ako sa iyo. Mag-iingat ka pag-uwi. Salamat ulit!" sabi ko kay Eid bago siya umalis

"Salamat sa pagdala dito sa ospital sa anak ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi mo siya nadala rito. Salamat ulit, mag-ingat ka pag-uwi. Ako na ang bahala sa anak ko." sabi naman ni Mama kay Eid

Pagkatapos noon ay umalis na si Eid, natatakot pa rin ako kay Mama dahil ang dami kong kasalanan sakanya tapos ito pa ang madadatnan niya sa akin. Naaawa ako sakanya. Hindi niya dapat ako nakikita sa ganitong sitwasyon.

"Anak, bakit? Bakit hindi mo naalagaan ang sarili mo? Nasaan na si Celine? Hindi ba dapat siya ang kasama mo at hindi yung kaibigan mo? Ano siyang klaseng asawa kung ganyan siya?" sabi ni Mama sa akin

"Mama, wala naman pong kasalanan si Celine dito. Huwag kayong magalit sa asawa ko. Ako po ang may kasalanan kung bakit ako nagkasakit." sabi ko kay Mama

Alam ko na kahit nasaktan ako ni Celine ay kailangan ko pa rin siyang protektahan kay Mama dahil mahal ko siya at siya ang asawa ko. Hindi pwedeng malaman ni Mama na hiwalay na kami ni Celine kundi magagalit siya.

"Alam mo kahit na hindi niya kasalanan ang nangyari sa iyo ay dapat binabantayan ka pa rin niya. Asawa ka niya eh. Anong number niya? Tatawagan ko siya at ipapaalam ko ang nangyari sa iyo." sabi ni Mama sa akin

"Mama, huwag na po. Hindi ko kasi siya kasama sa bahay ngayon. Nandoon siya sa mama niya dahil buntis siya. Ayaw ko siyang mastress dahil sa sakit ko. Hindi niya alam na may sakit ako at ayaw kong ipaalam iyon sakanya dahil makakasama sa pagbubuntis niya." sabi ko kay Mama

"Kung kailan naman buntis siya ay saka ka naman nagkaganito. Ano daw ba findings sabi ng doktor? Alam na ba daw nila bakit ka sumuka ng dugo? Baka iba na iyan ha. Alagaan mo ang sarili mo." sabi ni Mama sa akin

Doon na ako nabahala, paano ko sasabihin ngayon kay Mama na may posibilidad na lung cancer ang sakit ko? Baka naman atakihin siya oras na sabihin ko sakanya, baka mauna pa siya sa akin. Ayaw ko naman noon.

Ilang minuto pa ay pumasok na ang doktor para daw i-discuss sa amin ang sakit ko. Naku, patay na. Paano ko na ito itatago? Kailangan ko gumawa ng paraan.

"Mama, ibili mo nga ako ng tubig sa canteen ng ospital. Ako na lang ang makikinig kay doc kung ano ang sakit ko. Dali na Mama, please? Nauhaw ako eh." sabi ko kay Mama

Nabunutan naman ako ng tinik noong sinunod ako ni Mama sa hiling ko. Sorry Mama, ayaw ko lang na mapahamak ka ng dahil sa akin. I love you, Mama. Sorry kung hindi ko inalagaan ang sarili ko noong mga oras na wala ka sa tabi ko. Ito tuloy kinalabasan.

Kinausap ko yung doktor, sinabi ko na hindi pwedeng malaman ni Mama kung ano man ang makita nilang findings sa sakit ko. Sabi naman niya ay gagawa siya ng paraan para hindi malaman ni Mama ang sakit ko.

Pasensya na kayo, gusto ko lang labanan mag-isa ang sakit ko kaysa ang mahirapan pa kayo a akin. Iisipin ko muna kayo bago ang sarili ko dahil mahal na mahal ko kayo. Alam kong kaya ako nandito sa sitwasyon na ito ay dahil sa mga maling desisyon ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top