Chapter 14 (The Past)
FRANCE
SINCE SHE said that she was leaving, I had avoided her. Every time I went through school, I made sure we wouldn't see each other. Kung hindi ako sobrang aga ay late akong dumarating sa school. Hindi na ako sumasabay sa kanila sa paglalakad kahit pa minsa'y kailangan kong maglakad papunta sa kung saan matatagpuan ang mga tricycle dahil hindi ako maihahatid ni papa. I stopped visiting her. And she started going to my house. Naging baligtad na ang lahat. Siya na ang may gustong makita't makausap ako. Pero hindi ako nagpapakita sa kanya at nananatili lang ako sa loob ng aking kwarto hanggang sa sabihin ni mama na umalis na siya.
I knew what I'd been doing was wrong. Dapat pinahahalagahan ko ang bawat pagkakataon na nandito pa siya sa halip na magkulong sa loob ng aking kwarto. I shouldn't avoid her. I should face her. I should be talking to her. I should be telling her the words I wanted to say. I should be showing her how much I loved her. I should be spending every moment with her. I should be with her. But I couldn't. Wala akong sapat na lakas ng loob upang harapin at kausapin siya.
The words she said really broke my heart. It broke me. After I went home the day she said that, I cried inside my room. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa wala nang luhang lumabas sa aking mga mata. And I hoped it would take away the pain I felt, but it didn't. The pain was still inside my chest. Dahil doon, ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Parang wala na akong lakas. Ang pagtayo ay parang sobrang hirap nang gawin para sa akin kaya minsa'y hindi na ako kumakain. Hindi ko alam kung paano ako babangon. Hindi ko alam kung paano ako magpapatuloy. Mabuti na lang at ang paghinga'y alam ko pa.
I wanted to see her. I wanted to face her. I wanted to hug her. I also wanted to bed her not to leave. But I really couldn't. Tingin ko kasi, kapag nakita ko ang mukha niya, mas maaalala ko na malapit na siyang mawala at mas mahihirapan lang ako.
"France, tumayo ka na diyan at kakain na tayo," dinig kong sabi ni mama matapos bumukas ng aking pinto.
Nakaupo ako sa aking kama habang nakatitig sa pader. Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko, alam kong hindi maganda ang itsura ko at halatang kulang ako sa tulog. Baka nga mukha na akong patay na buhay.
"Hindi po ako nagugutom, 'ma," sagot ko ng hindi ito tinatapunan ng tingin.
Lumapit si mama sa akin at naupo sa aking kama. "France, ang tagal mo nang ganyan. Maraming beses ka na ring hindi kumakain. Hindi tama 'yang ginagawa mo, anak. Nasasaktan ka, alam ko 'yon. Pero mas sinasaktan mo ang sarili mo at pinalalala mo lang ang sitwasyon. Sa halip na magkulong dito, bakit hindi mo ayusin ang problema? Kausapin mo si Beatrice."
I looked at her. "It's not that easy, 'ma. At saka kahit kausapin ko pa siya, aalis pa rin sila. Hindi siya mag-i-stay para sa akin. Katulad ng sinabi niya sa akin, hindi ko naman siya girlfriend."
"Pero gusto mo siya, 'di ba? At gusto ka rin niya. At bukod pa ro'n, magkaibigan kayo kaya dapat mo siyang kausapin bago sila umalis. Sabihin mo sa kanya ang lahat ng gustong mong sabihin. Sabihin mong bumalik siya. Sabihin mong huwag siyang magbo-boyfriend."
"I wanna do that, but I can't. At alam kong sa oras na umalis siya, 'ma, tapos na ang lahat. Baka nga madali niya lang akong malilimutan, eh." I looked down and closed my eyes. I wanted to cry.
"Bakit ka naman niya malilimutan? Sa palagay ko, hindi niya makakayang gawin 'yon."
I looked at her and said, "It's not impossible, 'ma. Mga bata pa kami at maraming bagay pa ang mangyayari sa mga buhay namin. Marami pa ang magbabago. Marami kaming makikilala at sa isang iglap, maaaring mawala ako sa isip at puso niya."
Bigla akong niyakap ni mama. I didn't move. "Ang anak ko, in love na talaga."
"Hindi lang ako in love, 'ma, heart-broken pa."
She stopped hugging me. "Eh, ano'ng gagawin mo? Mananatili ka na lang na ganyan? Malungkot, hindi kumakain at hindi lumalabas? Maso-solve ba niyan ang problema?"
"Mas madali ito, 'ma, kaysa harapin ang problema. And I don't think there's a way to solve this problem. May mga problema siguro talagang walang solusyon kaya minsan, mas okay na tumakas na lang."
"Eh, hanggang kailan ka tatakas? Sa palagay mo ba, magagawang paglahuin ng pagtakas ang problema?" I didn't answer. "May naisip ako. Bibilhan na lang kita ng cell phone. Mapapanatili no'n ang komunikasyon ninyo ni Beatrice. Mag-g-Grade-9 ka na at kakailanganin mo na 'yon kaya makakatulong din 'yon sa 'yo sa paggawa o pagsagot mo ng school activities n'yo."
I almost rolled my eyes. "Totoong communication ang kailangan ko at hindi cell phone, 'ma. Gusto kong mag-stay si Beatrice. Ayokong cell phone lang ang nagkokonekta sa amin. I want to talk to and see her in person. Don't buy me a phone, 'ma. Patuloy ko na lang na hihiramin ang phone ni ate."
Umiling-iling si mama. "Hindi, France. Bibilhan kita ng cell phone mo. Ayaw mo ba no'n? Kapag nagka-cell phone ka na, pwede ka nang mag-Facebook, YouTube at ano na ba 'yong usong laro ngayon? Mobile Legends, oo! Pwede ka na ring mag-Mobile Legends kapag mayroon ka nang cell phone."
I almost rolled my eyes. "Hindi ko po 'yon kailangan. Hindi naman 'yon mahalaga. Magsasayang lang po kayo ng pera. At saka halos wala namang magandang maidudulot ang pagsi-cell phone."
"Naka-depende 'yon sa 'yo, France. Basta bibilhan kita." Tumayo si mama. "Tumayo ka na at sumunod ka na sa akin. Kapag hindi ka sumunod, papupuntahin ko rito ang ate mo at siya ang tatawag sa 'yo. Kung ayaw mong siya ang kumausap sa 'yo, sundin mo ang sinasabi ko at sumabay ka na sa aming kumain."
She gave me a small smile and slowly closed the door. I stared at nothing. Tapos humiga ako at tinakpan ang buo kong katawan kahit ang aking mukha ng kumot. And I closed my eyes.
Ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang muling bumukas ang aking pintuan at may muling nagsalita. "Hindi pa nagugunaw ang mundo, bro. Don't kill yourself. There's a lot of reasons to keep on going."
I didn't move. "I'm not killing myself, ate. I just wanna be alone."
"You wanna be alone? No, you don't. Gusto mo lang talagang mag-drama. France, wala ka sa isang drama. Nasa tunay na buhay ka. And that's the scary thing. But do you know the great news? Nasa tunay na buhay ka at dito, ikaw ang gumagawa ng sarili mong kwento. Ikaw ang gumagawa ng sarili mong kapalaran. You can't just lay in your bed and wait for a miracle."
"I'm fine. Just leave me alone. Hindi ako gutom, ate."
"You want me to leave you alone? I won't. Hindi kita pwedeng hayaang patuloy na mag-drama. You can't make her stay by doing that. If you keep on being like that, mas pipiliin niyang iwan ka."
Umupo ako at tiningnan si ate. Her eyes were on me. Her face was expressionless. Her arms were crossed in front of her chest. Nakasandal pa siya sa pader. I almost rolled my eyes. Nandito ba si ate para pagaanin ang nararamdaman ko? Honestly, mas sumama lang ang pakiramdam ko.
"Ate, ayokong maging bastos sa 'yo, pero kailangan kong mapag-isa. Kapag okay na ako, kakain na ako."
"You're selfish, France," she said. "Yeah, I care about you, pero hindi lang ikaw ang iniisip ko. Iniisip ko rin ang mga magulang natin. Do you know that because of what you're doing, sobra silang nag-aalala? Halos isipin na nga nilang nababaliw ka na."
Kumunot ang aking noo. "Talaga?"
She nodded. "They're so worried, France. Hindi lang nila ito ipinapahalata. Hindi nila alam kung ano ang gagawin nila kaya hinahayaan ka lang nila na magkulong dito sa kwarto mo. Hindi lang sarili mo ang pinapahirapan mo, pati rin ang mga magulang natin."
I looked down. I didn't know what to say. My older sister was right. I was selfish. Hindi ko inisip ang mararamdaman ng mga magulang namin o ng pamilya ko. Ang iniintindi ko lang ay ang nararamdaman ko. Hindi man lang sumagi sa isip ko na maaaring nasasaktan na rin sila.
"I don't know what you're feeling right now because I've never been in that situation. I warned you, but you didn't listen to me and you did what you wanted. If you just had followed what I told you, e di sana okay ka ngayon. I can't say na naiintindihan kita. All I can say to you is you should keep on moving forward kahit gaano pa ito kahirap para sa 'yo. Life is like riding a bicycle. To keep your balance, you must keep on moving. Don't do it just for yourself, pati na rin sa mga taong nagmamahal sa 'yo. Yeah, Beatrice will go, but we will stay. Sina mama't papa at ako, hindi ka namin iiwan. I hope you don't forget that we're always here for you, France."
I lifted my head to look at her. I smiled. "Thank you, ate."
She gave me a small smile. "Don't just say it, show it. Ipakita mo ang pasasalamat mo sa pagtayo sa kama na 'yan at pagkain kasama namin."
Dahil sa sinabi ng matalino at kakaiba kong ate, nagawa kong tumayo at bumangon sa aking kama. Ang ganda ng sinabi niya at napagaan no'n nang kaunti ang nararamdaman ko. Tama siya, nandito pa ang pamilya ko at hinding-hindi sila aalis sa tabi ko. I almost forgot it. Mabuti't ipinaalala't ipinaramdam niya ito sa akin.
"'Ma at 'pa, I'm sorry po," sabi ko habang nakatayo. Then I slowly lifted my head. "Tumigil na po sana kayo sa pag-aalala sa akin. I'm okay now." I gave them a small smile.
"Naiintindihan kita, France. Ganyan din ang mama mo noong iwanan ko siya. 'Di ba, mahal?"
Umirap si mama. "Huwag ka ngang magsinungaling, 'pa. Ikaw ang ganyan noon at hindi ako. Halos magpakamatay ka nga noong ayaw na kitang tanggapin."
Tumingala si papa at may inalala. "Ayaw mo ba akong tanggapin noon? Bakit ang naaalala ko, noong bumalik ako, tinanggap mo ako agad ng walang pag-aalinlangan?"
Muling umirap si mama. "Tumahimik ka na nga, 'pa." Tumawa kami. Tumingin sa akin si mama. "Okay ka na ba talaga, France?"
I nodded. "Okay na okay na okay na ako, 'ma. Malakas po kaya ako."
"Hindi mo ako maloloko," dinig kong bulong ng ate ko.
"Mabuti kung gano'n. Kung maaari, huwag mo nang uulitin ang ginawa mo, France, ha? Nag-alala talaga kami nang husto sa 'yo. Muntik tuloy naming isiping mayroon na kaming anak na sira na ang ulo."
"Totoo po 'yong sinabi ni ate?"
Tumango si mama. "Oo, eh. Pasensya na, ha? Mukhang malapit ka na kasing mabaliw, anak."
We all laughed.
"Okay lang po 'yon." I pulled my chair out, sat on it, and we ate together.
I pretended to be okay. Kahit hindi ako okay, pinagmukha kong okay ang sarili ko. Nasasaktan pa rin ako, ngunit hindi ko ito maaaring ipakita. Ayokong pahirapan ang mga taong nagmamahal sa akin. Ayokong maging selfish ulit. Ipinagpatuloy ko naman ang pag-iwas kay Beatrice. Even though it wasn't easy and I knew it wasn't the best thing to do, I still did it. Siguro kapag handa na akong harapin siya, saka ko siya kakausapin. Pero hindi sumagi sa isip ko na maaaring sa oras na handa na ako, huli na para harapin ko siya.
We were inside the class and my eyes were on her. Hindi pa rin nagbabago ang itsura niya. She was still beautiful. Okay lang sa akin kahit sa malayo ko na lang siya napagmamasdan. Pero mas okay kung nagagawa ko pa ring tumingin sa kanyang mukha nang malapitan at sa kulay-kayumanggi niyang mga mata. When she started looking around and searching for the eyes that were watching her, I shifted my attention to our teacher. Palagi ko itong ginagawa sa loob ng klase. Palihim ko siyang pinagmamasdan at sa oras na naramdaman niya 'yon, titingin ako sa harapan o sa ibang direksyon.
Hindi ito ganoon kadaling gawin. Parang kahapon lang, sobrang saya naming dalawa at parang walang makakapaghiwalay sa amin. Ngunit ngayon, heto kami, hindi na nag-uusap. Alam kong aalis siya, pero hindi kailanman sumagi sa isip ko na mangyayari ito. Or maybe it did, but I just didn't pay attention to it? Siguro nga. Sobrang saya ko lang siguro sa nakaraan na hinayaan kong isipin kong walang makakabura sa kaligayahang nararamdaman ko.
Noong break time, naglakad papalapit sa akin si Beatrice. Gusto kong umakto na hindi ko 'yon napansin at gusto kong umalis ng hindi siya hinihintay na magsalita, ngunit hindi ko ginawa.
"France, can we talk?"
I lifted my head to look at her. I swallowed the lump in my throat. Hanggang kailan ko magagawang iwasan ang napakagandang babaing ito? "Um . . . Ahh . . ."
"Beatrice, I'm sorry, pero akin muna ngayon si France. Next time na lang kayo mag-usap." April suddenly appeared. She told me something by giving me a weird look, and I understood what she was telling me.
I stood up. Beatrice eyes shifted from April to me. "Ah, Beatrice, totoo 'yong sinabi niya. May pag-uusapan kami. Pasensya na."
Hindi pa siya nakakapagsalita nang bigla akong hinili ni April. Habang naglalad kami papalayo, nanatili sa kanya ang paningin ko. Watching me go with April hurt her. I knew it. I saw it. And I suddenly wanted to run to her and explain. I wanted to tell her that there was nothing between me and April. I wanted to tell her that she was the only girl I loved. But I didn't, I couldn't. I looked ahead.
Huminto kami sa paglalakad noong nakarating kami sa lugar kung saan siya umiyak noong isang araw. Naupo siya sa upuan, at tumabi ako sa kanya. I made sure there was space between us. I stared at nothing.
Her eyes were on me. "You're not okay. You still can't talk to her. Nasasaktan ka pa rin." She looked away. "Paano na kapag umalis na siya? What will happen to you?"
"Baka mamatay na ako." I laughed.
Pinalo niya ang aking braso. "Huwag mo ngang sabihin 'yan. That's not funny."
"Mahal ko siya, pero hindi ako pwedeng mamatay. May ibang taong nagmamahal sa akin. Kapag nawala ako, masasaktan sila. Siguro kung walang nagmamahal sa akin, matagal na akong nagpaka--"
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang muli niya akong pinalo. I smiled. "Ano ba, France! It's not funny nga, okay? Ngumingiti ka pa, ha?"
"Okay, I won't say it again."
There was the silence. I stared at nothing again. I was with April, but it felt as if I was alone. Kahit alam kong mayroong nagmamahal sa akin, pakiramdam ko sa mga sandaling ito, ako lang ang nagmamahal sa sarili ko. My hopes were dying. Parang katapusan na ng mundo.
"You really love her. Parang hindi mo kayang mabuhay without her."
"Hindi parang, hindi ko talaga kaya."
"But she's going to leave. Siguro kapag dumating na ang bakasyon, aalis na sila rito ng mother niya. Paano ka na?"
I shook my head. "I don't know. I can't imagine myself living without her by my side. I can't."
"What's happening to you, France?" she said in an irritated voice. "Hindi pa nga kayo mag-jowa tapos nagkakaganyan ka na. Ni hindi ka pa niya sinasagot. Paano na kapag naging mag-jowa kayo o kapag kayo ang naging mag-asawa? Wala ka nang ititira para sa sarili mo? Siya na lang ang iisipin mo at magiging selfless ka? France, huwag mo namang kalimutan ang sarili mo."
I smiled at her. "Hindi ko kinalilimutan ang sarili ko. I love myself. Maybe I just love Beatrice more than I love myself."
She frowned. "What? Mas mahal mo siya?!" Tumaas ang kanyang boses. I saw her swallow. She cleared her throat and added, "France, hindi 'yon pwede. You should love yourself more than anyone else. Beatrice is going to leave at hindi mo siya mapipigilan. Accept it, France. Kapag nawala siya sa buhay mo, it's not the end of your story. It's the end of her part in your story. Please stop acting that way. Pinagmumukha mong kawawa ang sarili mo."
"I don't care about how I look. And no, once she's gone, it's the end of my story. Kami ang bida sa story ko. She's my queen. She's my everything. I can't live without her."
"No! You can live without her! At saka paaano kung hindi talaga kayo ang para sa isa't isa? What if she's not the girl for you? What if it's someone else?"
I laughed and shook my head. "No, it can't be someone else. Siya lang ang gusto ko. Siya lang ang mahal ko. Siya lang ang pakakasalan ko."
I saw the pain in her eyes. She looked away. She swallowed hard before she spoke again. "Gano'n mo pala siya kamahal na na-imagine mo na na ikinakasal kayo. Ganyan ka pala magmahal." She laughed.
The way she said those words were weird. No, she was the one that was weird. I knew there was something wrong, but I didn't ask her what it was.
"Yeah, ganito talaga. I love her so much that I can die for her. I know parang ang OA ko, pero gano'n talaga kalalim ang pagmamahal ko para sa kanya. Yesterday, I was certain she loved me too. But now, I don't know. I'm not sure anymore. Kung mahal niya ako, bakit niya ako iiwan?"
She laughed. "Kapag nag-stay siya, kaya mo ba siyang buhayin? Bata pa siya at naka-depende pa siya sa mga magulang niya. Gusto ng parents niya na doon sila tumira sa Manila, and she has no choice kundi ang sumama. Kailangan mo ng mas malawak na pang-unawa para maunawaan ang sitwasyon, France."
I fell silent. Totoo 'yong sinabi niya. Yeah, Beatrice had no choice but to leave with her mother. But that wasn't the only reason why I was acting this way. I knew that once she left, everything between us would be over. Once she left, we were through.
"Love is a funny and weird thing," she said. "The girl you love is going to leave you. The boy I love loves someone else. Nakakatawa. Pareho tuloy tayong heart-broken ngayon. Paano kung . . . tayo pala ang para sa isa't isa?"
I stared at her. Pinigilan ko ang aking noo mula sa pagkunot. "Huh?"
She laughed. She even pointed to my face while she was laughing. Nagsalubong ang aking mga kilay. Para siyang baliw. "I was just joking, France. Your reaction, it was so funny."
"Thank God that was just a joke," I whispered to myself.
"Narinig ko 'yon," sabi niya.
"Mabuti," tugon ko. "Kay Beatrice lang ang puso ko. Kay Beatrice lang ako. Hindi pwedeng iba ang nararapat sa akin."
She raised an eyebrow. "Are you assuming na gusto kita? France, itigil mo na 'yan. And do you think it's impossible na ma-fall ka sa akin? FYI I'm prettier and sexier than Beatrice. Mas malambot at maputi pa ang skin ko."
Gusto kong tumawa. Hindi lang pala siya maarte, KSP, at pangkaraniwan. Feeling din niya, siya ang pinakamaganda sa lahat. Yeah, it was true. She had a beautiful face and body. Pero ewan ko kung mayroon siyang magandang puso't pagkatao. Mas hindi ko lang tuloy siya nagustuhan.
"No, you're not. Sa paningin ko, siya ang pinakamaganda."
"May mali sa mga mata mo. Kailangan mo nang magpatingin sa doctor."
"Walang mali sa paningin ko. Sa ugali mo, siguro meron." Ibinulong ko ang huling mga salita.
"What did you say?"
"Wala," nakangiting sabi ko at saka tumayo. "Thank you for what you did. Dahil sa 'yo, naiwasan ko si Beatrice. Thank you rin sa pakikinig sa akin. It made me feel better."
She held me by the hand. "Gano'n na lang 'yon? Thank you lang ang isusukli mo sa akin? Dapat sana ilibre mo ako. Hindi ako mabubusog ng thank you mo."
Inalis ko ang kamay niya mula sa aking kamay. "Hindi ako nanlilibre. May pambili ka ng pang-kulay mo sa mukha, tapos wala kang pambili ng pagkain mo? Paano nangyari 'yon?"
"It's not that wala akong pambili. May utang na loob ka sa akin at dapat mo akong ilibre."
I almost rolled my eyes. "Ang galing mong maningil, April. Pwede kang tawaging April, the dakilang maniningil."
"Hindi. Mas bagay sa akin ang April, ang maganda at seksing maniningil." Inilahad niya ang kanyang palad. "Magbayad ka na."
"Seryoso ka talaga?" Tumango siya kaya walang akong nagawa kundi bigyan siya ng pera. "Oh, hayan. Sapat na siguro 'yan."
"Twenty pesos?" hindi makapaniwalang tanong niya sabay taas sa perang ibinigay ko.
"Ang laking halaga, 'no? Aalis na ako." Then I turned around and walked away from her. She called me, but I acted as if I didn't hear anything and just kept walking. "Hindi ko talaga gusto ang babaing 'yon," bulong ko sa aking sarili.
***
SOMEONE KNOCKED on my door.
"France, may gustong kumausap sa 'yo," sabi ni mama matapos nitong buksan ang pinto.
"Tell Beatrice what you always tell her, 'ma. That I'm busy."
"Hindi 'yon si Beatrice. Si Mavin ang gustong kumausap sa 'yo."
Agad akong lumabas ng aking kwarto matapos sabihin 'yon ni mama. Naglakad ako papalapit kay Mavin at naupo sa tabi niya.
"Ano'ng gusto mong sabihin sa akin? Is it something important? Baka gusto mo lang akong asarin. O baka sasabihin mo na naman na hindi kami para sa isa't isa ni Beatrice."
"I'm here to tell you to stop hurting Beatrice. Ayokong nakikita siyang nasasaktan," seryosong sabi niya.
Kumunot ang aking noo. "Sinasaktan ko siya? Sa papaanong paraan?"
He rolled his eyes. "Pinsan ba talaga kita? Hindi ko alam na may pinsan ako tang*." I gave him a deadly glare. "You're hurting her by acting the way you do. You've been avoiding her. Ni tingnan siya, halos hindi mo magawa. Palagi siyang gumagawa ng paraan para makita't makausap ka, pero ang lagi mo namang ginagawa ay umiwas. Para kang kriminal na tumatakbo mula sa pulis. You're a coward."
"You know nothing at what's going on between us, Mavin. If you just came to insult me, you should go now. Wala akong time para pakinggan ka. Gusto kong mapag-isa."
Si April at si Mavin ay mga kaibigan ko rin. Hindi sila bulag o manhid. They knew what was happening, but not everything. They knew there was a problem. Yeah, they did. But they didn't know how big the problem was. They knew that there was something wrong between Beatrice and I, but they didn't know how complicated the situation was. They knew that we were both hurting, but they didn't know how painful it was for us. They wouldn't understand. They weren't in our shoes. Hindi sila ang nasa ganitong sitwasyon. Hindi sila ang nagmamahal.
"Hanggang kailan ka mananatiling ganyan? Hanggang kailan mo gugustuhing mapag-isa?"
"Hanggang sa maging okay na ako," sagot ko.
"Maaaring sa oras na okay ka na, wala na siya, France." Para niya akong sinuntok sa dibdib. He made his voice sound more serious to make me listen to him. "Hindi mo lang ako cousin, kaibigan mo rin ako. I'm not here para lang maki-join sa sitwasyon o para patunayang magaling ako. I'm here because I care about you and Beatrice."
"You care about me too? That's a great news!" I sarcastically said.
"Listen to me, France. Hindi lang ikaw ang nasasaktan, si Beatrice din. We talked and she told me everything. She loves you so much and she doesn't want to leave. She wants to stay, but she can't. Nag-decide na ang parents niya na doon sila sa Manila titira. Pagkatapos ng closing, aalis na sila, France. May time ka pa para kausapin siya. It's not too late to fix what's broken."
"Ano pa ang aayusin ko? What has been broken can't be fixed, Mav. Once she's gone, we're over."
"Hindi, pwede pang--"
"No, Mav. You can't change my mind. I'm sorry, but I really need to be alone. You should go now."
Dumating ang araw na pinakakinatatakutan ko. Dumating ang bakasyon. Dumating na ang araw ng pag-alis ni Beatrice.
"France, anak, aalis na si Beatrice at ang mama niya. Nandito siya. Pwede bang lumabas ka, anak?" sabi ni mama mula sa labas.
I closed my eyes. I swallowed hard. Nagsimulang mabuo ang mga luha sa gilid ng aking mga mata. Gusto kong umiyak, ngunit pinipigilan ko ang sarili ko. I looked up and bit my lower lip. I even clenched my fists.
"Ayoko, 'ma. Ayoko siyang makita. Ayoko siyang makausap."
"Ayaw niya," dinig kong sabi ni mama sa kung sino sa labas. I knew it was Beatrice. "Kung ayaw mong lumabas, anak, pakinggan mo na lang ang sasabihin niya."
"France."
I closed my eyes again after I heard that voice. Then my tears started to fall down my cheeks.
"France, aalis na ako."
I looked up and swallowed.
"France, thank you sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Thank you sa pag-akyat mo sa puno ng mangga para sa akin. Thank you sa pagdalaw mo sa akin palagi. Thank you sa pagpapasaya sa akin. It will stay in my memory. I won't forget it. I won't forget you, France." She paused for a moment. When she spoke again, her voice cracked. And I knew she was also crying. "I'm sorry at kailangan kong umalis. I'm really sorry, France. Sorry."
Ang basag kong puso'y mas lalong nabasag. Ang mabigat kong nararamdaman ay mas lalong bumigat. Ang sakit na nararamdaman ko ay mas nadagdagan.
"I love you . . . Goodbye, France . . ."
After she said those words, there was the silence. And I knew she was gone.
COME BACK TO MY SIDE
TiffGRa (Tiffany)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top