Chapter 20 (The Present)


FRANCE

LUNCH TIME na. I am eating when I receive a message. Kasabay ng pagtunog ng cell phone ko ay ang paglitaw ng chat head sa gilid ng screen. Pinindot ko 'yon at nasurpresa.

Hi, France! Si Beatrice ito. May pupuntahan ako at madadaanan ko naman ang school kaya pupunta ako diyan ngayon. Is it okay?

Malakas ang signal dito kaya't makakapag-open ka ng Facebook at magagamit mo ang Messenger mo. Hindi alam ni Beatrice ang phone number ko kaya through Messenger na lang siya nag-message sa akin. Binasa ko ang name ng kanyang account. Beatrice Mendez. Mendez? Wala siyang profile picture. Siya kaya talaga ito? Sino pa ba? Agad akong nag-type.

Hello! Bakit Mendez ang apelyido nitong account mo?

Para walang makaalam na ginagamit ko ang account na ito. Okay lang ba na pumunta ako diyan?

Napangiti ako. She wants to go here. Is it because of me? She wants to see me? She wants to visit me? Kinikilig ako. I bite my lower lip to hide my smile.

Of course, it's okay! Anyway, why do you wanna go here?

Have you forgotten what I told you the day you asked for an autograph? Pupuntahan ko si Precious, 'yong batang fan ko? Pumasok ba siya ngayong araw?

The smile on my face fades. The expression on my face changes. She is not going here to see me. Pupunta siya rito para kay Precious, hindi para sa akin. It hurts.

Ah, naaalala ko na. Yup, pumasok siya. Naka-disguise ka ba?

Oo.

Sinara ko na ang aking lunch box, at uminom ng tubig. I stare at nothing. Bumalik ako sa katinuan noong mayroong tumawag ng malakas sa pangalan ko.

"Sir France! Okay ka lang, sir?" Teacher Magie asks.

Napatingin ang ibang teacher na kasama ko ngayon sa office. Dito rin sila kumakain kagaya ko. Well, hindi naman ako palaging dito kumakain. Minsa'y pinipili ko na lang mag-lunch sa classroom ko kapag tinatamad akong pumunta rito. Sina Teacher Elsie at Venus nama'y umuuwi sa bahay nila dahil sobrang lapit lang nito sa school.

"You look pale, sir. What's wrong? Pwede mo namang i-chika sa amin 'yan," sabi ni Sir Aljun. Grade-3 ang tinuturuan niya.

Ngumiti ako. "I'm fine. Don't worry about me."

"Oo nga!" Napatingin kaming lahat kay April noong bigla siyang magsalita. "Don't worry about him. Wala siyang sakit o problema. France is just thinking about sa paparating naming kasal. We're engaged!"

Kumunot ang aking noo.

"Talaga? Oh, my God! Congratulations!" Napatakip pa ng bunganga si Teacher Margie.

Halos mapairap ako matapos kaming i-congratulate ng lahat.

"Kailan siya nag-propose sa 'yo, Teacher April? Na-surprise talaga kami. Paano namang hindi? Ni hindi namin nabalitaang mag-jowa na kayo."

"It's because we've never been in a relationship. It's a lie. April and I aren't together. We're just friends."

Nagkomento sila upang ipahayag ang panghihinayang nila.

"I thought kayo na talaga. Bagay pa naman kayo. Isang maganda at gwapo. I'm sure kung kayo ang nagkatuluyan, perfect ang magiging itsura ng magiging anak n'yo."

"There's really nothing between us, Teacher Margie. We're just friends."

April gives me deadly glares, and rolls her eyes. I just give her a small smile.

"Precious, surprise ako sa 'yo. After kong masabi sa 'yo ang surprise ko, huwag kang sisigaw, ha? Secret lang natin 'to," bulong ko kay Precious matapos akong i-chat ni Beatrice na nasa labas na siya ng school. "Nandito ngayon ang idol mo, at gusto ka niyang makita."

Her eyes widen. "Talaga, Sir France?!" Agad niyang tinakpan ang kanyang bunganga nang inilagay ko ang aking hintuturo sa harapan ng aking mga labi para sabihing tumahimik siya. "Nasaan siya, sir? Gusto ko na rin siyang makita."

Napangiti ako noong magsimula siyang tumingin-tingin sa paligid ng may ngiti. Halatang excited siya. Hininaan niya ang kanyang boses upang walang makarinig sa sinasabi niya. She really likes Beatrice, doesn't she?

"Halika. Nandoon siya sa labas." Hinawakan ko ang kamay niya, at sabay kaming naglakad.

Pakiramdam ko mag-ama kami na excited makita ang ilaw ng aming tahanan. Pakiramdam ko tuloy, nasa isa kaming movie kung saan isa kaming pamilya at OFW ang mama niya na ngayon lang namin muling makikita. My smile become wider.

"Huwag kang sisigaw once na nakita mo siya, ha?"

"Opo."

Huminto kami sa paglalakad noong nasa labas na kami't nasa harapan na kami ng isang babaing naka-cap at face mask. Puro itim ang suot niya kaya't ang cool-cool niya. Halata pa ring sexy siya. Sigurado akong siya si Beatrice. Kahit naka-face mask siya, nakita ko ang pagngiti niya dahil sumingkit ang kanyang mga mata noong makita niya ako. I smile at her too. Her gave shifts to Precious.

Mas lumapit si Precious sa kanya, at tumingala. Hindi siya makapaniwala. "Bea Hernandez? Ikaw ba 'yan?" bulong niya. Beatrice nods. Tinanggal niya ang isang tali ng face mask mula sa kanyang tainga upang ipakita sa kanya ang kanyang mukha. She smiles. "Bea!" Precious give her a hug.

She hugs her back, and look at me. I smile at her. Pinagmasdan ko sila, at ang ganda nilang tingnan. Mukha silang mag-ina. Gusto ko tuloy sumali sa yakapan nila upang magmukha kaming isang pamilya. Pinigilan ko ang aking sarili na gawin 'yon.

Itinigil ng bata ang pagyakap sa kanya, at kinusot-kusot ang kanyang mga mata. She stares at Beatrice. "Totoo ba 'to? Wala ba ako sa isang panaginip?"

She nods her head. "It's true, Precious. Nasa harapan mo ako ngayon." Hinawakan pa niya ang kanyang buhok.

"Alam mo ang pangalan ko?" nakangiti't hindi makapaniwalang sabi niya.

She nods, and glance at me. "Sinabi ng teacher mong si Sir France ang name mo sa akin. He said isa ka sa fans ko, at gusto mo akong makita sa personal. That's why I came here. Gusto kitang makita."

Precious hugs her again. Muli akong napangiti. "Bea Hernandez, idol talaga kita. Gusto kong maging ikaw. Gusto ko ring maging kasing-ganda at sikat mo. Gusto kong makilala ako ng buong mundo."

Hinaplos niya ang kanyang buhok. "Mangyayari 'yon kung gagawin mo ang lahat para matupad 'yon. Ramdam kong espesyal ka. Kayang-kaya mo 'yon, Precious."

"Gusto ko pong magpalitrato kasama n'yo, pero hindi ko dala ang cell phone ko," sabi niya matapos niyang lumayo kay Beatrice.

"Hindi 'yon problema," sabi ko, na naging dahilan upang mapatingin sila sa aking dalawa. Inilabas ko ang aking cell phone. "Itong phone ko na lang ang gamitin natin. Ako na ang magpi-picture sa inyo."

After that, I thank Beatrice, and she leaves. Gusto ko sana siyang bigyan ng isang malaking yakap, ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Binigyan ko na lang siya ng sobrang lawak na ngiti. Pinasalamatan naman ako ni Precious, at binigyan niya rin ako ng yakap. I'm happy because she's happy. But what makes me happier is the fact that she's happy because of the girl I love.

Pumunta ako sa bahay nina Mavin at ng asawa niya noong nag-message siya sa akin na mayroon daw kaming kailangang pag-usapan. Tinanong ko kung ano 'yon, pero hindi siya nag-reply kaya wala akong choice kundi ang puntahan siya.

"Why didn't you tell me that you were going to Beatrice's house? E di sana nasamahan kita."

Alam niyang pinuntahan ko si Beatrice. Si April kaya ang nagsabi nito sa kanya? I hope people here in town don't know it. Alam nilang may nakaraan kami ni Beatrice kaya madudungisan na naman ang pangalan niya kapag nalaman nila ang chikang 'yon.

"Bakit kailangan mo pa akong samahan? Kaya ko namang pumunta roon ng mag-isa. Hindi naman monster si Beatrice na dapat kong katakutan. At saka kasama ko si April."

Natawa ako sa isip ko matapos kong sabihin ang sinabi sa akin ni April. Oo nga naman. Beatrice isn't a monster. She's an angel. She's a queen. Paano magiging monster ang babaing may mala-diyosang mukha? Bakit ba natatakot akong puntahan siya noon? Eh, ngayon? Natatakot pa rin ba akong harapin siya. No, I'm not afraid anymore. Kinakabahan ako sa tuwing magkaharap kami, pero tingin ko, mayroon na akong sapat na tapang ngayon upang harapin siya.

Kumunot ang kanyang noo. "So nagawa mo talagang pumunta sa bahay niya? That's unbelievable. Dapat isinama mo ako para nasaksihan ko."

I roll my eyes. "May pagka-bakla pa rin, 'no, Mav? Gusto mo lang maki-tsismis."

"Hindi ka lang naman siguro nanghingi ng autograph?"

"Siyempre, hindi. Kinumusta ko siya, at kinausap tungkol sa ibang bagay. Nahihiya ako na harapin siya, pero alam ko naman kung ano ang dapat kong gawin at sabihin."

"'Buti't nagawa mong mag-isip nang maayos kahit nasa harapan ka ng babaing mahal mo, na matagal mo nang ini-ignore," sabi niya. "Siguradong nagulat siya nang bigla kang magpakita. Maraming taon mo siyang hindi pinapansin at kinukumusta, tapos bigla ka na lang darating at manghihingi ng autograph sa kanya. Ang kapal pala ng mukha mo, France."

"Pinsan ba talaga kita, Mav? Gusto mo yata ng gulo?" inis na sabi ko.

He laughs. "I just can't believe na nagawa mo 'yon sa wakas. Oh, ano'ng nangyari? Nagkaayos na ba kayo? Did you tell her na mahal mo pa rin siya?"

"Sino'ng nagsabing mahal ko pa rin. siya? Pinuntahan ko siya dahil sa mag-aaral ko, at hindi dahil mahal ko pa rin siya."

"Hindi ka lang duwag, sinungaling ka pa." I give him a death glare. "Eh, 'yong gusto mong malaman, naitanong mo ba sa kanya?"

I roll my eyes. Ang dami niyang tanong. Kung alam ko lang na babatuhin niya ako ng walang katapusang mga tanong, hindi na sana ako pumunta rito. Wala siguro siyang ibang magawa kaya nakiki-tsismis na lang siya.

"Why would I do that? It was the first time na muli naming nakaharap ang isa't isa matapos ang maraming tanong, tapos tatanungin ko siya ng gano'ng mga tanong? Hindi ako *anga para gawin 'yon."

"*Anga?" kunot-noong tanong niya.

"Tang* 'yon."

"Hindi ka ba tang*? Kung maayos ang pag-iisip mo, hindi mo siya sasaktan at ipagtatabuyan noon. Kung inintindi mo sana siya at ang sitwasyon, e di sana okay ang relasyon ninyo. Baka nga mas nauna ka pang ikinasal kaysa sa akin, eh. Pero dahil tang* ka, mas nauna akong bumuo ng pamilya."

"Mas maharot ka lang talaga, Mav," pang-aasar ko.

He gives me a death glare. "At least hindi ako tang*. May matino bang basta-basta na lang nagtatampo? Pumunta lang sila ng Manila, kinalimutan mo na ang mga pinagsamahan ninyo. Nanggamit ka pa ng maraming babae para lang makalimutan siya. Tang* ka talaga, France."

"May teacher bang *anga?" sabi ko. "Pinapunta mo ba ako rito para lang insultuhin ako, Mav? 'Cause if the answer is yes, then I gotta go. Wala akong time para marinig ang pang-iinsulto mo."

"E di umalis. Magaling ka talagang tumakas. 'Yan tuloy ang napala mo. Kung hindi ka tumakas noon, e di--"

"Mav, shut up!" There a moment of silence. "Okay, I hate to admit it, but yeah. I'm stupid. I've been a fool. Sa halip na harapin ang problema noon, tumakas ako. Sa halip na ayusin ang sitwasyon, itinuon ko sa ibang bagay ang atensyon ko. Pero nagawa ko lang 'yon dahil nasaktan ako nang husto. At oo, mahal ko pa rin siya. Hindi 'yon nagbago. And I wanna fix what we had. Gusto kong ibalik 'yon, pero ayokong umasang magagawa ko 'yong ayusin kaya hindi ako gumawa ng paraan. Pakiramdam ko kasi, kahit mayroong pag-asang maayos namin kung ano'ng mayroon kami, hindi kami magsasama sa huli."

"Bakit hindi? Mahal mo siya, at mahal ka niya. You can work it all out. Pagdating sa pag-ibig, walang imposible. Basta't mahal n'yo ang isa't isa, kakayanin n'yo ang lahat ng pagsubok."

"Let's say she loves me too. And yeah, I love her. So much. But we're living in different worlds now, Mav. Masyadong malayo ang agwat namin." I pause for a moment, and look down. "When we were younger, I really thought we were meant to be together and she was the one for me. Ngayon? Hindi ko na alam, Mav. Parang napakalabong kami ang magkatuluyan sa huli. 'Yon ang dahilan kaya hindi ako gumagawa ng paraan upang bumalik sa dati ang lahat sa pagitan namin, kahit gustong-gusto ko."

"Susuko ka na naman? Kahit may pagkakataon ka na ulit, uulitin mo na naman ang ginawa mo noon? Because of what? Because of uncertanties? Dahil sa pakiramdam mo?" He laughs. "That's a funny joke, France. Pwede ka nang maging comedian."

"I'm serious, Mav. Pakiramdam ko talaga, kahit ano'ng gawin ko, hindi magiging kami sa huli."

"Eh, ano naman kung hindi maging kayo?" I look at him. "France, sa pag-ibig, hindi ganoon kahalaga ang future. Ang mahalaga ay ang present. Tomorrow never comes, France. Tomorrow is just in your head. Nandito ka sa kasalukuyan kaya dito ka mabuhay. Dito mo ituon ang buo kong atensyon. You love Beatrice, and that's all that matters."

"Mahalaga pa rin ang future. Ang present namin noon ni Beatrice ay isa ng mapait na past ngayon. Ang present na ito ay magiging past. Ang future ay magiging present. Kung hindi ko iisipin ang future at itutuon ko lang ang atensyon ko sa ngayon, masasaktan ako, Mav." I look down again. "Ayokong mawasak ako nang tuluyan. Halos hindi ko kayanin ang nangyari noon kaya kinailangan ko pang gumamit ng ibang tao para mawala ang nararamdaman kong sakit. Kapag sumugal ako ngayon, mauubos ang lahat ng mayroon ako."

"Mauubos lang 'yon kung matatalo ka. Just because you get hurt, doesn't mean you lose, France. Gano'n sa pag-ibig. Pwede kang masaktan at manalo at the same time."

I look at him, and shake my head. "I don't understand."

He gives me a smile. "Pwedeng hindi kayo magkatuluyan, pero bakit hindi mo subukan? Forget about everything except the present. Don't think about what will happen. Isipin mo lang ang feelings mo para sa kanya, at subukang ibalik ang lahat sa dati."

"I know everything will never be the same again," I say as I shake my head. "The only thing that never changes is this town, Mav. Everything has changed. Beatrice has changed. Hindi na siya 'yong kaibigan ko dati. Siya na si Bea Hernandez ngayon, the most amazing celebrity."

"Kaya mo nasabing magkaiba na ang mga mundo ninyo dahil isa siyang celebrity at ikaw nama'y teacher?" taas-kilay niyang tanong, na tinanguan ko lang. "Ang taas ng tingin mo sa kanya, pero ang baba ng tingin mo sa sarili mo. You think you don't deserve her, tama ba?"

I nod my head. "Paano ba magiging karapat-dapat ang isang guro sa isang celebrity?" I laugh. "Nagiging karapat-dapat lang sila sa isa't isa sa loob ng panaginip o movie. Pero nasa tunay na buhay kami. At dito, napakaraming imposible."

"Nothing is impossible. At magiging posible lang ang isang bagay na iniisip mong imposible kapag nagawa mo na ito. Kaya kumilos ka na, France. Bakit hindi mo siya dalawin nang madalas? Ulitin mo ang mga ginagawa mo noon. Ipakita mo ang feelings mo para sa kanya."

"Hindi ko yata kaya 'yan," umiiling na sabi ko.

"Kaya mo 'yan, pinipigilan mo lang ang sarili mo. Nagmumukha lang namang imposible ang isang bagay dahil pinagmumukha natin itong imposible. Katulad ng future, nasa isip mo lang din ang salitang imposible, ang doubts at fears mo. It's all just an illusion."

"Madali lang 'yang sabihin para sa 'yo. Nagtagumpay ka na sa panlilinlang sa asawa mo, eh," sabi ko. "Ano nga palang ginawa mo't nagustuhan niya ang mukhang baklang gaya mo?"

He rolls her eyes. "I'm trying to help you, at heto ka naman, iniinsulto ako. Ikaw yata ang may gusto ng gulo. Hindi na nga kita kukumbinsihin. Kung ayaw mong magpapilit, e di huwag. Pag-isipan mo lang sana ang mga sinabi ko."

Pinag-isipan kong mabuti ang sinabi ni Mavin sa akin hanggang sa mapagtanto ko na tama siya. Life is full of uncertanties. Future is full of uncertanties. Everything is full of uncertanties. There are lots of possibilities. At kung iisipin ko ang uncertainties at possibilities na 'yon, mapupuno lang ako ng takot at pag-aalala. I should focus on the present. I am here so I should live here. Tomorrow never comes. My doubts and fears won't hurt me. They are all just an illusion.

I love Beatrice, and I've got a chance. Ayokong sayangin ang chance kong ito. Nagkamali na ako sa nakaraan, at ayokong maulit ang pagkakamaling 'yon. So I've decided to take actions and risks. I don't know what might happen in the future. All I know right now is I have to do everything so we could be together. I just hope I was wrong when I thought we weren't meant to be together.

"'Ma, do I look good?"

She nods her head. There is a wide smile on her face. "Palagi ka namang gwapo, France, eh," sagot nito, na ikinangiti ko. "Ang sabi mo, pupunta ka ngayon kay Beatrice. Manliligaw ka ba, anak, kaya sa ganitong oras ka pupunta? Balak mo bang haranain siya?"

I feel my cheeks turn red so I look down to hide it. Matapos ang ilang gabing pag-iisip, ngayong gabi'y pupuntahan ko na si Beatrice. Gusto ko na siyang ligawan, pero ayokong magmadali. Ayokong biglain siya. Nakapag-isip na ako ng idadahilan ko kung bakit ko siya pinuntahan.

"Hindi po ako manliligaw, 'ma," sagot ko. "Pupuntahan ko siya para magpasalamat. That's the reason why I cooked giniling and adobo. Ibibigay ko po 'yon sa kanya. Hindi po ba't nasabi ko na sa inyo na pinasaya niya ang mag-aaral ko na hinahangaan siya nang husto? Hindi naman po pwedeng hindi ko siya pasalamatan."

Kinurot ako nito sa tagiliran kaya agad akong lumayo. "Niloloko mo ako, eh. Umamin ka na, France. Liligawan mo siya, 'no?"

"Hindi nga po, 'ma," umiiling kong sagot. "I'm just going to thank her."

"Imposibleng hindi ka pa nagti-thank you sa kanya? Gusto mo lang siyang makita, eh."

"Opo, I said thank you to her. But I think that's not enough. Mukhang maliit ang bagay na ginawa niya, pero sa mag-aaral ko at sa akin, malaking bagay 'yon, at deserve niyang makatanggap ng higit pa sa thank you."

"Nagdadahilan ka, France, eh. Huwag ka na ngang magsinungaling ulit sa akin. Sinabi mo nang mahal mo pa rin siya kaya tiyak na aamin ka sa kanya't manliligaw."

I sigh. "You win again, 'ma. Yeah, I still love her, and I want to confess my feelings. I also wanna court her. Pero hindi po ako pwedeng magmadali. Kailangan kong magdahan-dahan."

Tumili si mama at bigla akong binigyan ng yakap. "Sa wakas, nagising ka na rin, anak! Sa wakas, alam mo na kung ano ang nararapat mong gawin!" Lumayo ito agad mula sa akin. Nasa mukha pa rin nitoa ng napakalawak na ngiti. "Eh, ano'ng plano mo? Kailan ka aamin sa kanya?"

Parang dalaga si mama. Para siyang dalagang nae-excite sa magiging takbo ng love story ng iba. Halatang gusto talaga ni mama na maging kami ni Beatrice. I know it's not because of what Beatrice's got. Since when we were younger, she's liked her. Gusto niya siyang maging manugang. Iniisip niyang siya ang nararapat sa akin. Iniisip niyang magiging perfect match kami.

"Saka na, 'ma. Makikipagkaibigan muna ako sa kanya," sagot ko.

"Magdahan-dahan ka, pero huwag kang maging mabagal, ha? Baka kasi maubusan ka ng oras. Tamang kaibiganin mo muna siya. Basta't huwag mong kalilimutang ano mang oras, maaaring bumalik siya sa Maynila."

"I'll keep that in mind, 'ma." I smile.

"Mabuti. Pakisabi pala sa kanya na gusto namin siyang makita ng papa mo, at kung maaari'y dumalaw naman siya rito," sabi niya. "Ang batang 'yon, mapagpakumbaba. Kung hindi mo nga lang sinira ang pagkakaibigan ninyo, tiyak na patuloy pa rin siya sa pagbisita. Mali talaga 'yong ginawa mo noon, anak. Isang biyaya ang pagkakataong ibinigay sa 'yo kaya sunggaban mo na ito. Baka ito na ang huli mong pagkakataon. Lumaban ka hanggang sa maging manugang namin siya ng papa mo."

"Gusto n'yo na po talagang magkaroon ng manugang, 'no?"

Tumango ito. "Siyempre! Hindi lang 'yon ang gusto namin, mga apo rin. Maraming apo."

"Para po may kasama na kayong magtanim ng mga gulay?"

"Hindi 'yon ang dahilan, anak. Siyempre, ayaw naming pahirapan ang magiging apo namin. Gusto lang naming lumaki ang pamilya natin."

"Sige po, tutuparin ko ang kahilingan n'yo ni papa, 'ma. Kapag naging mag-asawa na kami ni Beatrice, bibilisan naming magpadami ng mga anak para magkaroon kayo ng maraming kasama ni papa rito."

"Sana'y matupad mo 'yan, anak. Kapag nangyari 'yan, ako na siguro ang magiging pinakamasayang nanay at lola sa buong mundo."

Pagkarating ko roon, nakabukas ang gate. Mukhang hindi niya isinasara nang maaga ang gate kaya nabuo ang pag-aalala sa aking loob. I suddenly remember what I told her the first time I went here. Sinabi ko nang ingatan niya ang sarili niya, 'di ba? Paano kung may nagtangkang gawan siya ng masama? Ipinasok ko ang motorsiklo ko, at naglakad papunta sa harapan ng bahay. Simple lang ang bahay ni Beatrice at wala itong door bell kaya't kinailangan kong kumatok.

"Beatrice? Um, Bea? Si France 'to--"

The door opens, and the surprised look on her face is the first thing I see. She smiles. "France, you came again. Ah, good afternoon!"

"Good afternoon din!" Sinubukan kong magsalita't ngumiti kahit parang mahihimatay na ako. I slowly look at her from head to toe, and whisper, "Beautiful."

"Thank you." Bumalik sa kanyang mukha ang aking paningin matapos niya akong pasalamatan. Narinig niya ang sinabi ko? Nakakahiya. "Pasok ka."

"Thank you sa pagpapapasok sa akin, Bea."

"Beatrice. Call me Beatrice."

Gusto niyang tawagin ko siya sa tunay niyang first name? May kahulugan ba 'yon? Gusto ba niyang ibalik namin ang nakaraan? Mahal pa kaya niya ako?

"Ah, okay. May dala nga pala ako para sa 'yo. Adobo at giniling. Niluto ko 'yan. Gusto kasi kitang pasalamatan sa pagpapasaya mo kay Precious. You made one of her dreams come true, ang makita ang idol niya. Dahil doon, mas na-inspire at na-motivate siya na maging kagaya mo sa future."

"Nakapagpasalamat ka na sa akin, ah? Pero thank you pa rin dito. May ulam na ako," sabi niya sabay tanggap sa ibinibigay kong plastic bag. "Maupo ka. Diyan ka lang, at kukuha ako ng meryenda mo."

She is about to go, but I hold her hand to stop her. She turn to me, and give me a questioning look. Hindi ako agad nakapagsalita dahil nakatuon lang ang atensyon ko sa mga kamay naming magkadikit. Parang may nararamdaman na naman akong kuryente. I swallow hard, and let go of her hand.

"Huwag mo na akong pa-meryenda-hin. Okay lang ako."

Ang totoo, gusto kong mag-meryenda dahil siya ang magbibigay nito sa akin. But I don't want her to go. I want her to stay here with me. At saka baka hindi rin ako makakain dahil nandito siya. Every time she's around, I feel nervous, and I can't think straight. Nakaka-distract ang kagandahan niya. Plus, siya ang babaing mahal ko.

She smiles. "Sorry, France, pero hindi pwede. Hindi kita pwedeng tanggapin ulit ng hindi piname-meryenda. Maupo ka na, at hintayin mo ako rito."

She is about to go again, but I stop her. Again. She raises an eyebrow.

"You're not leaving, right? Babalik ka rin kaagad?"

I sound like a kid. Gusto kong paluin ang aking sarili upang makapag-isip ako nang tama, pero nauunawaan ko kung bakit ko 'yon biglang nasabi. Bigla kong naalala ang nangyari sa nakaraan. Bigla kong naalala 'yong araw na nagpaalam siya sa akin. Ayokong . . . maulit 'yon.

Ngumiti siya, at hinawakan ang kamay kong nakakapit sa kanya nang mahigpit. "I'm not leaving, France. Bakit kita iiwan? Kukuha lang ako ng meryenda mo, at babalikan din kita agad. Umupo ka na."

Gumaan ang pakiramdam ko matapos kong makita ang ngiti niya at matapos kong marinig ang sinabi niya. "Thank you, Beatrice."

Pagbalik niya, may dala na siyang isang baso ng juice at cookies. I stare at the cookies for a moment, and tell her what's on my mind. Sinabi kong kasing-perfect niya ang cookies na gawa niya. And I see how her cheeks flush bright red. She's really beautiful.

"Pumunta na naman ba rito 'yong lalaking bumisita sa 'yo noon?" tanong ko matapos kong uminom ng juice.

"Ah, oo," sagot niya. "Before ka dumating, kakaalis lang niya."

Kumunot ang aking noo. "Ano'ng ginawa niya rito? Hindi ba siya nagtangkang gumawa ng masama?"

"Nagbigay siya ng bouquet of flowers ulit." She laughs. "At bakit niya naman ako gagawan ng masama? Mukha namang mabuti siyang tao."

Mas kumunot ang aking noo. "There's nothing funny, Beatrice. And he looks what? Mabuting tao? Ang tagal mo nang artista, pero hindi mo pa rin alam kung sino ang tunay na mabuti at nagpapanggap lang?"

"I know he's a good person, France. I'm sure of that. And he likes me. Paano niya ako magagawan ng masama? Kung may gusto siyang gawing masama sa akin, matagal na niyang 'yong ginawa dahil sa tuwing pumupunta siya rito, palagi naman akong mag-isa."

My eyebrows furrow. "You trust him? At 'yon na nga, eh. He likes you kaya malaki ang posibilidad na gumawa siya ng masama sa 'yo. Sinabi kong ingatan mo ang sarili mo, pero ano itong ginagawa mo?" Pinakalma ko ang aking sarili at boses. "Tell him you've got a boyfriend."

"I have no boyfriend. Ayokong magsinungaling. At saka baka ikalat niya 'yon kapag sinabi kong may boyfriend na ako. Maaaring marumihan ang reputation ko."

"Wala kang boyfriend?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Hindi ako pwedeng basta mag-boyfriend, France. Kasama 'yon sa contract na pinirmahan ko. Before I enter a relationship, dapat alam 'yon ng company kung saan ako nagtatrabaho. Isang maling galaw, maaari akong matanggal at bumagsak."

Gusto kong tanungin ang tungkol sa nalaman ko noong araw na pumunta ako sa bahay ni Mavin para uminom. Gusto kong malaman kung ano talaga ang mayroon sa kanila ng celebrity na si Evan Ryle Diaz. I want to know how many boyfriends she had. I want to know everything about her love life. I want to know everything about her. But I know it's not yet the perfect time to ask her about that.

"Pahintuin mo na siya sa panliligaw," sabi ko. "Hangga't maaga pa, i-reject mo na siya para hindi na siya umasa at para huminto na siya sa pagpunta rito. Huwag kang basta magpapapasok ng kahit sinong lalaki rito. Kung nanghihingi sila ng autograph o pictures, doon mo sila bigyan sa labas. Huwag dito."

"I can't do that, France. I gotta be nice to them."

"Ang ibig sabihin ba ng nice sa 'yo ay paglagay ng sarili mo sa kapahamakan?" Tumaas ang aking boses. Sinubukan kong muling pakalmahin ang aking sarili. "I'm sorry sa biglang pagtaas ng boses ko. Beatrice, pwede ka namang maging nice sa kanila ng hindi sila pinapapasok sa bahay mo. Kung may gustong magpa-autograph, bigyan mo. Kung may gustong magpa-picture, magpa-picture ka. Kung may ibinibigay sa 'yo, tanggapin mo. Pero hindi mo sila kailangang papasukin dito sa loob. Ilayo mo ang sarili mo sa kapahamakan. Don't forget that you are the one and only Bea Hernandez, and some people are just waiting to see you fall. Dumistansya ka nang kaunti sa mga tao, sa fans o haters mo man."

"Thank you sa pag-aalala mo, France. Okay, I'll try."

"Don't try. Do it," I say. "Agahan mo rin ang pag-lock sa gate mo para wala nang makapasok dito kapag malapit nang gumabi."

"Okay," she replies, smiling.

"Why are you smiling? Hindi ako nakikipagbiruan. I'm serious, Beatrice."

"Bakit mo ito sinasabi sa akin, France? Do you care about me?"

I stare at her. Ang dami yata ng nasabi ko. Am I too obvious? Do my feelings show? I hope they don't.

"Of course, I do. I care about you, Beatrice." I look away, swallow, and take deeps breaths. "And I'm here not just because I wanted to thank you. Gusto ko ring . . . makipagkaibigan sa 'yo." Noong hindi siya tumugon, tiningnan ko siya. She's just staring at me. I swallow before I add, "Beatrice, can we be friends?"

Kumurap-kurap muna siya bago magsalita, "Gusto mo akong maging kaibigan?"

Tumango ako. "Yeah, I do. Ikaw, gusto mo ba? Pwede ba tayong maging magkaibigan?"

She nods. "Oo naman!" nakangiting sagot niya.

I give her a hug. "Thank you, and I love you." I whisper the last four words. Lumayo ako sa kanya. "Friends na tayo, ha?"

"Friends na tayo."

"Gusto ka palang makita nina mama't papa. Is it okay with you to visit them?"

"Okay na okay. Kailan ba?"

"Tatanungin ko si mama. Hindi na magbabago ang isip mo, ha? Bibisitahin mo sila?"

"Oo naman." There's a moment of silence before she says, "Um, France, dahil magkaibigan na tayo, may hihingin sana ako. Pwede bang sabayan mo akong mag-dinner ngayon?"

Bigla akong nakaramdam ng kilig. Para akong bumalik sa pagiging isang teenager. Para kaming bumalik sa nakaraan kung saan mga bata pa kami't in love sa isa't isa. Gusto kong ilapit ang katawan ko sa kanya't yakapin siya. Gusto kong ilapit ang mukha ko sa kanya't halikan siya. Pero nagdadahan-dahan ako kaya't ngumiti na lang ako.

"Pwedeng-pwedeng-pwede!" masayang sagot ko.

And that's how we start again.

COME BACK TO MY SIDE
TiffGRa (Tiffany)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top