Chapter 18
Celine
Pagkatapos naming magpacheck up ni Mary sa ospital ay sinabi ko sakanya na kay Mama muna ako uuwi dahil hindi ko kaya kung sa bahay namin ni Anthony ako uuwi ngayon. Pumayag naman siya na ihatid ako kina Mama.
Pagdating namin sa bahay ni Mama ay umupo agad ako sa sofa at umiyak. Sinalubong naman ako ni Mama ng halik at yakap, natext ko na kasi sakanya kung bakit hindi ako uuwi kay Anthony ngayon. Galit na galit siya dahil pinagkatiwala daw nila ako ni Papa sa lalaking iyon pero ang ending lang pala ay lolokohin ako at papaiyakin.
"Lagot talaga sa akin iyon kapag nakita ko siya. Walanghiya siya, wala kang ginawang masama sakanya kundi mahalin siya na higit pa sa buhay mo. Tapos gaganyanin ka pa niya? Makakatikim talaga siya kapag nakita ko siya!" sigaw ni Mama
"Mama, hayaan na lang po natin siya. Ang mahalaga po sa akin ngayon ay dito na po muna ako sainyo ngayon hanggang sa maging okay na po ako. Hindi ko po kasi talaga mag-isa ngayon." sabi ko kay Mama
"At ano? Okay lang sa iyo ang ginawa niya kaya hahayaan mo na lang? Hindi! Hindi ako papayag sa gusto mo! Anak, alam kong mahal mo pa rin siya kaya kahit nasasaktan ka ay naaawa ka pa sakanya pero hindi dahilan iyon para hindi niya panagutan ang kasalanang ginawa niya sa iyo. Ipapakulong natin siya." sabi sa akin ni Mama
"Mama, huwag na po. Ayaw ko na po ng gulo. Ang gusto ko lang po ay tumahimik at magpahinga sa lahat ng bagay. Hindi po ito dahil sa mahal ko siya kundi dahil ayaw ko na pong pumatol. Maging masaya na lang siya sa bago niya, magiging masaya ako mag-isa kasama ang anak ko." sabi ko kay Mama, agad naman niya itong kinagulat
"Anak mo? Bakit? Buntis ka sa lalaking iyon anak? Magkaka-apo na ba ako?" naiiyak na sagot ni Mama, niyakap ko siya at tumango ako sakanya bilang tugon
"Opo Mama, buntis po ako. Mag dalawang buwan na po, kaya huwag na po kayo mag-alala sa akin. Ang gusto ko lang po ay alagaan ang anak ko. Ayaw ko po ng stress sa buhay ko ngayon, makakasama po sa anak ko." sagot ko kay Mama
"Sabi ko naman kasi sa iyo Celine eh. Hindi na kailan pa magbabago ang asawa mo. Ayaw mong maniwala sa akin eh, ikaw tuloy nahihirapan ngayon. Alam mo namang ayaw kong nahihirapan ka hindi ba?" sabi sa akin ni Mary
"Sshh, isipin na lang natin na kaya kami nagkabati ay para mabuo itong bata sa sinapupunan ko. Kung iisipin mo, kung hindi kami nagbati ni Anthony ay wala akong pinagbubuntis ngayon kaya blessing pa rin ang pagbabati namin in a way." sabi ko kay Mary
"Sabagay, tama ka naman dyan pero iyan ka nanaman sa ugali mong iyan eh. You see good things in the bad. Sa totoo lang, hindi ko alam sa iyo kung paano mo nagagawa iyon eh." sabi sa akin ni Mary
"Ganun naman talaga sa lahat ng bagay hindi ba? May good at bad side, kaya ang gagawin lang ng tao ay tingnan iyon kaso ang madalas na nangyayari ay nagiging one sided sila sa lahat ng bagay na nakikita nila sa paligid." sabi ko kay Mary
"Hmm, kayo talagang dalawa kung ano-ano ang naiisip niyo. Sige, may gagawin lang ako ha? Mary, bantayan mo itong kaibigan mo. Alalahanin mong buntis iyan. Magpapahanda na lang ako ng pagkain kay Nana Berta. Babalik ako, hintayin niyo ako rito." sabi sa amin ni Mama, tumango naman kami ni Mary bilang tugon
Habang iniwan kami ni Mama ay nagkwentuhan kami ni Mary tungkol sa nangyari kanina. Masakit na pag-usapan pero hindi naman maiiwasan eh, lalo na kay Mary na galit na galit kay Anthony simula noon hanggang ngayon.
"Kaya sabi ko naman sa iyo nung college tayo dapat si Odz na pinili mo. Doon sure ako na mahal na mahal ka niya. Doon ako boto noon eh, kaso hindi ka naman nakinig sa akin kaya wala na akong nagawa. Sana single pa rin siya ngayon ano para kung sakali pag-uwi niya dito sa Pilipnas eh kayo na ang magkatuluyan." sabi sa akin ni Mary
"Huy ano ka ba? Mahiya ka nga sa sinasabi mo. May asawa na ako, kahit sabihin mo na hiwalay kami ngayon ay asawa ko pa rin siya. Siya ang hinarap ko sa Diyos. Saka malay mo naman, may asawa na yung tao. May balita ka na ba sakanya?" sagot ko kay Mary
"Ang huling alam ko ay uuwi siya ng Pilipinas. Wala na ginagawa sa ibang abnsa iyon kundi magpadami ng pera eh. Ang swerte nga noon sa buhay niya. Ang pagkakaalam ko, wala pang asawa. Malay mo naman, hinihintay ka." sabi sa akin ni Mary
"Huy, mahiya ka naman! Kung anu-ano iniisip mo dyan. Tama na nga ang usapan. Nagugutom ka na ba? Nagugutom na ako eh, hintayin na natin si Nana Berta." sagot ko kay Mary
Ilang minuto pa ay may nagdoorbell, si Mary na ang nagpresentang magbukas. NAgulat na lang ako nang biglang sumigaw si Mary doon sa bisita. Pamilyar yung boses eh, alam kong si Anthony iyon.
"Anong karapatan mo para pumunta dito? Wala ka ng karapatan sa kaibigan ko! Kung ako sa iyo ay umalis ka na, kung ayaw mong ipakulong ka namin!" sigaw ni Mary
"Mary, maawa ka naman sa akin. Ipakausap mo na ako sa kaibigan mo. Kahit ito na ang huli naming pag-uusap oh. Ang importante lang naman sa akin ay makausap at makita ko siya sa huling pagkakataon eh." sabi ni Anthony kay Mary
"Makikipag-usap ka sa kaibigan ko? Eh lasing ka pa nga eh. Umalis ka dito! Ang lakas ng amoy ng alak sa iyo! Layas!" sigaw ni Mary kay Anthony
Naglakad ako papalapit sakanila, tiningnan ko lang si Anthony. Naiiyak ako, hindi ko maiwasa. He looks so wasted. Stressed na siya at parang depressed. Hindi, hindi ka dapat maawa Celine. Kalaban mo iyan hindi ba?
Nung nakita niya akong lumabas ay bigla siyang lumuhod sa harapan ko. ito nanaman, ito ang kahinaan ko eh. Tuwing naluhod at naiyak siya sa harapan ko. Naniniwala kasi ako na hindi ako dapat niluluhudan. Isa pa, lumalambot na ang puso ko kapag ganoon na ang nangyayari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top