Chapter 3

When I created the 40-year-old Lavender, siya yung inspiration ko. 39 siya kahapon. And look how beautiful she is, parang nasa 20s lang.

--

 "Congrats again, Attorney!"

"Thank you so much!" Humalik sa kanya ang socialite na si Jasmine Vargas bago nagpaalam ang mag-asawa.

She sighed. Finally, the party was over. She actually hated parties. Kagustuhan lang ito ng mga magulang nila ni Benedict. She would probably be in her study room right now, drowning herself in the pile of documents, if not for this party.

Nakaalis na ang mga bisita pero naroon pa ang mga kaibigan niya. Siya na lang yata ang walang asawa sa mga ito. Naunahan pa nga siya ng pamangkin niyang si Theus na magka-love life at kung mamalasin ay baka maunahan pa siya nina Peri at Purple at iba pa niyang pamangkin. Itong si Purple may crush na, itong si Peri naman ay may nasilo na rin noon kaya muntik pang makapatay si Air. Air was very protective of Peri. Kung pwede nga lang i-homeschool ito ay iyon ang gagawin. Kaso umiyak si Peri nang malamang sa bahay lang ito mag-aaral. Ikukulong na naman daw siya kaya ayon, napilitan ang mag-asawa na pag-aralin si Peri in a traditional way.

"Atty. Lavy."

Bumaling siya kay Soft na tumayo sa gilid niya. Oh, mayroon pa palang isang katulad niyang natitirang single. "Did you enjoy the party, Soft?"

He shrugged. "I probably would if I only I have the freedom to talk with other girls."

Tumawa si Lavender. Alam na niya ang ibig sabihin nito. Na-corner ito ni Lorraine at iba pang kaibigan nito na pawang malapit nang mag-senior. Nagpapalitan lang sa paglapit kay Soft. Lapitin ng inahin, e.

"Haven't you enjoyed chatting with them? Sabi nila, mas masarap makipagrelasyon sa more experienced women."

Hinagod ni Soft ng tingin ang kabuoan niya. "Only if they are hot like you."

Muling malakas na tumawa si Lavender at hinampas si Soft sa braso. "Eww! Magtigil ka nga!"

"But seriously, Attorney. May naging problema ba? Napansin nila kanina ang pag-iiba mo ng mood. May sasapakin na ba kami?"

"Wala. Sumakit lang ang ulo ko. Wala 'yon. Masyado kayong praning."

"Of course! You are our baby."

Humawak si Lavender sa braso ni Soft at inihilig ang ulo sa balikat nito na may ngiti sa labi. Siya na lang ang walang asawa sa mga babae kaya itong mga lalaking kaibigan nila kung itrato tuloy siya parang batang alagain pa. Nakakainis minsan kasi para talaga siyang paslit kung itrato ng mga ito.

"Thanks for the concern, but I'm okay. Hindi na ako bata. I can handle myself. I can handle problems. Kung may problema man kami ni Benedict, kung tarantaduhin man ko ni Benedict, I can handle him."

She always had her own ways of exacting revenge without tainting her name.

LAVENDER GROANED as she saw Thunder and Soft entering her office. Ano na naman kaya ang kailangan ng dalawang ito? Agad niyang ibinalik ang mata sa dokumentong hawak at nagkunwang hindi nakita ang pagdating ng mga kaibigan.

"Oh, God, I'm very busy. I have a very tight schedule today. I need to read and check some drafts for the appeal. I need to go to the RTC branch to file an appeal today. Then, I need to visit my client to talk about the arraignment. I'm a very busy woman talaga! I have no time for relaxation. Sana wala munang bumisita sa 'kin today. I would really appreciate that."

The two chuckled, making her gaze lift from the document she's been so busy reading.

"Oh, nandiyan pala kayo?" Kunwa'y nagulat siya. Naupo ang dalawa sa silya na nasa tapat ng desk. Inikutan niya ng mata ang dalawa nang makita ang ngisi sa mga mukha nito.

"You aren't very good at faking your expression. Bistadong-bistado ka agad namin. Sa ibang tao lang uubra 'yang style mo pero sa amin, hindi," si Thunder.

"I'm busy. Huwag n'yo akong istorbohin."

"Busy rin naman kami pero nagawa naming puntahan ang baby namin," ani Thunder.

"Argh!"

Malakas na tumawa ang dalawa nang malukot ang mukha ni Lavender. She hated it when they were treating her like a baby.

"Ano ba ang kailangan niyong dalawa? Please, don't annoy me! My time is costly. I'll make you pay."

"We are willing to pay, baby."

"Stop!" Hinampas ni Lavender ng folder si Soft na tumawa na naman nang malakas. "So what do you need?"

"Sama ka sa amin. Date ka namin." Soft attempted to persuade her with a puppy dog-eyes expression.

"Marami nga akong ginagawa. Sa ibang araw na."

"Huwag ka ngang KJ, Attorney. Sige na. Ngayon lang. Mag-bar tayo," patuloy na pangungumbinsi ni Thunder.

Mas lalong bumusangot si Lavender. "Hindi ako umiinom tapos bar pagdadalhan n'yo sa akin. Saka ang aga para mag-bar." Sinipat niya ang relong pambisig. Alas-tres pa lang.

"Mag-mall muna tayo. Samahan mo ako. Bibili ako ng regalo para kay Jean. 115th wedding monthsary namin ngayon."

"Every month talaga may gift, Thunder?"

"That's what I promised her. Kapag hindi ako nakapagbigay, iisipin niyon may babae na naman ako. I need to give her something... card or flowers o kahit isang pirasong chocolate. Gusto ko siyang bigyan ng something expensive this time."

"That's his way of paying off his misdeed to Jean."

Malaki nga ang atraso nito kay Jean. Mabuti na nga lang at hindi ipinakulong. Ang siraulo, sa araw ng honeymoon ni Jean ay ito ang sumiping. Nabuntis si Jean na inakala ni Jean kanila ng asawa nito. Her husband's family condemned her, accusing her a whore.

"Fine!"

Napa-yes ang dalawa sa pagpayag ni Lavender. Tumayo si Lavender at inayos ang gamit na nasa mesa. Nagbilin muna siya sa kanyang sekretarya bago lumabas.

Pinabitbit niya kay Thunder ang briefcase habang ang laptop at iPad ay dala naman ni Soft. Para niyang bodyguard ang mga ito.

"Pupunta ka pa ng RTC at kliyente mo?" asked Thunder while walking to the parking space.

"Hindi na. Bukas na lang."

Tumawa ang dalawa.

"Lawyer-liar talaga!"

Inikutan niya ng mata si Soft. Marami naman talaga siyang gagawin pero hindi pa naman ngayon ang huling araw ng pag-file ng appeal at sa isang linggo pa ang arraignment ng isa sa bagong hawak niyang kaso.

Nagtungo sila sa Grandeur Mall at nagpunta sa isang jewelry shop para bumili ng ireregalo kay Jean. May mga lumapit na naman sa kanya para magpa-picture dahil akala siya si Lilac. Pati kina Soft at Thunder ay may nag-picture din. May karisma pa rin talaga ang dalawang ito. Matanda man o bata ay humahabol sa mga ito.

"Nothing's new. Parang meron na yata si Jean ng lahat ng ito, e," Thunder complained as his gaze scanned the jewelry inside the glass display case.

Soft draped his arm over Thunder's shoulder. "I have an idea."

"What?"

Inilapit ni Soft ang bibig sa tainga ni Thunder at bumulong. "Sex toy."

Sumimangot si Lavender nang umabot sa pandinig niya ang ibinulong nito.

"Tumahimik ka nga! Kumpleto kami n'yon."

Malakas na humalakhak si Soft kaya lahat ng mata ng nasa loob ay natuon sa mga ito. Ang mga sales associate naman na kanina pa nakamasid sa dalawang lalaki ay bumungisngis at nagbulungan.

Mga bastos!

Ilang shop ang napuntahan nila bago nakapili si Thunder ng bibilhin. Isang gold necklace na may Spanish medallion. Matapos bumili ng regalo para kay Jean ay kumain sila bago nagtungo sa The Rock bar. Naroon ang lahat na mga kaibigan nila—ang mga mag-aasawa, including Violet and Lilac and their husbands. As in lahat, si West, the twins—Skye and Heaven, Rius, ang kapatid ni Thunder na sina Hunter at Summer. The Muller-Cabral siblings, Four, Serene, Hawk and Milvus and their cousins, Midnight and Twilight. The Cabral-Del Fierro siblings, Freesia and Yarrow and their cousins, and more...

"Ano'ng meron? Bakit nandito kayong lahat?" tanong ni Lavender matapos umupo sa tabi ni Soft. Tumabi si Thunder kay Jean habang si Soft naman ay tumabi sa kanya.

"Thunder and Jean's 115th monthsary," si Lilac ang sumagot.

"Daig pa ang golden anniversary."

Natawa ang ilan sa biro ni Lavender.

"Mag-e-enjoy ka rito!" si Violet. She doubted it. Itong dalawa lang naman ang mahilig p-um-arty pero hindi siya. She'd rather bury herself in a pile of documents than be here. Nasa VIP room sila pero napakaingay pa rin ng tugtog.

"Try it, Lav." Inalok ni Lilac ang cocktail drink pero agad niyang tinanggihan. "KJ ka talaga. Isa lang."

Wala siyang nagawa kundi kunin ito at inumin. Hindi rin naman siya titigilan nito. "Are you, guys, always here?" she asked as she sipped on her drink. Siya, hindi na niya matandaan kung kailan ang huli niyang punta rito.

"Not really, ngayon nga lang tayo kumpleto, e." Si Lilac muli ang sumagot. Si Violet sure na hindi talaga dahil sa Malaga ito nakabase kung saan gobernador si Ryke. Kinukumbinsi itong tumakbo sa pagka-senador noon pero ayaw nito. Mas gusto raw nitong manilbihan sa probinsiya nila. After the expiration of his third consecutive term as governor, he ran for mayor then ran for governor again dahil na rin sa panghihikayat ng mga mamamayan ng Malaga.

"Akala ko nasa Malaga na kayo?" tanong naman niya kay Violet.

"Bumalik lang kami kanina para dito."

Tumango si Lavender.

Lavender silently observed her friends. They were genuinely happy with their partners. They already built their own families, wala nang hihilingin pa sa mga buhay, successful sa kanya-kanyang career, at mahal na mahal ang isa't isa. Nakaramdam ng inggit si Lavender lalo na nang matuon ang mata niya kina Ryke at Violet. Nakapaikot ang isang braso ni Ryke sa baywang ni Violet habang hawak ang baso sa isang kamay. Panaka-naka nitong hinahalikan sa sentido si Violet. He looked very happy. Mahal na mahal talaga nito ang kapatid niya.

For some reason, lots of what-ifs spiraled in her mind. What if she's in Violet's shoes? What if she prioritized Ryke before her studies? She might have been on the receiving end of his love now. She might have been the one who had walked down the aisle while Ryke waited for her. Siya siguro ang may pitong anak. Siya siguro ang masaya ngayon.

Naglakad naman pala siya sa simbahan patungong altar habang nakatitig kay Ryke, ini-imagine na sila iyong ikinakasal. Pero ang mga mata ni Ryke no'ng mga oras na iyon ay para lang kay Violet at siya ay nandoon to be the bridesmaid of her sisters. Hindi niya nga alam kung ano ang pumasok sa isip niya para isipin ito. It's a betrayal. Sa tuwing naiisip niyang may nararamdaman pa rin siya noon para kay Ryke ay nagi-guilty siya nang sobra.

Mapait siyang ngumiti at iniling ang ulo. Ano ba itong mga iniisip niya? Really? She's happy for her sister. She's very happy for Violet and Ryke. Hindi na naman siya nasasaktan. Sigurado rin naman siyang wala na siyang nararamdaman para kay Ryke. Panghihinayang. Iyon ang nararamdaman niya, na hindi dapat. Ito ang hindi niya maintindihan sa sarili niya. Kung bakit siya nanghihinayang na kung tutuusin, sobrang successful naman siya sa buhay. Kapalit ng pagkawala ni Ryke sa buhay niya ang magagandang mga oportunidad.

She earned her dual bachelor's degree in Philosophy and Economics at Harvard University, she's an Oxford Law graduate. Wala sana siyang balak mag-aral sa Harvard at Oxford noon since dito niya balak mag-practice kaya plano niya sana rito talaga magtapos at sa abroad kumuha ng master at doctorate. Kaso sa mga nangyari sa kanila ni Violet noon at Ryke, ginusto niyang lumayo. Nakakuha siya ng scholarship sa Oxford at nanghinayang naman siya kaya p-in-ursue na niya.

She studied for a year in UP College of Law dahil isa iyon sa prerequisites para makapag-take siya ng BAR sa Pilipinas. She topped the BAR. Afterward, she took up her Master of Laws in UP, then went to Yale Law School for her Doctor of Laws degree matapos ng resignation niya sa PAO. Her hard work paid off, and she's now a great private lawyer.

However, despite her achievements, she constantly felt this feeling of emptiness. Parang may kulang pa—her own family. She wanted kids. Kaya siguro nakakaramdam siya ng emptiness dahil kahit naman paano ay pangarap niyang magkapamilya. Gusto niyang may asawa at anak na magsasabi kung gaano sila ka-proud sa kanya katulad ng mga kapatid niya.

Tumayo si Lavender at inilapag ang baso sa mesa. Pa-simple siyang umalis habang nagkakasiyahan ang mga kaibigan. Binitbit niya ang iPad at pumasok sa isang silid na naroon lang din sa VIP room. She smiled when the room was filled with deafening silence as she shut the door. It was a soundproof room. Kinapa niya ang switch sa gilid ng pinto at binuksan iyon.

It was a bedroom. May double-sized bed, gray couch sa kaliwang bahagi, wooden bedside tables sa magkabilang bahagi ng kama, wall lamps sa may bandang uluhan. Taupe ang kulay ng pintura ng silid at puti at gray ang beddings. Muli niyang pinatay ang ilaw. Humakbang siya patungo sa kinaroroonan ng kama at naupo sa sahig, sa gilid niyon.

She unlocked the iPad ang opened the file containing a statement from her client. She read it thoroughly and winced after noticing the loopholes in the statement. Another guilty person that she needed to defend.

"What are you doing here?"

"Shit!" Her heart almost jumped out of her chest when Soft spoke and wrapped his arm around her shoulder. Nakadapa ito sa kama sa may likuran niya at ipinatong ang baba sa kanyang balikat. "Papatayin mo ba ako!?" angil niya rito at hinampas sa braso.

Tumawa si Soft. "Ang kulit mo rin, 'no? Sumama ka tapos trabaho pa rin."

"Ang ingay sa labas, e."

"Natural, nasa bar tayo." Tumayo si Soft at umupo sa tabi niya. Inabot nito sa kanya ang bote ng beer.

"Ayoko nga! Nakakalaki ng tiyan 'yan."

Kinuha ni Soft ang kamay ni Lavender at pinahawak ang tiyan nito. "Malaki ba tiyan ko?"

"Kulit mo!" Binawi niya ang kamay at ibinalik ang mata sa binabasa.

Silence filled the room when Soft finally shut his mouth. Lihim siyang nagpasalamat.

"Attorney?" Muli ay nagsalita si Soft.

"Hmm?" she asked as she continued reading.

"Mahal mo si Benedict?"

Natigilan siya pero hindi nag-angat ng tingin.

Mahal nga ba niya? Okay naman si Benedict. Isang taon din naman silang magkarelasyon, o siguro mas tamang sabihing business associate. Iyon lang naman talaga sila. She was just a business to him, ipinakilala sa isa't isa ng mga patriarch at kapagkuwan ay nagkasundong kilalanin ang isa't isa, and all of a sudden, they acted as if they were already a couple. Walang 'I love you,' and 'I love you, too.' Walang, 'Okay, sinasagot na kita,' kasi wala naman talagang ligawan na nangyari. In their minds, they would end up together because their futures were already planned.

She lets him kiss her. Sometimes, he would try to go further than kissing but when she ordered him to stop, he would stop. Hanggang sa magdesisyon ang lolo niya at lolo ni Benedict na idaos na ang engagement and they all acquiesced. Until that night. Hindi niya alam kung lasing lang ba si Benedict para pwersahin siya sa ganoong bagay. Why couldn't he wait? Nakaka-turn off.

Soft nudged her when she didn't answer.

"Does it matter?" she asked.

"Of course. Nakasalalay ang kaligayahan mo sa bagay na 'yon."

Nagkibit si Lavender. "No. I don't love him."

"Then don't marry him."

Hindi na umimik pa si Lavender. Ayaw niyang magkuwento ng problema sa kahit kanino sa mga kaibigan niya o pamilya niya kung kaya naman niyang i-solve.

Bumaling siya kay Soft kahit hindi naman niya nakikita ang mukha nito dahil madilim. "Can I ask you a favor, Soft?"

"Sure."

"Sa araw ng kasal namin, can you film Benedict for me? Gusto ko lang makita ang reaksiyon niya."

"Tss."

Siniko niya si Soft. "Just do it!"

"Fine! Oh." Inabot nito sa kanya ang lata ng beer. "Inom ka muna."

"Ayoko nga! I'm flirty when I'm drunk. Wala naman akong mapi-flirt dito."

"Really?"

Bahagya niyang ibinaling ang iPad sa direksiyon ni Soft para makita ang expression nito. Tama siya. Gulat na gulat ito.

Every person had a weird personality when they were drunk. Some would be quiet, some were noisy, some drinkers looked for a fight, and she had a worse and very different personality. Her personality would morph after a few drinks, and she would become a flirt. She would flirt around. She discovered it when Maryland forced her to drink at nilandi raw niya nang nilandi si Gab, ang kaibigan nilang bakla na paralegal sa firm. Nagka-trauma ang bakla dahil hinalikan daw niya sa labi. Kaya simula niyon ay isinumpa niyang hinding-hindi na talaga siya iinom. That was the first and last.

"Try mo nga. Gusto kong makita kong paano ka malasing at lumandi."

"Tigilan mo ako, Sofronio!"

Malakas na humalakhak si Soft na ikinangiti rin niya.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top