Chapter 11 (The Past)
FRANCE
TIME FLEW. Sa sobrang bilis tumakbo ng panahon, halos hindi ko namalayang malapit na ang bakasyon namin at sa susunod na pasukan ay isa na akong Grade-9 student. I almost forgot that this was the last day in this year. Oo, mamaya'y New Year na naman.
Handa na ang lahat sa aming lugar na salubungin ang Bagong Taon. Ang iba'y pumunta sa ibang lugar upang doon mag-celebrate kasama ang iba nilang kamag-anak. Ang karamihan naman sa ami'y nag-stay dito at ang pamilya namin ay kasama roon. Nandito naman ang halos lahat ng kamag-anak namin kaya bakit pa kami aalis? At saka (para sa akin) magiging mas special ito kung dito namin sasalubungin ang New Year, sa lugar namin na minahal namin nang husto.
It was obvious that they were all happy. Ang mga Marites ay maagang gumising at nag-chika-han. Ang lalakas ng kanilang mga boses at tawanan at dinig na dinig ito mula sa kung nasaan sila hanggang sa aming bahay. May mga naririnig akong nagpapaputok at nagto-torotot simula noong magising ako. Siguro'y mayroon na ring nag-iinuman kasi kadalasan, kapag dumarating ang araw na ito, gano'n ang nangyayari at saka mayroon na rin kasi akong naririnig na nagbi-video oke. Ang ingay na.
Siyempre, masaya rin ang pamilya namin. Hindi man kami nag-iingay gaya ng iba, nakakaramdam din kami ng lubos na kaligayahan. Kahit parang normal na araw lang ito, we were happy too. Masaya kami dahil nagawa naming harapin ang lahat ng pagsubok sa taong ito nang magkakasama at sasalubungin namin ang Bagong Taon nang magkakasama rin. Ako? Of course, I was so glad. Bukod kasi sa buo ang family namin at masaya kami, kasama naming sasalubungin ang New Year sina Beatrice at ang kanyang ina.
"Pumayag po si tita na dito sila na dito sila mag-celebrate?" tanong ko kay mama matapos kong malaman ang magandang balita.
Gustong-gusto ko nang tumalon at ilabas ang kaligayahang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Para sa akin, isa 'yong malaking regalo at hindi 'yon sa sapat. Sinimulan kong imagine-in na magkasama kami ni Beatrice na sasalubong sa Bagong Taon. Magiging sobrang sweet siguro kung magkasama naming matapos ang araw na ito sa pamamagitan ng pag-upo sa damuhan habang nakatingin sa madilim na kalangitan at mga bituin at nanonood ng fireworks. Bigla akong kinilig.
Tumango si mama. "Bakit siya tatanggi? Magiging isang pamilya naman tayo. Pupunta ako ngayon sa bahay nila kasama ang papa mo para sunduin siya."
"Gusto n'yo pong maging parte sila ng pamilya natin? Magiging sobrang saya po siguro kung nangyari 'yon." Sinimulan kong imagine-in ang magiging itsura namin kung isa na kaming pamilya at halos mapangiti ako.
"Siyempre, gusto ko 'yon, anak. Kapag nangyari 'yon, magkakaroon na ako ng anak na matalino at talented."
I laughed. "Eh, hindi po ba matalino at talented si ate para sa inyo?"
Nagkunwaring nag-isip si mama bago sumagot, "Okay naman ang Ate Freya mo. Pero gusto ko rin kasi ng anak na hindi lang matalino kundi mahilig ngumiti at hindi nakakatakot."
"I'm here and I heard what you said, 'ma."
Napatingin kami sa nasa aking likuran at nakita si ate na nakaupo sa upuan habang nagsi-cellphone. Sabay kaming tumawa ni mama.
"Bakit n'yo po pala susunduin si tita?"
"Pupunta kami sa bayan para bumili ng mga gagamitin namin sa mga handa natin. Kung walang handa, walang selebrasyon."
Ngumiti ako at tumango-tango. "Tama po kayo," tugon ko. "Pwede po ba akong sumama sa pagpunta sa bahay nila? Gusto ko pong makita si Beatrice."
"May araw ba na hindi mo siya gustong makita?"
"Wala po," sagot ko habang umiiling. "Siya lang po ang laman ng puso't isipan ko, eh."
"Ang dami na talagang corny ngayon." Noong lumingon ako kay ate, nasa kanyang cell phone pa rin ang paningin niya. Umangat ang kanyang paningin sa akin. "Kung ayaw mong masaktan, stop believing that and start convincing yourself that you have no feelings for that girl."
I almost rolled my eyes. "'Yon po ang totoo, ate, at walang makakapagpabago no'n." Binigyan niya ako ng oh-really na tingin. "At saka it's better to be corny kaysa maging bitter, ate. Wala ka lang boyfriend, eh."
Umirap siya. "Ang dami mong alam, halos mali naman lahat. What you believe becomes your reality. But if that's what you want to believe, I won't try to change your mind. And yeah, I've got no boyfriend, but at least marami akong manliligaw."
Matalino si ate at kahit sinubukan pa ni mama na itago na ang mga natatanggap niyang mga bulaklak, tsokolate, stuffed toy, at iba pa ay mula sa kanyang mga secret na manliligaw, nalaman pa rin niya 'yon. Ang sabi pa nga niya, mula sa simula, alam na niya kung ano ang totoo. Hindi na kami nagulat.
"Ate, siguradong malapit nang maglaho ang mga manliligaw mo. Ang tagal na nilang nanliligaw, pero wala ka pa ring sinasagot ng oo sa kahit sino sa kanila. At saka ni hindi mo sila nginingitian sa tuwing pumupunta sila rito."
"Kung bigla silang naglaho, I wouldn't care at matutuwa pa ako. And you know I don't wanna force smiles. I want them to see who I really am. And I am not interested sa kahit sino sa kanila. Wala akong gusto sa kahit sino sa kanila kaya nga sinabi ko na tumigil na sila. But they didn't listen to me at ipinagpatuloy pa rin nila ang pagsasayang ng time nila."
"Sinabi mo talaga 'yon sa kanila, Freya?" tanong ni mama.
Tumango si ate. "Yes, 'ma."
"Ang haba ng hair mo, Ate Freya. How to be you po?" pang-aasar ko. Binigyan niya ako ng matalim na tingin. "Ang galing mo talagang manakit ng damdamin, ate. Siguradong nasaktan mo sila."
"They don't deserve to get hurt, I know. But they deserve to know the truth. And I don't like any of them. End of the story. Ayoko ring matawag na paasa."
"Pero gusto mong matawag na heart-breaker?" Muli niya akong binigyan ng masamang tingin. "Biro lang, ate. Matalino ka and I know you know what you're doing."
"Thanks, bro." She gave me a small smile and shifted her attention to her cell phone.
Sumakay ako sa aming tricycle at sumama sa pagpunta sa bahay nina Beatrice. Noong makita ko ang kanyang mukha, naging malawak ang ngiti sa aking mukha. Kahit lumipas na ang panahon, hindi pa rin nagbabago ang reaksyon at nararamdaman ko sa tuwing nasisilayan ko siya. I admired her even more. Paano ko mapipigilan ang sarili kong hangaan ang babaing gaya niya na tila nagmula sa langit? Her face was prettier now. She became more beautiful and amazing. Habang nadadagdagan ang kanyang edad, mas lalo siyang gumaganda.
"France," nakangiting tawag niya sa aking pangalan. It sounded so sweet.
"Beatrice!" I waved to her.
"Anak, masyado kang halata," bulong sa akin ni mama, na nasa tabi ko na pala. "Bawas-bawasan mo ang pagngiti mo. Huwag mong masyadong ipakita ang sayang nararamdaman mo. Baka matakot siya sa 'yo."
Bumaling ako rito at sumimangot. "Mukha po ba akong nakakatakot?"
Tumawa si mama. "Nagbibiro lang ako, France. Gwapo ka, anak, pero huwag kang masyadong halata. Parang nagmumukha kang bakla, eh."
"'Ma, hindi po ako bakla. Baka nga po maaga kayong maging lola, eh."
Lumaki nang kaunti ang kanyang mga mata. "Huwag naman, anak." Ako naman ang tumawa. Tumingin ito kay tita. "Alis na tayo, mare?"
Tumango si tita at saka sila umalis. Pinagmasdan kong umalis ang aming tricycle. I smiled. Ang susunod na moments ay moments na naman namin ng babaing gusto ko.
Lumipas man ang panahon, halos walang nagbago. This place was the same as it ever was. Ang paraan namin ng pamumuhay ay katulad pa rin ng dati, payapa't simple. At ang panghuli at higit sa lahat, ang nararamdaman ko para kay Beatrice ay hindi pa rin nagbabago. Hindi nga ba? The truth was, it was getting deeper and deeper. Hindi na nga ako sure kung gusto ko lang talaga siya o mahal ko na siya. Kung ano man ang tawag sa nararamdaman ko para sa kanya, hindi 'yon mahalaga. What mattered was that I knew she was one of the most important people in my life. I never wanted to lose her.
"Ang bilis lumipas ng panahon, 'no?" I looked at her. Nakatayo na siya sa aking tabi. Nakatingin siya sa malayo. She was beautiful. "Parang kahapon lang noong dumating ang Bagong Taon. Ngayon, magba-Bagong Taon na naman." She put her eyes on me. "Ang totoo, I don't know what to feel. Hindi ko alam kung dapat akong maging masaya o malungkot."
"Are you thinking about him?"
Alam niya kung sino ang tinutukoy ko. It was her father. Hanggang ngayo'y nandoon pa rin ito sa Manila at doon nagtatrabaho. Umuuwi siya rito. Dumating pa nga siya rito noong Christmas. Maybe if he hadn't come, we would've spent Christmas with her and tita. Noong araw na 'yon, I wanted to go here and see her, but I didn't. Naisip ko kasing kailangan nila ng time na sila lang ang magkakasama. Ngayon mukhang naging mas busy si tito at hindi siya makakauwi ngayon. 'Yon ang reason kaya makakasama namin silang salubungin ang New Year. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako na wala ang papa niya o hindi.
She looked away and nodded. "I always think of him. Kakapunta lang dito ni papa noong Pasko, pero parang sobrang tagal na since the last time I saw him. I miss him so much. I wanna be with him."
Tumingin ako sa kung saan siya nakatingin. There was the silence. I didn't know what to say to that. Ni hindi ko alam kung nauunawaan ko ba siya dahil wala naman ako sa kinalalagyan niya. Hindi ko kailanman na-experience na malayo sa mga magulang ko dahil palagi naman silang nasa aking tabi at hindi nila kailangang lumayo. And I thanked God for that.
I looked at her and caught her staring at me. I didn't feel it. I stared at her. Ang brown niyang mga mata ang pinakamagandang mga mata na nakita ko. Lahat talaga ng tungkol sa kanya ay pinakamaganda para sa akin. Gusto ko siya, gustong-gusto ko siya.
"Gusto mo bang maglakad-lakad kasama ko?" I smiled and offered a hand.
Ngumiti siya, tumango, at inilagay ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking palad. Naramdaman ko ang kakaibang pakiramdam na dulot no'n. Hindi ko lang alam kung naramdaman niya rin 'yon.
"France, masaya ka ba?" tanong niya habang kami ay patuloy sa paglalakad.
Halos mapahinto ako matapos kong marinig 'yon. Ano'ng klaseng tanong 'yon? Hindi ba obvious ang sagot?
I smiled at her and nodded. "Sobra." Because you were by my side. "Eh, ikaw? Are you happy, Beatrice?"
She stared into my eyes and gave me a sweet smile. "Siyempre, oo!" masiglang sagot niya.
I looked ahead. "Bakit mo pala ako biglang tinanong?"
"Bigla lang din 'yong sumagi sa isip ko, eh. Pwede ka bang magsabi ng reason kung bakit ka masaya?"
Ikaw.
Gusto ko siyang tingnan, ngunit hindi ko ginawa dahil baka masabi ko ang tunay na nilalaman ng isip ko. I put my eyes on the beautiful sky above us. Napakaganda nito, ngunit siya ang pinakamaganda. Siguro'y kahit ang heaven, hindi kayang tapatan ang kagandahang taglay niya.
"Kailangan ba may reason? I'm happy, end of the story." Bigla kong naalala si ate. Napangiti ako.
Honestly, I really wanted to show her my feelings. I wanted to let her know how much I liked her. Gusto kong malaman niya na siya lang ang nilalaman ng puso't isipan ko at wala nang iba. Gusto kong malaman niya na gusto kong palagi siyang makasama and I didn't want to lose her. Gustong-gusto ko nang umamin sa mga sandaling ito. But I didn't it was the right time so I wouldn't.
"Hindi mo naman kailangan ng rason para maging masaya. Mas maganda nga kung nagagawa mong maging masaya ng walang dahilan. Pero alam mo, may reason kung bakit ako masaya ngayon. It's you, France." Agad akong napalingon sa kanya. Huminto ako sa paglalakad at gano'n din ang ginawa niya. She smiled and I stared at her. "Thank you, France. Thank you at palagi kang nandiyan para sa akin. Dahil sa 'yo, nakakalimutan ko ang maraming reasons kung bakit dapat akong makaramdam ng lungkot."
Totoo ba ito o nananaginip lang ako? Did it mean she liked me too? Dapat ko na bang sabihin na gusto ko siya? Pero ano'ng mangyayari matapos kong gawin 'yon? Mangyayari ba ang nangyari sa masama kong panaginip noon?
Hanggang ngayo'y nakatatak pa rin sa aking isipan ang masama kong panaginip na hinding-hindi ko malilimutan. I wouldn't forget how I felt after I dreamed about it. Hindi mawawala sa aking memorya ang bawat pangyayari sa panaginip na 'yon. Dahil ang panaginip na 'yon ay parang totoong-totoo. Tila may nais itong sabihin sa akin na hanggang ngayo'y hindi ko magawang unawain.
"Huwag mo sana akong kalilimutan. . ." I almost whispered.
Kumunot ang kanyang noo. "Ha?"
I faked a smile. "We're friends and that's what friends are for," I said.
Para siyang napanganga sandali at nasaktan. Then she gave me a small smile. "Yeah."
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Tiningnan ko ang mga luntiang punong nalalampasan namin at ang mga bahay na nagmukhang maliit mula rito.
"Beatrice, tingin mo ba aalis pa rin kayo? Maliit ba ang posibilidad na dito kayo mag-stay nang matagal o . . . habambuhay?" Tinanong ko 'yon ng hindi siya tinitingnan o sinusulyapan.
I didn't want to bring it up. Sa tuwing sumasagi sa isip ko na maaaring isang araw ay bigla na lang siyang mawala sa tabi ko, parang pinupunit ang puso ko at unti-unti akong nawawasak. Ngunit hindi ko na napigilan ang aking sarili mula sa pagtatanong.
"Hindi ko alam." I looked at her and she shrugged her shoulders. "God only knows what the future will bring."
"Tama ka. But I think you're just saying that to make me feel better."
"No, hindi ko talaga alam."
"Okay, I will believe you. Gusto kita, eh." Binulong ko ang huling mga salita. I looked up and watched the birds fly away. "Ayoko talagang umalis ka. I want you to stay by my side forever. Ayokong malayo tayo sa isa't isa."
"Bakit?" I gave her a questioning look. "Bakit ayaw mo akong mawala?"
Hindi ba obvious ang sagot? I liked you!
I smiled. "You're my friend, we're friends. Siguradong ayaw rin nina Mavin at April na mawala ka. Ano sa tingin mo ang mararamdaman nila kapag bigla kang nawala? Gano'n din ang mararamdaman ko. Kaibigan kita, eh."
She faked a smile and averted her gaze. "We're friends. Friends . . ." Bakit parang ang bitter ng kanyang magandang boses? "But don't worry. Mawala man ako, hindi kayo mawawala sa memory ko. Mananatili kayo rito." She put her palm on her chest.
"At kung umalis ka, babalik ka ba?" That question suddenly crossed my mind.
She put her eyes on me and stared at my face. "Oo, France. Babalik at babalik ako."
She meant it. Para bang sinasabi niya sa akin na kahit ano'ng mangyari, kahit maging imposible, babalik siya sa tabi ko matapos niyang umalis. Gumaan ang aking dibdib na puno ng fears, doubts, at uncertanties. The thought of her leaving still made my heart ache. Pero hindi na siguro 'yon gano'n kasama kung siguradong babalik siya.
"Sinabi mo 'yan, ha? I won't forget that," I said, smiling.
She smiled too. "Yeah, you shouldn't. That's a promise, France. Mawala man ako, hindi kita malilimutan at ang memories nating dalawa. At ipinapangako ko sa 'yo na babalikan kita."
"Bakit ako lang? Have you forgotten Mavin and April?"
Parang nagulat siya nang kaunti matapos niyang marinig 'yon. She just realized what she said. "Kasama na rin sila roon," sabi niya.
"Talaga? Bakit parang ako lang 'yong minention mo?" pang-aasar ko.
"Kasama na nga sila roon. Ikaw lang ang nandito kaya ikaw lang ang minention ko. Don't assume, France."
"Okay, I will believe you. Gusto kita, eh." I whispered the last words again.
"What?"
"Ang cute mo kapag naaasar, sabi ko."
"Magaling ka namang mang-asar."
"Thank you, Beatrice."
"No problem, France."
I laughed and she laughed too.
***
GINAMIT KO ang torotot at napatingin silang lahat sa akin. Ate Freya Lene's face was expressionless. Nakangiti si papa, tita, at pati na rin si Beatrice. And mama gave me a disgusted look.
"France, para kang bata. Bakit ba naisipan mong bumili ng torotot, eh ang laki-laki mo na."
"'Ma, hindi ko po alam na pambata lang ang torotot," nakangiting sabi ko. "At saka ayaw n'yo po akong magpaputok gaya ni papa kaya nagto-torotot na lang ako."
Gabi na at malapit nang dumating ang Bagong Taon. Si papa ay abala sa pagpapaputok. Si mama at tita nama'y nag-uusap. Si ate nama'y nakikipagpalitan ng mga salita kay Beatrice at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Ako kaya ang topic nila?
"Payagan mo na kaya siyang magpaputok kasama ko, mahal? Hindi naman nakakapatay itong mga binili kong paputok, eh."
Binigyan ito ni mama ng napakasamang tingin. "Hindi nakakapatay? Hindi mo ako mapapaniwala! Ayokong mawala ang anak ko o ang kahit anong parte ng katawan niya dahil lang sa paputok. Pakakasalan niya pa si Beatrice. Hindi ba, mare?"
Tumaas nang kaunti ang kilay ni tita matapos niyang marinig 'yon, hindi inasahang ime-mention 'yon ni mama bigla. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya. "Oo, mare, ha," tumatangong sagot nito.
"Nandito naman ako, mahal. Hindi ko hahayaang mapahamak ang anak natin. Nag-iisang prinsepe ko kaya 'yan."
Napangiti ako.
"Hindi mo masisigurong hindi siya mapapahamak. Wala kang superpowers kaya huwag kang magsalita na para kang si superman na kaya siyang iligtas kahit kailan." Muntik na akong matawa. Ang cute nina mama't papa. Tumayo si mama. "Kumain na nga lang tayo. Halina kayo! Hindi pwedeng walang laman ang tiyan natin sa pagsalubong natin ng Bagong Taon."
Kumain kami at matapos no'n ipinagpatuloy namin ang aming ginagawa. Nagpatuloy sa pagtsi-chika-han sina mama't tita. Pinag-usapan nila ang mga future plan nila at muli na namang nabanggit ni mama ang tungkol sa pagpapakasal namin ni Beatrice. Si ate'y videographer dahil sinabi ni mama na kuhanan niya ng video ang mga nangyayari. Hindi tumanggi si ate at sumunod na lang. Ako'y nagpatuloy sa pagto-torotot habang pinagmamasdan si Beatrice na pinanonood si papang magpaputok.
"Happy New Year!"
"Maligayang Bagong Taon sa ating lahat!"
Matapos sumapit ng Bagong Taon, sinabi ko sa kanila ang plano ko. Sinabi ko na maglakad-lakad muna kami ni Beatrice ng magkasama. Agad namang pumayag ang mga magulang. Sinubukan namang sirain ni Ate Freya Lene ang plano ko.
"Bakit pa kayo aalis? Baka may bigla humila sa inyo sa daan o manakit sa inyo." Nagtunog ito na nag-aalala, ngunit halos mapairap pa rin ako.
Nag-aalala ba talaga si ate o nang-aasar? Bakit kasi wala siyang boyfriend na kukuha ng buo niyang atensyon? Kung may boyfriend siya ngayon, baka gano'n din ang gawin nila at magiging sobrang sweet nila sa isa't isa na halos daig pa nila ang sweetest chocolate sa mundo. Siguradong mawawalan din siya ng time na sirain ang plano ko.
"Hindi 'yon mangyayari, ate. Nandito ako at poprotektahan ko si Beatrice." Tumingin ako sa aking katabi at hinawakan ko ang kanyang kamay.
Tila nagulat naman siya, ngunit agad siyang ngumiti.
"Hindi ikaw si superman at wala kang superpowers." Napatingin si mama kay ate at halos matawa naman ako. Line ni mama 'yon, eh. "Dito na lang kayo."
Binigyan ko ng makahulugang tingin si ate. Bakit ba ako ginaganito ni ate? Hindi ba pwedeng hayaan niya na lang kami at 'yon na lang ang regalo niya sa akin?
"Freya, kung gusto mo, pwede ka namang sumama sa kanila para masiguro mong hindi sila mapapahamak," sabi ni mama. "Hayaan mo na ang mga batang 'yan. Gusto lang siguro nilang makapag-usap sa tahimik na lugar. Maingay kasi rito kasi nagpapaputok ang papa mo at ang lakas naman ng boses ko."
"Mahal n'yo po talaga si France, 'no, 'ma?"
"Mahal din kita. Hayaan mo na ang mga bata."
Napabuga ng hangin si ate. "Okay, 'ma."
I smiled and looked at Beatrice. Then I suddenly remembered something. "Dito ka lang, may kukunin lang ako sandali." Kinuha ko ang isang paper bag, pumunta ako sa kung saan ko siya iniwan, at sabay kaming umalis.
We walked together. There was the silence and no one seemed to want to break it. I felt the cold wind upon my cheek. I looked up at the moon and the stars that shined so bright in the dark sky. This was perfect. Parang nasa isa kaming romance movie at kami ang bida.
"Marami ka bang nakain kanina?" biglang tanong niya. "Ako, oo. Parang punom-puno ang tiyan ko ngayon at ang bigat ng katawan ko."
I looked at her face. "Ako rin, marami rin akong nakain. Ang sasarap ng handa natin kaya paano ko mapipigilan ang sarili ko? 'Yong spaghetti sauce, ang dami kaya naging mas masarap 'yong spaghetti. 'Yong pansit, basa at saka mainit-init pa kaya ilang beses din akong kumuha no'n. Gusto mo bang huminto muna tayo sa paglalakad? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang tungkol sa nararamdaman mo?"
She smiled. "I'm fine, France. Don't worry."
"You sure?" She nodded. "Okay." I looked ahead and kept on walking.
"Can you tell me kung ano ang laman niyang hawak mo?"
Napatingin ako sa kanya, tapos sa paper bag na hawak ko. Muntik kong mapalo ang aking ulo nang mayroon akong maalala. "Ah, I almost forgot. It's for you. It's a gift." I stopped walking and handed it to her.
She also stopped and looked at the bag. Parang kumikislap ang kanyang magagandang mga mata. She looked happy. Tinanggap niya 'yon ng may ngiti. "Thank you, France." Ngumiti ako. "But I have no gift for you. I'm sorry. Hindi ko--"
"It's okay. Hindi mo naman ako kailangang regaluhan. Naisip ko lang na bigyan ka ng regalo. Tingnan mo na ang laman niyan." Ginawa niya ang sinabi ko at inilabas ang puti at simpleng dress mula sa bag. "Noong isang araw na pumunta kami sa bayan, I saw that at bigla kitang na-imagine na suot 'yan. I knew it would suit you kaya hindi na ako nagdalawang-isip at binili ko 'yan."
Medyo lumaki ang kanyang mga mata. I knew she liked it. I smiled. "Ang ganda." She stared at the dress for a few seconds and I was surprised when she suddenly hugged me. I froze. "Thank you so much, France!"
Lumunok ako. I opened my mouth and tried to speak. "Happy New Year." Lumayo na siya sa akin at parang bigla niyang pinagsisihan ang ginawa niya. That made my heart ache. "Nagustuhan mo ba?"
Tumango siya. "Oo naman! Thank you talaga! Ang ganda-ganda." Muli niyang tiningnan ang dress.
"Pero ikaw ang pinakamaganda." She froze for a moment and shifted her gaze to me. This was the perfect moment. I looked right into her brown eyes. "Beatrice, matagal ko na itong gustong sabihin sa 'yo, pero sa tuwing gusto kong umamin sa 'yo, mayroong pumipigil sa akin. But now, wala nang makakapigil sa akin. I think this is the right moment. Beatrice, I wanna let you know na ikaw lang ang laman ng puso't isip ko. Beatrice, I like you."
She just stared at me.
I swallowed the lump in my throat. Did I say the right words? Nagsisimula na akong pagpawisan kahit ang lamig ng hanging nararamdaman ko sa aking mukha. Kung nandito si ate, baka sinabi na niya na corny ako o tinawanan na niya ako sa kanyang isip. Did I sound corny? Ano na ang gagawin ko?
"Um . . . Beatrice, I . . . I--"
She closed her eyes and shouted, "I like you too, France!"
My eyes widened and my body froze. Parang tumigil ang lahat. Tumigil ang pagtakbo ng oras. Tumigil ang pag-ikot ng mundo. Parang huminto na rin ako sa paghinga. Hindi ako makapaniwala.
Tama ba 'yong narinig ko?
She opened her eyes and stared into my eyes. "Crush lang kita noon, tapos dahil mabuti kang kaibigan at palagi kang nandiyan, nagsimula kitang magustuhan. Baka nga . . . mahal na kita."
Halos mapanganga ako. Tama ba ang narinig ko? She said there was a chance she loved me now? Pareho kami ng nararamdaman. Mas malinaw pa ito kaysa sa maliwanag na buwan at mga bituin. Hindi ito isang panaginip lang, 'di ba? She said she liked me. I liked her and she liked me too. Hindi ako nananaginip!
"We both like each other. Does it mean may tayo na?" Tumaas ang kanyang kilay. I laughed. "Biro lang. Ayokong magmadali. With you, I always wanna be gentle. Gusto kong magdahan-dahan tayo."
Ngumiti siya. "Gano'n din ang gusto ko."
"Bata pa tayo at marami tayong pangarap na nais makamit. I don't want us to disappoint our parents. Ayoko ring maging isang distraction para sa 'yo. I wanna be your inspiration." Bigla kong naalala ang aking panaginip. I closed my eyes for a moment and added, "Pero ayokong mawala ka, Beatrice. Gusto kong makasama ka palagi."
"Hindi ako mawawala." Binigyan niya ako ng maliit na ngiti.
"Yeah, because you'll stay forever on my mind and in my heart. We're still young, but just like what you said, God only knows what the future may bring. But the present is all that matters right now. Gusto natin ang isa't isa at ayokong pakawalan ang oportunidad na ito. Kaya Beatrice, maaari bang payagan mo akong ligawan ka?"
She stared at me for a moment and nodded.
I smiled. "Pwede ba kitang yakapin?"
She nodded once again. I hugged her and she hugged me back. And I hoped we could stay that way forever.
COME BACK TO MY SIDE
TiffGRa (Tiffany)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top