Chapter 20
Anthony
Dumaan ang mga araw na parang ayaw ko na mabuhay pa. Hindi na ako napasok sa trabaho, hindi na nakain sa tamang oras. Walang wala na ako.
Kapag naaalala ko ang huling tingin sa akin ni Celine, kumikirot iyon sa puso ko. Ang huling mga salita na sinabi niya sa akin, iyon ang dumurog sa puso ko.
Pero naniniwala pa din naman ako na mahal niya pa rin ako kahit papaano. Siya si Celine at ako si Anthony, kilala namin ang isa't isa kahit pa sabihin na nawasak na kaming dalawa.
Nawasak kami dahil mas pinili niyang makinig sa iba kaysa sa sariling takbo ng isip at puso niya. Kung sa sarili niya lang sana siya nakinig, baka naayos pa namin ang relasyon namin.
Oo, alam kong pagod na siya sa akin. Well, lahat naman ng tao mapapagod sa isang gago na tulad ko pero kasi, baka kung kailan niya sinuko ay saka dapat palang ilaban.
Sana ngayon niya ako nilaban kung kailan nalaban na din ako para sakanya. Ang unfair kasi ng buhay, kung kailan handa na ako saka naman kinuha sa akin si Celine.
Masakit malaman na hindi ka na mahal ng taong mahal mo pero mas masakit yung alam mong mahal niyo ang isa't isa pero sumuko na kayo dahil napagod na kayo.
Tumingin ako sa salamin, tiningnan kong mabuti ang sarili ko. Payat na, halatang stressed sa buhay. Wala na kasama.
Tumingin ako sa paligid, puro pictures namin ni Celine sa side table. Kinuha ko iyon at tiningnan nang matagal. Ito ang babaeng minahal ko, mahal ko at mamahalin ko.
Tumayo na ako at inayos ang kama ko. Para na akong baliw dito, nakikita ko si Celine na kinakausap ako at nangiti sa akin pagkatapos ay mawawala rin bigla.
Pagkaayos ko sa kama ko ay lumabas na ako. Nagtimpla ng kape, magluluto ng ulam na itlog o hotdog. Halos limang araw na rin akong paganito-ganito. Gusto ko na nga mawala dahil wala na ako maramdaman.
Ni sarili ko eh umaayaw na sa akin. Ganun na ba kasama ang ginawa ko? Inayos ko naman ang sarili ko hindi ba? Pero bakit mas nagulo ko pa yata? Tanginang buhay 'to, teka buhay pa ba ito?
Buhay na wala ka namang maramdaman. Ni sarili ko hindi ko na kilala eh, bakit hinahayaan ako ng Diyos sa ganitong sitwasyon? Alam kong mali pero hindi ko maiwasang hindi itanong.
Naging mabuti naman akong tao kahit gago ako. Minahal ko lang ulit ng buong puso si Celine dahil iyon ang alam kong tama pero bakit sa maling route ako napunta?
Bakit puro pasakit ako ngayon? Hindi ba tama ang ginawa ko? Ang unfair naman sa akin ng buhay, bakit hindi na ako pwede magkachance?
Nakaupo lang ako sa dining area, tinitingnan ko ang buong paligid. Inaalala ko ang bawat sandali na kasama ko pa si Celine sa bahay na ito.
Ilang minuto pa ay may kumatok sa pintuan ko. Agad kong binuksan iyon at nakita ko si Eid. Bakit kaya siya nandito?
"Pareng Anthony, bakit hindi ka na pumasok sa trabaho? Hinahanap ka na ni boss. Pumasok ka na, baka tanggalin ka na noon." sabi sa akin ni Eid pagkakita niya sa akin
"Wala na akong pakialam pare, bahala siya sa buhay niya. Ayaw ko na magtrabaho. Wala ng dahilan para magtrabaho pa ako, wala na asawa ko." sagot ko naman sakanya
"Hindi lang naman kay Celine natatapos ang mundo pare. Hindi mo naman pwedeng ikulong ang sarili mo dahil lang nasaktan ka. Bumangon ka." sabi ni Eid sa akin
"Eid, nung sinabi sa akin ng asawa ko na hindi na niya ako mahal, natapos na ang mundo ko." sagot ko kay Eid
"Pare, buhay pa ang asawa mo pero sinasabi mong tapos na ang buhay mo? Paano naman ako? Patay na ang asawa ko, pero hindi ko doon tinapos ang buhay ko dahil alam kong magagalit siya kapag iyon ang ginawa ko."sabi sa akin ni Eid
Natigilan ako sa sinabi ni Eid. Oo nga, buhay pa ang asawa ko at yung sakanya? Hindi na, hindi na niya mahahawakan pa ang asawa niya kahit gustuhin niya.
Pinaupo ko na lang siya sa loob at pinaghanda ng kape. Sabay kaming kumain at pinag-usapan namin ang asawa niya.
Tumulo ang luha ko, hindi ko lubos maisip kung ano ang gagawin ko sa oras na sa akin mangyari iyon. Hindi ko kayang mawala sa akin si Celine.
"Kaya kung ako sa iyo pare, may pag-asa ka pa. Makikita mo pa ang asawa mo, gawin mo lahat to win her back." sabi sa akin ni Eid
Tama, hindi dapat ako sumuko. I'll do everythinh to win her back, mawala na ang lahat sa akin huwag lang si Celine.
Tumayo ako at sa sink umubo nang biglang nakita ko na may dugo nanaman na lumabas galing sa bibig ko.
Napatigil ako at napa-isip, this isn't the first time na may dugong lumalabas sa bibig ko tuwing umuubo ako.
Agad akong napansin ni Eid na para bang ako ay balisa kaya agad niya akong tinanong kung anong problema ko.
"Pare, ayos ka lang? Anong nangyari?" tanong niya pagkatapos ay lumapit siya sa akin at nagulat siya nung may nakita siyang dugo sa palad ko
"Wala lang ito pare, dugo lang 'to. Malayo sa bituka. Huwag mo ko alalahanin. Okay lang ako." sagot ko naman sakanya
Pero sa totoo lang, takot na takot ako dahil mukhang iba na ang sakit na ito. Ayaw ko lang ipacheck dahil ayaw ko malaman kung ano ang totoo.
"Hindi pare, mukhang iba na iyan. Magpacheck na tayo sa doktor. Dadalhin kita ngayon doon." sabi naman ni Eid sa akin
"Huwag na, ayos lang ako. Dahil lang siguro sa pagod at mga problema ko sa buhay kaya nangyayari ito. Bumalik ka na sa upuan mo." sabi ko kay Eid
Sumulyap ako sa huling pagkakataon kay Eid pagkatapos nawalan na ako ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top