Chapter 18 (The Present)
FRANCE
I SAY goodbye to my mother and father before I get on my motorcycle and ride away. Palagi kong ginagamit ang aking motorcycle sa tuwing pupunta ako sa school kung saan ako nagtuturo. I know it's not cool at all. Matagal na ako sa serbisyo, at tingin ng mga tao dapat sana'y bumili na rin ako ng kotse ko. But that's not what I want. And I don't care about what other people think about me and my life. This is my life and I don't live to impress anyone.
Mula sa malayo, nakita ko si April na nakatayo at nakatingin sa kanyang mga sapatos. Kasabay ng paglapit ko sa kanya ay ang pagtaas ng kanyang paningin sa akin. Itinigil ko ang aking motorsiklo sa harapan niya. She smiles and I smile too.
"Good morning, April."
"Good morning, too, France! I thought hindi ka na darating para sunduin ako."
My forehead furrows. "Bakit mo naisip 'yan?"
She looks down on her shoes. "Kasi I thought nagalit ka after kitang pilitin na puntahan si Beatrice," sagot niya. "Inisip kong pagkatapos no'n, iiwasan mo na ako, kami ni Mavin."
"Bakit ako magagalit?" She lifts her head and looks at me. "That wasn't the first time you did that. Maraming beses n'yo kaya akong pinipilit noon na makipagkita sa kanya."
"So hindi ka galit?" she asks, and I nod. "Yes! Sabi na nga ba't hindi ka magagalit dahil lang sa ganoon kababaw na dahilan. You really are an understanding person. 'Yan ang dahilan kaya hanggang ngayo'y hindi nasisira ang friendship natin."
"Nothing can break our friendship. Katulad ng palagi kong sinasabi, okay lang sa akin kahit itinuturing n'yo pa rin na kaibigan si Beatrice--Bea Hernandez. What happened between us ay sa aming dalawa lang. Ang relasyon n'yo sa kanya ay hindi dapat makaaapekto sa relasyon natin."
She stares at me in a weird way, and I raise an eyebrow. She smiles and says, "Understanding ka talaga! 'Yan din ang dahilan kaya mas lume-level up ang feelings ko for you."
I don't like what she says and how she says it. Hanggang ngayo'y maarte pa rin si April. Hindi ko lang masasabi kung bumaba o tumaas ang kaartehang taglay niya. Halos walang nagbago sa kanya. Ang mukha niya'y kinukulayan niya pa rin na parang coloring book. She's pretty, yeah. But I appreciate natural beauty more than fake beauty. Well, wearing make-up is okay. But make-up shouldn't be used to hide a woman's real face. It should be used to highlight her true beauty.
She loves me. How can I forget that? She always says it to me and makes it obvious. Hindi siya nahihiyang ipakita ito sa akin. Wala 'yong problema sa akin. Honestly, I kinda like it because it makes me feel loved and a little speacial. But I don't love her. That's why even though I want her to keep on showing me her feelings, I always tell her that friendship is all I can give. I don't want to hurt her, but she deserves to know the truth. Matagal ko nang itinigil ang pagpapanggap na mahal ko ang isang babae kahit hindi naman talaga. Ayoko siyang gamitin. I don't want to be selfish again.
"We're friends, April. And we'll stay that way forever. I don't lo--"
"Oo na!" masungit na sabi niya. "Hindi mo na kailangang paulit-ulit na sabihin sa harapan ko na hindi mo ako love. Alam ko namang never kang mapo-fall sa maaarteng gaya ko. Kahit yata ako na lang ang natitirang babae sa mundo, hindi mo pa rin ako magagawang mahalin."
"Yeah, maarte ka, pero maganda ka. Don't look down on yourself. You deserve to be loved, and all women do. Just because I don't love you, doesn't mean you're worthless. I don't love you, but I can see your worth. And always remember that nothing is impossible." She stares at me, and I give her a small smile. "But I don't love you, and I think I gotta always say it to you. Ayokong umasa ka at masaktan. I also don't wanna pretend that I love you. Ayokong ulitin ang pagkakamali ko sa nakaraan."
Hinawakan niya ang aking pisngi at ngumiti. "Thank you, France. May itatanong lang ako sa 'yo." Inalis niya ang kanyang palad mula sa aking mukha at itinuro ang kanyang sarili. "Ano'ng itsura ko sa paningin mo? Am I beautiful? Am I sexy? Hot?
I look at her from head to toe, look up, and pretend to be thinking for a moment. "Hmmm . . . Let me think first." I look at her, and she raise an eyebrow. I smile. "You're pretty."
Kumunot ang kanyang noo. "Pretty? Bakit hindi na lang beautiful? Parang may mali."
"Kapag sinabi kong beautiful, ang puso't kaluluwa mo ang dine-describe ko. Kapag pretty, mukha mo lang ang dine-describe ko," I explain. "Matagal na tayong magkaibigan, pero hindi ko pa nakikita ang tunay mong pagkatao. So I can't say that you're beautiful."
Her forehead furrows. "May mali. Dahilan mo lang 'yan. You just don't wanna say that I'm beautiful."
"No. I didn't say it because I couldn't, not because I didn't want to."
That's true. I can't say that she's beautiful because in my eyes, there's only one woman that is beautiful. Since we were younger, I've seen how beautiful Beatrice's soul is. Maybe it's because of the fact that I love her. Siguro kapag mahal mo ang isang tao, lahat ng tungkol sa kanya ay magiging maganda sa paningin mo. And I've loved her that's why it's always been easy for me to see the beauty in every thing about her. Hindi ko mahal si April kaya't sa mga mata ko, hinding-hindi niya matatapatan si Beatrice.
She rolls her eyes. "Palusot pa more. Sige na, oo na! Pretty na ako at hindi beautiful. Okay lang 'yon. Sa dictionary ko, magkapareho lang naman ang definition nila." Sumakay siya sa aking motorsiklo. "Arat na!"
Ngumiti ako at pinaandar na ang aking sasakyan.
Sabay kami palaging pumupunta ni April sa school. Ako ang nagsabi sa kanya na sumabay na lang siya sa akin. Sinabi ko 'yon noong makita ko siyang naglalakad sa daan. I asked her why. Ang sagot niya malapit lang daw ang school at maaari niya naman itong lakarin. Pinasakay ko siya sa sasakyan ko, at tinanong kung bakit hindi siya bumili ng sarili niyang sasakyan. Ang sabi niya nag-i-ipon siya para sa magiging kasal namin. Gusto niya raw na maging magarbo 'yon. And all I did was laugh at it.
"Good morning, ma'am and sir!"
"Magandang umaga po!"
Nginingitian namin ni April ang bawat batang bumabati sa amin.
"Feeling ko every time na nandito tayo sa school, mag-asawa tayo." My eyebrows furrow and I look at her. There is a smirk on her face. "Sabay tayong dumating at umuuwi palagi, tapos sabay din tayong binabati ng mga bata. And I think they think we're a couple. Hindi mo ba nakikita ang kilig sa mga mukha nila sa tuwing nakikita nila tayong magkasama?"
"I notice it," I reply. "Pero huwag kang kiligin. We're just friends and--"
Before I finish what I am going to say, she puts her index finger on my lips. "Hindi mo na 'yon kailangang ipaalala sa akin, okay? Matalas ang aking memory." She rolls her eyes and flips her hair. "Panira ka ng kaligayahan ko." Then she walks away.
I shake my head and say, "Hindi pa rin talaga siya nagbabago."
I'm reading the fifth grade's math book when I notice one of my pupils sitting on his chair while using his phone. My eyebrows furrow. Tumingin ako sa mga batang naglilinis sa labas at muling ibinalik ang paningin sa kanya. Dapat tumutulong siya roon sa halip na naglalaro ng game sa kanyang cell phone. Bakit kasi binibilhan na ng cell phone ang mga batang tulad niya?
"Drake," tawag ko sa pangalan niya matapos kong lumapit sa kanya. My eyes land on the screen of his cell phone. He's playing Mobile Legends. Bakit kasi ang lakas ng signal dito?
He doesn't hear me. His attention is focused on his cell phone.
"Drake, stop that."
Matapos kong sabihin 'yon, bigla siyang natalo. "Natalo ako!" Unti-unti siyang tumingala. "Gag* ka ba--"
Lumaki ang aking mga mata. "Minura mo ako? Drake, mali 'yon. Hindi tamang magmura ka. Kahit sino pa ang kaharap mo, hindi ka dapat nagmumura. You're still young, pero alam mo nang magmura? Kapag may ibang nakarinig sa 'yo, iisipin nilang 'yan ang natututunan mo rito sa school."
Pinatay niya ang kanyang phone at yumuko. "Sorry, Sir France," sabi niya. "Nagmumura rin naman po ang mommy at daddy ko kaya akala ko okay lang 'yon. 'Yong mga kaibigan ko rin po, mahilig magmura."
Sa loob talaga ng tahanan nagsisimula ang lahat. Nino-normalize nila ang pagmumura sa loob ng tahanan nila kaya iniisip ng bata na walang mali roon. Matatanda ang pasimuno ng lahat. Plus, may mga kaibigan siyang nagsasalita rin ng gano'n. Hindi na ako nagtataka kung bakit iniisip ng batang ito na okay lang 'yon. Kapag nino-normalize ang isang bagay, nagmumukha itong tama sa paningin natin kahit pakiramdam natin, mayroong mali. Mapanlinlang ang mundong ito. Napailing-iling na lang ako.
"Mukhang wala pang nagsasabi nito sa 'yo kaya ako na ang magsasabi sa 'yo. Mali ang pagmumura, lalo na sa matatanda. Isa 'yong kasalanan. It's okay to make mistakes. Just don't do it again, huh?"
He lifts his head to look at me, smiles, and nods his head. "Yes, sir."
I point to his cell phone. "Bakit nandito ka at nagsi-cell phone sa halip na tumutulong sa mga kamag-aral mo na maglinis?"
Kinamot niya ang kanyang ulo na parang mayroon 'yong kuto. "Sorry, sir. Ang ganda po kasing mag-ML."
"Drake, it's okay to play online games. Ang hindi okay ay ang sobrang paglalaro nito. Kahit nag-e-enjoy ka sa paglalaro, hindi mo pa rin dapat kalilimutan ang responsibilidad mo. Responsibilidad mo bilang isang mag-aaral na tumulong sa paaralan."
Muli niyang kinamot ang kanyang ulo. "Eh, sir. Nandito po kami sa school para mag-aral at hindi para maglinis, 'di ba?"
"You're here to learn," I say. He looks up to me and I give him a smile. "Hindi ka lang nandito para makinig, magbasa, at magsulat. Nandito ka para matuto. Hindi lang tungkol sa iba't ibang school subjects, pati na rin sa magagandang asal. Patunayan mo na mayroon ka talagang natututunan dito. Go and help!"
Tumingin siya sa mga kaklase niyang abala sa pagwawalis, tapos sa kanyang cell phone. Then I see him smile, and he stands up. "Gagawin ko 'yan, sir!"
I watch him walk away and smile. Then I ask myself the question: Is this what I really want? Yeah, this is what I want. I am happy to live this way. I love my job. I love what I am doing. Ito ang para sa akin.
"Pwede na kayong mag-break time," sabi ko sa mga bata bago naupo sa aking upuan.
"Break time na!"
"Ito ang favorite subject ko!"
I smile, and watch the kids go out of the room. When they are gone, I take my cell phone out of my pocket. I open it, and stare at its wallpaper. She's so beautiful. She's the most amazing woman I've ever met.
"Halatang in love ka kay Bea Hernandez, Sir France, ah."
Halos mapatalon ako matapos kong marinig ang boses ng isa sa aking mga mag-aaral. Lumingon ako, at nakita siyang nakato sa aking gilid. I look around the room. Akala ko'y umalis na ang lahat ng mag-aaral ko kanina. Hindi ko napansing naiwan si Precious.
Pinatay ko ang aking cell phone, at tiningnan siya. "Bakit hindi ka pa lumalabas, Precious? Hindi ka ba bibili ng pagkain mo?"
Umiling siya. "May baon ako, sir," sagot niya, tapos ay itinuro niya ang aking cell phone na agad kong itinago sa loob ng aking bulsa. "Si Bea Hernandez po 'yon, 'di ba? In love ka pa rin sa kanya, 'no, sir? Nagkabalikan na ba kayo?"
My eyes widen, and my forehead starts to sweat. Grade-5 pa ba ang batang ito? Bakit ang mga bata sa panahon ngayo'y marami nang nalalaman? Bigla kong naalala na mas malala pa pala ako kung ikukumpara sa kanya. Sobrang aga ko nga palang na-in love.
I fake a smile and say, "Nasaan 'yong friends mo? Bakit hindi ka pa kumain? Baka--"
"Mamaya na lang po ako kakain. Sagutin n'yo po muna ang tanong ko. Kayo na po ba ulit ni Bea Hernandez?" She raises an eyebrow.
I laugh. "What are you saying, Precious? Hindi si Bea Hernandez 'yong nasa cell phone ko. Kamukha niya lang 'yon, pero hindi siya 'yon."
She stares at me. "Kinakabahan ka, Sir France. Nagsisinungaling ka."
Halos umirap ako. Bakit halos lahat ng taong nakapaligid sa akin, alam kung kailan ako nagsisinungaling? Parami yata nang parami ang secret detective sa mundo?
"Ano ba'ng sinasabi mo? I'm not lying. Ano na ba 'yong tanong mo? Did Beatrice and I get back together? Hindi naging kami kaya paano kami magkakabalikan? Malabong magustuhan niya ako."
"Beatrice? Huli ka, sir! Iba ang tawag mo sa kanya kaya siguradong naging kayo. Bakit po kayo nagsisinungaling? Ayaw n'yo po bang malaman ng lahat na girlfriend n'yo si Bea Hernandez?"
"Saan mo ba nakuha 'yang mga sinasabi mo, Precious?" kinakabahang tanong ko. "At Beatrice ang tunay na first name ni Bea Hernandez. Hindi talaga naging kami, promise." Itinaas ko ang aking kamay upang mapaniwala ko siya.
I close my eyes for a moment. Bakit ba ako nagpapaliwanag sa batang ito?
"Sinabi po sa akin ni mama." I open my eyes, and my eyebrows furrow. "Ex-girlfriend n'yo raw po si Bea Hernandez. Ang sabi po niya, tanungin ko raw kung nagkabalikan na kayo."
"Sinabi sa 'yo 'yon ng mother mo?"
Bakit ang daming Marites sa lugar na ito? Ang mga magulang ang pasimuno ng lahat. Ang dami tuloy nalalaman ng mga bata na hindi pa dapat nila malaman. What did her mother tell her? That Beatrice is my ex-girlfriend? Well, mas okay 'yon kaysa sa tsismis na naging mag-friends-with-benefits kami. Kung pwede ko lang sabihin na niligawan ko siya, pero hindi niya ako sinagot, gagawin ko. Pero bukod sa ayokong magpaliwanag sa kanila, nahihiya rin ako. Mas gusto kong isipin nila na naging kami kaysa malaman nila na hindi niya ako sinagot.
She nods her head. "May nakaraan daw po kayong dalawa. Ang sabi po niya, baka ikaw ang dahilan kaya hindi niya magawang ibenta ang lupa nila. Gusto niyang malaman kung ano ang totoo kaya tinanong ko po kayo. Bakit po pala secret lang ang relasyon ninyo? Bakit hindi pa naibalita na nagkaroon kayo ng relasyon ni Bea Hernandez?"
I roll my eyes. "There was never us, Precious. Matalino ka, pero hindi mo pa ito mauunawaan. At hindi tamang itinatanong mo sa akin ang gano'ng klase ng mga tanong."
"Masama po bang magtanong? Hindi po ba't marunong ang nagtatanong?"
I sigh, and fake a smile again. "Tama 'yon, marunong ang nagtatanong. Pero may mga bagay na hindi mo pa dapat inaalam. Ang maisasagot ko lang sa 'yo, hindi naging kami ni Bea Hernandez. Isa siyang celebrity at ako'y teacher. Malabong magkaroon kami ng love story. Wala kang sasabihin sa mama mo, ha?"
Tumango siya at sumimangot. "Nakakalungkot naman. Akala ko 'yong idol ko at 'yong teacher ko, mag-boyfriend-at-girlfriend. Masaya po sana kung magkarelasyon kayong dalawa."
I smile. "Oo nga, pero sa panaginip lang mangyayari 'yon," tugon ko. "Ano 'yong sinabi mo? Idol mo siya?"
She smiles and nods. "Idol na idol ko po siya! Paglaki ko, gusto kong maging kagaya niya."
"Bakit?" nakangiting tanong ko.
"Gusto ko rin pong makilala ng lahat. Gusto kong kumanta at sumayaw sa harapan ng maraming tao. Gusto ko ring magkaroon ng maraming pera."
Lumawak ang aking ngiti. "Talaga?" Tumango siya. "Tuparin mo ang pangarap mo na 'yan. Lagi mong tatandaan na walang imposible. Maniwala't magtiwala ka lang sa sarili mo, okay? Kumain ka na."
I watch her walk away from me. I'm not the only person who admires Beatrice--Bea Hernandez. (Kailan ba tatatak sa isipan ko na siya na si Bea Hernandez ngayon?) They all admire her. They all look up to her. They think she's perfect. And they all want to be her. She deserves it all.
***
BUMIBILI AKO sa tindahan nang marinig ko ang tatlong nanay na nagtsi-chika-han. They are talking about her. Again.
"Heto na 'yong bayad ko," sabi ko sabay tanggap sa iniaabot nitong gamot. May ubo't sipon si papa, at wala na kaming gamot sa bahay kaya't kailangan kong bumili.
"Ang layo na talaga ng narating ng batang 'yon," dinig kong sabi ng isa sa kanila. "Hindi ko kailanman naisip na magiging sikat siya. Espesyal talaga siya."
"Oo nga, mars. Kung gano'n din ang inatupag ng anak ko sa halip na ang pagiging maharot, e di sana'y sikat na rin siya ngayon. Mas maganda nga 'yong anak ko roon, eh."
"Mas maganda siya, pero siya naman ang maagang nabuntis," komento ng isa pa. "Huwag kang mao-offend, mars, ha. Walang kwenta ang ganda kung maaga kang mabubuntis. Magkakaroon lang ito ng kwenta kung pinakikinabangan mo ito. Ginamit ni Beatrice ang ganda niya kaya malayo ang narating niya. Gano'n din sana ang ginawa ng anak mo, mars."
"Sir France?"
Napatingin ako sa nasa aking likuran at binigyan ng nagtatanong na tingin ang binatang si Jay. "Bakit?"
"Bibili po ako. Tapos na po ba kayong bumili?"
Agad akong lumayo sa tapat ng tindahan nang mapagtanto kong hinaharangan ko na 'yon. "Sorry. Bumili ka na." Binigyan ko siya ng ngiti. Nanatili akong nakaupo sa gilid at ipinagpatuloy ang pakikinig sa usapan ng mga nanay.
"Mautak ang batang 'yon. Dahil ginamit niya ang kagandahan niya, sikat at mayaman siya ngayon. Kung gano'n din kautak ang mga anak natin, pare-parehong magaganda ang buhay natin ngayon."
"Pero kahit maagang nabuntis ang anak ko, mars, parang mas okay na 'yon kaysa maging put* siya." That makes my eyebrows furrow. "Maganda at mayaman nga si Beatrice, mas daig naman niya ang isang bayarang babae. Okay na sa akin na nabuntis nang maaga ang anak ko. Mas gusto ko na 'yon kaysa maging katulad siya ng mga artista."
I clench my fists and grit my teeth. She has no right to say that! No one does! They don't know Beatrice at all! Ang alam lang nila tungkol sa kanya ay ang pangalan niya, kaya niyang gawin, at ang nakamit niya. Isang insulto na ikumpara niya ang anak niya sa babaing mahal ko!
"Ah, oo, mars," tugon ng isa. "Lahat ng artista ay gano'n. Palaging nakataas ang noo nila na parang ang lilinis nila. Ang gaganda nga nila at ang mga suot nila, pero kung kani-kanino naman sila sumisiping. Mahihilig sila sa tinatawag na one-night stand."
"Nakakasuka--"
"Tumahimik kayo!" Napatingin silang tatlo sa akin. Naglakad ako papalapit sa kanila. Ginawa ko ang lahat upang mapahinahon ang aking sarili't boses. "Wala po kayong karapatang husgahan ang kahit sino. Childhood friend ko ang pinag-uusapan ninyo at kilala ko siya. Malinis at mabuti siyang babae. Hindi siya tulad ng iniisip ninyo. Sana'y maging maganda ang tulog n'yo, mga nanay." I turn around and walk away.
"Ano'ng problema ng titser na 'yon?"
"Baliw na yata siya."
"Titser lang siya, pero ang yabang na niya."
I close my eyes and sigh. Hindi ko ginustong bastusin sila, pero hindi tamang insultuhin nila si Beatrice kahit hindi naman nila siya kilala. Hindi deserve ni Beatrice na masabihan ng gano'ng mga salita. Siya pa rin 'yong babaing nakilala ko, hindi ba? Isang babaing hindi lang maganda kundi naiiba sa mga pangkaraniwang babae? Hindi naman totoo 'yong sinabi nila, 'di ba? Hindi niya ipinagpalit ang katawan at dignidad niya para makamit ang mayroon siya ngayon? O baka ako ang mali ang iniisip?
Hanggang sa nasa loob na ako ng aking kwarto, patuloy ko pa ring itanatanong sa sarili ko ang mga taong na hindi ko magawang sagutin. I stare at nothing, ask myself those questions, shake my head, and close my eyes.
"Bakit kasi nagkalat ang Marites sa mundo?" tanong ko sa pader.
Kung hindi ko narinig ang pag-uusap ng mga nanay na 'yon, e di hindi sana ako nag-o-over think ngayon. Bakit kasi nakinig pa ako kanina sa halip na umalis na lang? May pagka-tsismoso rin yata ako, eh.
"Tama ako, Beatrice, 'di ba? You're not what they think you are. Right?"
I close my eyes again. Para na akong maiiyak. I always think Beatrice is different. Mataas ang respeto at tingin ko sa kanya. Sa paningin ko, siya ang pinakamaganda. Bakit? Dahil alam kong hindi lang panlabas na anyo ang maganda sa kanya, pati na rin ang nasa loob niya. Pero siya pa rin ba ang babaing nakilala ko noon? O nagbago na siya?
Kinuha ko ang aking cell phone at nag-search sa Google. Itinype ko ang mga salitang "Beatrice and her ex-boyfriends". Kumunot ang aking noo, at pinidot ko ang una kong nakita.
THE ALLEGED RELATIONSHIP BETWEEN YOUNG CELEBRITIES BEA HERNANDEZ AND EVAN RYLE DIAZ
Nasa ibaba nito ang pictures nina Beatrice at ng lalaking 'yon. Ang ganda ni Beatrice sa picture na 'yon. I shift my gaze from her angelic face to the face of Evan. He's . . . (I really hate to admit it) handsome, but not that handsome. Pang-Koreano lang ang buhok niya at sigurado akong 'yon lang ang nagpapaganda sa itsura niya. Ang payat niya pa. Hindi malalaki ang kanyang mga braso. Mukhang pambabae ang katawan niya. I look at my arms. Mas may laman naman ang mga braso ko kaysa sa kanya.
I give him death glares before I start to read the article. Nakakunot ang noo ko habang ako'y nagbabasa. Matapos kong magbasa, ibinagsak ko ang aking cell phone at tumitig sa kawalan. Tapos ay naisip kong yayaing uminom si Mavin.
Pupunta ako sa bahay n'yo ngayon. Uminom tayo.
Hindi ko na hinintay ang reply niya at agad akong lumabas. "'Ma, pupuntahan ko lang si Mavin. Mag-uusap lang kami sandali."
"Oh, sige, anak. Mag-ingat ka sa daan."
"Opo," sabi ko at pinaandar ang aking motorsiklo.
"Pwede bang sabihin mo na sa akin ang problema? Kanina ka pa inom nang inom diyan," sabi ni Mavin matapos kong maubos ang alak na nasa baso.
"Walang problema. I just wanna drink. Wala namang mali ro'n, 'di ba, Mavin?" sabi ko, at muling nagsalin ng alak sa baso. "Gusto ko lang magsaya."
"Magsaya? Teacher ka at alam mong hindi ang pag-inom ng alak ang tamang way ng pagsasaya. Mabuti't walang nakakakita sa 'yo rito."
I look around. "Malayo ang mga kapit-bahay n'yo kaya hindi talaga nila ako makikita na umiinom. And I don't care kahit makita pa nila ako. I don't care about other people think."
"Okay, pero ano nga'ng problema?"
I shake my head. "Wala nga." Uminom ako ng alak ulit.
"May problema ka. Otherwise, hindi ka biglang magme-message sa akin." He gives me a more serious look. "Sabihin mo na sa akin ang problema para hindi masayang ang pera ko na ginamit kong pambili ng mga alak. Panggatas dapat 'yan ng anak ko, eh. Kung hindi lang kita kaibigan at pinsan, hindi ako magsasayang ng pera, kahit piso, para sa 'yo."
I smile. "Hindi ka pa rin nagbabago. Ganyan ka pa rin makipag-usap sa akin." Tumingin ako sa loob ng bahay nila. "Nasaan na pala ang asawa mo?"
"Lasing ka na nga. Hindi mo ba naaalalang sinabi niyang patutulugin niya ang anak namin? Ang dami mo nang nainom. Magkwento ka na para makatulog na ako. Kailangan ko pang magising nang maaga bukas."
"Hindi lang ikaw ang may trabaho. Security guard ka at teacher naman ako." I point to his chest and to mine. "Pareho lang tayong may responsibilidad."
"Everyone has responsibilities, France," he says. "Pero mas mabigat ang responsibilidad ko kaysa sa 'yo. Isa na akong ama at ikaw ay binata pa. Sarili mo lang ang kailangan mong isipin. Eh, ako? Mayroon akong sariling pamilya na kailangang buhayin at alalahanin."
I laugh. "Kasalanan ko bang mas maaga kang nag-asawa?"
He rolls his eyes. "Sabihin mo na nga ang problema mo para matapos na 'to."
"Bakit? You already miss your wife?"
He rolls his eyes. "Magkwento ka na. Wala ka bang pera? Heart-broken ka ba? O nakabuntis ka ng babaing hindi mo mahal."
I laugh, and he just stares at me. "Nakabuntis ng babaing hindi ko mahal? Napakaimposible! Walang pera? Eh, ano naman kung wala nga? Sarili ko lang ang binubuhay ko kaya bakit ko didibdibin 'yon?"
"So you're heart-broken?"
I stare at him. I suddenly remember what I heard. Bumalik sa isipan ko ang mga tanong na hindi ko mahanapan ng kasagutan. I look down.
"I'm not heart-broken. I think I'm just . . . disappointed."
Hindi ko kayang isiping nagbago na si Beatrice. Hindi ko magawang isiping kaya niyang gawin ang iniisip ng ibang tao na ginagawa niya. Mataas ang tingin ko sa kanya. Higit sa lahat, mahal ko siya.
"Disappointed? Because of what?" I don't answer. "Ano? Ayokong manghula, France."
I lift my head to look at his face. "'Yong taong pinakanirerespeto ko sa lahat, maaaring malayong-malayo sa taong iniisip ko na siya?" He raise an eyebrow, and I look away before I add, "'Yong taong hinahangaan ko na tingin ko'y kakaiba, iniisip ng ibang tao na mas malala pa sa isang put*."
"So babae ang taong ito? Si Bea Hernandez ba ito?"
I nod without looking at him. Tingin ko'y kailangan kong ipaalam 'yon sa kanya kaya hindi na ako nagdalawang-isip at tumango agad. Hindi ko naman sinabing mahal ko siya, 'di ba? Ang sabi ko, pinakanirerespeto't hinahangaan ko lang siya.
"Mahal mo pa rin siya? You always say that you don't."
I look at him. "I didn't say that I love her. Ang sabi ko, pinakanirerespeto't hinahangaan ko siya. Malaki ang pagkakaiba ng mga 'yon."
"Oh, okay." He pauses for a moment. "Iniisip nilang ginamit niya ang sarili niya to be where she is? Iniisip nila na ang kapalit ng lahat ng mayroon siya ngayon ay aliw? And that bothers you?"
I nod my head. "That's what makes me disappointed. Plus, nakita ko ito." I take my phone out of my pocket and show him the screenshots of the article.
Binasa niya 'yon sandali at tiningnan ako. Wala siyang sinabi.
"Wala ka bang masasabi? Ano sa tingin mo ang totoo?"
He shrugs his shoulders. "Kaibigan ko si Beatrice, pero marami na akong hindi alam about sa kanya. I'm not the one you should be asking right now. Kung gusto mong malaman ang totoo, bakit hindi mo siya puntahan at tanungin?"
I stare at him for a moment, look away, and whisper to myself, "Sabi na nga ba't wala kang maitutulong sa akin."
"Ako ang nagbayad sa alak na iniinom mo ngayon, baka nakakalimutan mo?"
"Oo na. Thank you, Mav." I give him a fake smile.
COME BACK TO MY SIDE
TiffGRa (Tiffany)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top