Chapter Eight
VIOLET has no idea if how many times she took and expelled a deep breath when the car pulled over and parked close to the restaurant where Ryke was waiting. She felt strung out. Paano kung mahalata siya ni Ryke? Siguradong magagalit ito hindi lang sa kanya kundi pati na rin kay Lavender.
"Señorita Lavender, ayos ka lang?" Hindi naman nakahalata si Jack na impostora ang kaharap nito. Ang ayos ng kanyang buhok at pananamit ay style ni Lavender. White off-shoulder button down dress ang kanyang suot. Hanggang tuhod ang haba niyon at may mahabang manggas. Red Chanel flats and red caviar leather Chanel sling bag. Habang ang kanyang buhok at nakapusod ng white Chanel ribbon. Pati ang kanyang kilos ay tiyak na walang magduruda na hindi siya si Lavender. Kaya naman niya iyon. She loved mimicking her siblings since they were still kids. Ang hindi lang nila naloloko ay ang mga magulang nila kahit gaano niya pa husayan ang pagpapanggap.
"Pwede na po kayong umuwi, Kuya Jack. Isasabay na ako ni Ryke pauwi."
"Sige." Muling sinilip ni Violet ang restaurant kung saan sila magkikita ni Ryke. Muli siyang nagpakawala ng isang maingay na buntong-hininga bago bumaba.
Niyuko niya ang daliri kung saan nakasuot ang singsing na ibinigay ni Ryke kay Lavender. Medyo maluwag ito sa kanya. Mas payat ang mga daliri niya kay Lavender. Nagtaas siya ng tingin at ilang sandali siyang nakatitig sa establisyemento bago humakbang patungong entrance. Nginitian pa niya sina Ram at Viktor, ang mga bodyguard ng panilya del Fuente bago pumasok. Pero napatigil siya sa bungad niyon; pagkamangha ang lumarawan sa kanyang mukha sa nakita. Walang taong kumakain sa loob. The whole restaurant was arranged into a romantic setting. There were red roses everywhere. Nirentahan yata ni Ryke ang buong resto para lang sa date nila ni Lavender.
Ang tanging nandoon ay ang ilang staff at violinist na may malapad na ngiti, at ang taong lihim niyang minamahal pero pag-aari na ng kanyang kapatid. He is dazzlingly handsome in his white shirt, layered with midnight blue sport coat and denim jeans. Wala sa loob na napahawak sa dibdib si Violet nang biglang tumibok nang mabilis ang puso niya.
Her fingers clenched against her chest when Ryke started to walk toward her. May dala itong bouquet ng mapupulang rosas habang may malapad na ngiti. Higit itong gumugwapo kapag nakangiti. Lalo niyong pinapatibok nang mabilis ang puso niya. Mali talaga na pumayag siya sa kabaliwan ng kapatid niya.
"Hi," bati ni Ryke kay Violet na nakatulala. Hindi magawang batiin pabalik ang binata. She was speechless.
"Hey!" Napatawa si Ryke dahil sa reaksyon ni Violet.
"Nakakatulala ba masyado ang kagwapuhan ko?" Her lips parted, but she said nothing, so she just closed it again. Muli lang iyong ikinatawa ni Ryke.
"Halika nga!" Kinabig siya ni Ryke at buong suyong niyakap. Nahigit ni Violet ang kanyang paghinga. Hindi niya ito inaasahan. Ito ang unang pagkakataon na niyakap siya ni Ryke. Alam niyang mali pero napakasarap pala sa pakiramdam.
"Thank you for giving me your time. I appreciate this, Lavender." Mahihimigan ang saya sa boses ni Ryke. Parang hindi niya kayang sirain kung bigla na lang siyang aalis. Bakit ba naman kasi ganoon ang kapatid niya? Kung hindi naman pala nito kayang maglaan ng oras para kay Ryke sa mga ganitong mahalagang okasyon, sana hindi na lang nito sinagot muna.
Kumalas si Ryke mula sa pagkakayakap kay Violet at ibinigay ang bulalak sa kanya. Iginiya siya nito patungo sa mesa at pinaghila ng silya.
"Have you rented the whole place?" she inquired before sitting down. Ipinatong niya sa mesa ang bag.
"Yeah. Do you like it?" sagot ni Ryke na umupo sa kabilang silya.
"Sobra!" Inikot ni Violet ang tingin sa buong lugar. Napaka-romantic ng buong lugar. Akala niya simpleng dinner lang sa resto kasama ang iba pang costumers. Sayang! Hindi man lang makikita ni Lavender ang effort ng boyfriend nito. Ngumiti siya nang ibalik niya ang tingin kay Ryke na matamang nakatitig sa kanya.
"Thank you for this. I'm so lucky to have a boyfriend like you, Ryke. Sobrang swerte!" She spoke for her sister. Lavender is indeed lucky. Mas lumapad ang ngiti ni Ryke. Inilahad nito ang kamay sa mesa, asking for her hand. Ipinatong naman ni Violet ang isang kamay niya sa nakabukas na palad nito.
"Mas maswerte ako sa 'yo, Lavender." Dinala nito ang kamay ni Violet sa labi at ginawaran ng pinong halik ang likod ng palad. Tingles and shockwaves run through her body as his lips touched her skin.
"I love you so much."
"I—I love you, too." She said it not as Lavender but as herself. Hindi naman nito malalaman iyon. At least nasabi niya kahit ngayon lang. Pagkatapos nito, tuluyan na niyang kakalimutan si Ryke.
Dinala ng waiter ang pagkain nila. They started eating while chatting. Tuluyang nawala ang pagkailang na nararamdaman niya na pinilit niya talagang alisin. Kahit ngayon lang. Gusto niyang ma-enjoy ang moment na ito with Ryke.
Tawa sila nang tawa nang mapag-usapan nila ang nakaraan. Noong mga bata pa sila.
"Do you remember when I and Violet were fighting over your donkeys? Violet was pissed off dahil ayaw kong maniwalang lalaki ang mga donkeys."
"Yeah. Ang tigas kasi ng ulo mo."
"I didn't see their penis." Sabay silang natawa. Natigilan si Ryke at napatitig kay Violet. Bigla naman siyang na-concious kaya tumigil siya sa pagtawa at nabahala na rin. Hindi ganitong tumawa si Lavender.
"I like your laugh. Do that often."
"Huh?"
"That hearty laughter sounds good. Para kang si Violet kapag tumatawa nang ganyan."
"Pero naiinis ka sa tawa niya 'di ba? Kasi hindi mahinhin. Para siyang lalaki kung tumawa." Iyon ang sabi nito sa kanya at iyon ang pinapaniwalaan niya. At para asarin ito ay mas lalo niya iyong ginagawa. She got a crush on Ryke pero hindi ibig sabihin niyon na babaguhin niya ang sarili niya para rito lalo't walang masama sa ginagawa niya.
Bahagyang kumunot ang noo ni Ryke.
"Hindi ba sinabi ko sa 'yo na sabi ko lang 'yon sa kanya. I like her laugh. Kung meron man akong gusto sa babaeng 'yon, iyon ang tawa niya. It's contagious."
Okay! She didn't expect that. Buong akala niya, wala ni isang magustuhan si Ryke sa kanya. Pero hindi hinayaan ni Violet na makaramdam pa ng anuman dahil sa nalaman.
It's a sin! Paalala niya sa kanyang sarili. Iyon nga lang ay hindi niya maawat sa mabilis na pagtibok ang puso niya but her mind can control it at iyon ang ginagawa niya.
Nag-focus siya sa pagkain. "I love the steak." Inabot niya ang flute wine at sumimsim ng laman.
"But I prefer red wine than champagne. Red wine and red meat is the prefect combination." Champagne kasi ang sinerve sa kanya habang kay Ryke ay red wine.
"Pero 'yan ang gusto mo." Napatingin si Violet kay Ryke. Muntik pa siyang masamid nang biglang maalalang hindi nga pala umiinom ng red wine si Lavender. French sparkling wine lang ang iniinom ng kapatid niya.
"Yeah. I love it." Shit! Umaayos ka, self!
Sumenyas si Ryke sa violinist at nagsimula itong tumugtog. Endless love by Lionel Richie and Diana Ross ang musikang tinugtog ng violinist. Ang old. 'Yan ang paborito ng kanyang kapatid. Nagpunas si Ryke ng bibig saka tumayo. Lumapit ito sa kanya at inilahad ang kamay.
"Let's dance." Inabot iyon ni Violet at hinayaan niyang igiya siya ni Ryke sa dance floor kung saan sinadyang lagyan ng hugis pusong backdrop. Gawa iyon lahat sa pulang rosas.
Ryke put his hand on her back as he took her one hand in his and held it. Inilapat ni Violet ang isang palad sa dibdib nito at hinayaan niyang magkaroon ng distansiya ang kanilang mga katawan. Sumunod ang katawan niya nang magsimulang gumalaw si Ryke. Napaka-romantic ng mga nagaganap. Mga bagay na papangarapin ng sino mang babae.
Napakaswerte talaga ni Lavender kay Ryke. Inaamin niyang nakakaramdam siya ng inggit. Noon pa man ay naiinggit na siya sa closeness nina Ryke at Lavender. Isang araw nagising na lang siyang naiinggit sa kapatid dahil sa espesyal na pagtrato ni Ryke dito na kasalungat sa pagtrato sa kanya.
Hinapit siya ni Ryke. Tuluyang naglapat ang kanilang mga katawan. Hinayaan na lang ni Violet. Naramdamam niya ang labi ni Ryke na dumampi sa tuktok ng kanyang ulo. Wala sa loob na inihilig ni Violet ang gilid ng kanyang ulo sa dibdib ni Ryke at ipinikit ang mga mata. Rinig na rinig niya ang tibok ng puso nito. Ang puso nitong alam niyang si Lavender ang itinitibok.
"I love you, Love." Bulong ni Ryke at mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang baywang.
"I love you, too, baby." Pinagtagis ni Violet ang mga ngipin. Damn! Ano ba ang pinagsasabi niya? Baby? That endearment is so appealing to her she'd promised to herself she would use it when Ryke would be her boyfriend. Noon na hindi pa niya alam na nililigawan nito si Lavender.
Inilagay ni Ryke ang kamay ni Violet na hawak nito sa balikat nito. Humaplos ang kamay ni Ryke sa pisngi ni Violet pababa sa kanyang baba. He held her chin between his fingers, tipping her head back and kissed her. She closed her eyes, relishing the gentle movement of his lips against hers.
Wait! Kissed her? Ryke kissed her?
Napamulagat si Violet sa realisasyon. Buong pwersa niyang itinulak si Ryke. Nagulat ang binata.
"Hey, what's wrong?"
"Um. I have to go, Ryke. May mga kailangan pa kasi akong tapusing project. Ipapasa ko 'yon bukas."
"Lavender!" Bumaha agad ang hindi pagsang-ayon sa mukha ni Ryke.
"I'm sorry. I have to go. Bye!" Kinuha niya ang sling na nasa mesa at halos takbuhin niya ang paglabas ng resto. Nang makalabas ay agad niyang pinara ang unang taxi na dumaan na ipinagpasalamat niya. Sinubukan siyang lapitan ni Ram, ang bodyguard ni Ryke pero hindi na siya nahabol pa.
"Saan po tayo, ma'am?"
"Green Village po, please!" Napahawak si Violet sa dibdib at mariing ipinikit ang mata.
"Don't kiss him, ah? Kapag nagtangka si Ryke na halikan ka, ikaw na ang bahalang magdahilan. I won't allow Ryke to kiss somebody else. First kiss namin ang isa't isa at gusto ko na ako lang din ang huli niyang hahalikan."
Umaalingawngaw sa kanyang isip ang mga bilin ni Lavender sa kanya. Sobra na siyang na-guilty sa ginawa niyang paghalik kay Ryke noon at ngayon ito na naman.
"Argh!" Aburido siyang tumadyak sa likod ng upuan ng driver.
"Huwag mo naman po sa 'kin ibunton ang galit mo." Natatawang sabi ng driver.
"I'm sorry po."
---
NANG marating niya ang bahay ni Tammy ay nagkakasiyahan na ang lahat. Maraming tao. Sayawan at inuman. Nagagawang magpa-party ni Tammy dahil wala ang parents nito. Sa abroad nagta-trabaho ang mga magulang nito. Nasa kasiyahan siya pero wala roon ang kanyang utak kundi na kay Ryke. Napansin ni Tammy na balisa si Violet kaya naman sinabi niya sa kaibigan ang ginawa niyang pagpapanggap kay Ryke pati na rin ang paghalik sa kanya ni Ryke. Namumroblema siya ngayon dahil bigla na lang niyang nilayasan si Ryke. Hindi niya dapat ginawa 'yon. Si Lavender ang mamumroblema nito.
"Stop worrying, Violet. Hindi mo naman kasalanan na halikan ka ni Ryke. Kasalanan 'yan ng kapatid mo. Take this." Inabot sa kanya ni Tammy ang isang shot ng alak. Hindi na siya nagtanong pa kung anong klaseng alak iyon basta ininom na lang niya. Kailangan niyang alisin sa isip niya si Ryke. Bahala na bukas. Si Lavender na lang ang magpaliwanag. Tutal matalino naman ang kapatid niya. Kaya na nito iyon.
Muli siyang humingi ng alak kay Tammy.
"I'll be back. May kakausapin lang ako." Tumayo ito mula sa couch kung saan sila magkatabing nakaupo.
"Jericka, ikaw na muna ang bahala kay Violet. She needs more alcohol tonight."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top