Anthony's Letter
Dear Celine,
Hindi ko alam kung mababasa mo pa ito pero kung sakali, alam mo na ang sakit ko at siguro wala na ako sa mundo oras na ibigay sa iyo ito ni Eid. Gusto ko lang malaman mo na itinago ko sa iyo ang sakit ko dahil ayaw kong masaktan kita. Mas okay na sa akin na iba ang nasa isip mo, kaysa makita mo ako na malubha sa kalagayan ko. Kung sakali mang mawala ako at hindi tayo nagkita at pasensya na. Okay lang na magalit ka sa akin ngayon atleast hindi ko na makikita na nasasaktan ka dahil sa akin.
Kung mawala man ako, ipangako mo na aalagaan mo ang sarili mo. Tuparin mo ang mga pangarap natin kahit hindi mo na ako kasama. Kilala kita, malakas ka kaya itong pagkawala ko ay malalagpasan mo rin. Sasaya ka ulit at kapag nangyari iyon lagi mong tatandaan na nandito lang ako sa likod mo. Masaya din ako para sa iyo.
Ipangako mo na magmamahal ka ulit, hindi man agad pero kapag handa ka na. Para na rin may ama ang anak ko kung sakali mang hindi ko na siya abutin dahil sa totoo lang ay hindi ko na kaya. Kumakapit na lang ako dahil naasa pa akong makikita pa kita sa huli. Huwag mo akong alalahanin, tinanggap ko na ang kapalaran ko.
Huwag kang gagaya sa akin, pag-isipan mong mabuti ang mga desisyon mo dahil ito ang magdadala sa iyo sa tama o sa maling landas. Alam mo naman ngayon kung saan ako napunta, pero hindi na ako nagsisisi dahil ito ang ginusto ko kaya dapat lang na panindigan ko ang lahat ng sakit na ito.
Magsilbi sanang paalala 'to na hindi lahat ng desisyon ay tama. Mahal na mahal kita Celine, mukhang iyon na nga lang ang tamang desisyon ko sa buhay. I'll see you soon. i know I will. Huwag ka na umiyak, maayos na ako.
Mahal kita. Ikaw at ikaw lang ang tahanan na uuwian ko.
Nagmamahal,
Anthony
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top