Chapter 6

Matapos magkulong buong maghapon sa hotel room ay lumabas si Lavender nang alas-sais y media ng gabi para mag-dinner sa isang restaurant sa baba. She'd been reviewing some of the cases she handled after she woke up at 3. She skipped breakfast and lunch kaya nakaramdam siya ng gutom nang ganito kaaga. Usually ay 7:30 or 8 ang dinner niya.

She just ordered grilled lamb cutlets and whole mango pulp cake for dessert. Nang maubos niya ang main course ay excited niyang sinimulang kainin ang dessert. Napapangiti siya habang kinakain iyon. Mango cake was heaven talaga. Any kind of mango cake can always brighten up her day. Dadalhin niya sa kwarto niya ang matitira at doon kakainin.

"Lavender?"

Nag-angat si Lavender ng tingin nang may tumawag sa kanya. Bahagyang tumaas ang kilay niya—that's her impolite way to ask someone's name—particularly men. Kaya yata natatakot sa kanya ang mga lalaki dahil ganito siya.

Sinulyapan nito ang bakanteng silya sa harapan niya at hindi na nagpaimbita pa at naupo na ito.

"Who are you?"

"Nakalimutan mo na agad? It's Callum... ahm... Benedict's friend."

Agad na umikot ang mga mata ni Lavender. Hindi niya mapigil.

"Oh, sorry! I know this is not the right time to mention his name. And I'm... ahm very sorry for what happened. I know you are upset—"

"Do I look upset?" Muli ang pag-arko ng kanyang mga kilay. Karamihan talaga sa tao hindi marunong magbasa ng emosyon ng tao. Kakairita.

Itinikom nito ang bibig na parang nananantiya ng sasabihin. Finally, naramdaman siguro ang iritasyon niya.

"You were at the church?" she asked, gazing back at him.

"Yeah."

"So, what happened?" Bigla ay naging interesado siyang kausap ito. Gusto niyang malaman ang nangyari.

"The scene was a little bit intense. Nagkagulo nang hindi ka dumating. Biglang umalis ang mga Razon. Nalaman na lang namin kay Benedict kanina na may sex tape pala sila ni Mikaela. That idiot!" Umiling ito pero bahagyang nakataas ang sulok ng labi. "He didn't know what he lost. He lost a rare gem."

Hindi umimik si Lavender. Nanatili siyang nakatitig sa lalaki.

Rare gem? Who? Siya o ang benefits na maaaring makuha ni Benedict sa pamilya niya kapag nakasal sila?

"And, oh! Did you visit your grandfather already?"

Nabitawan ni Lavender ang hawak na tinidor at bigla ay kumabog ang kanyang dibdib. "W-why do you ask?"

"Dinala ang lolo mo sa ospital. I just saw him at Makati Med."

"What!?" bulalas ni Lavender. Wala namang sakit sa puso ang lolo niya, but he's old, he's in his mid-90s already.

Walang paalam na iniwan ni Lavender si Callum at tinakbo ang elevator. Nang marating ang palapag kung saan naroon ang hotel room niya ay patakbo siyang lumabas ng elevator at tinungo ang silid. Kinuha niya ang mga gamit saka muling nagmadaling bumalik sa kinaroroonan ng elevator.

Habang nasa elevator ay tinawagan niya si Soft. Si Lilac sana kaso alam niyang magtatanong lang ito nang magtatanong. Pero ganoon din naman si Soft. Hindi agad niya nakuha ang sagot na gusto dahil sa daming tanong nito. Na-guilty naman siya bigla. Masyado niya palang pinag-alala ang mga kaibigan niya. Ano pa ang pamilya niya?

"How's Lolo, Soft? May balita ka?"

"He's okay. He's out of danger. Stress at pagod lang."

"Okay. I'll go there now."

Pagbukas ng elevator ay natigilan si Lavender nang makita si Callum sa labas niyon. Nakatukod ang kamay nito sa dingding sa gilid ng elevator.

"Hi," he greeted her with a friendly smile on his face.

Lumabas siya ng elevator nang may pumasok na ibang tao.

"Binayaran ko ang kinain mo."

Oh! Nakalimutan niya. She panicked upon hearing the news about her grandfather. "I'm sorry. Nakalimutan ko. Magkano ba?"

She was about to reach for her wallet inside her bag when Callum stopped her. "Huwag na. Treat ko na. Samahan na lang kita sa ospital."

"Huwag na, may sasakyan ako."

"Actually, ako ang walang sasakyan. Na-flat-an ako. Sabay na lang sana ako. Pupunta rin ako ng ospital."

Tumaas ang kilay niya. "Ano ang gagawin mo sa ospital?"

"I'm a doctor. I am working at the hospital where your grandfather is admitted."

"Oh," tangi niyang nasabi. Tinitigan niya ito nang ilang sandali. Ayaw niya sana pero nagpakita naman ito kabutihang loob. "Okay."

Malapad itong ngumiti sa positibong naging tugon ni Lavender.

She stopped by the front desk to let the concierge know she's leaving before heading to the hospital. Narating naman nila agad ang ospital na malapit lang din sa hotel kung saan siya nanggaling. Dumeretso sila sa ikalawang palapag kung saan naroon ang silid.

"Hi, Doctor Gotiaoco," bati ng isang nurse na nakasalubong nila sa hallway kay Callum. May pagkalapad-lapad itong ngiti habang nakatitig sa gwapong doktor.

Agad na pumasok si Lavender sa silid hustong marating niya iyon. Naroon ang mga magulang niya na nagulat pa sa pagdating niya.

"God, Lavender!" Si Lyca na agad na sinalubong ng yakap ang anak. "Oh, my God! How are you, baby?" Gumaralgal ang boses ng ina.

"I'm okay, Mama. Don't worry about me. I'm old enough to handle things, okay?"

"But you are still my baby." Niyakap niya nang mahigpit ang ina at hinaplos ang likod.

"Your baby is fine, Mama. I'm very fine." Nginitian ni Lavender ang ama na nakatitig sa kanya. Kapansin-pansin ang pagkaawa nito sa kanya. Hay! She couldn't blame her parents. But really, she's okay.

Bumitaw si Lavender mula sa pagkakayakap kay Lyca at bumaling sa abuelo na natutulog. "How's Grandpa?" Naglakad siya palapit sa gilid ng kama at umupo roon.

"Sumama ang pakiramdam niya dahil sa mga nangyari. Galit na galit siya." Si Lyca ang sumagot.

Inabot ni Lavender ang kamay ng abuelo. Unti-unti itong nagmulat ng mata. "Lavender?"

"Lolo." Ikinulong niya ang kamay ng abuelo sa mga palad niya.

"I'm sorry, apo!"

Agad siyang nabahala nang makita ang pamumuo ng luha sa mata ng lolo. "Hey, wala kang kasalanan."

Pinilit nitong iiling ang ulo. "It's my fault. Ako ang may gusto nito. Ako ang may kasalanan."

"No! Ginawa mo 'yon kasi iyon ang tingin mong makakabuti para sa akin. At iyon din ang akala ko. Please, let's not blame ourselves. Tapos na 'yon. Ang mahalaga ngayon ay ang gumaling ka, Lolo. Mas masa-sad ako kapag ganito ka."

Gumuhit ang ngiti sa nanunuyong labi ng matanda. "Maayos ako. Itong papa mo lang kasi ang makulit."

"Mabuti na ring hindi natuloy ang kasal. Kasi siguradong kakain ka na naman ng mga bawal. Doon ka excited, 'no?" she teased him which earned a small laughter from him.

Napangiti na rin si Lavender nang makitang muli ang saya sa mga mata ng abuelo. Napanatag na siya na makitang maayos ang lolo. Sinabi niyang hindi naman siya nasaktan dahil hindi naman talaga niya mahal si Benedict.

Matapos makausap ang lolo niya ay nagpaalam na siya rito. Kinausap pa siya ng mga magulang. Kung ang mama niya ay nakumbinsi niya na maayos lang siya, hindi ang papa niya. Hindi maibsan ang galit nito at kinakabahan siya sa maaring gawin nito.

Sa paglabas niya ay naroon pa rin si Callum, nakaupo sa isa sa mga silya sa hallway. Tumayo ito nang makita ang paglabas niya.

"Is he okay now?" tanong nito.

"Yeah. Thank you for informing me about this."

"No big deal."

"Lavy!"

Sabay na bumaling sina Callum at Lavender kay Soft na naglalakad nang mabilis sa hallway palapit sa kanila. Nang makalapit ito ay masama nitong tinitigan si Callum bago itinuon sa kanya ang buong atensiyon.

"Hey!" Bigla siya nitong niyakap. Napatawa si Lavender at yumakap na rin sa kaibigan. Bakit ba siya kinakaawaan ng mga ito? "You got us worried. Saan ka ba nanggaling?"

"I'm okay, Soft. Matanda na ako."

"I love you... we love you. You know that, right?"

Lavender smiled. "I know, Sofronio. Stop worrying."

NAGISING SI Lavender dahil sa mahihinang pag-iyak. Akala niya ay naiwan niyang bukas ang telebisyon kagabi. Pero sa pagmulat niya ay nabungaran niya ang mga kapatid na nakatunghay sa kanya habang tahimik na umiiyak. Nakaupo ang dalawa sa magkabilang gilid ng kama. Napabangon si Lavender.

"What happened? Bakit kayo umiiyak?"

Sa halip na sagutin ay niyakap siya ng dalawang kapatid at mas lalo pang naiyak. Napapikit si Lavender. Mukhang alam na niya kung bakit nag-iiyakan ang dalawang ito. Akala niya kung may nangyari nang masama sa lolo nila. Iyon agad ang pumasok sa isip niya.

"Namatay na ba sex life n'yo kaya kayo umiiyak?" pagbibiro ni Lavender sa dalawang kapatid. Sabay na bumitaw mula sa pagkakayakap ang dalawa at gulat na napatitig kay Lavender. Ito ang unang beses na nagbanggit siya ng tungkol sa sex life.

Nagkatinginan sina Lilac at Violet at kapagkuwan ay parang mga batang pumalahaw ng iyak.

"Oh, God! It really affects you that much!" ani Lilac na muling niyakap si Lavender at ganoon din ang ginawa ni Violet.

"Tigilan n'yo nga ako!" Pilit na kumawala si Lavender sa pagkakayakap ng dalawang kapatid. "I'm okay. I'm very fine. Ako pa ba?"

"Then why are you talking about sex?" tanong ni Violet na sinabayan ng paghikbi.

"Ayaw n'yo ba?"

"Gusto sana kaya lang... ang weird, e," ani Lilac na katulad ni Violet ay humihikbi rin.

"Ano ba ang nangyari? Kailan mo nalaman ang tungkol sa katarantaduhan ng Benedict na 'yon?" Inabot ni Lilac ang kamay ni Lavender. "Sabihin mo, Lavender."

Bumuntonghininga si Lavender at napilitang ikuwento ang mga nangyari noong engagement party at ang mga plinano niya para makaganti sa dalawang 'yon.

"Gagong 'yon!" Bumaha ang galit sa mukha nina Lilac at Violet.

"Hayaan n'yo na. Sa ginawa ko, tingnan lang natin kung ano ang gagawin ng tatay at lolo niya."

Hindi naman niya isinapubliko ang sex tape ng dalawa. That's enough revenge. Pamilya lang nila ang nakakaalam sa totoong dahilan at iisipin ng ibang tao na siya ang tumalikod sa kasal. Mas gugustuhin na rin iyon ng mga Razon kaysa ang malaman ng publiko ang ginawa ni Benedict. Hindi rin naman niya gustong pag-usapan ng mga tao na siya ang iniwan at magmukhang katawa-tawa.

"Ipagluluto ko na lang kayo ng almusal. Ano ang gusto n'yo?" Bumaba siya ng kama. "Mag-aayos lang ako. Bumaba na kayo. Susunod ako."

Dumeretso siya sa banyo, naghilamos at nagsepilyo. Paglabas niya ay wala na sina Lilac at Violet sa silid. Nagsuklay lang siya ng buhok at nagpalit ng plain pink cotton shirt at white short saka sumunod sa labas.

"Nasaan sila?" she asked Shin, one of her helpers.

"Nasa breakfast room po, ma'am."

Dumeretso si Lavender sa breakfast room. Naroon sina Violet at Lilac na magkatabing nakaupo sa pang-animang mesa habang nasa harapan ng dalawa si Soft.

"Hey! Nandito ka pa?" Umupo siya sa tabi ni Soft. Si Soft ang naghatid sa kanya pauwi kagabi. Nag-convoy sila. Tumambay ito sa silid niya. Binantayan siyang parang bata hanggang sa makatulog siya. Ang praning ng mga kaibigan niya. Bakit ba ayaw maniwala na ayos lang siya?

"Tinamad na akong umuwi. Pinagluto na rin kita ng almusal. Kain ka ng marami, ang payat mo." Nilagyan nito ng garlic rice ang plato ni Lavender.

"I'm sexy. Sabi mo nga hot ako, e."

"You are," he said as he put beef tapa on her plate.

"That's enough. I like dried pusit." Kumuha siya ng ilang piraso ng pusit at inilagay sa plato.

"Birthday pala ni Mom sa Friday."

"Magpa-party si Ninang Sasahh?" she asked before stuffing her mouth with garlic rice and dried pusit.

"No. Just a simple dinner. Tayo-tayo lang."

Iyong tayo-tayo na iyon ay sobrang dami na. Ilan lang naman ang kaibigan ng kanyang Ninong Wilson at Ninang Sasahh. Ang kanyang Uncle Tres, Uncle Dock, Ninong Wilson, at ang kanyang papa. Iyong apat na iyon ang best friends at paglaon ay dumami na nang dumami nang magsi-asawa.

"Lunch pala tayo mamaya kina Thunder. Nagyaya si Jean." Si Violet na kakaumpisa pa lang nilang kumain ay nakakadalawang plato na.

"Susunod na lang ako. Papasok muna ako."

"Pwede huwag na muna?" Sumimangot si Lilac.

"Susunod ako, I promise. Kailangan ko rin kasing pumunta ng Primrose."

"Why?"

"I want to accept their offer. I want to teach."

"Wow! You'll be a professor?" sabay na bulalas nina Violet at Lilac.

Umikot ang mata ni Lavender sa OA na reaksyon ng mga kapatid.

"You will leave private practice?" may pagtatakang tanong ni Soft. Alam kasi nito kung gaano kamahal ni Lavender ang ginagawa.

Lavender shook her head. "I'll be an adjunct law professor. I just want to explore the adjunct faculty position and also share my knowledge and motivate future lawyers... This might be temporary. Let's see."

"Sure ka na riyan? Hindi ka ba mapapagod nang husto niyan?" si Soft uli.

"I can manage my time."

"Can you?" may pagdurudang tanong nito.

"Of course!"

Nagkibit na lang si Soft saka ipinagpatuloy ang pagkain.

EVERYONE IN the office was acting weird the whole day. Nagkakasiyahan habang breaktime pero nang dumaan siya ay nagsitahimik. Pero alam naman na niya kung bakit. Tiyak na dahil sa hindi pagkakatuloy ng kasal nila.

Si Maryland naman ay walang tigil sa pagbubunganga. Galit na galit kay Benedict. "I knew it! I knew it!" Iyan ang paulit-ulit nitong sinasabi at puro mura ang susunod.

Huminto sa paglalakad si Lavender para basahin ang text ni Purple. Ipinaalam lang na nasa restaurant na ito—sa isang European restaurant sa Makati. Nagyaya ito na mag-dinner sa labas kaya kahit hindi pa sana siya uuwi ay nag-out na siya. Hindi niya matanggihan itong mga pamangkin niyang ito.

Nang ma-reply-an ay muling nagpatuloy sa paglalakad si Lavender hanggang sa marating ang sasakyan. In-unlock niya iyon gamit ang key fob. Binuksan niya ang pinto sa may front seat at nilagay sa upuan ang mga gamit na bitbit bago umikot sa driver side. She reached for the car door handle and was about to open it when someone grabbed her by the arm.

"Benedict?" Agad na nanuot sa kanyang ilong ang mabahong amoy ng alak. Namumula rin ang mata na hindi niya alam kung dahil nakainom o dahil sa galit. Matalim ang mga titig nito sa kanya.

"You planned it! You intended to ruin me!" Mahina pero ramdam niya ang matinding galit nito. But it didn't startle her.

"Bitawan mo nga ako!" Pilit niyang binawi ang pagkakahawak sa kanya ni Benedict pero mas lalo lang na bumaon ang mga daliri nito sa kanyang braso.

"Why did you do that? Hmm? Why!?" Tila ba mababasag ang mga ngipin nito sa pagkakatagis. "Bakit hindi mo na lang ako kinumpronta? Alam kong matagal mo nang alam. Plinano mo lang talagang ipahiya ako!"

Marahas niyang inagaw ang braso mula sa pagkakahawak nito at malakas na sampal ang ipinadapo sa pisngi nito. "You deserve what you got! You humiliated me at my own house!" Patuyang tumaas ang sulok ng labi ni Lavender. "What did you expect? That I would turn tail and cry my heart out? Who the hell are you?"

Humakbang si Lavender palapit sa lalaki at taas noong tinitigan ito.

"Pumayag akong magpakasal sa 'yo dahil sa lolo ko. But if I would follow my standard when it comes to men..." Lavender paused, gaze raking over his body. Her mouth twisted into a mocking grin then she added... "Never. Without your family name... you're nothing, Benedict!"

Sa sinabing iyon ni Lavender ay lalong nagngalit si Benedict. Marahas nitong hinawakan ang makabilang balikat niya. "You will pay for this! You will pay for this!" Marahas siyang binitawan ni Benedict na kung hindi niya naisangga ang kamay sa sasakyan ay tiyak ay tumimbuwang na siya. Lavender gritted her teeth as she watched him storm away.

Inalis ni Lavender si Benedict sa sistema niya. Ayaw niyang makita siya ng mga pamangkin na wala sa mood. Hangga't maaari kapag moment niya sa mga pamangkin ay masaya lang dapat. Kaya naman nang pumasok siya sa restaurant at makita sina Purple at Peri ay malapad ang ngiting ipinaskil niya sa kanyang mga labi.

Tumayo ang dalawa. Napatawa si Lavender nang tumakbo si Peri palapit sa kanya at hinalikan siya sa magkabilang pisngi.

"You always brighten up Tita-Ninang's day, sweetie," malambing niyang sabi sa pamangkin na sobrang sweet. Humalik sa kanya si Purple sa pisngi bago umupo.

"Hindi sumama si Andrite?"

"Grounded po siya." Si Purple ang sumagot.

"Bakit naman?"

"Sumali po sa drag race tapos nahuli ng pulis."

"Oh my God!" Andrite was just fifteen pero nahihilig ito sa mga sasakyan. At ang mga kinahihiligan na sports ay mga delikado. Ang batang iyon ang sakit sa ulo nina Lilac at Air.

"Tita-Ninang!" Tili mula sa pamangkin na si Ptichye ang muling nagpapunit ng mga labi niya dahil sa isang ngiti. Ibinuka niya ang mga bisig nang lumapit ang pamangkin.

"Nandito ka rin?"

"Ayaw mo po, Tita-Ninang?"

Tumawa si Lavender at pinisil ang pisngi ng pamangkin na naupo sa kaliwang bahagi niya. "Akala ko kasi nasa Malaga ka. E gustong-gusto mo roon, 'di ba?"

"Magbi-birthday po kasi si Mamita. Family first before landi." She's referring to her Ninang Sasahh.

Muling tumawa si Lavender. "Did Jacobo crush you back already?"

"Not yet. But even if he doesn't like me back, wala naman siyang magagawa kasi kami pa rin ang end game. Ako kaya ang gusto ni Lolo Joecon para sa apo niya, and Jacobo loves his lolo so much kaya susunod 'yon."

Napailing na lang si Lavender. Mga kabataan talaga.

Binuklat ni Lavender ang menu book na nasa kanyang harapan para mamili ng kakainin nang mapansin niya si Purple na tahimik na nakamasid sa kung saan. Sinundan niya ang direksyon na tinitingnan nito. Ang bodyguard nitong si Bogs ang naroon sa labas. Ibinalik niya ang tingin kay Purple. Mukhang napana na rin ni Kupido ang puso nito. Pero ang pinagtatakhan niya ay mukha itong malungkot.

"What's your order?"

Kumurap si Purple at muling ibinalik ang tingin sa menu book. "Mine is Mediterranean sea bass."

Lavender gave her order to the waiter who's waiting at their table.

"Mine is herb-roasted veal tenderloin." Ptichye gave her order, too.

"Bakit may pigeon dito? Kawawa naman. The pigeon shouldn't be eaten. Oh, poor pigeon."

Natawa sina Ptichye at Lavender dahil sa sinabi ni Peri at mukhang iiyak na ito. May alaga rin kasi itong Jacobin Pigeon na bigay pa ng kaibigan nito.

"Order ka na lang ng iba, sweetie."

"Vegetable na lang po sa 'kin."

"Alright." Si Lavender na ang pumili ng kakainin ni Peri at nang maibigay naman ni Purple ang order ay umalis na ang waiter. Nagpaalam muna si Purple na pupunta sa powder room.

"May naikuwento ba sa 'yo si Purple, Peri? Mukhang sad siya."

"Sad po siya, Tita-Ninang, kasi may anak na si Kuya Bogs."

Umawang ang bibig ni Lavender. "May anak na si Bogs?"

"Opo! Ang cute-cute ni Nognog liit. Dinala po ng mommy niya sa set. Tapos para din siyang sina Theus at Papa. Curly rin, dark din ang skin."

Kaya naman pala. Kawawa naman ang pamangkin niya. Ngayon lang nagka-crush, sa maling tao pa.

"Sabi ni Purple bawal na siya magka-crush kay Kuya Bogs. Bawal po magka-crush kapag may anak?"

"It's not naman bawal, Peri. You can have crush on anyone naman, e. Pero bawal ma-in love kasi you'll be a mistress kapag ganoon."

"What's a mistress?"

"You'll understand that kapag dalaga ka na—I mean kapag..." Ptichye stopped, thinking of the right word. "Basta!" nasabi na lang ni Ptichye nang walang maisip na tamang salita para maintindihan ni Peri.

Napatingin si Lavender sa direksyon ng powder room na pinasukan ni Purple. Kawawa naman ang pamangkin niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top