Chapter 13 (The Past)


FRANCE

HALOS MAG-IISANG buwan na magmula nang simulan kong ligawan si Beatrice. Kahit medyo matagal na ang panliligaw ko, hanggang ngayo'y hindi ko alam kung saan ito patungo at kung ano ang inaasahan kong kahihinatnan nito. Hindi niya pa rin ako sinasagot ng oo, pero okay lang 'yon. Hindi ko alam kung handa na akong makipagrelasyon at saka katulad ng palaging sinasabi ng mga magulang namin, bata pa kami. For me, it wasn't a waste of time. It was an opportunity to know the girl I loved better.

Dahil sa panliligaw ko, halos araw-araw ko nang nakikita si Beatrice dahil nagkaroon ako ng mas malalim na dahilan upang dalawin siya. Dahil doon, walang oras na hindi ako masaya. Okay na sana ang lahat, pero parang may problema. April was the problem. Since the day she knew I was courting our friend, she'd started acting weird. Well, hindi siya naging mas maarte. Naging masungit siya. Sa akin. She always gave me death glares or rolled her eyes every time I looked at her. Halos palagi rin niyang kino-contradict ang mga sinasabi ko. I wasn't comfortable around her. She became more annoying.

"Ang sweet mo naman, James." My eyes drifted from Beatrice to Mavin. Mang-aasar na naman siya. "Pero naguguluhan lang ako. Are you Beatrice's suitor o taga-bitbit lang ng bag niya? You don't look like a suitor kasi, you look like an alalay."

We were walking down the road. Oo, high school students na kami at hindi namin maaaring lakarin lang ang distansya mula sa aming mga bahay at sa school namin. Kailangan naming gumamit ng sasakyan at walang dumaraang sasakyan dito. Ang mga sasakyan ay matatagpuan sa labas ng lugar na ito, sa bungad nito. And yeah, we had a tricycle, pero hindi ako--o kami ni Beatrice--maihahatid ni papa dahil mayroon siyang pinuntahan. Kinailangan ko tuloy na makasama sa paglalakad sina April at Mavin na hanggang ngayo'y hindi pa rin nagbabago. They were still annoying.

"Gano'n ba? And are you jealous, Mavin? Dahil ba walang nagbubuhat ng bag mo? Maghanap ka na kasi ng boyfriend para hindi ka na mainggit."

Most of the time, I didn't reply to him. Kahit palagi akong naiinis sa kanya, pinipigilan ko ang aking sarili mula sa paglalabas ng inis ko. Bukod kasi sa ayaw ko ng away, ayaw ko ring gumawa ng bagay na maaaring maging dahilan para maging masama ang tingin sa akin ni Beatrice. But there were still times I couldn't refrain myself and my lips from saying what was on my mind.

His face became darker. "What did you say?"

Binigyan ko siya ng mapang-asar na ngiti. "I said you should find a boyfriend. Kailangan mo ng magbubuhat ng bag mo para hindi ka na--"

"Inulit mo talaga?! Ang lakas ng loob mo, ah!" sigaw niya.

I laughed. "'Yon ang sinabi mo, eh. Sumunod lang naman ako, Mavin. Huwag kang magalit kasi mas lalo kang pumapangit. Baka wala nang magkagusto sa 'yo. Mahirap tumandang mag-isa."

Nagsalubong ang kanyang mga kilay. Naging mas masama ang kanyang itsura. Parang mayroon na ngang usok na lumalabas sa dalawang butas ng ilong niya. Gusto kong tumawa nang sobrang lakas. "Nang-aasar ka talaga?! Gusto mong makalbo? Kung hindi lang kita cousin, matagal ko nang inubos 'yang buhok mo." Tumingin siya kay Beatrice na tahimik lang sa pagitan naming dalawa. Mabuti't nasa pagitan namin siya. Otherwise, Mavin would've attacked me. "Beatrice, huwag mo ngang gagawing boyfriend ang pinsan kong 'yan. Malas ang dala niya at saka hindi kayo bagay. Maganda ka at siya nama'y mukhang nag-uuling lang."

"Hey, Mavin! Hindi 'yan totoo!" I looked at Beatrice. "Hindi ako mukhang nag-uuling, 'di ba, Beatrice?"

She laughed and even covered her mouth with her hand. "Nakakatawa kayo. Bakit ba hanggang ngayon, hindi pa rin kayo tumitigil sa pang-aasar sa isa't isa? Para kayong mga bata."

Mavin held her hand and said, "Beatrice, don't forget what I said, huh? Huwag mong gagawing boyfriend si France. Hindi kayo para sa isa't isa."

Kumunot ang aking noo. "What? Paano mo nasabi 'yan? Who do you think you are, Mavin? Manghuhula ka ba?" Hinawakan ko ang isa pang kamay ni Beatrice at napatingin siya sa akin. I looked her in the eyes and said to her, "Don't listen to him. Para tayo sa isa't isa. Akin ka lang at iyo lang ako. Tayo ang magpapakasal sa future."

Mavin opened his mouth and was about to contradict what I said, but April suddenly spoke, "Hindi ka rin manghuhula, France. What Mavin said was right, hindi kayo bagay ni Beatrice. Hindi ikaw ang para sa kanya. Tanggapin mo na 'yon nang mas maaga at itigil mo na ang panliligaw sa kanya."

"Buhay ka pa pala, April?" sabi ni Mavin kay April. "I like what you said. Salamat at buhay pa rin ang kakampi ko."

Binigyan ko silang dalawa ng hindi makapaniwalang tingin. "Bakit n'yo ba sinasabi 'yan? Mga kaibigan ko ba talaga kayo? Bakit ayaw n'yong kami ang magkatuluyan ni Beatrice? Ayaw n'yo bang maging masaya kami?"

Wala naman talaga akong pakialam kahit ayaw nilang kami ang magkatuluyan ni Beatrice. Beatrice was the one who I loved and wanted to impress. Hindi sila ang nililigawan ko at hindi ang loob at atensyon nila ang kailangan kong makuha. Pero hindi ko lang maunawaan kung bakit nila ito ginagawa. Mga kaibigan ko sila, pero umaakto sila na parang hindi.

"Mga kaibigan n'yo kami that's why nagiging honest kami sa harapan ninyo. At gusto naming maging maligaya si Beatrice kaya sinasabi namin ito. We don't want any of you to suffer."

"Suffer? Nagpapatawa ka ba, Mavin? Mahal ko si Beatrice kaya bakit ko hahayaang mag-suffer siya?"

"Tumigil ka na, France!" Ang aming atensyon ay biglang napunta kay April. I raised my eyebrows. She swallowed and cleared her throat. "Hindi talaga kayo para sa isa't isa ni Beatrice. Beatrice deserves better than you. And you deserve someone else. Hindi kayo magka-level kaya hindi pwedeng kayo ang magkatuluyan sa huli. Tanggapin mo na ang masakit na katotohanang 'yan." Then she rolled her eyes.

"What?" I laughed. "Who do you think you are, April? Wala kang karapatang sabihin 'yan. Mahal ko si Beatrice! Mahal ko siya! At kami ang para sa isa't isa." Tumaas na ang aking boses.

Mukha naman siyang nagulat at . . . nasaktan? Why did I see pain in her eyes? Dahil ba 'yon sa pagtaas ng boses ko?

Biglang hinawakan ni Beatrice ang kamay ko. "France," she said.

I looked ahead then down, and sighed. "I'm sorry."

"I also wanna say sorry." I lifted my head after she said those words. She added, "Mga kaibigan namin kayo at mahalaga ang opinyon ninyo. Kung hindi n'yo gustong maging magkarelasyon kami ni France, it's okay. Honestly, hindi pa sumagi sa isip ko ang thought na sagutin siya." Their faces brightened. Mukhang nabuhay ang pag-asa nila. I rolled my eyes. "Pero gusto kong malaman n'yo na gusto ko siya. No, mahal ko siya." She looked at me. "Ngayon, mga bata pa kami at mayroon kaming limitasyon. Ang magagawa lang namin ay mahalin at mas kilalanin pa ang isa't isa." She smiled.

I smiled at her too.

Marami mang hadlang sa pagmamahalan namin ni Beatrice, hindi kailanman sumagi sa isip ko na sumuko. Kahit ano'ng mangyari, hinding-hindi ako mapapagod na mahalin siya. Kahit maging against pa sa amin ang buong mundo, wala akong pakialam. An airplane flies high against the wind. Gano'n ang pagmamahal ko para sa kanya. Habang patuloy sa paghadlang sa amin ang lahat, mas lalo lang lumalalim ang pagmamahal na alay ko sa kanya.

"Did you understand what message the story was trying to make us understand?" our English teacher asked. "The hidden message is that we can do anything for love. Love is so powerful that it can change and control us. And love doesn't fail. If it fails, it's not love. If you think you don't love the person you thought you loved anymore, then it means you never loved him or her. It's so simple, isn't it?"

We were inside the class. Matapos kong marinig ang sinabi ng aming teacher, hinanap ng mga mata ko si Beatrice. Her attention was on our teacher. I stared at her. It seemed that she felt it so she looked around to find who was staring at her. When our eyes met, I smiled. Ngumiti rin siya. Kinilig ako. Naramdaman ko namang parang may nakatingin sa akin kaya hinanap ko ang mga matang nanonood sa akin. Those eyes were April's. I raised an eyebrow and she just rolled her eyes. Kumunot ang aking noo. Hindi ko 'yon pinansin at muli akong nakinig sa aming guro na nagsasalita.

Noong lunch time, Beatrice and I were talking when she walked out of the room. I thought she was hiding something and it was time to find out what it was so I decided to follow her.

"Beatrice, lalabas lang ako sandali, ha? May aalamin lang ako."

Kumunot ang kanyang noo, ngunit hindi siya nagtanong kaya lumabas na ako.

I looked around, but I couldn't found her. "Where is she?" I whispered to myself. Naisip kong magtanong sa isang estudyante. "Nakita mo ba si April?"

"Bakit?" kunot-noong tanong ng babaing kaharap ko.

Kailangan ba niyang itanong 'yon? Bakit hindi na lang niya ako sagutin ng hindi nagtatanong?

Pinigilan ko ang mga mata ko mula sa pag-irap. I showed a small smile and said, "I have to talk to her. May importante akong sasabihin."

"Ahhh." Tumango-tango siya. Then she pointed to somewhere. "Nakita ko siyang pumunta roon."

"Thanks!" Iniwanan ko siya at muli kong hinanap si April. Akala ko'y hindi ko na siya makikita, ngunit nagkamali ako. Noong makita ko ang kanyang likuran, agad ko siyang sinundan.

Pumunta siya sa lugar na medyo tago, kung saan walang masyadong estudyante ang pumupunta. Kumunot ang aking noo at nagsimula akong magtaka. Ano'ng gagawin niya sa lugar na ito? Ano ba talaga ang itinatago niya?

Umupo siya sa mahabang upuan na naroon at tumitig sa kawalan. Nagtago naman ako sa lugar kung saan hindi niya ako makikita at pasikreto ko siyang pinanonood. Nakakunot pa rin ang aking noo. She smiled and I saw her tears start to start to stream down her face. She looked up and let her tears fall. Why was she crying?

"Ang sakit-sakit! Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para lang mapansin niya ako, pero hanggang ngayon hindi niya pa rin ako nakikita." She talked to herself. "Ang sama niya! Wala siyang ginawa kundi saktan ako! I hate him!" Nagpatuloy siya sa pag-iyak.

Because I couldn't watch her any longer, I started walking toward her. Noong nasa harapan na niya ako, inilabas ko ang aking panyo mula sa bulsa ng pantalon ko at iniabot ko 'yon sa kanya. "Stop crying, April."

She lifted her head to look at my face. She was surprised to see me. "France. What are you doing here?" Sinimulan niyang punasan ang kanyang mukha gamit ang kanyang kamay at tumingin pa siya sa ibang direksyon.

Kinuha ko ang kamay niya at inilagay ko sa ibabaw ng kanyang palad ang aking panyo. "Use that to wipe your face."

Ginawa niya naman ang sinabi ko. Naupo ako sa space sa tabi niya at pinagmasdan ko ang basa pa ring mukha niya. Nakatingin siya sa malayo at halatang ayaw niya akong tingnan.

"Salamat sa panyo mo." She handed it to me. "Pwede ka nang umalis." She couldn't look me in the eyes.

Tinanggap ko 'yon at nagulat siya noong punasan ko ang parte ng mukha niyang basa pa rin. When I was done, I said, "April, ano'ng problema? We're friends at pwede kang magkwento sa akin."

"Hindi kita kailangan." Tumayo siya. "Kung ayaw mong umalis, ako na lang ang aalis." Tumayo siya at aalis na sana, ngunit pinigilan ko siya gamit ang aking kamay. Tumingin siya roon at umupo.

"I'm sorry about what happened when we were walking. I'm sorry sa pagsigaw ko sa 'yo. Hindi ko 'yon sinasadya. Hindi ko lang talaga nagustuhan 'yong sinabi mo." I looked at her face. "But we're still friends, right? Kaya mo naman akong patawarin, 'di ba?"

She stared at my face for a moment and gave me a smile. Her smile was fake, I knew that. "Of course, kaya ko."

"Dahil magkaibigan pa rin tayo, pwede bang magkwento ka na sa akin?" I looked into her eyes. "Ano'ng problema? Sino'ng nanakit sa 'yo?"

She looked away and my eyes stayed on her face. "'Yong lalaking gusto ko, may mahal na ibang babae." She smiled. Her smile was small and bitter. "Ang sakit-sakit no'n. Plus, he shouted at me kanina at he said right to me na mahal na mahal niya ang babaing 'yon." Then she looked at me.

I swallowed the lump in my throat. "Kilala ko ba siya?"

I didn't want to believe the thought that crossed my mind. I didn't want to believe that I was the guy she actually wanted.

She smiled. "Siguro? Dito rin siya nag-aaral, pero hindi ko alam kung nagkrus na ang mga landas ninyo."

Nakahinga ako nang maluwag. "Ano pa? Is there still something you want to tell me? 'Cause if the answer is yes, don't think twice and just say it to me. I hope mapagaan ko ang loob mo sa pamamagitan ng pakikinig."

She smiled and tears started to stream on her face again. She looked away. "Hindi niya ako magagawang mahalin. No matter what I do, hindi niya ako pinapansin. Ayaw niya sa akin and it really breaks my heart."

Niyakap ko siya. Pumikit naman siya at nagpatuloy sa pag-iyak.

Kahit kailan, hindi sumagi sa isip ko na may ganito siyang pinagdaraanan. Hindi ko alam na ganito siya kahina. Ano ba ang tingin ko sa kanya? Robot na hindi nasasaktan? Babae pa rin siya at nasasaktan din. May nararamdaman din siya.

"France . . ."

I looked at where the voice came from. Then I found Beatrice standing there. Binitawan ko si April at agad akong tumayo. "Beatrice!" sigaw ko noong nagsimula siyang maglakad papalayo.

Sinimulan ko siyang sundan noong tawagin ako ni April. I turned to look at her and raised an eyebrow.

She smiled. "Salamat."

I smiled at her too. "It's nothing. I hope you're okay now." Then I walked away from her.

Binilisan ko ang paglalakad ko upang makalapit ako kay Beatrice. Bakit bigla siyang dumating doon? Kanina pa ba siya nakatayo roon at nanonood? What did she think after she saw me hugging April? Ayaw kong mali ang isipin niya. Ayaw kong masira ang kung anong mayroon kami dahil lang sa bagay na 'yon. Gusto kong malaman niyang siya lang ang babaing mahal ko at walang makakapagpabago no'n.

"Beatrice, let's talk," I said after I held her hand.

She stopped and turned to me. She smiled. Her smile was fake. "France, nasaan si April?" Tumingin-tingin siya sa aking likuran, hinahanap ang aming kaibigan. Tumigil ang kanyang paningin sa aking mukha. "Iniwan mo siya? Why? Baka nasaktan siya. Hindi ka dapat umalis doon at dapat ipinagpatuloy mo ang pagyakap sa kanya." Her voice was shaky. Her eyes were teary. She swallowed hard.

Had I hurt her?

"Beatrice, kung ano man ang nasa isip mo ngayon, hindi 'yan totoo. There's nothing between April and I. You're the only one I love. You're the only thing that's in my heart. Huwag mo sanang isiping niloloko kita."

"Hindi ko 'yon iniisip. Paano mo ako magagawang lokohin kung hindi tayo magkarelasyon? Sino ba ako? Ako lang naman ang nililigawan mo. I'm not your girlfriend." She looked away. "Kaya kong napagod ka na sa paghihintay, nauunawaan ko. Siguro totoo ang sinabi ng mga kaibigan natin, hindi tayo para--"

Hindi ko hinintay na matapos niya ang sasabihin niya at agad ko siyang niyakap. I put my head on her shoulder and said, "Mahal kita, Beatrice. I can wait, kahit habambuhay pa. I will never get tired of loving you and waiting. Kahit makakilala pa ako ng maraming babae na mas maganda, mas matalino, o mas talented, mananatili kang pinakamaganda sa paningin ko. My heart is yours. You're my everything. Hindi ko makakaya kapag nawala ka. I really love you."

"Wala ka bang nararamdaman para kay April?" I stopped hugging her and looked at her face. She looked away. "She's more beautiful and sexier. Flawless ang balat niya at maraming lalaki ang nagkakagusto sa kanya."

"But I am not one of those guys. Tumingin ka sa mga mata ko." Hinawakan ko ang kanyang baba upang iharap ang kanyang mukha sa akin. I looked into her beautiful brown eyes. "Haven't you heard what I just said? Ikaw ang pinakamaganda sa mga mata ko. Ikaw ang pinaka-sexy, pinakamagaling, at pinakamatalino. No one can beat you, Beatrice. I love you."

"Pero--"

"And I just hugged her because I wanted to comfort her. Do you understand what I'm trying to say? I did it because I wanted to make her feel that she's not alone and she's got me. As her friend. Malungkot siya at umiiyak kaya hindi na ako nagdalawang-isip at niyakap ko siya. Wala 'yong ibang ibig sabihin."

She just stared at me and didn't say anything.

I wanted to remove all her doubts so I held her hands and said, "Yeah, what you said was true. April is beautiful and sexy. Hindi ako bulag para hindi 'yon makita. But to me, you are the most beautiful and sexiest girl. You've got everything that I want. You are who I want. She's got nothing on you. Ikaw lang ang mahal ko. Do you hear me? Mahal kita, Beatrice! Mahal kita, Beatrice! Beatrice Hernandez, I love--"

She covered my mouth with her palm and smiled. "Stop, France. Naiintindihan ko na ang gusto mong ipaintindi sa akin."

Tinanggal ko ang kanyang kamay. "Parang hindi, eh. I think I still gotta shout. Beatrice Hernandez, I love you! I love you!"

"France, stop. Baka may makarinig sa 'yo." Nakangiti pa rin siya.

Her smile was genuine. It told me everything was okay now. It told me that there was nothing I should be worrying about. Her smile told me that she knew how much I loved her. That made me smile.

"Ano naman kung meron? Mas mabuti 'yon para malaman nila na nandito ako sa tabi mo at hindi ko hahayaang may umagaw sa 'yo. Akin ka lang at iyo lang ako."

"Mahal din kita . . ."

Tumaas ang aking kilay. "Ano? Will you repeat what you said? Hindi ko kasi narinig."

"Mahal kita." Muli kong itinaas ang aking kilay. "Mahal kita, France!"

"Ganyan," nakangiting sabi ko.

"France."

Bakit nag-iba ang boses niya? Parang hindi na ito masaya.

"Hmmm?"

"Magkita tayo mamaya. May sasabihin ako sa 'yo."

***

WE WERE sitting on the grass and watching the sun set. Napakaganda ng kulay-kahel na araw. Maaliwalas naman ang kalangitan. Maganda ang panahon. I felt the cold wind kiss my cheeks. I closed my eyes and smiled.

"What do you wanna be in the future?"

I opened my eyes after she asked that question. I stared at the sun. "Honestly, hanggang ngayon, I still don't know what or who I wanna be. I love what I've got. I have a complete and happy family. I have a simple and peaceful life in this place. I love this place. I am contented. Wala na yata akong mahihiling pa." I looked at her. She was staring at me. I gave her a smile. "Bakit pa ako maghahanggad ng mas higit sa mayroon ako kung sobra-sobra na ito? Kung hindi ko nga lang kailangang mag-aral, hihinto na ako sa pagpasok sa school."

She shifted her eyes from me to the sun in front of us. "That means you're different," she commented. "Kung katulad lang din siguro ng buhay mo ang buhay ko, ganyan din ako mag-isip. But my life isn't that simple. I know malalaking challenges ang naghihintay sa akin sa future. I love what I have, yeah. I appreciate it. But I am not contented like you. I need to have more. I need to be more."

"You're not contented?"

She nodded. "I want to stay who and where I am. Gusto ko rin ang buhay ko sa lugar na ito, tahimik at payapa. But I wasn't born to stay here. Hindi ito ang lugar na para sa akin."

Muli kong naalala ang aking panaginip. Naalala ko kung paano siya nagpaalam sa akin at unti-unting nawala. Tiningnan ko ang kanyang mukhang napakaganda. She was smiling and her smile made me feel better. Hindi naman siguro siya nagpapaalam sa akin. Hindi niya ako iiwan, tama? She loved me.

I took in a deep breath and changed the topic. "Ang ganda ng araw, 'no? Gawin na natin ito nang madalas. There's you and me and the beautiful sun in front of us. Napaka-simple. Napakaganda." Napunta sa kanya ang paningin ko.

Her eyes were still on the sky. Nagpakita ang maliit na ngiti sa kanyang mukha. "Oo, maganda nga. I love the view. I love the sky, sun and the wind. I love sitting here with you, on the grass. I love the moments I'm with you. I love you." Her gaze drifted to me. "I want this. I want everything I have right now, lalong-lalo ka na, France. I want to always be with you. I want us to stay this way forever. But . . ."

That word broke my heart. That oe and simple word made my smile and the happiness I felt at the moment vanish. Sinimulan nitong sirain ang mga pangarap ko para sa amin ni Beatrice. Sinimulan nitong patayin ang mga pag-asa ko. Nagsimulang manuyo ang aking lalamunan kaya't lumunok ako ng laway kahit halos wala na akong malunok. I looked away. Gusto ko nang umiyak. Gusto ko nang maglaho. Gusto ko nang matapos ang moment na ito. Hiniling kong panaginip na lang ang lahat ng ito.

There was the silence. I didn't break it. Hiniling kong huwag niyang basagin 'yon, ngunit walang tumupad ng kahilingan kong 'yon.

"France, makinig ka sa akin. Totoo 'yong sinabi ko. I love you and the moments that we're together. I want us to stay this way forever, but--"

I stood up. "Beatrice, umuwi na tayo. Baka hinahanap na tayo ng mga magulang natin. Tumayo ka na diyan at aalis na tayo rito."

Tumayo rin siya. "France, hindi nila tayo hahanapin dahil nagpaalam tayo. Pwede pa tayong mag-usap. France, listen to what I'm going to say. May importante akong sasabihin sa 'yo. 'Yon ang dahilan kaya nandito tayo ngayon."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya, pero mayroon akong ideya. And that idea was breaking my heart. That idea was killing me. That idea made me want to run and leave her here alone. I didn't want to listen to what she wanted to say. I didn't want to hear the words I never wanted to hear. Gusto ko nang lumayo sa kanya upang hindi niya masabi ang balak niyang sabihin sa akin. But I knew I couldn't escape. I knew there was nothing I could do to run from this.

"Beatrice, umuwi na tayo. Ayoko na rito. Parang biglang sumama ang pakiramdam ko. Nagugutom na rin ako. Hindi ka ba nagugutom? Sabay-sabay kaming kumakain ng family ko kaya hindi pwedeng mahuli ako. Let's go home, Beatrice. Sa ibang araw mo na lang sabihin sa akin ang gusto mong sabihin."

"Hindi pwede, France. I gotta say it to you now. You need to know it."

"Ayoko nga!" Tumaas ang aking boses. Nagulat siya. I looked away. "Nagugutom na ako, Beatrice. Kailangan ko nang umuwi. Kailangan ko nang umalis sa lugar na ito. Kung ayaw mo pang umalis, dito ka na muna. Pero pasensya na, I'm leaving." I turned around and started walking slowly and away from her.

"France, gusto kita. Mahal kita. Ayaw kitang iwan. Ayoko ring iwan sina Mavin at April. Mahal ko ang buhay ko rito. Mahal na mahal kita. Pero . . . pero kailangan ko nang umalis. Malapit na kaming umalis."

Napahinto ako sa paglalakad. Those few words ruined everything. Ang wasak kong puso'y mas winasak ng mga salitang 'yon. Ang mga pangarap at pag-asa ko'y tuluyan nitong pinatayan. Tuluyan nitong winasak ang lahat.

COME BACK TO MY SIDE
TiffGRa (TiffGRa)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top