Chapter One
FROM across the table, Ryke watched Lavender who's busy reading a pile of books. Mga librong may kinalaman sa law, political and leadership ang binabasa nito. Hindi pinagsasawaan ni Ryke na pagmasdan ang magandang mukha ng kasintahan. Lavender Angelisa Guevarra is the most beautiful woman in his eyes.
May dalawa itong kapatid, triplets nito; the first born was Violet Angelique, the second born was Lilac Angellette. Kamukhang-kamukha ni Lavender ang dalawa but there's something in her that made her stand out. It made her the most beautiful of them all. Her simplicity. Ryke loves Lavender's simplicity. Simple yet exudes sophistication in her every move. Not to mention that she's very intelligent. She is a bookworm and keen on cooking. A homebody. She's completely contented with everything and every choice she makes. It was very rare in this world full of bohemian women.
When she talks, she would make him listen to her for hours. He wouldn't mind that. In fact, he's enjoying it. May sense ang lahat ng sinasabi nito. Hinding-hindi siya magsasawang kausap ito o kahit titigan man lang habang busy ito sa pagbabasa. He's the luckiest man alive to have a girlfriend like her.
Mula sa pagkakaupo ay tumayo si Ryke at dumukwang para halikan ang kasintahan sa pisngi. Nandilat ang mga mata ni Lavender. Her makeup-free cheeks tinted red. Napaka-cute talaga!
"Ryke!" Sita nito at inilibot ang mata sa loob ng library. Mukhang wala namang nakakita sa ginawa niya. Lahat ng estudyante ay abala sa kanya-kanyang ginagawa. Oh, hindi niya alam na nandito pala ang dean at ilang benefactor sa loob ng library. Perhaps, they are having a tour around the university.
"Why did you do that?" She tried her best not to make a noise to interrupt their fellow students.
"I'm sorry! I can't help it. I fall in love with you even more as I watch you." Lalong nadagdagan ang pamumula sa pisngi nito dahil sa sinabi ni Ryke. And that makes her more beautiful.
"Don't do that again! We are in a public place."
"Then stop doing things that can make me fall madly deeply in love with you."
"I didn't do anything!" Mas lalo pa itong namula habang kagat ang ibabang labi.
"Well, that's the problem." Inabot ni Ryke ang mga kamay ni Lavender at pinisil ang mga iyon.
"You are making me fall in love with you effortlessly. Hay, Lavender! Mahal na mahal kita!" Lavender smiled shyly. Hindi ito aware na sa simpleng pagngiti nito ay lalo siyang nahuhulog dito. Lalo niya itong minamahal.
Bata palang sila malapit na sila ni Lavender sa isa't isa. Ito ang pinakagusto niya sa triplets. Mabait, laging nakangiti and she always agreed to whatever he said. Hindi katulad ng kapatid nitong si Violet na laging nakakontra sa kanya. Kahit mali na ito, pilit na nagrarason and he hates that. She's stubborn. Si Lilac ay mabait din naman katulad ni Lavender. Si Violet lang talaga ang may sungay sa tatlo. Hindi pa man sila isinisilang, matalik ng magkaibigan ang mga magulang nila. Her mother, the gorgeous International supermodel Sasahh Rodriguez-Dela Fuente and Lavender's mother, Lyca Veliganio-Guevarra were best friends. At ganoon din ang kanilang mga ama.
Dose anyos palang siya niligawan na niya si Lavender at sinagot siya nito kagabi lang. He's 20 now and Lavender is 19. Yes, he had been courting her for 7 years. He waited patiently. Hindi man lang sumagi sa isip niya na manligaw ng iba. Si Lavender ang gusto niya at gusto niyang pakasalan. Maka-graduate lang sila papakasalan niya agad si Lavender.
Sa ngayon kapwa sila nag-aaral sa Primrose University. Ang isa sa prestihiyosong unibersidad sa bansa. He's currently on his 3rd year, taking up Political Science and Lavender is a sophomore student, taking up Philosophy and Economic. Yes. She takes up two courses at the same time. Doubling up is just like putting more pressure but not to Lavender. It's just a piece of cake to her. She can sail through it. This is how she valued her time. She has her sight set on something much bigger and grander than her current situation. She believes it will help her get admitted to the top law school.
Balak nitong sundan ang yapak ng Guevarra men. Isang mahusay na abogado ang ama nitong si Alford Guevarra na siyang presidente ng sariling law firm ng pamilya. Her late great-grandfather, Romulo Guevarra was a judge. Her grandfather, Alfred Guevarra was a current Chief Justice of supreme court who appointed by President Wilson Eliseo dela Fuente, his father. His father, Wilson, is the current president of the republic.
He also wants to follow dela Fuente men footsteps and become a politician one day. His late great-grandfather, Wilson Rudolph Dela Fuente was a former senator. Ang kanyang Lolo Eliseo ay nanungkulan din sa bayan ng La Carlota noon bilang mayor, Congressman at gobernador at pinalitan ng kanyang ama. Pinili ng kanyang Lolo Eliseo na hindi na ituloy pa ang political career at mag-focus na lang sa negosyo. Their family own one of the leading insurance and investment company of the country and bank with one thousand branches. Mukhang ang kanyang kapatid na si Soft ang may balak sundan ang yapak ng kanyang Lolo Eliseo pagdating sa galing sa negosyo.
Nangako siya sa kanyang Lolo Senator bago ito pumanaw na magiging isang politician din siya at tutuparin niya iyon. He wants to be a good leader like his father. Mahal ng tao dahil maganda ang serbisyo at hindi corrupt.
Nagambala ang katahimikan ng library sa biglang pagpasok ng grupo ng kabataan. Ang Supreme Students; the school-based youth organization na binubuo ng iba't ibang studyanye mula sa iba't ibang unbersidad. Pero ang mga miyembrong naroon ay pawang estudyante ng Primrose University. Benteng miyembro rin iyon. Ang hindi niya maintindihan kung bakit dito sa library nag-iingay ang mga ito.
"Makibaka, huwag matakot!" Chant ng mga miyembro na pinapangunahan ni Violet. Umakyat sa mesa si Violet. Nakatingala rito ang mga estudyanteng nakaupo roon. Pawang nakamaang. Shock sa ginagawa ng mga ito.
"We demand justice for our fellow students!" Sigaw ni Violet habang ang mata ay na kay Mr. Peralta, the faculty head of this school. Nasa borrower counter ito, kausap ang librarian. Ito ang sadya ng mga ito.
"Hindi makatarungan ang ginawa mong pag-expell kay Peter at Jenna! Your grandson and his gang are the ones should be expelled and not the victims! We want them back! We want Peter Solomon and Jenna Sarcia back!" Sigaw ni Violet sa megaphone.
"Itigil mo ang kalokohang ito, Guevarra, dahil kung hindi ikaw ang papatalsikin sa eskwelahang ito!" Namumula ang mukha ni Mr. Peralta sa galit. Talagang magagalit ito. Ngayon pa talaga gumawa ng eksena si Violet kung kailan may bisita ang University. Mahahalagang tao ito. Isa sa malaking benefactor ng University. Tinu-tour ito ng dean kasama ang ilang board member.
"No way! You can't stop us from doing what is right! You, old man, can't stop me from fighting! Your grandson and his friends beat Peter to death and sexually molested Jenna pagkatapos, sila pa ang tinanggalan ng scholarship, at ang apo mong diablo ay patuloy na naghahari-harian dito?"
"We have carefully investigated the case and all signs point Peter as the perpetrator. Hindi lang ako ang nagdesisyon sa kasong 'yan!"
"And how about Jenna? You accused her of wearing immodest clothes that's why she got molested! You're unbelievable! We want Peter and Jenna back!" Violet demanded and the students chanted again in unison. Isinusuntok pa ang isang kamao sa ere.
"Si Violet talaga!" Mahinang usal ni Lavender.
"I advised her to take a legal action and not this way. Nangako ang org naming tutulong sa ipinaglalaban nila." Disappointed na umiling si Lavander. Ang organisayong kinabibilangan ni Lavender ay pawang mga studyanteng nagnanais mag-abogasya ang kasali.
Si Ryke ay amused na nakatingin sa kabaliwang pinaggagawa ni Violet. Ngayon lang nagkaroon ng rally dito at pupusta siyang si Violet ang may pakana ng lahat ng ito. Napakatapang pero minsan hindi na nag-iisip ng kalalabasan.
Siguradong makukumprumiso ang eskwelahan na ito. Tatlong malalaking benefactor ang nakasaksi at kung magpapaapekto ito sa gulong nangyayari baka umatras ang mga ito at hindi na magbigay pa ng fund sa eskwelahan. At tiyak na maaapektuhan ang mga eskolar. Iyon ang hindi nito naisip. Unless, tanggalin sa posisyon si Mr. Peralta at hindi ma-disappoint ang mga benefactor.
Napapailing na muling humarap siya kay Lavender.
"We demand you to step down as the head of faculty! You, pervert dirty old man!" Muling sigaw ni Violet.
"Stop treating women as sexual object! Respect women! Respect women's bodies! You and your grandson at iba pang katulad niyong hayuk sa laman ay dapat na sinusunog ng buhay." Pinagsalikop ni Ryke ang mga kamay at inilagay iyon sa ilalim ng baba habang ang mga siko ay nakatukod sa mesa. Hindi na siya ngayon nakatingin kay Violet pero naaliw na nakikinig.
"Women's bodies are sacred! A life-giving vessel. They need to be respected... but, you dirty old man and your grandson sexually abused several women. You've been sexually harassing and blackmailing female students. You coerced desperate students into sex for scholarship and good grades! Manang-mana sa 'yo ang apo mo!"
Nanlaki ang mata ni Lavender at bahagya namang napangiwi si Ryke. Ang matanda ay namutla. Ang benefactor ay napatda sa matinding pagkabigla sa pambibisto ni Violet sa iginagalang na professor.
"You... shut up!" Galit na boses ni Mr. Peralta ang umalingawngaw sa buong library kapagkuwan pero hindi nagpapigil si Violet. Nagpatuloy ito.
"Wala kayong karapatan na babuyin ang katawan naming mga babae!"
"Oh my, God!" Biglang tumayo si Lavender.
"Violet!" Hiyaw ni Lavender. Nagtatakang nilingon ni Ryke si Violet. Maging siya ay hindi napigilan ang magulat sa ginawa ni Violet. Naghubad ito ng damit, pati na rin ng bra. Ang braso nito ang nakatakip ngayon sa magkabilang dibdib. Hawak ngayon ng kasamahan nito ang megaphone at itinapat iyon sa bibig ni Violet.
"Majority of men believe that the way a woman dresses is likely to lead to sexual assault. Now that I stripped off in public, did I invite unwanted sexual advances? This means that I want to be raped?"
"Siraulo!" Usal ni Ryke at mabilis na tumayo. Hinubad niya ang kanyang polo, sumampa sa mesa at ibinalot ang polo sa hubad na katawan ni Violet.
"What the hell are you doing!?" Angil niya rito at binuhat pababa sa mesa. Dinala niya ito sa tagong parte ng library at doon ibinaba.
"Ano ba, Ryke!? Huwag ka ngang pakialamero!" Tinanggal nito ang ibinalabal niyang polo at itinapon sa kanya. Napatda si Ryke nang lumantad sa mga mata niya ang dibdib ni Violet. Parang balewa ritong hubad ito at nakikita niya ang mga dibdib nito. Namaywang pa si Violet sa harapan niya. Her full, firm twin globes of flesh were heaving up and down at her hard breathing.
"God, Violet! Ano ba ang ginagawa mo!?" Nahimasmasan si Ryke sa pagkakatulala sa boses ni Lavender. Mabilis siyang tumalikod. Agad namang isinuot ni Lavender ang saplot ni Violet dito. Itinukod ni Ryke ang isang braso sa shelf ng libro at ipinatong sa braso ang noo.
"Pinapahiya mo ang sarili mo sa ginagawa mo, ano ka ba?"
"I don't care! I need to expose that man's dirty secrets."
"You can do it without showing your bosoms. Haven't you seen those students who took pictures and video of you? Siguradong trending ka sa social media mamaya lang."
"That's better. Iyon naman talaga ang gusto kong mangyari. Kunin ang interes ng tao at mag-trending ang isyu."
"They will be interested in your globes and not the issue. Oh, God, Violet! Lagot ka na naman nito kay Papa. Lagi mo siyang binibigyan ng sakit ng ulo. It's his birthday today tapos ganito pa ang ginawa mo."
"He will understand this."
"Ryke," tawag ni Lavender kay Ryke na tahimik na nakatayo paharap sa bookshelf.
"Hmm?" Tipid niyang tugon. Nag-aalangang tumingin at baka hindi pa bihis si Violet.
"Damit mo." Noon siya tuminag at bumaling sa dalawa. Kinuha niya ang damit mula kay Lavender at muli iyong isinuot. Napatitig siya kay Violet na galit na galit pa rin pero bigla ring nag-iwas ng tingin. Bigla siyang naasiwa. Jesus! He could still see her bosoms in his mind. Ryke shook his head to get his mind off her flesh. This is his first time to see boobs in person kaya ganito bigla ang naging reaksiyon niya. Ng katawan niya at hindi dapat. HINDI DAPAT, RYKE! DAMMIT!
Malaking kasalanan iyon kay Lavender.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top