Chapter 10
Anthony
Pagpunta ko sa meeting place namin ay nakita ko agad sila. Ngumiti ako ng may pait sa aking mga labi, kunwari okay lang lahat.
Iniisip ko si Celine, alam kong kahit payag siya na pumunta ako dito ay tutol pa din siya kasi gusto niya pa ako makasama. Badtrip lang talaga itong mga ka-opisina ko, bakit ngayon pa.
"Oh pare, nandito ka na pala. Maupo ka na at mag-umpisa na tayo. Pasensya ka na kung ngayon ako nagpameeting, alam ko day off mo ngayon pero kailangan talaga eh." sabi sa akin ng boss ko
"Okay lang po iyon, trabaho po ito eh. Saka pumayag naman po asawa ko kaya okay lang po. Tara na, umpisahan na po natin." sagot ko naman sabay upo
Pinag-usapan namin ang sales ng kompanya, nababa na kasi kaya kailangan namin mag-isip ng paraan para maitaas ulit 'to. Ipafinalize ito sa iba pang boss ng kompanya once napag-usapan na.
Pagkatapos ng meeting ay hindi agad ako umalis. Nahihiya kasi ako, baka sabihin naman nila na hindi ko sila hinihintay eh nagkekwentuhan pa sila.
"Oh pare, mukhang problema ka yata ngayon ah? Ano iyon? Para ka kasing hindi makali dyan sa upuan mo." sabi nung isa kong ka-opisina
Ganoon na ba kahalata sa mukha ko na malalim ang aking iniisip? Hay, ngayon na nga lang kasi ako babawi kay Celine pero napurnada pa dahil sa trabaho.
"Wala 'to pare, iniisip ko lang si Celine kasi sabi ko sakanya na babawi ako ngayon pero tinawag naman ako sa trabaho. Nagtatampo iyon kahit hindi niya sabihin sa akin." sagot ko naman doon sa ka-opisina ko
"Oh, mabuti naman at ayos na pala kayo nung asawa mo. Good for you, pare. Akala ko talaga wala ng chance na maayos niyo pa relasyon niyo eh." sabi naman niya
"Nagising na ako sa katotohanan pare, siya pa rin pala ang gusto kong makasama habang buhay. Nakalimutan ko lang pala kung saan kami nagsimulang mag-asawa." sagot ko
"Naks naman, may ganyang mga salita ka na ngayon ah. Dati akala ko eh pambababae lang ang alam mo, matino ka pa pala." sagot naman niya sa akin
Natawa na lang ako dahil sa sinabi ng kaibigan ko, tama naman siya eh. Napakagago ko at walang kwentang asawa kay Celine for the past three long years.
"Aminado naman ako doon pare, naging gago talaga ako sa asawa ko. Maswerte na lang talaga ako dahil sinasamahan niya pa rin ako kahit gaano pa ako kagago sakanya. Kung sa iba iyon, iniwan na ako for sure." sagot ko naman
"Masaya ako para sayo pare, is there something I can do para matulungan kang maibalik ang tamis ng pag-ibig sa asawa mo?" sabi niya
Doon ko na naikwento na may plano akong dinner date para sa amin ni Celine, tuwang-tuwa siya nung nalaman niya ang plano ko.
He is willing to help raw kaya minabuti na naming umalis doon sa lunch meeting para maiayos na namin ang lahat para mamayang gabi.
"Alam mo ba kung bakit gustong-gusto kitang tulungan sa pag-aayos ng relasyon niyong ito? Ito kasi yung mga bagay na hindi ko nagawa sa asawa ko nung buhay pa siya." sabi nung ka-opisina ko sa akin habang nasa kotse kami
"Sorry to hear that pare, salamat talaga at may malasakit ka sa relasyon naming mag-asawa. Hindi mo naman trabaho ito pero ginagawa mo." sagot ko
"Sabi nga nila, kung hindi mo nagawa sa sarili mo, pilitin mong gawin para sa iba. Kaya ikaw, huwag mo na sasayangin ang pagmamahal ng asawa mo sa iyo. This time, sana hindi ka na magkamali pa sa mga desisyon mo sa buhay." sagot naman niya sa akin
Sa maikling sinabi niya na iyon, doon ko narealize na sobrang swerte ko pala dahil all this time, nasa tabi ko lang ang asawa ko.
Mapalad ako dahil kasama ko pa siya, pero yung ka-opisina ko hinding-hindi na niya magagawa pang samahan ang asawa niya kahit kailan.
"Salamat sa sinabi mo pare, ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Hindi na ako magpapakagago ulit dahil ayaw kong mawala sa akin ang asawa ko." sagot ko naman sa kanya
Ilang minuto pa ay nandoon na kami sa restaurant kung saan kami kakain ng dinner ni Celine. Ang ganda nung napili ng kaibigan ko, ganito nga ang taste ni Celine sa mga restaurants sa pagkakaalala ko.
Bumili kami ng cake at flowers, talagang pinaghandaan namin kung anong mangyayari mamayang gabi pero hindi ko na namalayan ang oras.
Hapon na pala, ang dami naming inasikaso kasi gusto ng kaibigan ko na sobrang elegante ng dinner date namin, nahihiya tuloy ako.
Nakita ko na lang na nagtext na sa akin si Celine. Patay, hindi na ako nakapagsabi sakanya, sabi ko pa naman ay sabay kaming kakain nung kaldereta. For sure, malungkot nanaman iyon o baka nag-isip nanaman ng kung ano.
Dahil gusto namin siyang masurpresa ay hindi ko muna siya kinausap. Mamaya na lang ako magpapaliwanag oras na nandito na siya.
Dumating na ang oras, dinner date na namin kaya tinext ko na siya. Baka nababaliw na iyon ngayon sa kakaisip kung nasaan ako eh.
Wait, someone will fetch you there. Sorry if ngayon lang ako nagparamdam sa iyo, see you tonight! Don't forget that you are beautiful inside and out. I love you very much. Sorry for the things that I've done. This time, babawi na ako. Wala na makakapigil pa sa pagmamahal ko para sa iyo.
Love,
Anthony
After that ay kinabahan na ako na parang excited na ewan. Para akong manliligaw ulit kay Celine, ang sarap sa pakiramdam na bumalik ka ulit sa una.
"Pare, kaya mo iyan. Asawa mo na iyon kaya huwag ka na kabahan. I know she'll love everything na hinanda natin para sakanya. Mahal na mahal ka ng asawa mo kaya iyon ang paniwalaan mo." sabi nung kaibigan ko
Sana nga maging maayos ang lahat ngayong gabi. Sana pagbigyan ako ng Diyos na ipakita ko kay Celine kung gaano ko siya kamahal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top