Chapter 15 (The Past)
FRANCE
SHE WAS gone. Wala na siya sa tabi ko. Hindi ko na siya muling makikita, makakasama at mapapangiti. Everything between us was over. We were over. Our story had ended.
Halos buong bakasyon akong nasa loob lang ng aking kwarto at nagpapalunod sa kalungkutan at sakit na nararamdaman ko. Binilhan na ako ni mama ng cell phone kaya mas nagkaroon ako ng dahilan upang manatili lang sa loob ng bahay namin. Sometimes, I was in front of my cell phone's screen, playing games I installed or scrolling on social media. There were times that I just stared at the ceiling or wall. There were also times I suddenly cried like crazy. But most times, I slept to ease the pain and forget everything.
Sa isip at puso ko, binubura ko na ang babaing una kong minahal. Mahirap itong gawin para sa akin dahil bukod sa sobrang lalim ng pagmamahal ko para sa kanya, palagi ko pa rin siyang iniisip. Alam kong mas magiging mahirap pa ito noong may nalaman ako.
"France, siguradong matutuwa ka kapag narinig mo itong ibabalita ko," nakangiting sabi ni mama.
I was on my bed and in front of my cell phone's screen when she suddenly appeared and sat in front of me. It was obvious that she was so glad. Abot hanggang sa mga mata nito ang kanyang ngiti. Halos mapunit na nga ang kanyang mga pisngi.
"What is it, 'ma?" I asked, trying not to sound bored.
"Nandito si Beatrice at ang mama niya."
Para akong sinuntok sa mukha. Tumitig ako sa mukha ni mama. Hindi ako makapaniwala. Beatrice was here? Why? Umalis na sila, 'di ba? What were they doing here? Was she here because of me? A part of me hoped that we could still fix what was between us, but there was also a part of me that didn't care at all.
"What? Nandito sila?" She nodded. Her smile faded when I added, "Eh, ano naman po ngayon? Should I care? At saka ano po ang ginagawa nila rito? They left, didn't they?"
She frowned. "Bakit ganyan ang reaksyon mo, France? Hindi na sila rito nakatira, pero may lupa pa rin sila rito. Gusto ng mga magulang ni Beatrice na ibenta ang bahay at lupa nila, pero binago niya ang isip ng mga magulang niya. Gusto niyang mayroon pa silang babalikan dito. Dapat matuwa ka, anak. Ginawa niya 'yon dahil sa 'yo."
I laughed. "Babalikan? Mayroon silang bahay at lupa rito na pwede niyang balikan. Pero wala na siyang kaibigang France ang pangalan na babalikan. We're over, 'ma. Hindi ko na siya kilala, kaibigan, at hindi ko na rin siya mahal. Simula nang araw na umalis siya, burado na siya sa ala-ala ko."
"France, ano ba'ng sinasabi mo? Ano'ng nangyayari sa pag-uugali mo? Dapat nga matuwa't magpasalamat ka kasi kahit pwede ka naman niyang limutin, gumawa siya ng paraan para mabalikan ka pa rin niya."
I wanted to do that. I wanted to be happy. I wanted to be okay again. Gusto kong ibalik ang lahat sa kung ano ito dati. But I couldn't do that. Alam kong hindi ko 'yon magagawa kahit gaano ko pa 'yon kagustong gawin. Hindi na ang lugar na ito ang tahanan ni Beatrice. Ang buhay niya ay nasa Manila na. Magkaiba na ang mga mundo namin. Everything had changed.
I shook my head. "I want to, but I can't, 'ma. It's over. We're through."
"Bakit ba pinakukumplikado mo ito, anak?" She held my hands and looked into my eyes. "Anak, nagbago ang tirahan ni Beatrice, pero hindi 'yon nangangahulugan na kailangan ding magbago ng relasyon ninyo. Mahal niya ang lugar na ito at ikaw rin. Kung hindi, hindi na siya babalik dito. Ayaw mo ba no'n? Gumawa siya ng paraan para hindi kayo tuluyang maghiwalay. Dapat maging masaya ka. Bakit hindi mo siya puntahan? Pupunta kami ng papa mo sa bahay nila mamaya para makita sila. Bakit hindi ka sumama?"
I stared at her. There was a small smile on her face. I saw how it faded when I slowly shook my head. "I can't and I won't, 'ma. Kayo na lang po ni papa ang pumunta."
I still loved Beatrice. Alam ko 'yon. Alam ko ring mayroon pa akong magagawa para i-save ang kung anong mayroon kami, pero ayokong mas masaktan pa ako kaya hindi ko na ito susubukan. Pagod na akong umasa. Pagod na akong masaktan. Pagod na akong maghintay na matupad ang mga kahilingan ko. Sumusuko na ako.
Binitawan ni mama ang mga kamay ko. "Wala na ba akong magagawa para mabago ko ang isip mo, France?"
"Wala na, 'ma," walang pagdadalawang-isip na sagot ko.
"Sige. Kung 'yan ang gusto mo, hahayaan kita. Huwag mo lang sanang kalimutang kaibigan mo rin si Beatrice at hindi lang ang babaing mahal mo. Nasaktan ka niya, pero sana'y maging magkaibigan pa rin kayo."
After that, she disappeared. I stared at my door for a moment and played on my cell phone again.
Ipinagpatuloy ko ang paglimot sa kanya at ang pagbura sa nararamdaman ko para sa kanya. Katulad ng inisip ko, naging mas mahirap nga ito. Kapag ubos na ang battery ng cell phone ko at wala akong ginagawa, naiisip ko siya. Tinatanong ko ang sarili ko kung ano na ang itsura niya, kung maganda pa rin siya, kung kumusta na siya, at ng marami pang tanong na para bang mayroon akong maisasagot sa mga ito. Gusto ko siyang masilayan. Gusto ko siyang makausap. Gusto ko siyang mayakap. Pero nabubuhay na kami sa magkaibang mundo ngayon. Palagi kong ipinapaalala sa sarili ko na wala na siya at kahit papaano'y nakatutulong ito upang hindi ko siya masyadong isipin.
Pero may parte pa rin sa akin na umaasang maibabalik namin ang lahat sa kung ano ito noon. Sometimes, I wished she would appear and ask me how I'd been. Minsan pa nga'y umuupo ako malapit sa pintuan at tumitig doon, umaasang bigla niya 'yong bubuksan at makikita ko ang mala-diyosa niyang mukha. Dahil doon, ilang beses nang sinabi sa akin ni ate na mukha akong baliw o *anga.
Muli silang bumalik sa lugar namin. After I knew that they were going to arrive, I waited for them. I hid in a place where I could see them and where they wouldn't see me. Pinanood ko ang tricycle nila na kumilos papalayo. Wala ang papa niya. Ang mama niya lang ang kasama niya. Nakita ko kung paano siya tumingin-tingin sa paligid. May hinahanap siya. Hinahanap niya ako.
Noong mawala na ang tricycle sa paningin ko, naglakad ako pauwi sa bahay namin. Nasa loob ako ng kwarto ko noong sabihin ni mama na hinahanap ako ni Jessie.
"Kuya France, pinapatawag ka ni kuya. Punta ka raw sa bahay namin."
I stared at the kid in front of me. Jessie was Mavin's little sister. Ang laki na niya ngayon at mas gumanda siya. Parang kahapon lang, sobrang liit pa niya. Kailan na ba noong huli ko siyang nakita? Hindi ko maalala.
"Bakit daw?" nagtatakang tanong ko.
Parang ito pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na gusto akong makita ni Mavin. Gusto niya nga ba akong makita o gusto niya lang akong inisin?
She gave me a big smile. Kakaiba 'yong ngiti niya. "Nandoon po sa bahay namin si Ate Beatrice. 'Yong girlfriend po ninyo?"
Halos lumaki ang aking mga mata. Bata ba talaga itong kausap ko ngayon? Alam na niya ang salitang girlfriend, ha. Ah, oo nga pala. Muntik ko nang malimutang sobrang bata ko rin noong matutunan ko kung paano magmahal sa romantic na paraan.
I also got disappointed after I heard what she said. Beatrice chose to go to Mavin's house instead of mine. Did that mean that she wanted to visit him more than she wanted to visit me? Hindi na ba niya ako gustong makita? Had her feelings for me vanished? And was I jealous? No, I wasn't. Hindi ako affected.
"Wala akong girlfriend, Jessie. Ni hindi ko kilala ang babaing minention mo," seryosong sabi ko.
Kumunot ang kanyang noo. "Paano 'yon nangyari, Kuya France? Paano mo malilimutan ang babaing mahal na mahal mo? Nag-break na po ba kayo?" Pumalakpak siya. She looked so happy. That made my forehead furrow. "Good news po 'yon! Dahil break na kayo, pwede nang ligawan ni kuya si Ate Beatrice. Tapos sila ang magkakatuluyan. At sa huli, magiging part ng pamilya namin si Ate Beatrice."
What?
"Pwede bang magpaliwanag ka sa akin, Jessie?" mahinahong sabi ko. "Sino ang nagsabi sa 'yo na girlfriend ko si Beatrice? At bakit gusto mong sila ng kuya mo ang magkatuluyan? Gusto ba ng kuya mo si Beatrice?"
Gusto niya si Beatrice para sa kuya niya kaya't may posibilidad na gusto ni Mavin si Beatrice. I suddenly remembered that there was a girl who started a conversation with my sister through Messenger. This girl was one of her secret admirer's little sister. She told her how much her brother liked my sister. Ang dami niya ring tanong at itsina-chat sa ate ko upang hindi maputol ang communication nila. Ikweninto sa amin 'yon ni ate kaya nalaman namin. Siguradong alam na ng buong family ng secret admirer ni ate ang tungkol sa kanya. When a guy really likes a girl, he can't help but tell about her to his friends or family.
That was why I thought that Mavin might liked Beatrice. Kapag totoo ang inaakala ko, magugulat talaga ako. Hindi ko kasi kailanman inisip na posibleng may nararamdaman siya para kay Beatrice. Para kasi siyang bakla.
"Si kuya po ang nagsabi sa akin. Mahal n'yo raw po si Ate Beatrice at mahal din niya kayo. Gusto ko pong maging girlfriend ni kuya si ate kasi gusto ko siya. Maganda siya at mabait din. Hindi rin siya mayabang."
"Gusto ba siya ng kuya mo?" ulit ko sa tanong ko noong hindi niya ito sinagot.
Nakahinga ako nang maluwag noong magsimula siyang umiling. "Hindi po, eh. Noong itinanong ko 'yan sa kanya, hindi ang isinagot niya at isang kaibigan lang daw ang tingin niya kay Ate Beatrice. Pero siguro sinabi niya lang 'yon dahil magkarelasyon pa kayo noon ni Ate Beatrice. Kapag nalaman niyang nag-break na kayo, pwede na niyang ligawan si ate."
She really liked Beatrice and that was so obvious. Gusto niyang magkatuluyan sila? Pinigilan ko ang aking sarili mula sa pagtawa. Hindi pwedeng maging magkarelasyon sina Beatrice at Mavin. Hindi sila bagay. And there was no chance that she would like him. Masyadong siyang maganda para magustuhan ang pinsan ko na mukhang bakla. Hanggang magkaibigan lang talaga sila.
"Sorry, Jessie, pero malabong mangyari ang gusto mong mangyari. Hindi pa kami nagbi-break ng Ate Beatrice mo. Akin lang siya at ako lang ang gusto niya."
I just said that so that she would stop hoping. I said it because I didn't want her to get hurt. Why did it seem that I was fooling myself? Para sa kanya ba ang ginawa ko o para sa sarili ko? Mukhang mas okay kung hindi ko na lang 'yon sinabi. Parang tuluyang nabuhay ang feelings ko para kay Beatrice na pinipilit kong patayin matapos ko 'yong sabihin.
"Gusto niya ba akong makita?"
She shrugged her shoulders. "Siguro po? Ewan ko, Kuya France. Pero boyfriend ka po niya kaya bakit hindi ka niya mami-miss, 'di ba?"
Would I go there or not? What if she didn't like to see me? Sa oras na nakaharap ko siya, ano'ng sasabihin ko at ano ang gagawin ko? Should I act as if nothing was wrong? Should I pretend to be okay even though I was not? I almost forgot that I was trying to get her out of my mind and my heart.
"Sabihin mo, sorry at hindi ako makakapunta. May ginagawa ako."
"Ayaw n'yo po bang makita ang girlfriend ninyo?" kunot-noong tanong niya. "Pwede n'yo naman pong itigil muna ang ginagawa ninyo at puntahan n'yo muna siya sa bahay kahit sandali lang. Baka po magtampo siya at magkaroon kayo ng LQ."
Napangiti ako. Ang bata-bata pa niya, pero pati ang LQ, alam na rin niya. Ano pa kaya ang nalalaman ng batang ito?
"Walang dahilan para magpakita ako sa kanya. Hindi ko naman siya girlfriend o kilala man lang. Hindi talaga ako makakapunta."
Halatang nalito siya matapos niyang narinig ang sinabi ko. Ngunit hindi na siya muling nagsalita o nagtanong. She said goodbye, and I watched her walk away.
Kapag nagpakita ako sa kanya, babalik kaya ang lahat sa dati? No, it wouldn't. Kahit wala pa akong ginagawa, kahit hindi pa ako nagta-try, alam ko na agad na walang mangyayari sa huli. Tapos na ang lahat. The moment she said goodbye to me, we were over. That moment was the end of our story.
I suddenly remembered what I told April. It was true. Sa istorya ko, kaming dalawa ang bida. Ngayong wala na siya, hindi ko alam kung ano ang magiging takbo ng istorya ko. This story was like a chair with four legs. Dahil wala na siya, putol na ang dalawang paa nito. Ibig sabihin sira na ito. Sira na ang kwento ko.
Pinilit kong kumbinsihin ang sarili ko na hindi ko na siya mahal. Gusto kong patunayan sa sarili ko na nalimutan ko na siya. Ginawa ko ang lahat upang magawa ko 'yon. I stopped thinking about her. Pinilit kong kalimutan ang memories namin. I stopped wondering how she was doing. Itinuon ko ang aking atensyon sa pag-aaral at sa ibang bagay. At higit sa lahat, pumasok ako sa maraming relasyon. Ginamit ko ang ibang babae upang tuluyan na siyang mawala sa isip at puso ko.
"France, you've changed. Dati, you said to me na si Beatrice lang ang mahal mo. Eh, ano itong ginagawa mo ngayon? Pabago-bago ang girlfriend mo. Isang linggo lang yata ang pinakamatagal na relasyon mo."
It was lunch time, and I was eating alone when April suddenly sat in front of me. Did she just came here to tell me that? Couldn't she just mind her own business? Hindi lang siya KSP, pakialamera rin siya, eh 'no.
"Forget what I told you back then. Hindi na ako 'yong France na nakausap mo that time," tugon ko. "At bawal ba akong makipagrelasyon? Hindi ba ako pwedeng maging masaya?"
Kumunot ang kanyang noo. "You're using girls to make yourself happy? That's not right, France."
I raised an eyebrow. "Bakit? Wala akong pinilit sa kanila na makipagrelasyon sa akin. Gusto nila ako at gusto ko sila. Walang mali roon."
What I said was right, wasn't it? And why was I explaining to her? It had nothing to do with her. It was none of her business. Kung ayoko lang maging bastos, umalis na ako rito kanina pa. Mabuti't hindi ko pa nakakalimutang kaibigan ko siya.
Binigyan niya ako ng hindi makapaniwalang tingin. "France, ikaw ba talaga 'yan?" I rolled my eyes. Sinabi ko nang hindi na ako ang lalaking nakilala niya noon. "Hindi ka nakikipagrelasyon dahil gusto mo ang isang babae. You're just using them para mawala ang sakit na nararamdaman mo dahil sa pag-alis ni Beatrice."
My facial expression changed. "Stop mentioning that name," I said. "Gusto ko lang maging masaya kaya ako nakikipagrelasyon, 'yon lang 'yon."
"Does it really make you happy?" She raised an eyebrow. I stared at her for a moment and nodded. "Okay, let's say you're happy. Pero 'yong mga babaing naka-relasyon mo, nasasaktan. Makikipagrelasyon ka tapos bigla kang nakikipag-break nang walang dahilan."
"May dahilan ako."
She raised an eyebrow. "Oh, really? Ano? Lahat kaya ng naging girlfriend mo, okay naman. And I hate to admit it, but they're beautiful. Ang galing mong pumili."
"Yeah, they're beautiful, pero pangkaraniwan sila. They are also boring. Wala silang ginawa kundi ang panatiling maganda ang itsura nila. Ayoko sa mga babaing gano'n. I don't want girls with just beautiful face and body. I want girls with beauty and brain."
"Eh, bakit ka nakipagrelasyon sa girlfriend mo ngayon? Mahilig din kaya siyang mag-ayos ng itsura niya."
"Sino ang tinutukoy mo?" Isinara ko na ang lunch box ko dahil nawalan na ako ng ganang kumain. "'Yong girlfriend ko online o 'yong girlfriend ko rito sa school?"
Her eyes widened. "You have two girlfriends?"
I smiled and nodded.
I was on a date. Kanina pa siya kwento ng kwento tungkol sa mga bagay na walang kwenta. Ako nama'y kanina pa nagkukunwaring nakikinig sa kanya at hindi nabo-bore. Ayoko talagang makipag-date sa kanya. Sayang lang ang oras at pera ko. But I still came. Well, I just came to break up with her and I was waiting for the perfect moment. May perfect moment din pagdating sa pakikipag-break.
There was a lot of reasons why I needed to break up with her. Number one, maarte siya. Maarte ang pagsasalita at pagkilos niya katulad ng kay April. Number two, KSP siya. Gusto niyang nasa kanya lang ang atensyon ko palagi. Number three, she was boring. Hindi siya magandang kausap at lahat ng sinasabi niya'y walang kwenta. Number four, she wasn't smart. Marami siyang time para magpaganda, pero wala siyang time para mag-review kaya palaging mababa ang nakukuha niya sa tests. Hindi rin malawak ang pang-unawa niya. Number five, ayoko naman talaga sa kanya. Naisipan ko lang na makipagrelasyon sa kanya, at madali ko naman siyang nakuha.
"Hindi talaga bagay sa akin 'yong damit na iniregalo sa akin ni mom kaya tinapon ko 'yon agad," sabi niya.
Pinigilan ko ang aking mga mata mula sa pag-irap. "Basta mo na lang tinapon?" I made myself sound interested even though I was not. "Sigurado akong bagay sa 'yo 'yon. Lahat naman bagay sa 'yo. Kahit ano pa ang itsura ng damit na 'yon, I'm sure it would look good on you. You have a beautiful body."
I lied. Kapag gusto mong maging nice, kailangan alam mo kung paano magsinungaling. Nasanay na rin ako dahil maraming beses na akong nagsinungaling. Para ngang sa tuwing may kaharap akong babae, palagi akong nagsisinungaling. I always wanted to be nice so I had no choice but to do that. Kailangan kong palaging sabihin sa kanila na maganda sila kahit kadalasan, nagmumukha na silang pangit sa paningin ko. Kailangan kong sabihing mahal ko sila kahit alam kong hindi 'yon totoo. Kailangan kong sabihing masaya ako na makasama sila kahit gustong-gusto ko nang iwan sila. I didn't want to lie. I needed to lie.
Her cheeks turned red. "I know that naman, babe," maarteng sabi niya. "But I really didn't like it. It looked like an ukay-ukay kaya. Baka kung sino-sino na ang nagsuot no'n at baka makakuha pa ako ng sakit sa balat."
Bakit ba karamihan sa mga babae ay ganito, maarte at mahirap maunawaan? Did they think it made them beautiful? Ang dami ko nang naging girlfriend at lahat sila'y pare-pareho. Lahat sila'y pangkaraniwan. All they thought about was how they looked. They were all attention-seeker. Ang dami nilang crush. Ang tataas pa ng expectations nila. Minsan, sobrang saya nila at minsan nama'y nakakagalit sila nang walang dahilan. Dinaig pa nila ang isang bata na mahirap maunawaan. They were complicated. Siguro 'yon ang dahilan kaya wala pa akong relasyon na nagtatagal.
Tumango-tango ako. "Tama ka naman, babe." Halos masuka ako matapos kong sabihin ang huling salita. "Pero bakit pinili mo 'yong itapon kaysa ipamigay? Hindi mo nga 'yon magagamit, pero at least hindi 'yon sayang, 'di ba?"
"Ayoko nga!" parang batang sabi niya. "Mas gusto kong makita 'yon sa basurahan kaysa sa katawan ng ibang tao. At saka mahal ang bili ro'n ni mom."
I almost rolled my eyes. Ang mahal nga ng bili roon ng mama niya, pero hindi siya nagdalawang-isip bago niya 'yon itinapon.
My cell phone suddenly rang. The word Love flashed on the screen. I was about to cover it with my hand, but it was too late to do that. Lara already saw it.
"Lara, let me explain."
"France, sino 'yon? Sino 'yong love? Are you cheating on me?"
Ang lakas ng kanyang boses kaya't napatingin sa amin ang mga taong malapit sa amin. Ito ang isa sa hindi magagandang bunga ng pakikipagrelasyon sa babaing attention-seeker. Kapag mayroon kayong hindi pagkakaunawaan, parang gusto niya itong isigaw sa lahat.
"Um . . . Ahh . . ."
Ano ba ang sasabihin ko? Bakit ako magpapaliwanag? Hindi ba't balak ko na rin namang makipag-break sa kanya? Yeah. And this was the perfect moment.
"What?! Explain! Sino 'yong tumatawag sa 'yo?" She pointed to my phone that was still ringing. "Sino? Ibang babae mo ba siya?"
Wasn't it obvious?
"Ikaw ang umalam." I tapped the answer button and my other girl's face flashed on the screen.
"Love, hello! What are you doing right now?"
Biglang kinuha ni Lara ang aking phone mula sa akin at ibinagsak 'yon. Itinuro niya ako. "You, you're a cheater! Malandi ka! I thought iba ka. I thought mahal mo talaga ako. But it was all in my head. I shouldn't have trusted you! Hindi dapat ako naniwala sa 'yo! Pinaniwalaan ko dapat 'yong mga naririnig ko at 'yong sinabi ng best friend ko na player ka! Wala kang hiya!"
I wasn't listening to her. My eyes were on my broken cell phone on the ground. Ang dami pa niyang isinigaw bago siya umalis. She even cried, but I didn't care. Noong umalis siya, kinuha ko ang aking phone at umalis na rin. Mabuti't bumukas pa ang aking phone.
"Problema talaga ang hatid ng mga babae," bulong ko sa sarili ko.
***
IPINAGPATULOY KO ang pakikipagrelasyon sa kung sino-sino. Sinabihan ako nina Mavin, April, at ng pamilya ko na itigil ko na ito, ngunit hindi ako nakinig sa kanila. Katulad nila, ayoko rin sa ginagawa ko. But I needed to do this. Sa pamamagitan nito, unti-unting nabubura si Beatrice sa memorya ko at sana'y ganoon din ang nararamdaman ko para sa kanya.
Ang pakikipagrelasyon sa iba't ibang babae ay nakatulog sa akin. It made me feel loved and needed. It made me feel better. Pakiramdam ko, unti-unting nabubuo ang nadurog kong puso. Pakiramdam ko, unti-unting humihilom ang sugat sa puso ko. Pero hindi ko alam na may nasasaktan ako. Hindi ko alam na habang nabubuo ako, mayroon namang nawawasak.
"France, nakita ko 'yong kasalukuyan mong girlfriend na nakikipaghalikan sa ibang lalaki. Baka nga, gumagawa na sila ng milagro ngayon. That girl's been cheating on you."
Magkasalubong ang dalawang kilay ni April at halos bumuo na ito ng tuwid na linya. Her fists were clenched. She was mad. Parang handa na siyang manakit at pumatay. Nakakatawa ang itsura niya.
"Ano'ng tingin mo sa akin, *anga? Alam ko ang ginagawa ni Eve. Bago pa maging kami, kung kani-kanino na siya nakikipaghalikan at nakikipagtalik. Everyone at school knows it, April. Tingin mo hindi makakaabot sa akin ang rumors?"
Eve was hot. She could have any boy she wanted. Sa lahat ng girlfriend ko, siya ang pinakamababang-uri. Siya ang pinakawalang-hiya. Marami nang lalaki sa school na ito ang naka-ano na niya. Wala siyang pinipili. Kahit sino yata, hahayaan niyang hawakan siya. Alam ko na 'yon bago pa man ako makipagrelasyon sa kanya.
"Eh, bakit hindi ka pa nakikipag-break sa kanya?" kunot-noong tanong niya. Halatang mas lalo siyang nagalit. Mas nagsalubong ang kanyang kilay at mas sumara ang kanyang mga palad.
"Ayoko lang," sagot ko.
"Ayaw mo? Are you out of your mind?!"
"Hey, huwag kang sumigaw. Alam mong ayokong napupunta sa akin ang atensyon ng ibang tao." Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Thank God at wala kaming atensyon na nakuha.
"France, nababaliw ka na!" Bigla niyang pinalo-palo ang aking braso. Napapikit ako kahit hindi 'yon masakit. "You've changed! Hindi na ikaw 'yong mabait kong friend! Wala akong kaibigang player!"
Hinawakan ko ang kamay niya upang pahintuin siya. "I've really changed, April and I'm not getting back to who I was back then. If you're a true friend of mine, you'll accept me and you'll stay by my side kahit ganito na ako ngayon."
"Tanggap kita, France. But you're hurting yourself. That's why I'm mad right now."
She was concerned. She was a true friend of mine. Mabuting kaibigan si April. Bakit hindi ko ito nakita noon? Hindi ko alam na may ganito siyang ugali. All I could see before was the bad things about her. Naging mapanghusga ba ako?
"I'm not hurting myself. Nag-e-enjoy nga ako, eh. Don't worry about me. Kaya ko ang sarili ko. I don't love Eve and I can break up with her any time I want. I am the boy and I've got the power." I smiled.
"Bakit kasi kailangan mo pang makipagrelasyon sa taong hindi mo mahal? Bakit hindi ka na lang maghanap ng bago mong mamahalin? I'm sure there's someone na palihim na nagmamahal sa 'yo. Sa halip na magsayang ng time sa kung sino-sinong babae, bakit hindi mo hanapin ang babaing naghihintay lang na mapansin mo?"
I stared into her eyes. "Do you really think that there's someone who truly loves me?"
She also stared into my eyes and answered, "Ako. Mahal kita, France. Matagal na."
I stared at her face. Hindi ako nagulat matapos ko 'yong marinig. Siguro'y dahil matagal ko nang ramdam at alam 'yon? Maybe. Ngunit hindi ko 'yon inintindi. Wala akong pakialam kahit may feelings siya para sa akin. I didn't like her. End of the story.
I didn't know how to react so I just laughed and said, "That's funny, April."
"I'm not joking, France."
"No, you don't love me. You can't love me. We're friends and we'll stay that way forever."
She stared at me. She swallowed hard. She closed her eyes and her tears started to stream down her face. Nasaktan ko siya. Ano ba itong nagawa ko?
"Kailan mo pa nalamang mahal kita?"
I shrugged. "I don't know. April, I don't wanna hurt you, but I gotta be honest with you. I don't love you and I will never do. You're beautiful, but we can't be more than friends."
"Bakit?" tanong niya. "Dahil ba boring ako? Dahil katulad ako ng ibang babae na magandang panlabas na anyo lang ang mayroon at walang utak? I can change for you, France. Tell me what you want me to do and I will do it."
"Wala kang kailangang gawin. Wala kang kailangang baguhin. Kahit ano pa ang gawin mo, mananatili pa rin tayong magkaibigan."
Mas lalo lang siyang naiyak. Hinayaan niyang bumagsak ang kanyang mga luha. Ni hindi niya sinubukang punasan ang basa niyang mukha. "Pwede mo akong gamitin. Magpapagamit ako sa 'yo. I will do everything para mawala ang sakit na nandiyan sa puso mo at para makalimutan mo na si Beatrice."
Tumayo ako. "How many times do I have to tell you to stop mentioning her name? I don't love her anymore. Okay na ako. Hindi ko kailangan ang tulong mo. Hindi kita kailangan. I'm sorry. I gotta go, April." Then I left her.
Hurt people hurt. Beatrice hurt me and I hurt other girls. It wasn't unfair at all.
THE END OF "THE PAST"!
COME BACK TO MY SIDE
TiffGRa (Tiffany)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top