Chapter Three

NAG-request sina Lyca at Sasahh na tumugtog si Ryke ng piano at si Violet naman ay kakanta. Magaling sina Ryke at Lavender sa pagtugtog ng instrumento. Kaya magkasundong-magkasundo ang dalawa dahil parehas halos ang mga hilig. Parehas din mahilig sa pag-aaral.

"Ganda mo sa suot mo, ah?" Puri ni Ryke kay Violet na umupo sa kanyang tabi, sa harapan ng puting grand piano.

"Talaga?" Mukhang natuwa si Violet sa papuring ibinigay ni Ryke. Violet is wearing a white cocktail dress katulad din ng suot nina Lavender at Lilac. Magkakaiba lang ang tabas sa itaas niyon pero pare-parehas ang tela na ginamit.

"Bagay na bagay sa 'yo. Para kang anghel." Nagningning ang mga mata ni Violet. Paanong hindi, ngayon lang ito nakatanggap ng ganoong papuri mula kay Ryke.

"Laging ganyan ang isusuot mo, ah? Para hindi halatang demonyita ka." Hinampas ni Violet si Ryke sa braso. Natawa na lang si Ryke. But he meant it. Violet is pretty. Maganda si Lavender kaya maganda rin ito. They were identical. Malilito ang taong hindi nakakakilala sa tatlo. Siya, kung sa mukha lang ibabase, ay malilito rin. Pero kilala niya ang ugali ng tatlo. Kilala niya ang kilos at pananalita ng tatlo. Si Lavender ang pinakamahinhin at sa pananamit ay simple lang ito.

"Tumugtog ka na. Nais Kong Malaman Mo by Daryl Ong ang i-play mo."

"Ayoko n'yon, saka isang beses ko lang 'yon tinugtog kaya hindi ko masyadong gamay. Endless Love by Lionel Richie and Diana Ross. I'll sing with you." May boses naman siya. Favorite song iyon ni Lavender. At gusto niyang kantahin iyon ngayon para kay Lavender.

"That's so old. Ayoko n'yon."

"'Yon ang gusto ko."

"Basta ayoko!"

"Bahala ka kung ayaw mo. Ikaw ang tumugtog." Tangkang tatayo si Ryke pero maagap na nahawakan ni Violet ang braso ni Ryke.

"Ryke, please, pagbigyan mo na ako. I just really want to sing that song now." Hindi makapaniwala si Ryke na ang sutil na si Violet ay nakikiusap. This is the first time. He swears that this is the first time she pleaded him.

"Please, Ryke! I'll make you the best chocolate malt. For a week... no, for a month."

"Talaga?" Gumalaw-galaw ang kilay nito. That's a good deal. The best ang homemade chocolate malt ni Violet. Paborito niya iyon kaya nga lang, ayaw siyang igawa nito kung minsan. Pinaplastik nga niya ito kung minsan para lang igawa siya kaso mahirap talagang utuin.

"Okay."

Malapad itong ngumiti. "Wow! Pinagbibigyan mo ako?"

"Dahil sa chocolate malt." At dahil nakikiusap ito ngayon na hindi nito ginagawa.

"Galingan mo ang pagkanta, ah?"

"I will," she giggled, grabbing the micropone from the grand piano. Nang magsimulang tumugtog si Ryke ay sumeryoso na si Violet and she started singing.

"'Di na kayang dalhin ng puso ko... Sana'y marinig sigaw nito... Nagsisikip aking dibdib... 'Di na makatulog... Sana'y dinggin mo... Kahit ikaw na saking tabi... Parang ako'y di naririnig... O kay sakit... Bakit sayo'y parang balewala..."

Napakaganda talaga ng boses ni Violet. He had been admiring her voice ever since. Pero syempre, hindi niya iyon ipinaalam sa babae. Lalaki lang ang ulo nito.

When Violet sang the chorus, she stared at Ryke.

"Nais kong malaman mo... Nais kong sabihin sa'yo... Ngunit parang 'di ko masabi... Nandito lang, 'di mabigkas saking labi... Ako ba ay iyong nakikita... Ba't parang hindi mo naman marinig... Ika'y iibigin 'di na lang sasabihin... Mararamdaman mo sa bawat sulyap... At tingin ko sa'yo..."

Umiwas si Violet ng tingin nang bumaling dito si Ryke as she continued singing.

"O, may hangganan ba... Ang kailan ma'y, ang paghihintay... Hanggang saan... Hanggang kailan... Ang pag-ibig ko sana'y maramdaman..."

Bahagyang napakunot-noo si Ryke nang makita ang biglang pangingislap ng mata ni Violet. Nadala siguro sa kanta kaya naluluha.

"Nais kong malaman mo... Nais kong sabihin sa'yo... Ngunit parang 'di ko masabi... Nandito lang, 'di mabigkas sa'king labi..."

Itiningala bigla ni Violet ang ulo at ipinikit ang mata. Patuloy sa pagkanta. Nakatitig lang dito si Ryke habang patuloy na nilalaro ng mga daliri ang bawat keyboard. She's very beautiful. Of course. Kasing ganda ito ng mahal niya. Sayang. Kung si Lavender lang sana ang kumakanta ngayon sa tabi niya. Kaso hindi iyon magagawa ni Lavender. Hindi kagandahan ang boses nito katulad ng kay Violet. She's insecure with her voice.

"Ako ba ay iyong nakikita... Ba't parang hindi mo naman marinig... Ika'y iibigin 'di na lang sasabihin... Mararamdaman mo sa bawat sulyap... At tingin ko sa'yo..."

Muling nagmulat ng mata si Violet. Bigla ang paglamlam ng mga mata nito.

"'Di ko alam, ang gagawin... Kailan mo kaya ako papansinin... Sana'y dumating na ikaw ay akin... Nang makapiling... Matawag kang akin..."

Bumaling ito kay Ryke bago bigkasin ang huling pangungusap. She continued singing while they are staring at each other.

"Nais kong malaman mo... Nais kong sabihin sa'yo... Ngunit parang 'di ko masabi... Nandito lang, 'di mabigkas saking labi... Ako ba ay iyong nakikita... Ba't parang hindi mo naman marinig... Ika'y iibigin 'di na lang sasabihin... Mararamdaman mo sa bawat sulyap... At tingin ko sa'yo..."

Her voice is amazing! Her face was very beautiful but her eyes... sobrang lungkot. He wondered why? Hindi naman ito ganito kanina. Hindi kaya broken hearted ang babaeng ito? Nararamdaman niya kasi ang sakit sa bawat bigkas nito sa mga salita. Pero imposible! Ito ang madalas manakit ng mga manliligaw nito.

Naputol ang pagtititigan ni Ryke at Violet nang mapuno ng palakpakan ang buong pavilion. Tumayo si Violet, at nag-bow ito sa lahat ng guest. Kinuha naman ni Ryke ang mikropono na ibinalik ni Violet sa kung saan iyon nakapatong kanina. This is the right time to announce his relationship with Lavender. Tumingin siya sa direksyon kung saan naroon si Lavender. Nakaupo ito sa mesa kung saan naroon ang kanilang mga magulang. Lavender smiled at him and nodded, giving him an approval.

He inhaled deeply and slowly released the air through his mouth. He gathered all the courage he could muster before putting the mic under his mouth.

"May I have your attention, please?" Natigil sa pag-iingay ang lahat nang magsalita si Ryke. Natuon sa kanya ang buong atensyon ng lahat.

"Thank you." He said after everyone gave him their attention.

"Ahm, may gusto sana akong sabihin." Agad niyang hinanap ng mata ang mga magulang. Nakita kung paanong nagtinginan ang magulang niya. Nagtatanong sa isa't isa.

"I'm courting this lovely girl for something like 7 years now, and I finally won her heart. She's my girlfriend now." Gulat na muling nagkatinginan ang kanyang mga magulang.

Nabahala si Ryke nang makita ang mama ni Lavender na tila hindi nagustuhan ang anunsiyo niya. Wala pa naman siyang sinasabing si Lavender. Hindi rin alam nang mga itong nililigawan niya si Lavender. Iyon kasi ang gusto ni Lavender, na hayaan na lang na alam ng magulang niya at iba na best friends sila para mas komportable lalo kapag dumadalaw siya bahay ng mga ito. Pero sa nakikita niya ngayon, mukhang alam nito. Lyca looks bothered and it's not a good sign.

"Ryke, sino ang girlfriend mo? Kung sino man 'yan, better to break up with her now! May agreement kami ng mommy mo. Ang anak ko lang ang dapat mong pakasalan."

"Ho?" Sandali. Bigla ay parang natigil ang pag-function ng kanyang utak sa narinig mula kay Lyca. At nang sa wakas ay maintindihan ay unti-unting pinunit ng malapad na ngiti ang mga labi niya.

"Talaga po, Ninang?"

"Yes! Sino ba ang girlfriend mo at ako mismo ang kakausap para hindi ka na mahirapan. You can't disobey us, Ryke. Mother knows best."

Mas lalo pang lumapad ang pagkakangiti niya ngayon. Nakahinga siya nang maluwag. Kung gayon ay nakatakda naman pala sila ni Lavender para sa isa't isa. Inilahad ni Ryke ang kamay sa direksyon kung saan nakaupo si Lavender. Lahat may pagtatakang naghintay kung sino ang tatayo mula sa mesa. Ilang sandali ang lumipas bago tumayo si Lavender. Mukha itong nahihiya. Nakayuko ang ulo nitong lumapit kay Ryke. Ryke took Lavender's hand and laced his fingers with hers. Mahigpit niyang hinawakan ang nanlalamig na kamay ng nobya bago muling ibinalik ang atensyon sa lahat ng tao roon.

"Lavender and I are officially together." Si Alford naman ang napatayo mula sa kinauupuan at nilapitan nito ang dalawa.

"Niligawan mo ang anak namin nang hindi namin alam?"

"Sorry po!" Bigla na naman siyang kinabahan. Alam niyang protective ang Ninong Alford niya pagdating sa mga anak.

"Bantay salakay ka, ah!"

"Alford!" Agad itong inawat ni Lyca.

"I've been courting Lavender but she wasn't allowed to have a boyfriend yet. Kapag 50 ka na raw po pwede na niya akong sagutin kaya naghintay ako. Sinagot niya ako kagabing 12 midnight. Sakto pong birthday niyo."

"Taratando ka! Hindi ka talaga nagsayang kahit isang segundo." Nagtawanan ang lahat. Pinalo naman ni Lyca si Alford. Hinding-hindi niya talaga sasayangin 'yon. He was really excited while waiting for the clock's hands to hit 12. Magkasama sila ni Lavender kagabi na naghintay ng oras. Nakahiga sa lounge chaise sa may pool. Bigla na lang ginagap ni Lavender ang kanyang kamay at umusal ng 'I love you' pagsapit mismo ng alas dose. That's so romantic.

"Huwag mo ngang takutin ang son-in-law natin. Ang sweet nga niya. Parang ikaw lang, hinintay ang tamang panahon." Masayang bumaling si Lyca kay Ryke at niyakap siya.

"I'm so happy for the both of you."

"Thanks, Ninang!"

Lumapit din sa kanila ang kanyang mommy. Niyakap siya nito at si Lavender. Alam naman niyang walang kokontra sa pamilya sa relasyon nila ni Lavender pero iba pa rin ang sayang nararamdaman niya nang makitang masaya rin ang lahat para sa kanila.

Nilinga niya si Violet. Wala na ito sa kung saan ito nakatayo. Sinuyod niya ng mata ang buong pavilion at nakita ang dalaga na nakaupo sa pinakalikurang mesa kausap ang kanyang daddy. Seryosong nag-uusap ang dalawa. He didn't expect this. Ang inaasahan niya ay mang-aasar ito pero hindi nangyari. Hindi man lang ito nagkomento tungkol sa relasyon nila Lavender. Weird.

SA GITNA ng kasiyahan ay inakbayan ni Alford si Ryke at bigla na lang kinalakadkad palayo ng pavillion. Binitawan lang siya nito nang marating nila ang area kung saan mismong naroon ang pool. Hindi naman siya natatakot sa kanyang ninong but at this moment ay bigla siyang kinabahan. Hindi kaya lulunurin na siya nito? Mabait ang ninong niya pero kapag involved na ang asawa at mga anak nito ay iba na ang usapan.

"N-ninong?"

"You scared?" Yes. He's scared but why would he be scared? Wala siyang ginagawang masama kaya dapat matapang niyang hinaharap ang ama ng mahal niya.

"No, Ninong. Wala naman akong dapat katakutan dahil wala akong ginagawang masama. I love Lavender."

"How much do you love my daughter?" Namagitan ang katahimikan sa dalawa. Ingay mula sa pavilion ang tanging maririnig.

"I'm asking you!" Alford demanded.

"Hindi ko po alam." Umigting ang panga ni Alford sa naging tugon ni Ryke.

"I can't measure how much I love her, Ninong. Ang alam ko lang, siya ang babaeng gusto kong iharap sa altar someday." Unti-unting lumambot ang mukha ni Alford but not fully. Naroon pa rin ang talim sa mga mata nito.

"You know I can kill for my daughters, right?"

He nodded. "I know, Ninong."

"Kahit presidente ang tatay mo at magkaibigan kami, hindi ako mangingiming saktan ka sa oras na pinaiyak mo ang anak ko."

"I won't hurt her, Ninong. I love her and I will take care of her."

"Papa!" Sabay na bumaling ang dalawa sa pagtawag ni Lavender.

"Tinatakot mo ba ang boyfriend ko?" Napangiti si Ryke nang yumakap si Lavender sa kanyang baywang. Inakbayan niya ito.

"Nandito ako, Lavender. May payakap-yakap ka pa!"

Lumabi si Lavender. "Si Mama ba dati, hindi mo pwedeng yakapin?"

"Hindi." Sumabat bigla si Wilson na bigla na lang sumulpot.

"Hindi naman 'yan mahal ng mama mo. Pinikot lang niya."

"Really, Papa?"

"Of course not! Your mother loves me so much."

"Yeah, right!" Wilson grabbed Alford by the arm.

"Halika ka na. It's time to blow the candle. Huwag mong pinag-iinitan ang anak ko. Malalaki na sila. Hindi ibang tao si Ryke, buddy. Anak ko 'yan."

"Exactly! Kaya nga ako kinakabahan dahil anak mo 'yan. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga." Malakas na humalakhak si Wilson bago hinila si Alford palayo.

"Pasensiya ka na kay Papa, Ryke."

"That's okay. I understand him. Pinoprotektahan ka lang niya. Ayaw ka niyang masaktan."

"And I know that it won't happen kasi hindi mo naman ako sasaktan 'di ba?"

"Never!" Hinawakan niya ang magkabilang kamay ni Lavender at tinitigan ito sa mga mata. Napakaswerte niya. Bukod sa napakaganda na ng girlfriend niya at matalino ay napakabait pa.

"Napakaswerte ko sa 'yo."

"Me too." Ryke squeezed her hands, rubbing the pad of his thumbs over the smooth skin of her hands.

"Can I kiss you, Lavender?" He saw the sudden shock in her eyes, her mouth parted. Pero saglit lang ang pagkabigla nito. Muli itong ngumiti.

"Of course!" She angled her head so that the side of her face was facing him. Itinuro ni Lavender ang sariling pisngi. Bata pa lang sila, nahahalikan na niya ang pisngi nito. A goodbye kiss. Hanggang sa lumaki sila ay hinahalikan na niya ito sa pisngi kapag magkikita sila. Kahit si Lilac pero hindi si Violet. Madalas ay malakas na kurot sa pisngi ang ipinangbabati niya rito.

Hinawakan ni Ryke ang baba ni Lavender at marahang ipinaling ang mukha nito paharap sa kanya. He's 20 yet he has never kissed a girl. Nang ligawan niya si Lavender, he considered her as his girlfriend at ayaw niyang gumawa ng bagay na ikakasira niya rito. At alam niya na hindi pa rin ito nahahalikan. Hinaplos ni Ryke ang labi ni Lavender gamit ang pad ng kanyang hinlalaki. Napakalambot niyon. Matagal na niyang inasam na mahalikan ito sa labi.

"I want to kiss your lips, Lavender." Color bloomed on her cheeks. She pursed her lips in a tight line and she lowered her head. Mukhang ayaw pa nito.

"Kung hindi mo gusto, okay lang naman. I can wait." Nanghihinayang siya pero naiintindihan naman niya. Matagal na panahon siyang naghintay para maging official sila and he still can wait until she's ready to be kissed.

"You can kiss me." Matinding kagalakan ang naramdaman ni Ryke sa narinig mula kay Lavender. Hinawakan niya ang baba nito at itinaas ang mukha hanggang sa magsalubong ang kanilang mga mata. Lavender closed her eyes. Her mouth still pursed in a tight line. He framed her face with his palms and pressed his lips onto hers. Nang lumapat ang labi niya sa labi ni Lavender ay hindi niya maipaliwanag ang emosyon. Ang alam niya ay para siyang nasa alapaap.

Her lips were so sweet.

Ipinaikot niya ang isang braso sa baywang ni Lavender at nagsimulang gumalaw ang kanyang labi. Very slowly. Gently. Sinabayan naman ni Lavender ang galaw ng kanyang labi. He felt a lot of funny feelings in his body. When they finished the kiss, they smiled at each other.

Mahigpit niyang niyakap si Lavender.

"Ganito pala ang pakiramdam ng first kiss. That was amazing!"

"Hmm... I'm not your first kiss." Bahagya niyang inilayo ang mukha rito pero nanatiling nakapaikot ang mga braso sa katawan nito.

"Si Violet, remember?" Napatawa nang malakas si Ryke nang maalala ang tinutukoy ni Lavender.

"It's not counted. I was being attacked by your sister." He can't forget that moment. He was 5 at that time but the memory was still vivid. Kasal iyon ng kanyang mommy at daddy. His Ninang Lyca was filming around then she told him to kiss Violet on the cheek but he refused; instead, he kissed Lavender. Sinabi niyang ayaw niya kay Violet. Since Violet wouldn't accept the rejection, she grabbed his face with her sticky hands and kissed him on the lips. Nalipat sa mukha niya ang malagkit na residue ng chocolate ice cream na nasa kamay at bibig nito. She even licked her lips after kissing him na ikinatawa ng lahat.

May video iyon at itinatago ng kanyang Ninang Lyca.

Niyakap niyang muli si Lavender. "This is my first kiss for me. And waiting for this moment was worth it."

"I'm sorry to keep you waiting for so long."

"You are worth having, Lavender! I don't mind waiting. I love you!"

"Oh, Ryke, I love you so much!" Hinalikan niya ang ibabaw ng ulo ni Lavender at hinigpitan ang pagkakayapos sa kasintahan.

"Wait, Ryke." Bumitaw siya mula sa pagkakayakap kay Lavender.

"Violet!" Tumigil si Violet sa paglalakad patungong mansiyon pero hindi nito nilingon ang kapatid. Nilapitan ni Lavender ang kapatid. Sumunod naman si Ryke. Noon lang bumaling si Violet nang hawakan ni Lavender ang braso nito.

"Hey!"

"Are you avoiding us?" Bahagyang namilog ang mga mata ni Violet sa tanong na iyon ni Lavender. Akala ni Ryke, siya lang ang nakapansin sa biglang pag-iwas ni Violet sa kanila. Hindi ito nakikisalamuha sa kanila mula pa kanina. Sa tuwing lalapit sila ni Lavender kung nasaan ito ay biglang aalis.

"Why would I do that?"

"Because you're jealous?"

"What!?" Bumulalas si Violet.

Kinurot ni Ryke ang pisngi ni Violet. "Aminin mo na! Inggit ka kasi wala kang boyfriend. Naunahan ka pa ni Lavender."

Hinampas ni Violet ang kamay ni Ryke. "Hindi ako naiinggit! Bakit ako maiinggit? Hindi ka naman ka-jowa-jowa para kainggitan ko si Lavender." Inismiran siya nito bago nag-walk out.

"Si Violet talaga! Nagseselos siguro 'yon sa 'yo."

"Hindi raw ako ka-jowa-jowa?" Muli niyang ipinaikot ang mga bisig sa katawan ni Lavender.

Bumungisngis si Lavender. "Iba kasi ang standards niyon sa lalaki."

"Talaga? Ano ba standards niya sa lalaki?"

"Ayaw niya ng masyadong good boy. Gusto niya raw maginoo pero medyo bastos. Hindi ko alam kung seryoso siya pero iyon ang sinabi niya sa amin ni Lilac. Ayaw rin niya na masyado siyang sinasamba ng lalaki. Natu-turn off 'yon sa lalaking kulang na lang, magpaalipin sa kanya."

Hindi nga siya magiging kajowa-jowa sa paningin ng babaeng 'yon. Opposite pala niya ang tipo ni Violet. He's a gentleman and not a badboy. And he wouldn't mind worshipping Lavender.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top