Chapter Five
"SORRY, Air, sa kanina, ah?" Violet felt embarrassed for what she did. Those words just suddenly slipped out of her mouth. Nahihiya siya nang sobra kay Air. Pinuntahan niya ito sa klase niya at hinintay ang paglabas para lang makahingi ng paumanhin.
"That's okay, Violet." Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kokote niya at sinabi niyang nililigawan siya ni Air. Parang ang desperada tuloy ng datingan niya. Marami naman siyang manliligaw hindi lang talaga niya in-entertain. Ayaw niyang magpaligaw. Kasi nga umasa siya. Naniwala siya sa 'the more you hate, the more you love' ng mama niya.
Niyuko niya ang kanyang kamay nang hawakan iyon ni Air.
"Kung totohanin kaya natin, Violet?" Ibinalik niya ang tingin sa mukha ni Air. Nag-iba bigla ang ekspresyon nito. Halatang-halata ang pagkabalisa pero pilit na nilalakasan ang loob.
"I like you. I actually liked you ever since but I just don't have the courage to tell you about my feelings. Sabi kasi ni Ryke, babastedin mo lang ako."
Her eyebrows shot up. "Sinabi niya 'yon?" Mas naging interesado si Violet sa tungkol sa kung ano ang opinyon ni Ryke kaysa sa pagtatapat ni Air ng nararamdaman nito.
"Yeah. Like what you did to your other suitors."
"What else did he tell you about me?"
"Well, hindi naman ako naniniwala sa iba niyang sinabi. I know you have a strong personality. Intimidating sometimes but I know you aren't hard to deal with."
"He told you that I'm hard to deal with?" Her irritation started to arise.
Tumango si Air. "He told me that you are difficult at most times. But it's okay, I still want to try to court you. Magbabaka sakali ako ngayon."
Sobra ang pagkayamot ngayon ni Violet. That dude! Nanggigigil na naman siya, but she's hurt at the same time. Hindi dapat. Hindi dapat siya nasasaktan. Naiinis lang dapat siya! Iyon lang ang emosyong dapat bigyan niya ng puwang sa puso niya at wala ng iba pa.
"Violet, let's go!" Nagsalubong ang mga kilay ni Violet nang sa pagbaling niya kay Lavender ay nakitang kasama nito si Ryke. She texted Lavender informing her that she would go to see Air.
"Hindi ako sasama sa inyo. My suitor, Air, will drive me home. Right, Air?"
"Yeah. It's my pleasure." Ang kaninang pagiging kabado ay tuluyang nawala. Napalitan ng malapad na ngiti.
"Let's go." Hinila na niya si Air. Sumunod naman sina Ryke at Lavender.
"Sure ka na ba talaga riyan, pare?" He could feel the humor in Ryke's voice which fueled the irritation that started boiling within her. Bumaling siya kay Ryke. She casted him a murderous glare.
"Bakit mo ako sinisiraan kay Airyk? Why did you tell him not to court me because I'm difficult to deal with?"
Ryke shrugged. "I'm just being a good friend. I just need to warn my best friend about you. I know you very well, Violet. There are a bunch of reasons as to why I could see you as someone who's hard to deal with."
"You bastard!" Sinugod niya si Ryke at tangkang kukurutin sa katawan pero hinuli nito ang kamay niya at tatawa-tawang patakbong umatras.
"Truth hurts, Biyoleta?"
"Kapag inabutan kita, gulpi ka sa akin." Nagkaroon ng pagkakataon si Violet na mahabol si Ryke nang matumba ito dahil sa pag-atras. Mabilis naman itong nakabangon pero huli na dahil inabutan na ito ni Violet. Sinampahan ni Violet si Ryke sa likod. Biglang humiyaw ang lalaki nang kagatin niya ang tainga nito.
"Violet, stop! Masakit na!" Nang alam niyang nasasaktan na talaga ito ay saka niya tinantanan. Lumundag siya pababa.
"Fuck!" Mura ni Ryke habang sapo ang nasaktang tainga. Alam niyang nasaktan ito dahil talagang nilakasan niya ang pagkagat. Inirapan niya si Ryke saka muling lumapit kina Air at Lavender.
"Violet, talaga, lagi na lang sinasaktan si Ryke."
"I'm your sister, Lavender. Bakit siya ang kinakampihan mo?"
"Kasi mas love niya ako kaysa sa 'yo." Si Ryke na nilapitan si Lavender at inakbayan.
"Good luck, Air sa papasukin mo."
"It's my pleasure to be a battered boyfriend, mahalin lang ako ni Violet."
Humalukipkip si Violet at tinaasan ng kilay si Ryke. Nakaka-proud lang na may lalaking magsasabi sa kanya ng ganoon. Natawa lang si Ryke.
--
SUMABAY nga si Violet kay Airyk pero nakabuntot sa kanila ang bodyguard ni Ryke habang ang kanilang bodyguard ay naiwan para kay Lilac. Hindi sila maaaring lumabas na walang bodyguard. Mahigpit na ipinagbibilin iyon sa kanila ng kanilang papa. Sa trabaho kasi ng papa nila, madalas ay nagkakaroon ng banta ang kanilang buhay.
Tahimik siyang nakamasid sa nagmamanehong si Air. Hindi niya akalain na may gusto ito sa kanya. Pero kung sakali man ngang nagpahiwatig ito sa kanya ng nararamdaman noon, paniguradong babastedin lang niya. Pero bakit nga ba hindi niya bigyan ng pagkakataon si Air? Bigyan niya ng pagkakataon ang sarili niya. Chickboy rin naman ito pero kung mambababae ito habang nililigawan siya ay agad niyang babastedin.
Gwapo rin naman si Air. He is one of the cutest and popular jocks in the University. He is the basketball team captain. Magaling kung sa magaling. Gwapo kung sa gwapo pero terible sa pagiging babaero. Palibhasa habulin. Hindi nga ito pumuporma sa babae. Ito ang pinupormahan.
Kakaiba rin ang itsura nito. His look was rare. Lalo na dito sa Pinas. Tisoy was common already. Lalo sa school nila na ang daming foreigner at mga half ang descent like Ryke. Opposite si Ryke ni Airyk. Air has dark skin. His skin can be described as a peanut butter truffle tone—the darkest of the lighter skin or the lightest of darker skin. He has curly hair na namana nito sa amang African American. He has a cool hairstyle—curls with faded undercut. The style leaves the curls a bit longer on top and it gave him a playful look. Ang cute ng curly hair nitong bumagsak sa noo. Parang noodles. Ang mga mata naman nito at labi ay namana sa inang half-Filipina at half-Russian. Mapupula ang labi nito na sakto ang kapal at ang mga mata nito—oh man, he has the most beautiful shade of amber that really stands out from his face.
Binasa ni Air ng dila ang labi nito at mariing kinagat ang ibabang labi. Lalo iyong namula. Nang bumaling si Air kay Violet at makita ang matamang pagtitig ni Violet rito ay bigla itong na-conscious at agad na ibinalik ang atensiyon sa daan. Ang dati nang mamula-mulang balat nito ay lalong naging visible. God, he's so cute. Ngayon lang siya nakakita ng nagba-blush na lalaki at si Air pa na ang lakas ng self-confidence.
Sandali pa ay narating nila ang mansiyon. Nagmadaling bumaba si Air para lang pagbuksan siya ng pinto na na-appreciate naman niya.
"You want to come in? Magmeryenda ka muna."
"Hindi ko tatanggihan 'yan, Violet."
"Let's go inside then. I'll make you chocolate malt."
"Ako rin, Violet." Nilingon niya si Ryke na nakaakbay kay Lavender.
"Ayoko nga! Kay Lavender ka magpagawa."
"Hindi naman masarap gumawa ng chocolate malt si Lavender." Natatawang hinampas ni Lavender ang tiyan ni Ryke.
"Ang honest naman nito."
"Sorry, love, hindi talaga masarap, eh." Gustong ngumiti ni Violet pero hindi niya magawa. May kirot sa puso niya nang marinig mula kay Ryke ang pagtawag nito ng love kay Lavender. Stop it, Violet! Stop it!
"Saka may deal tayo 'di ba? You will make me chocomalt for a month."
"Oo na!"
Nagpatiuna na siyang pumasok ng gate.
Air and Ryke went to the poolside sala while Lavender and Violet went to the kitchen to prepare chocolate malt. Mahilig siyang gumawa ng chocolate drink and shake hanggang ma-perfect niya ito. Paborito ito ng lahat lalo na si Ryke.
"I like Air for you. Mukhang titino siya dahil sa 'yo. He was bevahed when you are around." Ani Lavender habang pinapanood siya sa paglagay ng whipped cream sa Milo Dinosaur.
"I like him, too. He's so cute. He caught me staring at him a while ago. Imbis na ako ang mahiya, alam mo bang siya pa ang namula? He's literally blushing."
"Really? That's cute!" Kinikilig na sabi ni Lavender.
Inilagay niya sa tray ang apat na Milo Dinosaur at dinala iyon sa bisita. Bitbit naman ni Lavender ang nachos na ito ang gumawa.
"Here's the snack!" Inilipag ni Violet ang tray sa mesa kung saan nakaupo sina Ryke at Air.
"This is for Lavender." Inilapag ni Violet ang chocomalt sa tapat ng inupuan ni Lavender.
"This is mine, and this for you, Ryke." Matapos maibigay kay Ryke ang para rito ay inilagay naman niya ang isa kay Air.
"And this for you, Air."
"Bakit kay Air may chocolate chips and eggroll wafer?" Reklamo ni Ryke na mukhang naiinggit sa espesyal na chocolate malt na ginawa niya para kay Air. Ganitong-ganito ang gustong chocomalt ni Ryke pero hindi ganito ang ginawa niya para rito. Tanging whipped cream lang ang inilagay niya.
"Because he's special, Ryke." Naupo si Violet sa couch na katabi ng nauupuan ni Air.
"Ikaw, hindi naman kita kaano-ano, but Air is my suitor."
"I'm your best friend!"
"Since when? As far as I've remembered, we're enemies." Pinagpalit pa rin ni Ryke ang chocomalt nito kay Air.
"Ryke!"
"I'll be your brother-in-law... very soon. So treat me right."
Aalma pa sana si Violet pero pinigil na siya ni Air.
"It's okay, Violet. Ito na lang sa 'kin."
"Ayos lang daw sa kanya. Hindi 'yan mahilig sa chocolate." Sinipsip na ni Ryke ang chocomalt kaya 'di na mabawi ni Violet.
"Yeah. But I think I'll be a chocolate lover from now on." Ani Air matapos tumikim ng inihanda niya.
"Oh, men, this is the most delicious chocolate shake I've ever tasted." Mukha namang hindi nambobola itong si Air. Mukhang nasarapan naman talaga.
Matapos maubos ang kinakain ay iniwan nina Ryke at Lavender sina Violet at Air. Naglakad-lakad ang lovers sa may gilid ng pool.
"Ahm. Gusto mo ba talaga ako?" tanong niya kay Air.
"I really do, Violet. I really do."
"Gusto sana kitang payagan manligaw kaya nga lang..." Sa sinabing iyon ni Violet ay agad na kawalan ng pag-asa ang bumalatay sa mukha ni Air.
"May kailangan kang malaman para hindi unfair sa 'yo. Then if you still want to court me. Okay. Pumapayag na akong ligawan mo ako."
"I think whatever it is, it won't change my mind. I like you a lot, Violet."
"Just promise me na walang makakaalam. This is my secret. At dahil papayagan kitang ligawan ako, I want you to know about it."
"I promise."
"I love someone else, Air." Bumaha sa gwapong mukha nito ang pagkagulat.
"Really? Wow! Ang swerte niya kung gayon."
"But he doesn't love me. May mahal siyang iba at hindi niya alam ang nararamdaman ko para sa kanya. At wala akong balak ipaalam 'yon kahit na kanino. Sinabi ko lang sa 'yo kasi gusto kong maging fair. Gusto ko sanang magpaligaw sa 'yo pero baka magmukhang—"
"Panakip butas ako?" Tumango si Violet. Gusto niyang maging honest. Ayaw niya ng conflict at drama.
Ginagap ni Air ang kamay ni Violet. "I'm willing to be a rebound. I want to help you to get over this man."
"Talaga?"
"Ganoon kita kagusto, Violet. I'll try my very best to help you forget this man. Whoever he is."
"Baka naman nacha-challenge ka lang dahil sanay kang ikaw ang hinahabol, Air."
"No, I swear no. You know me, Violet. When a girl is trying to play hard to get, hindi ako namimilit. Pero iba sa 'yo. Gustong-gusto kita. I'm willing to swallow my pride."
At ganoong klase ng lalaki ang hindi niya gusto. Ang halos sambahin siya. Iyon ang alam ng lahat lalo ng kanyang mga kapatid. Lagi niyang sinasabi na ayaw niya ng masyadong maginoo. Pero ang totoo, iyon ang kinaiinggitan niya kay Lavender—sa pagkakaroon ng best friend na katulad ni Ryke. Kabaliktaran ang trato ni Ryke kay Lavender sa trato nito sa kanya. Kung siya parang hindi babae kung itrato ni Ryke, si Lavender naman parang reyna kung itrato. She secretly fell in love with Ryke dahil sa bagay na ginagawa nito hindi sa kanya kundi sa kapatid niya. Hiniling niya that one day, Ryke will be falling in love with her, too.
But she was shocked when Ryke announced his relationship with Lavender. Hindi niya iyon in-expect. Sanay siya mula bata pa lang sila na ganoon na si Ryke kay Lavender. They are best friends. Na-scam siya ng mama niya sa pa 'the more you hate, the more you love' nito. Sa tuwing sasabihin niya sa mama niya na naiinis siya kay Ryke, iyon ang sasabihin sa kanya at naniwala naman siya. Hinintay niya ang araw na magbabago si Ryke ng pakikitungo sa kanya pero hindi naman nangyari.
Hays! She needs to move on. Air is willing to help her.
"Kung liligawan mo ako, dapat ako lang. Kapag nalaman kong may iba kang nililigawan bukod sa 'kin, basted ka na agad." Malapad na ngumiti si Air.
"Hindi na ako magpapaligaw sa iba." Inikutan niya ito ng mata. Mayabang. Pero totoo naman kasi. Hindi ito nanliligaw. Ito ang nililigawan. Napatawa si Air sa naging reaksyon ni Violet.
INANYAYAHAN muna ni Ryke si Air sa bahay nila pagkatapos umalis sa bahay nina Lavender. Gusto niya itong makausap nang masinsinan. Inabot niya ang lata ng beer sa kaibigan at binuksan naman ang isa para sa kanya. Magkatabi silang naupo sa high stool ng home bar.
"Dito ka pa rin ba nag-i-stay?" tanong ni Air bago uminom sa lata ng beer nito.
"Yeah. Mas gusto ko rito kaysa sa Malacañang. Mas malapit kay Lavender." Simula nang manalo sa pagkapangulo ang kanyang papa at lumipat sa Malacañang ay nagpaiwan siya rito. Pero tuwing weekend ay nandoon siya; minsan naman ay nandito ang kanyang magulang at kapatid.
"About Violet..." Bukas niya sa gustong pag-usapan matapos uminom ng beer.
"What about Violet?"
"Seryoso ka ba na liligawan mo siya?"
"Concerned ka ba sa 'kin?" Natatawang tanong ni Air. Uminom ito ng beer.
"No. Kay Violet ako concerned. Kilala kita, pare. Alam ko kung paano mo tratuhin ang babae."
"Pare, iba si Violet. Makakaasa kang hindi ko siya sasaktan. Alam mo naman na matagal ko na siyang gusto 'di ba?" Matagal na ngang gusto ni Air si Violet. High school pa lang sila nang sabihin nitong gusto nitong ligawan si Violet pero hinarang niya iyon. Bukod sa hindi pa pwedeng ligawan ang triplets ay hindi niya gusto si Air para kay Violet. Kilala niya si Air pagdating sa babae.
"I love Violet, pare. Kapatid ang turing ko sa sutil na 'yon kahit lagi kaming nagtatalo. I care for her at sa oras na pinaiyak mo 'yon, katapusan na ng pagkakaibigan natin." He meant it. He cares for Violet as much as he cares for Lavender. Lagi silang nagtatalo pero mahal niya bilang kapatid ang babaeng 'yon.
"I won't hurt her. I like her a lot. Pakiramdam ko nga, in love na ako, eh. Kanina kasi sa school, pinuntahan ko siya sa department nila pero syempre sinabi kong napadaan lang ako. Habang tinititigan ko siya, grabe 'yong tibok ng puso ko lalo na nang ngitian niya ako." Napangiwi si Ryke nang makita ang pagningning ng mga mata ni Air habang nagkukwento. Ngayon lang niya nakitang magkaganito si Air.
"I caught her staring at me and damn, pare, para akong matutunaw." Napatawa sa pagkakataon na iyon si Ryke. Napaka-korni. He even splayed his hand on his chest dramatically.
"Saka kung hindi ako seryoso sa kanya, hindi naman ako papayag na maging rebound lang."
"Rebound?" Muling uminom si Ryke ng beer. Ganoon din ang ginawa ni Air bago nito itinuloy ang sinasabi.
"Okay. I'll tell you pero atin lang ito. Nangako ako kay Violet na walang makakaalam pero since you care for her at para maalis ang suspetsa mo sa akin, sasabihin ko."
Tumango lang si Ryke.
"Violet is in love with someone else pero may girlfriend na raw ang gusto niya. Wala raw gusto sa kanya. Meaning walang pag-asa. Ipinagtapat niya sa 'kin kasi gusto niyang maging fair sa 'kin. And I'm willing to help her to get over this man. Handa akong maging panakip butas. But I'll make her fall in love with me in a process."
"Kanino raw siya in love?"
"She didn't tell me." Woah! In love si Violet sa iba at hindi nasuklian ang nararamdaman nito para sa lalaking 'yon. Alam kaya ni Lavender ang tungkol dito? At nagugulat siya kay Air. Mukhang matindi nga ang tama nito kay Violet para pumayag sa ganoon. Manliligaw pa? Eh, hindi naman ito marunong manligaw.
Nakaubos lang ng dalawang lata ng beer ang magkaibigan at nagpaalam na rin si Air. Uuwi raw ito nang maaga para maaga rin magising bukas. Susunduin daw nito si Violet. Sa Ayala Alabang, Muntinlupa pa si Air manggagaling habang sila ay nasa Quezon City.
Tinanaw niya ng tingin ang papalayong sasakyan ni Air hanggang sa makalayo na ito. Nang papasok na siya ay nakita niya ang isa sa triplets. Si Violet na nagtatapon ng basura. Magkatabi ang bahay nila. Ito siguro ang nakatoka ngayon. Nakagawian na ng pamilya na dapat ay tutulong ang triplets kahit sa simpleng gawaing bahay. Katulad na lang ng pagtapon ng basura.
Paano niyang nalaman na si Violet ang nakikita? Simple lang. Magkakaibang manamit ang tatlo kahit nasa bahay lang kaya sigurado siyang si Violet ito. Pati na rin ang kilos. Hindi gaanong pino ang kilos nito kumpara kina Lavender at Lilac. Sa ayos naman ng buhok, nakalugay o kaya'y naka-bun lagi ang buhok ni Violet na katulad ngayon. Bastang itinali lang at may mga hibla ng buhok ang bumabagsak sa mukha. Hindi na pinag-e-effort-an habang si Lilac ay laging kinukulot ang dulo ng buhok. Laging maayos. Si Lavender naman ay laging nakatali ang kalahati ng buhok. Madalas ay ribbon ang ginagamit na pangtali.
Sa halip na pumasok ay naglakad si Ryke patungo kay Violet. Violet was about to enter the house when he called her. "Violet."
She stopped in her tracks and looked at him as he walked toward her. "Ryke?" Sinalubong siya nito.
"There is also junk inside that you may want to dispose of."
Violet gave him a smile that seemed so genuinely sweet. Mga ngiting hindi mo aakaling demonyita ito. "Sure! Basta ba kasama ka sa itatapon ko." See! Demonyita talaga ito pagdating sa kanya.
"By the way, about Airyk. Seryoso ka na ba talagang magpapaligaw sa kanya? Baka magbago pa ang isip mo?"
"Bakit naman kailangan kong magbago ng isip?"
"Kakasagot pa lang sa 'kin ni Lavender. Gusto kong sulitin ang mga oras na kasama siya. Kung magpapaligaw ka kay Airyk, kailangan kong bantayan kayo. Alam mo na, baka saktan mo ang kaibigan ko. Demonyita ka pa naman."
Humakbang si Violet palapit kay Ryke. Hinawakan nito ang magkabilang braso ni Ryke at matamis na ngumiti.
"You are such a sweet friend, Ryker." Dumausdos ang dalawang kamay ni Violet sa braso ni Ryke, pinisil ang braso niya bago binitawan pero bigla na lang siyang napahiyaw nang kurutin siya ni Violet sa tagiliran. Naramdaman niya ang pagbaon ng kuko nito sa balat niya kahit may damit pa siya.
Tumakbo si Violet patungo sa gate. Bago ito pumasok ay dinilaan pa siya nito. Parang bata! Bwisit talaga ang babaeng 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top