Chapter 23 (The Present)


FRANCE

I LOOK in the mirror for the last time and smile. Inayos ko ang buhok kong maayos naman na, at lumabas na ng aking kwarto.

"Oh, France, bakit ang lawak ng ngiti mo? Ano'ng nangyaring maganda?" tanong ni mama noong makarating ako sa salas. Hininaan niya pa ang volume ng TV upang siguradong maririnig niya ang isasagot ko.

"Beatrice and I, we're going on a date, 'ma."

My smile grows wider. Lalabas lang talaga kami ni Beatrice ngayong araw, pero tinawag ko itong date. Kung hindi date ang dapat kong itawag dito, eh ano? I love her, and she loves me too. Ano'ng tawag sa paglabas ng dalawang taong nagmamahalan? Hindi ba't date?

"Talaga?!" Pinalo nito ang space sa kanyang tabi at sinenyasan akong lumapit. "Halika nga rito, at ikwento mo sa akin ang nangyari sa inyo nitong nagdaang mga araw. Wala ka pang naikukwento sa akin, eh. Kailangan alam kong ang bawat kaganapan sa love story ng anak ko. Hindi ako pwedeng mahuli sa balita."

Nanatili ang ngiti sa aking mukha. If I wasn't happy, I'm sure I would've rolled my eyes. "This is not the right time to tell you everything, 'ma. I'm going on a date with the queen of my heart. Saka na lang ako magkukwento sa inyo, 'ma."

"Pangako mo 'yan, ha? Dapat lahat ng detalye, masabi mo sa akin," tugon nito. "Galingan mo, ha?"

"I will, 'ma! Bye!" I quickly walk out of our house, wear my helmet, and and drive my motorcycle to Beatrice's house.

Hindi ito ang kauna-unahang araw na lalabas kaming magkasama ni Beatrice matapos ng araw na inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko. If I'm not mistaken, this is the fifth time. Kung wala nga lang akong kailangan gawin, araw-araw ko siyang yayayaing lumabas. But I have responsibilities. Pero ginagawa ko ang lahat upang hindi 'yon maging hadlang sa pagmamahalan namin. Palagi ko siyang pinupuntahan maliban na lang kung may kailangan akong tapusin. Sa tuwing lumalabas kami, dinadala ko siya sa pinakamagagandang lugar dito. Hindi ko nakakalimutang nandito siya upang magbakasyon at kalimutan ang buhay sa siyudad kaya sinisiguro kong masaya ang pag-i-stay niya rito.

Mula sa malayo'y nakita ko ang isang kulay itim na kotse. Cool at magara ang kotseng 'yon, at halatang milyonaryo lang ang may kakayahang bumili ng gano'n. My forehead furrows. Whose car is that? May bisita si Beatrice? Sino? Napalunok ako nang sumagi sa isip ko ang pangalan ng isang lalaki. Sana'y hindi siya 'yon. Inihinto ko ang kotse sa likod ng kotseng 'yon. Noong makababa ako sa aking motorsiklo, pinikit ko ang aking mga mata at huminga nang malalim bago dahan-dahan naglakad papunta sa bahay ni Beatrice.

It's sunny day, and I can feel the warmth of the sun's rays on my skin. Pero nilalamig ako. I can feel the cold wind upon my cheeks. I know it's because I am nervous right now. My palms and forehead are sweating. May masama akong kutob. I swallow hard. Her door is opened so I don't knock. Palihim akong sumilip sa loob, at hindi ko alam kung bakit.

"I love you, Bea."

Parang noong mismong sumilip ako, mayroong sumuntok sa akin. My jaw almost drops. I swallow as I stare. I can't believe what I'm seeing right now. Evan Ryle Diaz is hugging Beatrice. Kahit nakatagilid sila sa akin, sigurado akong siya 'yon. At kahit hindi ako ang niyayakap niya, sigurado akong mahigpit ang yakap niya. Napunta sa mga kamay ni Beatrice ang aking paningin. You know what hurts me the most? Beatrice is hugging him back. They are hugging each other right now. Halos hindi ako makahinga. My eyes start to become teary. My heart starts to break.

Bago pa man mawasak nang tuluyan ang aking puso, agad na akong tumalikod at naglakad papalayo. Tumigil ako noong pakiramdam ko'y handa nang bumagsak ang aking mga luha. I don't know how I look right, but I'm sure I look like a mess. I'm sure I look so pathetic. I look up to the blue sky, and wipe my eyes. I bite my lower lip.

"It's alright. It's not the end of the world," I whisper to myself before I walk away from that house again. Agad kong pinaandar ang aking sasakyan at umalis sa lugar na 'yon.

Pagkarating ko sa bahay, ngiti ni mama ang una kong nakita. Agad na nawala 'yon noong makita niya ang itsura ko. Alam kong alam niyang may mali, ngunit hindi niya ako tinanong. Dumiretso ako sa aking kwarto, nagpalit, at nahiga sa aking kama. Nakatitig ako sa kawalan nang biglang tumunog ang aking cell phone.

France, darating ka pa ba? Nasaan ka na? Are you sick?

Matapos kong basahin ang message niya, pabagsak kong ibinaba ang aking phone. Hindi pa lumilipas ang isang minuto noong muli siyang nag-message sa akin.

You've seen my message, pero bakit hindi ka nagre-reply. Are you okay? I'm worried. Kapag hindi ka pa nag-reply, pupunta ako diyan.

Kikiligin na sana ako, ngunit bigla kong naalala ang nakita ko kanina. She's worried? I'm sure it's a lie. Magaling talaga siyang magsinungaling at mag-pretend. She's the best actress I've ever known. Kahit masama ang loob ko, nag-reply pa rin ako.

I'm fine. I'm sorry, pero kailangan kong i-cancel ang plano natin. I forgot that there's a work that has to be done.

It's okay. May next time pa naman. Huwag kang magpapa-stress. You can do it!!!

I read the last four words repeatedly. If I hadn't seen what I saw, I would've smiled. Kung hindi ko nakita ang nakita ko kanina, kumpleto na ang araw ko. But I saw it with both eyes. She and Evan Ryle Diaz were hugging each other. Hindi ako maaaring nagkamali o namamalikmata lang. He hugged her, and she hugged him back. I know it's true. But a part of me wants to convince myself that it's not. But also a part of me doesn't want to fool myself. Masyado akong nasaktan na hindi ko kayang sabihin man lang sa sarili ko na ilusyon lang ang nasaksihan ko.

I love her, but does she feel the same? Paano ko ba nasabing mahal niya ako? After I confessed to her, she didn't say that she loves me too. I kissed her, and she kissed me back. That's what made me assume that she loves me too. I was wrong. She doesn't love me. It's just an assumption. She has no feelings for me. Bakit ba nalimutan kong malabong mahalin niya rin ako? How can love someone like me? She's a celebrity, and I'm a teacher. She's got everything, and I've got nothing. She's beautiful, talented, and famous. And I am simple. Paano magagawang mahalin ng isang Bea Hernandez ang simpleng katulad ko?

Who am I? I am France Lee Cruz, an elementary teacher, who wants nothing but the simplest things in life. Wala akong maipagmamalaki at maipagmamayabang. Magkaibang-magkaiba ang mga mundo namin. I don't believe that opposites attract. I don't believe that we are meant to be together anymore. I don't deserve her. I am not the man for her. Ang nababagay sa kanya ay 'yong kagaya niya. Someone like Evan Ryle Diaz.

Kaysa patuloy na maliitin ang aking sarili, naisip kong yayain na lang si Mavin na makipag-inuman sa akin. Naupo ako sa aking kama, kinuha ang aking cell phone, at i-minessage siya.

Inom tayo, Mav.

Nasa trabaho pa ako.

I know. Ang ibig kong sabihin, uminom tayo mamaya.

Bakit?

I'll tell you everything kapag nag-iinuman na tayo.

Sorry, France. This time, tatanggi ako. Ayaw na ng misis ko na nakikipag-inuman ako.

E di ako lang ang iinom. All you're gonna do is watch me drink and listen to my stories.

Ayaw rin ng misis ko na may umiinom sa bahay. Kay April ka na lang makipag-inuman.

Oo nga pala. Hindi lang si Mavin ang kaibigan ko. April's also a friend of mine. Kumusta na kaya ang babaing 'yon? Kahit madalas kaming magkasama dahil sa aming trabaho at patuloy pa rin ako sa paghatid-sundo sa kanya, parang maraming taon na ang nakalipas noong huli ko siyang nakita. I forget about her because my attention is focused on Beatrice. Siya na lang ang yayayain kong makipag-inuman sa akin. She's the perfect person, and her house is the perfect place.

Nakapag-inuman kami ni April noon. Kung hindi ako nagkakamali, tatlong beses na kaming nag-inuman ng kami lang. Nangyari 'yon noong tumanggi si Mavin na makipag-inuman sa amin. Sa tuwing gusto kong makipag-inuman, si Mavin ang unang-unang pumapasok sa isip ko. Niyayaya ko lang siya kapag sinasabi ni Mavin. Bukod sa ayokong uminom siya, hindi ko rin gustong sabihin sa kanya ang problema ko, dahil baka ikwento niya pa 'yon sa iba niyang kaibigan. She's talkative, and she has friends that aren't my friends.

Mavin doesn't want to drink with me so she's the perfect person I can drink with. I'm looking for a place where I can drink, and her place is perfect. April's been living on her own for years now. Matagal nang hiwalay ang mga magulang niya. When she was a kid, she was living with her mother. But since her mother had a partner, she's lived all alone. That means walang pipigil sa amin na mag-inuman.

Let's drink in your house.

Lumipas muna ang tatlong minuto bago siya nag-reply, For the fisrt time mo akong chinat, ah. At sa halip na I love you, 'yan ang ichinat mo sa akin? Wow, that's great, France! Ang sweet mo talaga!

Her message makes me smile. I'm sure she's irritated. I can picture her irritated facial expression.

I have a problem. I gotta drink to forget about it. Payag ka ba?

Of course. Love kita, eh.

Okay, thanks! Mamayang hapon ako pupunta diyan.

Wala bang I love you too?

Bye!

Katulad ng sinabi ko, pumunta ako sa bahay niya noong hapon. Pagkarinig niya ng motorsiklo ko, agad siyang lumabas at sumalubong sa akin. Nakakunot ang kanya noo, ngunit ramdam kong masaya siyang makita ako.

"It's not obvious that you're so excited to see me," I say with a smile.

She rolls her eyes. "Bakit ngayon ka lang? Pinaghintay mo ako nang matagal."

"Sabi ko, hapon ako pupunta." Nilagpasan ko siya at naglakad papunta sa loob ng bahay niya. I point to the table, smile, and look at her over my shoulder. "Nakahanda na ang lahat, ha. Isa 'yan sa mga bagay na gusto ko sa 'yo."

She rolls her eyes and smile. Kinikilig siya, at hindi ko alam kung bakit. "It's easy to say the words, I love you, April. Hindi mo na kailangang magpaliguy-ligoy pa. Hindi kita masisisi kung na-fall ka na sa akin."

My eyebrows furrow, but I don't reply to what she says. "Pwede na ba tayong mag-start? Arat na?"

"Arat na!" Lumapit siya sa akin, hinawakan ang aking braso at sabay kaming pumasok sa kanyang bahay.

I drink as I tell her everything. Lahat ng emosyong nararamdaman ko'y inilabas ko sa pamamagitan ng pag-inom at pagkukwento. Halos nananakit na ang lalamunan ko dahil sa alak habang siya'y mukhang okay na okay pa. Umiinom din siya, ngunit hindi kasing-dami ng iniinom ko. She just stares and listens to me as I speak. She doesn't comment or say anything, but that's okay. All I need is someone who is willing to listen.

"You were happy, tapos kani-kanina lang, you saw her hugging the famous celebrity named Evan Diaz?" I nod. "Rumored-boyfriend niya 'yong poging 'yon? Ang swerte niya naman!"

I stare at her. Kumikislap ang kanyang mga mata noong i-mention niya ang pangalan ng lalaking 'yon. Halatang kinikilig siya habang nagsasalita, at disappointed din. Sabi ko, "Anong klaseng reaksyon 'yan? I tell you everything, at 'yan lang ang iko-comment mo? Aren't you going to say something other than that? And he's what? Pogi? He's not."

She rolls her eyes. "Pogi kaya siya! Ang daming babaing nangangarap na mahawakan, malapitan at makita siya. And I am one of those girls. Tapos malalaman ko na lang, may something pala between sa kanila ni Beatrice? Nakaka-sad."

I roll my eyes. "Yeah, you're one of those girls. Hindi na nakakagulat."

Pinalo niya ako sa braso at binigyan ako ng matalim na tingin. "Huwag mo nga akong insultuhin. Oo, maarte ako, pero hindi ako malandi." I raise an eyebrow. She rolls her eyes. "Okay, I look like malandi, but I'm not. Malinis ako, 'no."

"I don't care," I say. "I'm not here to talk to you about yourself and the things you like. Wala ka bang maiko-comment bukod sa walang kwenta mong sinabi?"

"Magiging honest na ako sa 'yo, France, ha." Her voice changes, it becomes serious. "I'm glad because the girl you've loved doesn't love you."

Kumunot ang aking noo. "Why?"

She rolls her eyes. "I love you, so ano ba dapat ang reaction ko? Dapat ba akong malungkot at masaktan din? Hey, I'm not stupid! Mahal kita, kaya ayaw kong mapunta ka sa iba."

"'Yan lang ang sasabihin mo?" I stand up. "I think I gotta go now."

Hinila niya ako at muling pinaupo. "Hindi lang 'yon ang sasabihin ko. Marami pa akong comment," sabi niya. "Listen to me. Beatrice isn't the right person for you. The right person for you is me. She is your first love, at ang kasaluyan mong minamahal, pero ako ang future wife mo. You were born for me, France."

"It's not funny, April. Hindi ito ang tamang time para mag-joke. Seryoso ang usapang 'to." I look down. "Sinaktan niya ako noon, at sinaktan niya na naman ako ngayon. How many times does it have to happen bago kami tuluyang maging masaya? Kailan ba darating ang araw na wala nang hahadlang sa amin?"

Naalala ko ang nangyari sa Cocos Beach. Naalala ko kung paano niya kinanta ang kantang gusto kong marinig. Naalala ko kung paano ko ginamit ang lyrics ng kantang 'yon para mag-confess sa kanya. Naalala ko kung paano ko siya hinalikan, at kung paano niya sinuklian ang mga halik ko. And it breaks my heart. I close my eyes and let my tears stream down my cheeks.

"Hindi darating ang araw na 'yan kasi nga hindi kayo--"

She stops talking when I lift my head and look at her. Nag-iba ang itsura niya noong makita niya ang itsura ko. I wipe my right cheek and say, "What am I supposed to do, April?"

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. I put my head on her shoulder and let my tears fall down my face again. Hinaplos-haplos niya ang aking buhok. "Wala kang kailangang gawin. Don't think about it muna. Forget about it. Ayaw kitang makitang nagkakaganito, France."

"Paano ba maging isang celebrity?"

Huminto siya sa pagkayap sa akin at lumayo. She looks at my face and asks, "You wanna be a celebrity? Simpleng buhay lang ang gusto mo, 'di ba?"

I wipe my face before I say, "I want a simple life, but I love Beatrice. I can do anything for her. I can do anything to get her. Kahit ang agawin siya, kaya kong gawin."

"Ang corny, ha," she comments. "Pero why do you think nag-hug sila? Ayokong mag-hope ka at mag-assume na mahal ka niya dahil you know naman na mahal kita, but what if--what if lang ha? What if friendly hug lang 'yon?"

I shrug. "I don't know. He hugged her, and she hugged him back. That's all I know, at 'yon lang ang mahalaga."

"Now I know why she doesn't love you. You're corny na nga, tapos ang bilis mo pang magselos. Para kang bata."

"At least hindi ako maarte."

"Hindi raw?" She points to my face. "Look at you nga, oh. Ang arte-arte mo na, ang drama mo pa. Magiging honest ako, France, ha? Ang pangit ng itsura mo kapag umiiyak ka. You look like--"

"A mess? I know." I look away. "Maybe that's one of the reasons why she doesn't love me. Teacher ako. Simple lang. Nag-iinom pa. Parang bata. Nasa akin na yata ang hindi niya gugustuhin sa isang lalaki."

"Ang drama mo talaga."

I look at her. "Ano ba'ng minahal mo sa akin?"

She stares at me and answers, "You're a good man. You have a good heart."

I laugh. "That's funny. Kailan ba ako naging mabuti sa 'yo? I always insult and hurt you, so why do you think I'm a good man? You don't love me because I'm a good man. You think I'm a good man because you love me. Nabubulag ka ng feelings mo para sa akin."

"You're a good man, and I'm sure of that. Napi-feel ko 'yon." She looks away. "At matindi kang magmahal. When you love someone, you can do anything for her. You give all your love. I love that thing about you. Never mo lang 'yon ginawa para sa akin kasi hindi ako ang mahal mo. But I'm sure na kapag sa akin ka na-in love, you wouldn't think twice and you'd do the same. Kung ako sana ang minahal mo, e di simple lang ang lahat. Hindi ka sana nasasaktan ngayon. Kay Beatrice ka kasi na-fall."

"Ayoko sa maaarte, eh," biro ko.

"Alam ko." She laughs. "Ayaw mo sa maarte. Ayaw mo sa akin. Gusto mo ng isang celebrity."

"I'm sorry, April. I didn't intend to insult you. And I don't love Beatrice because she's a celebrity. I love her because she is who she is. Bonus na lang na isa siyang celebrity." Bumuga ako ng hangin. "I want the simplest things in life, and I also want love. And love can't be simple. Love is always complicated. You love me, and I love someone else. I hurt you, and the girl I love hurts me too. You look down on yourself because of me, and I look down on myself because of her. Maybe love is fair."

"It's not, France." Her voice is shaky, and her eyes are teary. "Maraming nagmamahal kay Beatrice. She has fans, a complete family, and she has you. Marami ring nagmamahal sa 'yo. May pamilya ka, at nandito ako. Eh, paano naman ako? No one loves me, France. 'Yong parents ko, pareho nang may partner at may sariling pamilya. And I'm all alone. Love isn't fair. Life isn't fair. Everything is so unfair."

"That's alright." I give her a smile. Kinuha ko ang bote ng alak at itinaas 'yon. "Magpakalunod na lang tayo sa alak."

She smiles. "Mabuti pa nga."

Pareho kaming uminom nang uminom. Para akong nawala sa sarili. Parang naging blangko ang aking utak. Unti-unti akong hindi nakakapag-isip nang maayos. Nagpatuloy ako sa pag-inom hanggang sa naramdaman kong may nagdala sa akin sa isang kwarto at inilapag ako sa malambot na higaan na sa tingin ko'y isang kama. When I open my eyes, I see Beatrice's face. I smile. She's about to leave, but I hold her by the hand.

"Don't leave, Beatrice . . ."

"France, hindi ako si--"

Bago pa niya matapos ang sasabihin niya, hinila ko siya kaya't napunta siya sa ibabaw ko. At sa isang iglap, nagkapalit ang aming mga posisyon. She's now the one lying in bed, and I'm on top of her. I smile and say, "You're beautiful. You're the queen of my heart. I love you, Beatrice."

"France--"

I kiss her. Naramdaman ko ang mga kamay niya na sinusubukan akong itulak, ngunit sa huli'y tumigil din ang mga ito. And she kisses me back. Part of me tells me to stop, but also part of me says there's nothing wrong about it. Hindi ako nag-iisip nang tama noong mga sandaling 'yon, ngunit ang aking katawan ay buhay na buhay. And I just let my body do what it wants. Ginawa ko ang alam kong hindi ko pa dapat ginagawa. Ginawa ko ang bagay na mag-asawa lang ang dapat na gumagawa. It's not right. But at least it's not that bad. Right? Because I'm doing it with Beatrice. With the girl I've loved. With the girl I want to be with for the rest of my life.

When we've done, I kiss her on the forehead, lay beside her and say, "You love me, right?"

"I love you so much, France, that I'm willing to do everything para mapa-sa akin ka." Those are the last words I hear before I fall asleep.

Noong buksan ko ang aking mga mata, umaga na. I look at the ceiling, then around the room. My eyebrows furrow. Where am I? This is not my room. I've been here, and I'm sure it used to be Trixie's parent's room. Why am I here? Noong may maramdaman akong gumalaw sa tabi ko, napunta roon ang aking paningin. My eyes widen. Nakahiga ako ngayon sa kama ng parents ni Trixie, at siya nama'y nakahiga sa tabi ko. Napunta sa kanyang katawan ang aking paningin. Ang kumot na pareho naming ginagamit ay ang tanging bagay na tumatakip sa kanyang katawan. She's naked. Sigurado ako roon dahil nakikita ko na ang dibdib niya. Itinaas ko ang kumot upang takpan ang kanyang dibdib. She puts her arms on my bare chest.

Agad ko 'yong tinanggal, at lumayo ako sa kanya. Umupo ako sa kama, at tumitig sa kawalan. What happened yesterday? I went to Beatrice's house because we were going on a date. Then I saw him hugging someone else. I was so heart-broken, and I wanted to forget so . . . A realization hit me in the head. I look at Trixie who is sleeping peacefully beside me. Trixie and I have accidentally slept with each other. May nangyari sa amin kagabi.

"No, hindi ito maaari," bulong sa sarili ko, inilagay ang aking mga kamay sa aking ulo, at pumikit. When I open my eyes, I'm still in this room, and Trixie's still lying beside me. Tumingin ako sa nasa loob ng kumot, umaasang hindi ito totoo. But my hopes die right when I see my naked body. "It happened, it really did."

Tumitig ako sa kawalan sa loob ng ilang minuto bago ako umalis sa kama at nagsimulang pulutin ang mga damit kong nasa sahig. Katatapos kong magdamit noong may tumawag sa aking pangalan.

"France . . ." Naupo siya at inayos ang kumot na tumatakip sa kanyang hubad na katawan.

I avert my gaze. "April." I close my eyes and look down. "I am so sorry . . ."

"Don't say that, France."

"I'm really sorry," I say. "I was drunk. I wasn't thinking right. What happened was just a mistake. It was the biggest and stupidest mistake I ever made. Nagsisisi ako."

"Nagsisisi ka?" inis na sabi niya, na naging dahilan upang iangat ko sa kanya ang aking paningin. She laughs and looks away. "Ano ba'ng inaasahan ko? Hindi pala ako ang babaing mahal mo."

"I'm so sorry, April. Please forgive--"

"Stop!" she says with a hand. "Don't say sorry, France. Ginusto ko ang nangyari. Ginusto nating pareho 'yon. 'Di ba? It wasn't a mistake, France. It wasn't."

"No." She stares at me. I shake my head. "Hindi ko 'yon ginusto. I was drunk. My brain wasn't working the way it should. It was a big mistake, April."

"No!" The look on her face becomes darker. Her forehead furrows, and she grits her teeth. She's mad. "Huwag kang magsisi! Huwag kang mag-sorry! It wasn't a mistake! We both liked it! Sabihin mong ginusto mo rin 'yon, France. That's the only thing I'm asking from you. Hindi naman mahirap ibigay 'yon, 'di ba?"

I shake my head. Sobra akong nagi-guilty. I made a stupid mistake. It shouldn't have happened. I close my eyes when I remember Beatrice. Then I see her beautiful face and smile. I love her. So much. She's the only woman that's in my heart. She has my heart. And what have I just done? I've had slept with someone else. And the worst thing about that is that it's with April. The girl who has feelings for me. I hurt her. And I'm sure it's going to hurt Beatrice too once she finds out. Or it's not? She doesn't love me, does she?

"You're not the girl I love, April." I give her a sorry look. "I'm sorry. I shouldn't have done what I did."

Her tears starts to roll down her cheeks. She cries. "But the girl you love doesn't love you, France. Ako na lang ang mahalin mo. Promise, gagawin ko ang lahat para sa 'yo. I'll do everything you want. Kahit i-treat mo pa ako na parang slave mo, okay lang. Just stay, France. Choose me over her."

I shake my head. "I'm sorry, but that's never going to happen. I don't care about what you have to offer. I don't love you. Just give your love to someone else. To someone who deserves it. I'm sorry. What happened last night is a mistake."

"Lumabas ka na," she says as she cries. "Lumabas ka na! Umalis ka na!"

I do what she says. I walk out of the room and shut the door. I get out of her house, look at it for a moment and walk to my motorcycle. After I get home, I take a bath to wash the uncomfortable feeling I feel. I hope it'll wash away the pain, sadness, and regrets that I have. I hope it'll make me forget about everything.

COME BACK TO MY SIDE
TiffGRa (Tiffany)

LESSON OF THIS CHAPTER: Kung ayaw mong magkaroon ng problema o makagawa ng pagkakamali, huwag kang iinom ng alak. At kung iinom ka man ng alak, dapat alam mo kung kailan ka hihinto.

You gotta take this lesson with you! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top