Chapter 14
Anthony
Hindi ko lubos maisip na dadating ako sa punto kung saan magiging tatay na ulit ako. Kabado ako na may halong excitement. Sa wakas, tinupad ng Diyos ang matagal na naming dasal ni Celine.
Agad ko siyang dinala sa ospital para mapacheck siya doon. Pinangako ko na kasi sa sarili ko na kung magkakaanak man kami ulit ay hindi ko na hahayaan pang mawala.
"Halatang-halata na tensyonado ka. Huminahon ka muna, oo alam ko na kabado at excited ka. Ako rin naman eh pero kumalma ka." sabi sa akin ni Celine
"Pasensya ka na, hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Kinakabahan ako, alam mo naman kung ano ang nangyari noon hindi ba? Ayaw ko na maulit iyon." sabi ko naman kay Celine
Hinawakan ni Celine ang kamay ko ng mahigpit. Assuring me that hindi na din niya hahayaan ang sarili niya para safe ang bata na makalabas.
"Naiintindihan kita, gagawin naman natin ang lahat para hindi ito magaya sa una nating anak hindi ba? Mag-iingat na tayo ng doble this time." sabi sa akin ni Celine
Tumango lang ako bilang tugon sakanya at patuloy na nagdrive. May tiwala naman ako kay Celine na aalagaan niya ang bata, sadyang kabado lang ako. Sino namang first time na magulang ang hindi diba?
Ilang minuto pa ay dumating na kami sa ospital. Sabi ni Mary sa amin, dito daw kami magpacheck up dahil magaling daw ang mga doktor dito.
"Itext mo na si Mary, sabihin mo na pumunta na siya dito para madala na niya tayo doon sa doktor na kakilala niya rito." sabi ko kay Celine
Iyon naman agad ang ginawa ni Celine, kinuha niya ang cellphone niya at tinext niya na si Mary. Umupo muna kami kung saan pwede munang maghintay.
Ilang minuto pa ay dumating na si Mary, sobrang saya niya at medyo kabado rin para sa kaibigan niyang si Celine.
Hanga ako sa tatag ng pagkakaibigan nila, noon pa lang ay hindi na nila iniwanan ang isa't isa. Pinatunayan nila iyon hanggang sa nagkaasawa na sila parehas.
"Okay lang ba pakiramdam mo? May masakit ba? Nahihilo ka pa ba, Celine?" iyon ang mga tanong ni Mary sa asawa ko
"Oo medyo okay na ako. Nawala na din yung hilo ng konti. Tara na, pacheck up na tayo." sagot ni Celine kay Mary
Dahil gusto ko muna magpakalma ay napagpasyahan ko na susunod na lang ako pagkatapos kong magsigarilyo.
"Mary, susunod na lang ako sa inyo. Magyoyosi lang ako sa labas. Alagaan mo si Celine, make sure everything is fine with her. Salamat." sabi ko kay Mary
Tumango naman siya at ngumiti sa akin. Inalalayan na niya papunta sa loob si Celine habang ako ay papalabas habang kumukuha ng yosi sa aking bulsa.
I need cigarette to calm down. Kahit ilang beses yata akong pagsabihan ni Celine tungkol dito eh hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil ito na lang ang katulong ko sa pagpapawala ng stress ko.
After ko magyosi ay nagulat na lang ako dahil sa pag-ubo ko ay may kasama na palang konting dugo ito. Bakit kaya?
Papasok na sana ako ng ospital para puntahan si Mary at Celine nang biglang may dumaan na babae, pamilyar siya sa akin pero hindi ko na maalala.
"Ang galing naman talaga, dito pa tayo ulit nagkita. Tamang-tama na rin para masamahan mo ako sa check-up ng anak mo." sabi nung babae sa akin
Ha? Anong pinagsasabi niya na anak ko sakanya? Mukhang nababaliw na 'tong babae. Dapat yata sa mental hospital ito pinacheck up at hindi dito.
"Anong sinasabi mong anak ko sa iyo? Miss, okay ka lang ba?" tanong ko agad sakanya
"Hindi mo na agad ako tanda? Ano, pagkatapos ng sarap kakalimutan mo na ako? Diba sabi mo kapag kailangan ko ng sustento ay tawagan kita?" sabi sa akin nung babae
Nung sinabi niya sa akin iyon ay naalala ko na siya. Siya yung babae na natikman ko 2 months ago. Shit, may anak din ako sakanya?
"Ikaw pala iyon. Huwag ka na dito magpacheck-up, ako na ang bahala sa check ups mo. Magpapadala na lang ako ng pera sa bangko kung kinakailangan." sabi ko sakanya
"Bakit ayaw mo akong magpacheck up dito sa ospital na 'to? Nandyan ba ang asawa mo?" tanong sa akin nung babae
"Oo, nandito ang asawa ko kaya huwag na huwag ka dito magpapacheck up. Naiintindihan mo ba iyon?" sabi ko doon sa babae
"Bakit? Ayaw mo ba na makita ako ng asawa mo? Ako, gusto ko siya makita. Hindi naman masama iyon hindi ba?" sabi nung babae sa akin
"Huwag na huwag ka magpapakita sa asawa ko kung ayaw mong hindi ko panindigan iyang dinadala mo." sabi ko sakanya
"At akala mo matatakot mo ako sa mga sinasabi mo? Pwes, hindi! Baka gusto mong ako pa ang magsabi sa asawa mo ng kagaguhan mo sa akin." pagtataray niya sa akin
Hindi pwedeng malaman ni Celine na nakabuntis ako ng iba dahil inaayos na namin ang relasyon naming mag-asawa. Isa pa, magkakaanak na kami ngayon.
Ayaw ko maging dahilan ito para mawala ulit sa akin ang anak ko pati na rin si Celine. Alam ko na hindi niya na ako mapapatawad pa kapag nalaman niya ang totoo.
Nagpupumilit yung babae na makita si Celine pero hindi ako pumapayag. Nagulat na lang ako nang biglang narinig ko ang isang pamilyar na boses.
"Anthony? Sino iyan?" tanong nung pamilyar na boses na nasa likod ko
Si Celine. Si Celine iyon, hindi ako pwedeng magkamali ng rinig. Asawa ko ang tumawag sa akin. Paano na 'to? Sira nanaman ba ang mga pangarap ko? Mga pangarap ko na kasama si Celine.
Lumingon ako doon sa pamilyar na boses at doon ko nakumpirma na totoo nga. Si Celine nga ang babaeng tumawag sa akin.
Anthony, ano na ang gagawin mo ngayon? Wala ka ng kawala. Paano mo pa matatakasan ang kagaguhan mo?
"Ah, Celine. Teka, magpapaliwanag ako kung sino siya. Huwag ka magagalit, asawa ko. Please?" iyon na lang ang nasabi ko sakanya
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top