Chapter Seven

THE kiss seemed nothing to Ryke. He isn't affected and it didn't bother him, which is good. Hindi naman nito sinabi kay Lavender na ipinagpasalamat ni Violet. Pero siya, apektadong-apektado sa halik na iyon. Akala niya talagang nananaginip siya na kasama niya si Ryke. Nilalambing siya. Magkasintahan sila nito. Jusko po! She's trying to move on, trying her best to forget her feelings for Ryke pero mukhang mas lalo iyong lumalala dahil sa nangyari.

Gusto niya itong iwasan. Dapat niya itong iwasan pero paano kung lagi itong nandito? Halos dalawang linggo na rin siyang umiiwas kay Ryke. Hindi siya sumasabay sa pagkain sa cafeteria. Si Air ang lagi niyang kasama nitong mga nagdaang araw. Kapag nandito si Ryke sa bahay nila, hindi siya lumalabas ng silid o 'di naman ay magtatago sa isa sa mga silid sa mansyon. Doon magpapalipas ng magdamag hanggang sa makaalis ito. Minsan ay pupunta siya sa mga pinsan at kaibigan para lang iwasan ito.

Pero ngayon, nandito na naman ito sa bahay nila kasama ang buong mag-anak at wala siyang choice kundi ang humarap sa mga ito kasama ang pamilya ng kanyang Ninong Dock at Uncle Tres. Dito ang dinner sa kanila ngayon. Sa pavilion ang set-up.

Wala rin siyang mapagsabihan ng nararamdaman niya kaya isinulat na lang niya sa kanyang journal notebook pati na rin ang hindi niya sinasadyang paghalik rito. Hindi pa siya confident na sabihin iyon kahit sa mga kaibigan niya o isa sa mga pinsan niya. Pero may isang tao pa lang na nakakaalam ng nararamdaman niya para kay Ryke. Pero nangako naman itong hindi sasabihin kay Ryke at nagtitiwala siya.

"Hey!" Violet froze when Ryke wrapped his arm around her shoulder while taking some food from the buffet table.

"It has been two weeks since I've seen you. Iniiwasan mo ba ako?" Inalis niya ang braso ni Ryke at dumistansya rito pero hindi siya nagtangkang harapin ito.

"Bakit naman kita iiwasan?"

"I'm guessing because of the incident. Dahil sa paghalik mo sa 'kin." Nag-init ang mukha ni Violet. Bakit kailangan ipaalala pa nito?

"O-of course not!" Violet continued putting foods on her plate without realizing that it's alreay full.

"Bakit mukha kang tense?"

"Ryke, shut up!" Angil niya rito. Sa pagkakataon na iyon ay hinarap na niya ito.

"Ang sungit mo! Ako na nga itong nagiging nice, susungitan mo pa ako!" Niyuko nito ang platong hawak ni Violet.

"Takaw mo." Iniwan na siya ni Ryke. Nang yukuin niya ang plato ay napangiwi siya. Punong-puno iyon. Na-distract siya sa paglapit ni Ryke.

"Violet." Malapad na napangiti si Violet nang makita si Air. Sinamahan ito ng katulong na binilinan niya kanina. Inilapag niya ang plato sa mesa at patakbo itong nilapitan.

"Akala ko hindi ka na pupunta." Lumagpas ang tingin ni Air sa kanya. Parang bigla itong na-tense.

"Hindi ko alam na may party pala."

"It's not a party. Dinner lang. Halika, ipapakilala kita sa kanila."

"Nakakahiya yata. Balik na lang kaya ako sa ibang araw?" Bahagyang tumaas ang kilay ni Violet. Bakit ito biglang nahiya? Eh, lagi naman itong isinasama ni Ryke sa mga gathering pero hindi sa ganitong kapribadong salo-salo.

"No!" Hinawakan niya ito sa kamay at hinila palapit sa mesa kung nasaan ang pamilya.

"Para sa 'yo nga pala."

"You are so sweet." Kinuha niya ang teddy bear na kulay puti mula rito. Huggable ang size niyon at super soft.

"Hey, guys! Attention here, please!" Natahimik ang lahat at bumaling sa kanila ni Air.

"I want you to meet my suitor. He's Airyk. Airyk De Ortuoste."

"H-hello po!" Nahihiyang bati ni Air.

"Sinagot ka na ba, pare?" Ang kanyang pinsang si Yarrow ang nagtanong, anak ng kanyang Aunt Brielle niya at Uncle Ninong Dock.

"Hindi pa."

"Good. May oras ka pa para umatras." Nagtawanan ang lahat sa sinabing iyon ni Yarrow.

"Gusto mo saktan kita?" Muli lang nagtawanan ang mga naroon sa pagbabanta ni Violet.

"Halika, upo ka na rito. Ikukuha kita ng pagkain." Pinaupo niya si Air at muli niyang tinungo ang buffet table para ikuha ito nang makakain. Sumimangot si Violet nang makitang pinagkukumpulan si Air ng kanyang Ninong President, Uncle Tres at Dock at nakisama pa ang kanyang papa. Si Air ay parang tutang na-corner ng mga wolf. Agad siyang lumapit sa mga ito.

"Excuse me, seniors! Can you please don't scare my future boyfriend?" Nagsipulasan ang apat. Kanya-kanyang balik sa mga upuan. Umupo siya sa tabi ni Air at inilagay ang plato sa harapan nito.

"Kain na. Don't mind them."

"Nakakatakot sila," bulong ni Air.

"'Wag kang matakot sa kanila. Mababait naman sila. Ano ba ang sabi sa 'yo?"

"Babalatan daw nila ako nang buhay kapag niloko kita."

"And are you scared with their threat?"

"Not really. I'm confident enough na hindi nila magagawa 'yon."

"Talaga?"

"Yeah. Hindi naman kita lolokohin, eh." Malapad na ngumiti si Violet. Habang tumatagal na nakakasama niya si Air ay parang nagkakapuwang na ito sa puso niya. And that's a very good sign. Kapag kasama niya ito, kahit paano ay parang nakakalimutan niya ang feelings niya para kay Ryke. The bad thing is, kapag nakikita niya o lumalapit sa kanya si Ryke ay doon niya napagtatantong she's still into him. And she hates that.

"'Yong sinabi mo kanina. It gave me hope."

"Alin doon?"

"Iyong sinabi mong future boyfriend mo ako." Bahagyang nakagat ni Violet ang ibabang labi. Nahiya siya bigla at medyo nailing na rin. Hindi pa rin niya kasi alam ang plano para sa kanila ni Air. Gusto pa niya itong kilalanin pero tingin niya ay malaki ang pag-asa ni Air. Ngumiti si Violet sa binata.

"Kain na." Nakangiti itong sinimulan ang pagkain na para bang nakakuha ng magandang sagot sa tanong nito.

---

"SINUNGITAN mo na naman daw si Ryke kanina," Si Lavender na nahiga sa kama. Sa kabilang gilid ito habang siya, sa kabilang side naman. Napapagitnaan nila ang kama ni Lilac.

"Sumbungero 'yang boyfriend mo. Hindi ko naman siya sinungitan."

"Na-miss ka niya kaya huwag mo namang sungitan."

"N-na-miss?" Medyo nautal pa siya sa tanong niyang iyon.

"Yup! Halos dalawang linggo ka raw niyang hindi nakita at na-realize niyang nakaka-miss ka rin daw pala."

"Na-miss lang ako niyang asarin."

"Kailan mo balak sagutin si Air?" Tumagilid nang pagkakahiga si Lavender. Sinalo ng kamay ang ulo habang ang siko ay nasa kama.

"Soon. Very soon."

"Ikaw, Lilac, bisexual or lesbian ka ba talaga?" Natawa siya sa tanong ni Lavender.

"Lesbian ba kapag kumakain ng pepe?"

"Yuckksss!" Sabay sila ni Lavender na napatili. Binato ito ni Lavender ng unan na mukhang diring-diri sa sinabi ni Lilac.

"That's so kadiri!" Tumihaya si Violet.

"Eh, ikaw Lavender, hanggang saan na kayo nakarating ni Ryke?" Tanong naman ni Lilac sa kapatid.

"What do you mean?" Gets naman agad ni Violet ang ibig sabihin sa tanong na iyon ni Lilac pero sigurado siyang hindi si Lavender. Matalino ang kapatid niya pero kung minsan ay mahina ang common sense sa mga ganitong bagay.

"Ikaw ang may boyfriend sa ating tatlo pero bakit ang inosente mo sa mga ganitong bagay? I mean sex. Nag-sex na ba kayo ni Ryke?" Nahigit ni Violet ang paghinga. Hindi siya ang tinatanong pero ang puso niya ang nataranta. Hindi dapat pero bakit hinihiling niya na sana ay hindi pa.

"No! My God! Ryke respects me!"

"Hey, kalma! I'm just asking!" Napatawa si Lilac sa exaggerated na reaksyon ni Lavender. Parang hindi na ito mapaanak na pusa sa kinahihigaan.

"Kung ano-ano kasi ang tinatanong mo? Kaasar ka! Matulog na nga tayo." Tumalikod si Lavender sa kanila at nagtalukbong.

---

"HEY!" Nagulat si Violet nang malabasan si Ryke sa labas ng kanilang room. Agad niyang nilinga ang paligid para hanapin si Lavender pero wala siyang nakita. Ano naman ang ginagawa nito dito? Napakalayo ng department nito sa department nila. Pupunta ito kung kasama si Lavender para sunduin siya pero hindi nito kasama ngayon si Lavender.

"R-Ryke?"

Nakangiti itong lumapit sa kanya. "Tara kain na tayo."

"Hindi na. Kasabay ko si Air." She lied. Hindi makakasabay si Air sa kanya ngayon dahil may ginagawa ito.

"Nasaan si Lavender?"

"Busy siya ngayon. Sabi naman ni Air hindi ka niya masasabayan kaya ako na ang pinakiusapan niyang sumundo sa 'yo rito sa room. Let's go?" he explained, holding out his books to her.

Bahagyang tumaas ang kilay niya. "Ano 'yan?"

"Bitbitin mo para sa 'kin."

"Gagu!" Inirapan niya ito at nilagpasan. Bigla naman siyang inakbayan ni Ryke.

"Ano ba, Ryke!?" Inalis niya ang braso nito sa balikat niya pero muli ring ibinalik ng lalaki.

"Huwag ka ngang masungit. Parang akbay lang, eh." Hinayaan na lang niya si Ryke na nakaakbay sa kanya hanggang sa marating nila ang cafeteria. Pumwesto sila sa pinakasulok. Si Ryke na ang kumuha ng pagkain para sa kanila at tahimik lang si Violet na kumain.

"Lavender is always busy lately." Napatigil si Violet sa pagsubo sa sinabi ni Ryke. Nag-angat siya ng tingin sa lalaki. Nakatuon ang mata nito sa pagkain at nang tumingin sa kanya ay nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Isang buwan na rin ang relasyon nina Ryke at Lavender.

"Alam mo naman na pag-aaral ang priority niya. Dapat naiintindihan mo 'yon. She's doubling up kaya mas lalong busy 'yon."

"Naiintindihan ko naman. Nami-miss ko lang siya lately." Bumuntong-hininga si Ryke.

"Lagi naman kayong magkasama kapag pumupunta ka sa bahay."

"Yeah. Pero laging may limit ang oras. Isang oras lang niya akong haharapin tapos pinapauwi na ako."

Mukhang nagtatampo talaga ito. Ang kapatid naman kasi niyang 'yon, sobra sa pag-susunog ng kilay. Very competitive sa klase. Goal ni Lavender na manguna lagi sa dean's list kaya subsob sa pag-aaral. Naungusan daw kasi ito ng kaklase kaya naghababol ng grade. Isabay pa ang pagbabasa nito ng sangkatutak na libro bilang paghahanda sa pagkuha ng LSAT. 

"Intindihin mo, Ryke. Kapag natapos na siya ng college, magpapakasal na naman kayo 'di ba?"

"Kapag pumasok siya sa law school, baka mas lalo siyang mawalan ng oras sa 'kin. I'm scared." Lumamlam ang mga mata ni Ryke. Hindi sanay si Violet sa ganito. Mas sanay siyang nagbabangayan sila. Pero mukhang kailangan talaga nito ng makakausap. Inabot niya ang kamay ni Ryke na nakapatong sa mesa at marahan iyon tinapik.

"Stop worrying. Lavender loves you. Siguradong kapag natupad na niya ang lahat ng pangarap niya, iyong iyo na ang buong oras niya. At utang na loob, Ryke, ang bakla lang kaya tigilan mo ang pag-iinarte mo riyan. Hindi bagay sa bakulaw na tulad mo." Natawa si Ryke. He dipped his own finger into the chocolate ganache that's glazing the cake at ipinahid iyon sa pisngi ni Violet.

"Panira ka talaga!" Kumuha si Violet ng tissue at pinunasan ang tsokolate saka tahimik na nagpatuloy sa pagkain. Hinayaan ni Violet na ang ingay ng mga estudyante sa paligid ang humalili sa kadaldalan niya sana. She doesn't want to steer a converstion with Ryke so much. Kakain lang sila and then they will part ways after. Thankful naman si Violet na tumahimik naman na si Ryke.

Inabot ni Violet ang baso ng tubig saka nag-angat ng tingin para sana uminom na hindi na niya nagawa nang mapansin si Ryke na seryosong nakatitig sa kanya. Niyuko na ang sarili para tukuyin ang bagay na kumuha sa atensiyon ni Ryke. Napalunok siya nang makitang sa nakaluwa niyang cleavage yata ito nakatingin. Nabuksan pala ang butones ng hapit niyang blusa. Binitawan niya ang baso at agad na hinagilap ng daliri ang butones at isinara iyon. Tila nahimasmasan bigla si Ryke. Inabot nito ang baso at uminom ng tubig.

Inabot ni Violet ang pendant ng kanyang kwentas at may nerbiyos na pinaglaruan iyon ng mga daliri. Nag-init ang kanyang mukha nang bigla may maalala. Sa library nang maghubad siya ay binuhat siya ni Ryke sa tagong parte ng library at nakitaan nga pala siya nito. Wala siyang pakialam sa mga pangyayaring iyon dahil sa matinding galit na nararamdaman sa matandang dean na ngayon ay napatalsik na sa pwesto at nililitis na ang kaso. Thank, God. Ngayon lang nag-sink in sa kanya kung ano ang itsura niya nang mga panahong iyon habang kaharap si Ryke at nakaluwa ang kanyang dibdib. Napangiwi si Violet sa naisip.

Ano kaya ang naisip ni Ryke nang mga panahon na iyon? Ngayon lang din niya naalala ang naging itsura ni Ryke. Para itong natuklaw ng ahas sa gulat habang siya ay nagtatalak. Muling nagyuko si Violet at nagpatuloy sa pagkain. Ang binabalak na pag-inom ng tubig ay naisantabi na. Ang bilis bilis bigla ng tibok ng puso niya. Ano ba ang iniisip ni Ryke habang nakatitig ito sa kanyang dibdib? Baka hindi naman talaga ang dibdib niya ang titingnan nito kundi ang kanyang kwentas lang.

"Kumusta pala kayo ni Air?" Muli siyang ngumiwi pero nagpasalamat na nagtanong ito ng gano'n.

"Okay naman. Air is a nice guy. He's sweet and a gentleman," she answered without looking at him.

"Sa 'yo lang. Mukhang tinamaan talaga sa 'yo. Nagtataka nga ako kung ano ang nakita sa 'yo. Hindi ka naman ka-jowa-jowa." Matalim na sulyap ang ipinukol ni Violet kay Ryke but deep within, she's hurt kahit hindi naman dapat. She was hurt by his statement. Mukhang wala itong magandang katangiang nakikita sa kanya para makita siya nito bilang girlfriend material.

Tumawa lang si Ryke sa ipinakitang reaksyon ni Violet.

--

NAPANSIN ni Violet na parang hindi mapakali si Lavender. Palakad-lakad ito sa kanilang silid habang hawak ang phone. Katatapos lang nitong makausap si Ryke.

"Ano ang problema, Lavender?" tanong ni Violet sa kapatid nang hindi na makatiis pa. Umupo ito sa kama ni Lilac paharap sa kanya.

"Nakalimutan ko na may usapan pala kami ni Ryke ngayon."

"3rd monthsary niyo nga pala ngayon."

"May usapan kaming magdi-dinner sa labas. Susunduin niya sana ako kaso sabi ko sa restaurant na lang kami magkita." Nasa palasyo nga pala si Ryke ngayon.

"Oh, ano ang problema?"

"I can't go. May tinatapos akong research paper and I need to polish it. Ipapasa ko 'yon bukas."

"Hindi ba pwedeng tapusin mo na lang 'yan mamaya?"

"I can't. Nagsabay-sabay ang projects namin ngayon. Kailangan mataas ang makuha kong grade ngayon kundi baka mauungusan ako sa rank ni Gia."

"Oh, e 'di sabihin mo kay Ryke."

"Magagalit 'yon sa 'kin. Every monthsary na lang namin ganito. Saka kung ngayon ko sasabihin, madi-disappoint 'yon. Papunta na siya sa resto."

"Oh, ano ang gusto mong mangyari ngayon? Ayaw mong pumunta pero ayaw mo rin sabihin kay Ryke. Ano, hatiin natin ang katawan mo?"

Tinitigan ni Lavender si Violet at alam na agad ni Violet ang gusto nitong mangyari.

"No way! Baka gusto mong bumagsak ka kung ako ang pagagawin mo ng research paper mo. Ano'ng alam ko riyan." Tumayo si Lavender at lumapit sa tabi niya. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay.

"Hindi 'yon. I want you to go there."

"Tatawagan ko na lang si Ryke. May lakad din ako ngayon. Birthday ni Tammy ngayon."

"Pinayagan ka nina Papa at Mama?"

"Hindi. Dating gawi."

"I won't participate. Hindi kita pagtatakpan. Kapag tinanong nila ako, sasabihin ko na tumakas ka. Tiyak na magpapadala siya ng maraming bodyguards sa bahay ni Tammy para sunduin ka at nakakahiya 'yon."

"Blackmailer!"

Iginalaw-galaw ni Lavender ang kilay.

"Oo na. Pupuntahan ko na at sasabihing hindi ka makakapunta."

"No! That's not what I want you to do."

"Eh, ano? Sabi mo puntahan ko."

"Yeah. Pero gusto kong pumunta ka bilang ako."

"What? Gusto mong magpanggap ako bilang ikaw? Ayos ka lang? Hindi naman kailangan 'yon. Pupuntahan ko siya at sasabihing hindi ka makakapunta at tapos ang problema mo."

"No! Hindi 'yon ganoon kadali. Nasabi ko na kay Ryke na pupunta ako. Kahapon nagtatampo na 'yon sa 'kin dahil nga pinauwi ko nang maaga at nangako akong babawi ako ngayon." Muling ginaganap ni Lavender ang kamay ni Violet.

"Violet, please! Kahit isang oras lang at umalis ka na. Magdahilan ka kay Ryke. Kung ako kasi ang pupunta, siguradong hindi ako makakaalis. Hindi ko siya matatanggihan kapag magkaharap na kami. Babawi na lang ako sa kanya bukas. Ako na lang din ang magbibigay ng regalo ko para sa kanya. Sabihin mo na lang nakalimutan mo."

Umiling si Violet. "That's crazy! Mahahalata ako ni Ryke."

"No! Mag-behave ka lang. Just be tame and Ryke won't notice that it's you. Saka may bantay sa labas. Hindi ka makakatakas kung pupunta ka ng party kung hindi kita tutulungan." Alam niya 'yon. Si Lavender ang tumutulong sa kanya para linlangin ang bantay sa labas. Nagtitiwala ang mga ito kay Lavender pero hindi kay Lilac. Minsan kasing nagkuntsabahan sila ni Lilac ay nabuking sila. Ang palpak kasi ni Lilac.

"Pero kung pupunta ka kay Ryke, mas madali kang makakaalis. Magpahatid ka kay Kuya Jack at sabihin mong sasabay ka na lang kay Ryke pag-uwi."

"Lavender."

"Please! Ayaw kong magalit sa 'kin si Ryke. Sobrang dami ko ng pagkukulang sa kanya." Tanging ang pagbuntong-hininga na lang nagawa ni Violet.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top