Chapter 15
Celine
Dinala na ako ni Anthony sa ospital. Tinext ko na rin si Mary dahil siya lang ang may alam kung nasaaan yung doktor na titingin sa akin dahil iyon ang doktor niya nung pinagbubuntis niya ang inaanak ko.
Nagpasama na ako kay Mary habang si Anthony naman ay nagpaiwan muna sa labas dahil mag-yoyosi siya. Kahit anong pagbabawal na gawin ko sakanya ay hindi pa rin siya natigil. Sobrang kulit, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hinahayaan ko na nga lang siya dahil sa ayaw ko lang na mag-away kaming dalawa dahil lang sa bisyo niya.
Pagpasok namin sa loob ay kinausap agad kami ng OB-gyne, kailangan daw umihi ulit para macheck kung buntis talaga ako. Ayaw ko pa sana kasi wala pa si Anthony pero sabi ni Mary sa akin na siya na ang sasama sa akin papuntang comfort room.
"Tara na, sabi naman ni Anthony eh susunod na siya sa atin kaya sigurado ako na pagbalik natin dito sa loob ay nandito na rin iyon." sabi sa akin ni Mary
"Sige. Tara na, baka naman makita natin sa labas si Anthony kaya okay lang." sabi ko pagkatapos ay kinuha ko ang mga gamit ko
Paglabas namin ay nagkwentuhan kami ni Mary at sinabi niya sa akin kung ano ang nararamdaman niya ngayong alam na niyang may anak na ako ulit. Tuwang-tuwa siya para sa akin, nawala na rin ang inis niya kay Anthony.
Tinanggap na niya ang asawa ko dahil nakita raw niya na nagbago na talaga ito. Kumbinsido na raw siya na inayos na nito ang sarili at handa na siyang patawarin ito.Masaya naman ako dahil sa wakas ay naiintindihan na niya ako.
Habang naglalakad kaming dalawa papunta sa comfort room ay nakita ko si Anthony na may kausap na babae. Sino naman kaya iyon? Papalapit kami sakanya para tanungin kung sino iyon. Iba kasi pakiramdam ko, hindi maganda.
"Mukhang mali yata ang sinabi ko kanina, mukhang hindi pa din nagbabago ang asawa mo. I am so disappointed, hindi pa pala siya nagbabago. May babae pa rin siya." sabi sa akin ni Mary
Gusto kong hindi maniwala sa sinabi ni Mary, iniisip ko na baka kaibigan niya lang ang kausap niya. Baka nakitang kakilala lang, pero iba pa rin ang nararamdaman ko eh. Masamang pakiramdam, parang may hindi magandang mangyayari. Huwag naman sana ngayon, lalo na at buntis ako.
"Anthony? Sino iyan?" hindi ko na napigilan, iyon na ang lumabas sa bibig ko
Humarap sa akin si Anthony, kabadong-kabado ang kanyang mukha. Parang may tinatago siya sa akin na hindi ko malaman. Lalo tuloy akong kinabahan nung nakita ko ang reaksyon niyang iyon.
"Ah, Celine. Teka, magpapaliwanag ako kung sino siya. Huwag ka magagalit, asawa ko. Please?" sabi sa akin ni Anthony
Hindi ako nakapagsalita, parang gumuho ulit ang mundo ko dahil sa mga nangyayari. Bakit? Bakit siya nagtago nanaman sa akin? Ano bang ginawa ko at nakaya niya nanaman niya akong lokohin? Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko kay Anthony ngayon.
"Ah, siya ba ang asawa mo? Finally, nakita rin kita. Gusto ko lang malaman mo na may anak ang asawa mo sa akin. Niloko ka niya girl, tumikim siya ng ibang putahe." sabi nung babae sa harapan ko
Bumagsak ang luha ko nung marinig ko iyon. Hindi pa rin pala siya nagbabago. Gusto ko na lang kainin ako ng lupa para hindi ko maramdaman ang sakit na dulot niya. Anthony, bakit nagawa mo 'to?
Tumakbo ako papalabas ng ospital, hindi ko alam. Ang sakit ng naramdaman ko, hindi ako makahinga. Nakatayo lang ako sa labas habang umiiyak, pinunasan ko ang mga ito. Narinig ko namang tinatawag ni Anthony ang pangalan ko.
"Celine, saglit lang! Magpapaliwanag ako, maniniwala ka na lang ba sa mga sinabi ng babaeng iyon? Paano naman ako? Hindi mo na ako pakikinggan? Hindi mo na ba hihingin ang side ko? Magmamakaawa ako sa iyo. Hindi pwede 'tong ganito, ayaw ko. Makinig ka naman sa akin, please!" sigaw niya sa akin pagkatapos ay lumuhod sa aking harapan
Umiiyak siya, gusto kong maniwala sakanya pero hindi ko magawa dahil nasaktan rin naman ako. Kailangan ko na maging matatag ngayon dahil nangako na ako sa sarili ko na hindi ko na hahayaan na saktan niya ako ulit.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, tapos na ang lahat ng panloloko mo. Akala ko may pag-asa pa, pero sa narinig ko mula sa babae mo ay hindi ka pala talaga nagbago. Huwag ka mag-alala, aalagaan ko ang anak mo at mamahalin ko siya ng buo." sabi ko sakanya
"Tara na, Celine. Huwag na nating bigyan ng oras ang isang taong walang ginawa kundi saktan ka lang. Pumasok na tayo sa loob at palabasin mo na ang lalaking iyan sa buhay mo." sabi ni Mary kay Celine
Pumasok na kami ni Mary para ituloy na ang check up. Hindi ko na siya tiningnan dahil kung gagawin ko pa iyon ay baka magbago ang isip ko at maawa ako sakanya ulit. Kailangan ko na manindigan ngayon para sa sarili ko. Hindi ko na siya dapat isipin dahil sa lumipas na tatlong taon ay hindi naman niya ako inisip.
"Ang tanga ko dahil naniwala akong pwede siyang magbago, Mary. Bakit ang tanga-tanga ko kay Anthony? Ano bang ginawa niya sa akin at pagdating sakanya ay sobrang hina ko?" sabi ko habang naiyak pa
"Tama lang ang ginawa mo kanina sakanya, buti na lang at hindi ka bumigay sa pagmamakaawa niya. Tama lang iyan, manindigan ka para sa sarili mo. Hindi mo siya kailangan, hayop siya." sagot ni Mary sa akin
Sinamahan niya na akong umihi pagkatapos ay pumasok na kami sa loob. Tinuloy pa rin namin yung check-up kahit na durog na durog ang puso ko. Pangako ko simula ngayon na mamahalin ko ang anak ko, kahit siya na lang ang meron ako ay okay lang. Hindi ko kailangan si Anthony, hindi ko kailangan ng sinungaling sa buhay ko.
Magsama sila nung babae niya, hindi na ako makikigulo pa sakanila. Alam kong masakit para sa akin na hindi makikilala ng anak ko ang tatay niya pero siguro ay okay na rin iyon kaysa naman tumira ako kasama siya. Kasama ang isang sinungaling. Mahal ko siya pero siguro, kapag sobrang sakit na ay kailangan na bumitaw para hindi na sumakit pa.
Pagkatapos naming magpacheck-up sa OB-gyne ay umuwi na ako. Tiningnan ko ang buong paligid sa labas pero wala na siya doon. Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit sobrang sakit na ay may konting paki pa rin ako sakanya. Ang bobo mo Celine, hindi mo na dapat 'to ginagawa. Kalimutan mo na si Anthony, kalimutan mo na ang lahat.
"Ginawa ko naman ang lahat hindi ba? Tama na siguro. Tama na ang pagpapakatanga. Mahal ko siya pero may hangganan din naman ako, Mary." sabi ko kay Mary
"Iyan ang gusto kong marinig sa iyo, lumaban ka dapat. Lumaban ka dapat noon pa. Ngayon, isipin mo na lang ang anak mo. May rason ka pa para mabuhay. alagaan mo ang sarili mo." sabi ni Mary sa akin
Gusto kong iyon ang gawin, pero hindi ko maiwasang isipin na hindi naman madali ang lahat. Hindi madaling makalimot sa lahat ng sakit. It is a process at kailangan kong pagdaanan ang malubak na proseso na iyon bago makamit ang saya ulit. Ang unfair ng buhay, wala ka namang ginawang masama para maramdaman mo ang lahat ng sakit pero pinaramdam pa rin sayo ng mundo na hindi ka dapat maging masaya.
"Kung pwede lang tumakas sa sakit, ginawa ko na Mary. Pero hindi eh, hindi ko magagawa iyon kasi kung iyon ang pipiliin ko ay tiyak na miloloko ko lang ang aking sarili ko." sabi ko kay Mary
"Hindi mo dapat takasan ang sakit dahil kung iyon ang gagawin mo ay hindi ka tunay na magiging masaya. Namnamin mo ang sakit ngayon at darating ang araw na magiging maayos ka na ulit." sagot naman niya sa akin
Gusto ko na lang magpahinga. Gusto ko na lang matapos ang lahat ng problema ko sa buhay. Kung ganoon lang kadali ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top