Chapter 17 (The Present)
FRANCE
SHE REALLY is a queen. How I wish she is my queen.
It's still hard to think that she is known as the Bea Hernandez now. That's why I always need to view her performing in front of her audience. Staring at her photos now and watching videos of her hits me in the head. It always makes me realize that she's not the same girl I knew in the past. That she has really changed for the better.
And viewing anything about her also makes me feel a little bad and look down on myself. I am contented, yeah. I appreciate and love what I've got. I've loved who I am today. I've loved my peaceful and simple life. Ngunit sa tuwing naiisip ko kung gaano kalayo ang narating ni Beatrice, hindi ko maiwasang maramdamang ang liit-liit ko. Pakiramdam ko kung ikukumpara ang success ko sa success niya, hindi pa matatawag na success ang mayroon ako. Para bang kung ikukumpara ako sa kanya, wala akong halaga.
Bakit ko ba ikinukumpara ang mayroon ako sa kung ano ang mayroon siya? This is what I've wanted and chosen. This is the life I've always imagined to live. Ito talaga ang para sa akin. I shouldn't let myself feel that way. Alam ko ang dahilan kung bakit ito ang buhay na pinili ko.
Bigla ko naalala 'yong pag-uusap namin ni mama bago ang mag-college.
"France, alam mo na ba ang kursong kukunin mo sa kolehiyo? Bakit ka nag-HUMSS? Binabalak mo bang mag-criminology rin gaya ng ate mo?"
Ngayon na lang ulit tinanong ni mama ang tanong na 'yon. The last time she asked me about that, I said I was still undecided. Actually, bago ang nag-senior high school, balak kong piliin ang GAS, pero walang gano'n sa school namin. Ang strands lang na mayroon sa school namin ay STEM, HUMSS, at TVL. Ayoko sa Mathematics at alam ko na agad na wala sa mga kursong nasa ibaba ng STEM ang kursong para sa akin. Mas lalong ayoko sa TVL. Kaya nag-HUMSS ako. I thought it was going to be easy, but it wasn't. Napatunayan kong wala talagang madaling strand. Lahat ay paghihirapan mo. At hindi mo naman kailangang maging sobrang talino o sumabay sa matatalino mong kaklase. All you really need is patience, perseverance, enough courage, and consistency. If you have it all, you'll surely succeed in whatever strand you've chosen.
And yeah, my older sister Freya Lene chose criminology. Gusto niyang maging isang pulis, at malapit na niya itong makamit. Ngunit hindi 'yon ang gusto ko.
"No, 'ma. Hindi ako magki-criminology," sagot ko. "Ayoko pong maging isang pulis. 24/7 po ang trabaho."
"Maganda kayang maging isang pulis, France," sabi nito. That made me want to roll my eyes. Gusto ko ring tanungin si mama kung na-experience na niyang maging isang pulis. "Oo, 24/7 ang trabaho, pero kapag nasa office ka lang naman palagi, okay na 'yon. Magugustuhan mo 'yon, tiyak ako. Malaki rin ang sahod ng mga pulis."
"'Ma, kahit kailan, hindi ko inisip ang sahod. Wala po akong balak na magpayaman. I'm contented. Okay na sa akin ang buhay na mayroon ako. I never wanted to have a car and a mansion in the future. All I want is to have a simple and peaceful life. That is all, 'ma."
Kumunot ang kanyang noo. "Eh, ano ang kukunin mong kurso kung gano'n?"
"Education," I answered. She stared at me. "I wanna stay here forever. Ayokong iwan ang lugar na ito. Naisip kong ang magiging trabaho ko ay hindi dapat magtutulak sa akin na umalis dito. That's why mag-e-Education ako sa college."
Alam kong masyadong common ang Education at hindi 'yon kailanman magiging kasing-taas ng Engineering o iba pang kurso. Eh, ano naman? Hindi naman masamang maging teacher, hindi ba? Okay lang naman sa akin ang kahit anong trabaho hangga't hindi ito pagpatay ng ibang tao o paggawa ng kasuklam-suklam na kasalanan. At kapag naging teacher na ako, matutupad ko na ang nais ko.
Mas lalong kumunot ang kanyang noo. "Gusto mong maging titser?" I nodded my head. "Bakit? Gusto mo bang maging isang estudyante habambuhay? Marangal na trabaho ang pagiging isang titser, pero hindi 'yon madali. Kapag naging titser ka, parang babalik ka lang sa pagiging estudyante. At saka hindi pa ganoon kalaki ang sahod ng mga guro. Parang mas mahirap nga 'yon kaysa sa pagiging isang pulis, eh."
I knew she would say that.
"'Ma, wala nga po akong pakialam sa sahod. And there's no job that's easy. Lahat ay paghihirapan mo. And I don't care kahit mabuhay ako na parang estudyante kapag naging isa akong teacher. All I want is to stay here forever, at makukuha ko 'yon kapag pagiging isang teacher ang pinili ko."
"Paulit-ulit 'yang sinasabi mo. 'Ma, gusto kong mag-stay dito. 'Ma, ayokong umalis sa lugar na 'to," sambit nito sa hindi ganoon kagandang paraan. "Bakit ba gusto mong manatili rito? Hindi ka ba naiinip dito? Ayaw mo bang makapunta sa ibang lugar? Ayaw mo bang mag-travel-travel?"
I thought for a moment and shrugged my shoulders. "I don't know, 'ma. All I know is that I don't wanna leave this place. This is where my heart belongs. This is my place, my home. Hindi ko kailanman pinangarap na makipagsabayan o makipagkumpetensiya sa iba. Ayoko ng kumplikadong buhay. I just want a simple yet beautiful life. At dito ko lang makikita ang buhay na 'yon, 'ma. In this little town."
"Sigurado ka ba riyan, France?"
I nodded. "That is what I really want, 'ma," sagot ko. "Wala namang problema 'yon sa inyo, tama? Susuportahan n'yo po ako, 'di ba?"
She smiled and nodded. Then she gave me a hug. "Kung saan ka masaya, doon din ako sasaya. Ikaw ang gumagawa ng sarili mong kapalaran, France. Gabay mo lang kami ng papa mo, at palagi kaming handang suportahan ka."
That made me smile. "Thank you, 'ma," sabi ko sabay yakap rito pabalik.
I don't have a complicated life. The life I've had since I was a kid is simple, peaceful, and beautiful. That has made me see at a very young age the beauty in simplicity. That has made me realize that the simplest things in life are the most beautiful. The small things are what I've always needed. Dahil doon, kuntento ako.
What I said to my mother back then was true. I never wanted anything more than what I've got. Hindi ko kailanman pinangarap na magkaroon ng magarang kotse, malaking bahay, at maraming pera. Hindi ko rin pinangarap na maging pinakamagaling o pinakamatalino sa lahat. Hindi ko kailanman ginustong maging sikat. Hindi ko kailanman na-imagine ang sarili ko na magiging isa sa mga taong sobrang successful katulad ng mga CEO ng kilalang kumpanya, engineer, singer, dancer, artista at celebrity.
Magkaibang-magkaiba talaga kami ni Beatrice na kilala na bilang si Bea Hernandez. Ang mga mundo namin ay magkaibang-magkaiba.
Hindi kailanman sumagi sa isip ko na magkakalayo kami nang ganito. Hindi ko alam na ang mga landas na para sa amin ay hindi magkatulad. When we were still young and her life was as simple as mine, I thought she was the one for me. Dahil doon, ang dami kong pinangarap para sa aming dalawa. Na-imagine ko pa na magiging asawa ko siya kaya't palagi kong sinasabi noon na siya lang ang pakakasalan ko. Na-imagine ko na siya ang makakasama ko habambuhay. Minahal ko siya nang husto. I gave her my heart and all my love.
Then in a single snap of fingers, everything had changed.
It happened when she said to me that she was living. It happened the day she said goodbye. Noong time na 'yon, alam ko na agad na 'yon ang simula ng malaking pagbabago sa kwento naming dalawa. Alam ko na agad na magsisimula nang maging kumplikado ang lahat. Naisip kong malabo nang matupad ang mga pangarap ko para sa aming dalawa. That's why I gave up easily and didn't hope we could get things back to what they were before.
At ngayon, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa aming dalawa o kung mayroon ngang mangyayari. All I can do is sit and wait.
"Tama ako!" Nagulat ako at halos mapatalon. I turn to find my mother standing behind me. Her gaze shift from the screen of my laptop to me. "Pinapanood mo ang video ng performance ni Beatrice. Kunwari ka pa, France, ah. Sa palagay mo ba, maloloko mo ang sarili mong ina?"
Agad kong ini-stop ang video at sinara ang aking laptop. "I'm not fooling you, 'ma."
I stand up and walk to the kitchen. Kumuha ako ng tubig sa refrigerator. Hindi ko napansing sumunod pala sa akin si mama. Pumunta ito sa harapan ko. Nasa kanyang bewang ang kanyang mga kamay.
"Eh, ano'ng ginagawa mo?" tanong niya. "Nagsinungaling ka sa akin. Sabi mo, hindi mo na mahal si Beatrice. Pinalalabas mong wala ka nang pakialam sa kanya kahit halata namang hindi pa rin siya nawawala diyan sa puso mo."
Ang mga nanay talaga, matatalino at hindi madaling lokohin. Kapag may kabit ang kanilang asawa, mararamdaman nila 'yon agad. Kapag may problema ang mga anak nila, alam nila 'yon agad. Mga secret detective kaya sila?
Uminom ako bago nagsalita. "It was true, 'ma. Hindi ko na siya mahal."
That's a lie. Mahal na mahal ko si Beatrice. Pero ayokong ipaalam 'yon sa iba, kahit sa family ko, dahil baka maging mas kumplikado lang ang lahat.
Her eyebrows furrow. She stares at me for a few moments before she says, "Hindi 'yan totoo. Hindi nawala ang pagmamahal mo para sa kanya. Hindi mo ako maloloko dahil ako ang mama mo, France. Matanda ka na, pero ikaw pa rin ang anak ko at hindi 'yon magbabago. Kilala kita at alam ko kung kailan ka nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo."
"Hindi nga po kita niloloko," sabi ko, at umalis sa kusina. I walk to the living room and sit on the sofa. I feel her sit next to me.
"France, tumingin ka sa akin." I look at her and raise an eyebrow. She holds my hands and look me in the eyes. "Itigil mo na ang panloloko sa sarili mo. Aminin mo na na mahal mo pa rin si Beatrice hanggang ngayon. Aminin mo na na kahit ang dami mong naging girlfriend, nandiyan pa rin siya sa puso mo."
"I'm not fooling myself, 'ma."
Kung alam lang ni mama na matagal ko nang inamin 'yon sa sarili ko, hindi niya sasabihin sa akin ito ngayon. Sila lang ang niloloko ko.
"Aminin mo na kasi na siya pa rin ang laman ng puso mo," sabi nito sa naiiritang boses. "Kung hindi mo na siya mahal, hindi ka mag-s-search at manonood ng kahit anong tungkol sa kanya. Akala mo hindi ko malalaman na mga litrato niya ang laman ng gallery mo?"
My eyes widen. "Binuksan n'yo po ang cell phone ko ng hindi sinasabi sa akin?" She nods, smiling. "You shouldn't have done that, 'ma. It's my cell phone, at hindi n'yo po dapat basta-basta hinahawakan 'yon. Dapat talaga nilagyan ko 'yon ng password."
"Mama mo ako, France, at saka ginawa ko lang naman 'yon dahil nag-aalala ako sa 'yo."
"Then you should've just asked me questions like is there something wrong, are you okay, or do you feel alright? Hindi po dapat pinakialaman ang cell phone ko."
"Hindi 'yon mahalaga kaya kalimutan na natin 'yon. Alam ko na ang sikreto mo, at 'yon ang mahalaga ngayon." Ngumiti ito at itinaas-baba ang kanyang mga kilay ng tatlong beses. "In love ka pa rin kay Beatrice. 'Yan ang totoo."
"Hindi nga po," sabi ko.
"Eh, bakit mayroon kang pictures niya? Siya pa nga ang wallpaper mo, eh."
Hindi ko ba talaga maloloko ang mama ko? Bakit ba kasi may ganito ako katalinong mama? Ano'ng gagamitin kong dahilan?
"Yeah, I have pictures of her, but that doesn't mean I still have feelings for her. Um . . . Ano ko lang siya . . . Um . . . Idol ko siya! Yeah, I admire her, and I am one of her fans."
Convincing naman 'yon, 'di ba?
She doesn't look convinced. She shakes her head and says, "Hindi, nagsisinungaling ka. Totoong hinahangaan mo siya, pero hindi mo siya hinahangaan lang. Mahal mo rin siya. Hanggang kailan mo lolokohin ang sarili mong ina, France?"
I sigh. "Okay, you win, 'ma. You're right, I still love her."
They say first love never dies. Mukhang totoo 'yon. First love is so hard to forget. Paano ko buburahin sa isipa't puso ko ang nag-iisang babaing minahal at minamahal ko? Are we meant to be together? Kung hindi, magagawa ko ba siyang kalimutan? Kung hindi siya ang babaing para sa akin, eh sino? Is it someone better than her? Ang tanong: Is there someone who's better than her?
"Kung mahal mo pa rin siya, bakit nakaupo ka lang dito at walang ginagawa? Bakit hindi mo inayos ang relasyon ninyo noong may pagkakataon ka pa?" tanong nito.
Nagpakita ako ng mapait na ngiti. "Hindi po kami nagkaroon ng relasyon. Niligawan ko siya, but there was never us."
"Eh, bakit hindi mo siya ligawan ulit?" nakangiting tanong nito. "Nandito siya ngayon at ang nabalitaan ko, mag-i-stay siya rito nang medyo matagal para magbakasyon. Bakit hindi mo siya ligawan habang nagbabakasyon siya rito?"
That thought crossed my mind. Hindi ito ang first time na dito siya magbabakasyon. Sa tuwing magbabakasyon siya rito, nababalitaan ko. Maliit lang ang lugar na ito kaya't madali lang kumalat ang mga balita. Plus, siya si Bea Hernandez kaya't halos siya ang palaging pinag-uusapan ng mga tao rito.
"I can't do that, 'ma," I say in a sad voice.
"Bakit hindi?" kunot-noong tanong niya.
"Nahihiya ako. Matapos ko siyang i-ignore nang i-ignore noon, hindi ko kakayaning magpakita sa kanya na parang walang nangyari. Mahal ko siya, pero may hiya ako."
I look down. Maraming beses gumawa ng paraan si Beatrice upang makita't makausap ako. Maraming beses din akong tumangging makita siya. She's the girl and I'm the guy. I should be the one making moves. But she did it. And I didn't appreciate it. I ignored it. Paulit-ulit niya 'yong ginawa hanggang sa napagod siya. She realized that it was all a big waste of time.
"Kung palagi ka na lang magpapakontrol sa hiya mo, may mauuna na sa 'yo," sabi nito. "Sobrang ganda, sikat, at successful ni Beatrice ngayon, pero wala pang nagmamay-ari ng puso niya. May chance ka pa, anak. Huwag mo 'yong sayangin."
"She doesn't love me anymore, 'ma. And I'm sure she can't love me the way she did back then. Katulad po ng sinabi n'yo, sobrang successful na niya. Eh, ako? Isang teacher lang naman ako sa elementary school."
"Tingnan mo ako, France." I look at her face. She gives me a smile. "Hindi ka titser lang. Teacher ka at successful ka rin. Ang pagiging successful ay nasa isip lang ng tao. Kung mahal mo ang ginagawa mo, at kuntento't masaya ka, successful ka na. Pero kahit nasa iyo na ang lahat ng bagay sa mundo, kung hindi mo magawang maging masaya't kuntento, hindi ka maituturing na successful."
"I'm contented and happy, 'ma. Mahal ko ang trabaho ko." I look down. "But I can't help but feel a little down every time I think about Beatrice's success. Kung ikukumpara sa kanya, hindi ako maaaring tawaging successful. She's gorgeous, smart, talented, nice, and famous. She's got everything. Ako? I'm just a simple man living in this simple, little town. Wala akong maipagmamayabang."
"Pero ikaw si France Lee Cruz." I lift my head and look at her. She gives me a small smile. "Ikaw ang mabuti't matulungin kong anak. At ikaw ang lalaking mahal ni Beatrice."
I shake my head. "No, 'ma. You're wrong. She doesn't love me, and she won't love me again."
She stares into my eyes and says, "Ikaw ang nagkakamali, anak. Mahal ka niya. Hindi 'yon nagbago."
Sa ganitong klase ng pagkakataon, ano ba ang dapat nating paniwalaan: 'yong tingin natin ay totoo o 'yong alam at sinasabi ng ibang tao? Alinman ang sagot sa dalawang 'yon, hindi 'yon mahalaga. Because it won't change the fact that things have changed and it will never get back to what they were in the past. Hindi na kami ni Beatrice ang mga bata sa nakaraan na nabubuhay sa parehong mundo. We're living in different worlds now. And it seems that our worlds will never collide. Maybe we're not meant to be together. Maybe she's not the one for me. Maybe it's someone else. And who can it be?
***
I'M IN my room when my mother suddenly shouts. I immediately go to the living room and find her standing in front of our TV. She covers her mouth with her hands. My eyebrows furrow, and I walk close to her.
"Ano'ng meron, 'ma?"
She points to the TV and says, "Tingnan mo, oh. Si Beatrice, nasa balita."
Agad ko 'yong ginawa at ang una kong nakita sa screen ay ang nakangiting mukha ni Beatrice. Ini-interview siya ng isang reporter. Para akong naging bingi at parang hindi ko naririnig ang sinasabi nila. My attention is just focused on her face. Napunta ang paningin ko sa nakasulat.
ANG CELEBRITY NA SI BEA HERNANDEZ, BUMALIK SA PROBINSYA UPANG MAGBAKASYON
"Being a singer, dancer, and an actress is not easy. Honestly, it's kinda exhausting. I love what I am doing, but I think kailangan ko munang mag-take ng break. And this town is perfect. I love this place. It's quite and peaceful here, and everyone's so nice. Actually, pagdating na pagdating ko, nakaabang na sila at sinalubong nila ako. Masaya akong makabalik sa lugar na ito. Sobra kong na-miss ang buhay ko rito."
"Itong lugar lang ba ang na-miss mo o may iba pa?"
There's a moment of silence before she smiles and answers, "Um . . . Siyempre, na-miss ko rin 'yong mga tao rito. I miss everything about this place. This is my first home, and dito nabuo ang most unforgettable memories sa buhay ko. I really love this place."
"Kailan mo balak bumalik sa Manila?"
She shrugs her shoulders. "I don't know. Hindi ko pa 'yan iniisip sa ngayon. I'm here and what I should be thinking right now is paano ko magagawang espesyal ang pag-i-stay ko rito. I want to cherish every moment that I'm here. Gusto ko ring maglibot dito at makita ang lahat ng nagbago rito. Para kasing ang dami nang nagbago sa lugar na ito dahil medyo matagal na magmula nang huling nandito ako."
I stare at her face. Mas nagmukha pa siyang diyosa. Ang ganda ng ngiti niya at abot ito hanggang sa kanyang mga mata. She's happy. She's contented. She's got everything she wants to have. She's not Beatrice Hernandez anymore. She's Bea Hernandez now. She's not the simple yet amazing girl I knew. She's changed.
Kailan kaya 'yon papasok sa utak ko? Kailan ko matatanggap na napakalaki na ng agwat sa pagitan naming dalawa?
Is that what she really wants? To be a celebrity? To be famous? To be a millionaire? To stay in Manila until she wants and go back here any time she wants? Kaya ba nag-focus siya sa buhay niya sa Manila dahil alam niyang mayroon siyang babalikan dito? Ano'ng tingin niya sa lugar na ito? Second option? If there was us, would I also be a second option to her? I don't know what to think and feel.
"Anak, gusto kang kumustahin ng Ate Freya mo," sabi ni mama sabay bigay sa akin ng kanyang cell phone.
The first thing I see on the screen is her face. There's a smile on it. Napangiti ako. Like Beatrice, my older sister has also changed. She's not that serious anymore. Madalas na siyang ngumiti at mayroon na siyang pakialam sa mga bagay-bagay. Everything changes. People change. And it's one of the most scary things about the future.
"Hi, Ate Freya Lene!" bati ko sabay kaway.
"You look like a kid," she says. "How are you?"
"I'm always fine, ate. Eh, ikaw? Kumusta ka riyan sa Baguio? Okay ka ba diyan?"
She nods her head. "Okay lang ako rito. Hindi naman nakakapagod ang trabaho ko dahil palagi lang naman akong nasa loob ng police station," sagot niya. "Ano, France? May girlfriend ka na ba?"
Medyo naging pakialamera na talaga ang ate ko. Hindi na siya 'yong ate ko noon na hindi nagsasalita kapag hindi kailangan. Masaya ako't nagbago siya.
"You always ask me that question. Be honest, ate. Is it me that you care about or my love life?"
"Pwede both?" She laughs.
I roll my eyes. "Just ask me about that again kapag may boyfriend o asawa ka na," sabi ko. "May balak ka bang bumuo ng sarili mong pamilya, ate, o balak mong tumandang dalaga? Ang tanda mo na kaya. Dapat mag-asawa ka na. Pero kung ayaw mo naman, magpabuntis ka na lang hangga't pwede ka pang mabuntis. Kailangan mo ng mag-aalaga sa 'yo kapag hindi mo na kayang alagaan ang sarili mo."
"Hey, I'm still young. I'm just 33 years old. And you shouldn't be worrying about me. Ang dapat mong inaalala ay ang sarili mo. Baka ikaw ang hindi makapagpamilya."
"Hindi ko pa 'yan iniisip. I'm just 30 years old and I'm a man. Pwede akong magkaanak kahit lagpas-40 pa ang edad ko."
There's a moment of silence before she speaks again. "Napanood ko pala 'yong balita. Nandiyan si Beatrice, ah."
I nod my head. "Yeah, she's here."
"Sabi niya roon, sinalubong daw siya ng mga tao diyan. Isa ka ba sa mga sumalubong sa kanya? What happened? Nagkausap na ba kayo? Nililigawan mo na ba siya?"
I roll my eyes. "Nothing happened, ate. And I'm not one of them. Bakit ko siya sasalubungin?"
"You love her and you're one of her fans," she says. There's a smirk on her face. I know what that means. She knows everything. "Mama told me everything. She said you still love Beatrice, pero nahihiya kang magpakita sa kanya."
"Alam kong sasabihin niya 'yon sa 'yo."
"France, what are you planning to do?" I raise an eyebrow. "Why are you giving me a questioning look? You should be doing something now. Nandiyan si Beatrice at mukhang magtatagal siya riyan. It's your chance para ibalik ang mayroon kayo noon. Huwag mong pakawalan ang chance mo na 'yan because that might be your last chance."
Heto na naman si ate. Kailan na ba siya nagsimulang maging match-maker? 'Yan ang dahilan kaya palagi kong hinihiling na magkaroon na siya ng mamahalin upang wala na siyang time para isipin ang love life ko.
"'Yong chance mo ang isipin mo, ate, at hindi 'yong chance ko. Mas matanda ka sa akin at mas kaunti ang natitira mong oras."
"Yeah, I'm older than you, but I'm not the one who loves the one and only Bea Hernandez," she says. "Celebrity siya, bro. That means you're not the only one who wants to have her. Kumilos ka na hangga't may pagkakataon ka pa."
"I just love her, okay? I didn't say I want to have her."
She rolls her eyes. "Don't fool me, France. You love her. You wanna have her. You wanna marry her. You wanna spend the rest of your life with her. 'Yan ang totoo."
"Oo na, Ate Freya. Pwede ka nang tawaging Freya, the dakilang match-maker," sabi ko. "Bakit mo ba sinasabi sa akin ito, ate? In the past, you didn't want me to love her. And now, you're telling me these things. I don't understand."
"Yeah, medyo magulo nga. Pero ang gusto ko lang naman ay hindi ka masaktan, 'yon lang. Noon, I thought there was still chance your feelings for her would change kaya tinutulak kita na paniwalain ang sarili mo na hindi mo siya mahal para 'yon ang maging totoo sa 'yo. Pero ngayon, mahal na mahal mo siya at alam kong wala nang chance na mabago ko 'yon. And I think the best thing I can do is itulak ka na kunin ang magpapaligaya sa 'yo."
"Thank you, Ate Freya." I smile. "You've really changed. You care now."
"I've always cared about you, France. Mas halata lang ngayon."
There's the silence and I say, "Did you call just to say this to me?"
"Maybe?"
We both laugh.
COME BACK TO MY SIDE
TiffGRa (Tiffany)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top