Chapter 1
Celine
Bakit? Bakit siya ganoon sa akin? Ang gusto ko lang naman ay umuwi siya sa akin. Umuwi siya ng matiwasay para di ako mag-alala. Trabaho naman iyon ng mag-asawa hindi ba? Alagaan ang isa't isa, pero bakit iba yata para kay Anthony ang mga ginagawa ko para sakanya?
"Umuwi ka na, asawa ko. Gusto na kitang makita at makasama ulit. Hihintayin kita. Hindi ako makatulog na wala ka sa tabi ko." sabi ko kay Anthony sa telepono
"Ano bang sinasabi mo dyan? Alam mo naman ang oras ko sa trabaho hindi ba? Bakit hindi mo maintindihan na hindi ako makakauwi agad sa iyo?!" sagot naman niya, sumisigaw pa
Hindi naman niya kailangang sumigaw, rinig ko naman siya. Hindi ako bingi para hindi ko marinig ang mga masasakit na salita na iyon mula sakanya.
"Ah, ganoon ba? Sige. Tutulog na lang ako mag-isa, pakisarado na lang ang pintuan natin kapag umuwi ka na. Goodnight, asawa ko." sagot ko naman sakanya
Kahit galit siya ay pilit ko pa ding inintindi ang lahat sakanya. Iniisip ko, baka pagod lang. Baka madaming ginagawa sa trabaho kaya mainit ang kanyang ulo.
Hindi ko na namalayan na hindi na pala niya sinagot ang sinabi ko sakanya sa telepono. Binabaan na pala niya ako, kahit masakit ay tinanggap ko. Pumasok na ako sa kwarto.
Paggising ko ng umaga, nakita ko si Anthony na nagtitimpla ng kape niya. Napangiti ako bigla, napakasarap sa pakiramdam na makita ang taong mahal mo pagmulat ng iyong mga mata.
"Gising ka na pala, bakit hindi mo ako ginising? Ako sana ang nagtimpla ng kape mo, pinagluto sana kita ng paborito mong ulam." sabi ko kay Anthony
"Celine, late na ako sa trabaho ko. Wala na akong oras para gisingin ka pa. Sa trabaho na ako kakain, maiwan na kita dyan." sagot sa akin ni Anthony
"Ha? Hindi mo man lang ba ako sasabayan kumain? Ubusin mo muna ang kape mo para naman makapag-isip ka ng maayos sa trabaho." sagot ko naman sakanya
"Hindi na, humigop lang ako ng kape pero aalis na talaga ako. Kung gusto mo, ikaw na lang uminom niyan. Aalis na ako." sagot niya sa akin
"S-saglit. Wala ka ba man lang naaalalang gawin bago ka umalis ng trabaho mahal kong asawa?" tanong ko sakanya
Kinapa niya ang bulsa niya sakanyang pantalon, tiningnan din niya ang bag niya tila ba may hinahanap doon. Hindi niya nga yata naalala kung anong meron ngayon.
"Wala naman akong nakalimutan sa gamit ko, sige na aalis na ako. I-lock mo ang pinto pag-alis ko, baka kung sino ang pumasok dito." sagot sa akin ni Anthony
Umalis na siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Hindi na nga sya lumingon sa akin, dere-deretso siyang lumabas ng bahay at pinaandar ang kotse namin.
Oo, hindi niya nga talaga naisip na limang taon na kaming mag-asawa ngayong araw. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko, iiyak ba ako o magiging manhid na lang ako dahil tatlong taon na siyang ganoon sa akin?
Simple lang naman ang gusto ko, makita niya ako ulit bilang mahal niya. Nagagawa niya naman iyon dati, hindi ko lang alam bakit nawala na siya ngayon.
Ah, oo nga pala. Kinakagalit pa din niya ang pagkawala sa anak namin noong dalawang taon pa lang kaming mag-asawa. Simula noon hindi na niya ako nakita bilang maybahay niya.
Sinisisi niya ako sa isang bagay na hindi ko naman ginusto, hindi ko sinasadya. Sino ba ang may gustong mawalan ng anak? Wala naman siguro hindi ba?
Umupo na lang ako sa sofa namin, tiningnan ko ang paligid. Ang tahimik, kung may anak na sana kami ngayon, masaya siguro kami. Hindi siguro siya ganito ngayon sa akin.
Ilang minuto pa ay may naririnig akong kumakatok sa pintuan, sinilip ko muna sa bintana at baka mamaya ay masamang loob pero hindi, si Mary ang nakita ko. Ang kababata namin ni Anthony.
Binuksan ko agad ang pintuan para sakanya, sabay pilit na ngumiti para hindi niya mahalata na may pinagdadaanan akong problema ngayon.
"Huwag mo na itago, kita ko sa mga mata mo ang lungkot. Kilala kita Celine. Hindi mo na ako maloloko. Si Anthony nanaman ang dahilan ng iyan ano?" sabi ni Mary sa akin
"Hindi, wala lang ito. Bakit ka nga pala naparito? Anong sadya mo?" sagot ko pagkatapos ay sabay kaming umupo sa sofa para doon mag-usap
"Wala, napadaan lang ako. Alam kong ngayon ang anniversary niyo bilang mag-asawa, at alam kong limot nanaman niya kung anong meron ngayon." sagot ni Mary sa akin
"Ah, iyon ba? Malay mo naman, may surpresa siya para sa akin mamaya. Malay mo naman, maalala niya kung sakaling nalimutan niya ngayon." sagot ko naman kay Mary
"Nakalimutan niya? Nakalimutan niya sa halos tatlong taon, Celine! Tatlong taon na ang nakalipas simula noong nagbago ang asawa mo sa iyo. Gumising ka na sa katotohanan!" sigaw ni Mary sa akin
"Naku, mahal naman ako ni Anthony. Alam ko, alam kong mahal pa rin niya ako dahil nandito pa din siya sa akin kahit ganoon ang nangyari sa anak namin." sagot ko kay Mary
"Alam mo ba kung bakit hindi ka mahiwalayan ng asawa mo? Simple lang, naaawa siya sa iyo dahil alam niyang wala ka na pupuntahan. Awa na lang ang natitira para sayo, hindi na pagmamahal Celine." sagot ni Mary sa akin
Pilit akong ngumiti kahit na sobrang sakit ng mga narinig ko kay Mary. Masakit dahil alam kong totoo ang sinasabi niya at niloloko ko lang naman ang sarili ko.
Umaasa pa din kasi ako na magbabago ang lahat sa amin. Iniisip ko na mahal pa rin niya ko tulad ng dati dahil sa akin pa rin siya nauwi.
Kahit hindi iyon ang sinasabi ng mga kinikilos niya, gusto ko pa rin maniwala na may pagmamahal pa siya para sa akin kasi ako, mahal na mahal ko siya.
"Mahal na mahal ko pa din si Anthony, Mary. Kahit ganito kami, iniisip ko pa din na may mabuti siyang puso at darating din ang araw na mapapagtanto niya lahat ng kasalanan niya sa akin." sagot ko kay Mary
"Mahal mo pa nga pero mahal ka pa ba? Magising ka na sa katotohanan, hindi ka na mahal ni Anthony." sagot ni Mary sa akin
Paulit-ulit kong narinig iyon sa utak ko, hindi na ako mahal ni Anthony. Ano na ang gagawin ko?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top