Chapter 16
Anthony
"Ah, Celine. Teka, magpapaliwanag ako kung sino siya. Huwag ka magagalit, asawa ko. Please?" sabi ko sakanya
Nag-iba ang itsura niya, napuno ng luha ang kanyang mga mata. Nakita ko ang lungkot at pagkadismaya niya sa akin. Tama nga ako, tapos na ang mga pangarap ko kasama si Celine. Nawala ulit siya sa akin, nawala ang lahat ng isang iglap.
"Ah, siya ba ang asawa mo? Finally, nakita rin kita. Gusto ko lang malaman mo na may anak ang asawa mo sa akin. Niloko ka niya girl, tumikim siya ng ibang putahe." sabi nung babae sa harapan ni Celine
Walanghiya 'tong babaeng ito. Hindi pa naging kuntento, sinira na talaga niya ang lahat. Hindi man lang ako hinayaan na ako ang magpaliwanag sa asawa ko.
Tuluyan na siyang humagulhol sa harapam ko at tumakbo siya sa labas. Hinabol ko siya, hindi pwedeng maging ganito siya dahil sa akin. Lalo na at buntis siya, baka dahil sa stress ay mawala ang anak namin.
Tumakbo ako papalabas ng ospital at hinabol ko si Celine. Sana naman, pakinggan niya ako. Iyon lang ang hinihiling ko ngayon, ang makinig siya sa sasabihin ko.
"Celine, saglit lang! Magpapaliwanag ako, maniniwala ka na lang ba sa mga sinabi ng babaeng iyon? Paano naman ako? Hindi mo na ako pakikinggan? Hindi mo na ba hihingin ang side ko? Magmamakaawa ako sa iyo. Hindi pwede 'tong ganito, ayaw ko. Makinig ka naman sa akin, please!" sigaw ko sakanya, lumuhod na ako at umiyak
Diyos ko, sana makinig siya sa akin. Kahit ito na lang, aayusin ko 'to. Nangako na ako sa sarili ko hindi ba? Nangako na ako na aayusin ko na ang bawat kilos ko. Bakit ganito pa ang nangyari? Ang unfair ng buhay, bakit kailangan kunin kung ano ang mga bagay na magpapasaya sa akin?
Masaya na kami, akala ko makakasama ko na siya ng matiwasay pero mali ako. Kapag sumaya ka pala, kasunod na ang lungkot. Ngayon, naramdaman ko na kung anong naramdaman ni Celine sa nakalipas na tatlong taon. Ang sakit-sakit pala, karma ko na din siguro 'to. Deserve ko sigurong masaktan.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, tapos na ang lahat ng panloloko mo. Akala ko may pag-asa pa, pero sa narinig ko mula sa babae mo ay hindi ka pala talaga nagbago. Huwag ka mag-alala, aalagaan ko ang anak mo at mamahalin ko siya ng buo." sagot niya sa akin
Doon na nadurog ang puso ko, siguro napagod na siya sa lahat. Napagod na siya sa akin. Sino ba namang hindi? Gago ko eh, dapat noon pa lang humiwalay na siya sa akin para hindi na siya nahirapan pa at hindi na kami umabot sa ganitong sitwasyon.
"Tara na, Celine. Huwag na nating bigyan ng oras ang isang taong walang ginawa kundi saktan ka lang. Pumasok na tayo sa loob at palabasin mo na ang lalaking iyan sa buhay mo." sabi ni Mary kay Celine
Bakit kasi ang hilig mangialam ng mga tao sa amin? Kailan ba pwedeng kami lang ni Celine ang umayos sa problema namin para ang sasabihin ko lang ang naririnig niya? Nauudyukan kasi ng ibang tao, kaya hindi na niya ako pinakinggan. Sarado na ang utak.
Sa huling pagkakataon ay tiningnan ko siya pero hindi siya tumingin sa akin. Totoo nga sigurong ayaw na niya, sagad na nga siguro siya sa mga nangyari sa amin pero paano naman ang anak ko? May karapatan naman ako doon ah.
Pumasok na sila sa loob ni Mary para ituloy ang check-up, ito ako ngayon nakaluhod pa rin sa labas ng ospital. Hindi ko tanggap ang hatol ng buhay sa akin. Sobrang unfair. Bakit?!
"Oh, iniwan ka na ng asawa mo. Siguro naman malinaw na sa iyo kung ano ka sakanya ngayon? Tayo na lang, tutal may anak ka naman na sa akin eh. Mabuhay tayo ng wala ang asawa mo, nandito naman ako eh." sabi nung babae sa akin
Tumingin ako sakanya ng masama, nandilim na paningin ko at hinawakan siya sa braso. Wala na akong pakialam kung buntis din siya at masaktan siya sa ginagawa ko sakanya. Dahil sakanya, nawala si Celine sa akin!
"Anong sabi mo? Talagang naniniwala ka na pipiliin kita kaysa sa asawa ko? Hindi mo ba alam ang ginawa mo sa relasyon namin? Sinira mo lang naman, sinira mo ang lahat ng pangarap ko kasama si Celine! Ngayon iniisip mo na paninindigan kita?!" sigaw ko sakanya
"Tama naman na! Nasasaktan na ako! Baka nakakalimutan mo, buntis din naman ako at ikaw ang ama nito kaya huwag mo akong saktan kung ayaw mong may mangyaring masama sa anak mo! Buti na lang talaga at iniwan ka ng Celine mo!" sigaw niya sa akin
"Sa akin iyan? Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Sa pagkakaalala ko kasi eh hindi lang naman ako ang nakagalaw sa iyo. Kaya huwag mo namang ipaako ang isang batang hindi naman sa akin!" sigaw ko sakanya
Dahil sa sinabi ko ay sinampal niya ako ng malakas. Umiyak siya sa harapan ko at tumakbo, wala na akong pakialam. Gago na kung gago ang tingin niya sa akin. Gago naman ang tingin sa akin ng lahat eh. Dahil sa kagaguhan ko eh nawala sa akin si Celine kaya wala na rin akong pakialam sa lahat.
Gusto ko sanang habulin sa loob si Celine at doon magmakaawa sakanya pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Buo na ang desisyon niya, hindi na din siya makikinig sa akin kahit anong paliwanag ang gawin ko. I just want to kill myself right at this moment.
Kumuha ulit ako ng sigarilyo sa aking bulsa at sinindihan ko iyon. Ito na lang ang tanging paraan ko para kumalma sa lahat ng nangyayari. I just lost someone, I just lost myself. Buhay ko si Celine, at ngayon sobrang dilim ng lahat para sa akin.
Pagkatapos kong magsigarilyo ay tinawagan ko agad si Eid para magpakaon sana ako sakanya. Makikiusap ako na doon muna ako, gusto ko munang magpalamig sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Pare, pwede bang uminom tayo dyan sa inyo? Kahit ngayon lang, kailangan ko lang ng kausap. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko ngayon sa buhay ko. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa." sabi ko kay Eid
"Oh, anong nangyari pare? Pwede naman pero tanghali pa lang ah. Ang aga mo yatang makipag-inuman sa akin? Anong problema? Sige, pag-usapan natin iyan dito sa bahay kung ano man iyan. Makikinig lang ako, pare." sabi sa akin ni Eid sa kabilang linya
"Salamat pare, pasensya ka na kung ngayon ako nagyaya. Ikekwento ko na lang ito sa iyo dyan. Kahit kailan ay maaasahan ka talaga. Magpapakalasing ako para makalimutan ko ang lahat." sagot ko pagkatapos ay binaba ko na ang tawag
Pagkatapos noon ay tinext ko na sakanya ang address kung saan niya ako susunduin. Isang beses ko pa tiningnan si Celine kung nandoon pa ba siya o nasa loob na pero nabigo ako dahil wala akong nakita. Wala akong nakitang Celine.
Celine, sana isang araw marinig mo ang paliwanag ko. Sana sa araw na iyon ay mapatawad mo ako sa mga nagawa ko sa iyo. Tama ka naman eh, hindi kita pinanindigan, hindi rin kita pinahalagahan kaya tama lang rin ang ginawa mong ito sa akin.
Salamat sa pag-intindi sa akin ng mahabang panahon, alam kong pagod ka na kaya oras na rin siguro para palayain kita. Maghihintay ako sa oras nating dalawa, hindi man sa ngayon pero malay mo sa kabilang buhay.
Hindi ako magsasawang mahalin ka, kahit na palihim na lang ngayon. I will watch over you kahit masasaktan ako habang tinitingnan ka kasi alam kong hindi mo na ako mahal at hindi mo na ako tanggap. Nandito lang ako sa paligid, hindi kita iiwan.
Ilang minuto pa akong nakatayo sa harap ng ospital nang biglang dumating na si Eid. Ngumiti ako sakanya ng mapait. Doon pa lang ay alam na niya kung gaano kalalim ang problema ko.
"Mukhang malalim nga ang problema natin ah, iinom na natin iyan. Sabihin mo sa akin lahat at makikinig lang ako. Alam kong si Celine ang problema mo ngayon." sabi sa akin ni Eid
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top