Epilogue
DESTINY
Makaraan ang dalawang linggong pagpapahinga pagkatapos ng operasyon, sa wakas ay makakauwi na rin ako. Kasalukuyan akong nakasakay sa kotse namin habang nakatitig lang sa labas ng bintana. Sa isip-isip ko'y 'di na ako makapaghintay para makita si Lorez. Sana'y nasa bahay siya pag-uwi ko. Gustong-gusto ko na siya muling makita.
"Magpahinga ka muna, Destiny pag-uwi. 'Wag muna masyadong mag-isip ng mga kung ano-ano. Kailangan mong magpahinga para mabilis kang gumaling. Babalik pa tayo every week for checkup mo," mahabang litanya ni Mommy bagay na madali ko namang naintindihan.
Naging matagl bago akosumagoot. "Opo."
"Sa k'warto ang diretso mo. Naglinis na ro'n si Yaya Cha. Matulog ka lang muna," pagsingit pa ni Daddy.
Hindi na ako kumibo p't napabuntonghininga na lang nang palihim.
Sa mga araw na 'yon ay hinahanda ko ang aking katawan para s operasyon kogayong kinkailangan ko ng heart transplant. No'ng una'y natatakot ako dahil ito ang unang beses na ooperahan ako subalit ito lang ang tanging paraan para mabuhay pa ako. Sinabihan ako ng doktor na kung papatagalin pa ang paghihintay ay mas lalala pa ang sakit ko o ang mas hipit pa ro'n ay baka humantong sa puntong 'di na kayanin ng katawan ko at tuluyan na akong mamatay. Itong operasyon na 'to ay nagkakahalaga ng milyo-milyong halaga ng pera kung kaya lahat ng naipon ko sa mga sining ko ay rito lang napunta. Masakit kung iisipin pero hindi namin kami gano'n kayaman kaya wala na akong pagpipilian pa. Sa araw ng operasyon ko ay pinatulog muna nila ako hanggang sa nagising na lang ako ritong nakaratay at tapos na. Nagpapagaling na lang ako hanggang heto ako at papauwi na sa bahay.
Nang magising ako ng mga oras na 'yon ay siya kaagad ang hinanap ko, pero sila Daddy lang ang nando'n para sa 'kin. Sa tuwing nagtatanong ak kung nasa'n na siya ay sinasagot lang nilang hindi pa umuuwi si Lorenz galing Spain. Ako naman ay patuloy pa rin sa pag-message at pagtawag sa kaniya ngunit isa ro'n ay wala mang nasagot kung kaya sa huli'y hinayaan ko na lang siya saka nagpatuloy sa paghihintay. Nag-aalala ako sa totoo lang.
"We're here," ani Mommy nang may galak.
Dahil sa puwersa dulot ng pagpreno ni Daddy ay mabilis kong napagtantong nandito na kami malapit sa bahay namin. Unti-unti na siyang nagbagal ng pagmamaneho hanggang sa tuluyan na kaming makapasok sa loob ng gate. Sinalubong kami nina Yaya Cha sa labas at napangiti naman ako nang makita nang malapitan ang bahay namin. Na-miss ko rin ang tahanan namin. Ang tagal na rin no'ng huli akong nakauwi rito.
"D'yan ka lang muna, Destiny," habilin ni Daddy.
Tumango lang ako.
Magkasabay na bumaba sina Mommy at Daddy mula sa kotse at iniwan akong mag-isa. Naghintay lang ako ro'n saglit at pinagbuksan na nila ako kinalaunan. Inalalayan nila akong makababa at laking gulat ko na lang nang makita sila Ate Dani na sumalubong sa 'kin. Nakakaagaw pansin ang ilang mga lobo at banner sa taas.
"Welcome back, Destiny!"
"Welcome back, Destiny!" sabay-sabay nilang pagbati sa 'kin.
Gano'n na lang ko mapangiti dahil sa kanila. Muntik pa akong maluha ngunit buti na lang ay kaagad ko itong napigilan. Masaya ako ngayon.
"We miss you, Destiny," ani Ate Tiff na agad na yumakap sa 'kin.
"Dahan-dahan lang, Tiffany. Kakaopera lang niyan baka bumuka 'yung tahi," suway ni Kuya Dwayne sa pabirong paraan dahilan para magtawanan kaming lahat.
Kumalas na sa pagkakayakap si Ate Tiff at isa-isa na silang tumulong kayla Mommy para magbuhat ng iilang mga gamit papasok sa loob ng bahay. Ako naman ay inanyayahan nang tumuloy papasok at dumiretso sa taas. Kaagapay ko si Ate Dani hanggang sa maihatid na niya ako sa 'king kuwarto't pagbuksan ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pagkatapos n'on nang masilayan ko ang malinis kong kuwarto. Medyo naniniago pa ako pero nakakaginhawa to.
"Ni-rearrange lang namin 'yung ilang mga gamit mo rito," aniya. "Okay ang ba sa 'yo?"
Bahagya akong tumango. "Mas better 'to," tugon ko. Pagkuwa'y tumuloy na ako sa 'king higaan at dahan-dahang niratay ang katawan habang iagmamasdan silang pinapasok ang mga gamit ko. Kinumutan ko ang aking sarili at malalim na huminga. Napakakomportable ko ngayon sa 'king kuwarto.
"Pahinga ka muna, 'nak," wika ni Daddy pagpasok sa kuwarto.
"Opo, medyo inaantok rin po ako. Matutulog muna ako."
Pagkatapos mailagay ang mga gamit sa kuwarto ko ay iniwan na nila akong mag-isa. Ginamit ko 'yon bilang pagkakataon para mag-message ulit kay Lorenz.
Aldous Lorenz
Destiny Sierra
Lorenz, nakauwi na ako sa bahay namin. Magpapagaling din ako.
I miss you so much.
Ilang segundo pa ako nakatitig sa 'king phone bago ito tuluyng patayin saka itabi sa gilid ng aking kama. Sa kisame ko na lang tinuon ang atensyon ko. Napabuga na lang ako ng hangin at pinikit ang aking mga mata hanggang sa tuluyan akong makatulog.
***
Isang buwan ang nakalipas ay fully recovered na ako. Nagagawa ko na ang mga bagay na nakasanayan ko nang walang inaalala. Of course, may checkup paa rin pero 'di naman na kailangang-kailangan. Bali ngayon ay umiinom na lang ako ng gamot para maghilom pa ang ilang mga sugat sa 'king dibdib pero overall ay ayos at magaling na talaga subalit hindi pa rin ako pinayagan nila Mommy para lumabas. 'Yun nga lang ay hanggang ngayon ay 'di ko pa rin nakikita si Lorenz.
Aldous Lorenz
Destiny Sierra
Ang tagal mo nang di nagpakita sakin. Sabi mosaglit ka lang. Ang duga mo.
***
"Manong, para po," sabi ko sa tsuper.
Kaagad namang huminto ang tricycle na sinakyan ko sa tapat mismo ng kanto kung saan ang tinutuluyang dorm ni Lorenz. Wala na kasi akong choice kundi magbakasakali lang dala na rin ng kyuryosidad ko. Heto ako ngayon at bumaba na ng sasayan pagkabayad ko.
Nagtungo ako sa pasilyo. Humugot ako ng malalim na hininga dala ng umaapaw na kaba sa 'king damdamin. Sabawat hakbang na aking ginagawa ay mas lalo akong kinakabahan at nagbabagal. Gano'n na lang ak magtaka nang makitang may dalawang mga kargador na nagbubuhat ng mga gamit papalabas sa mismo ang kaniyang dorm. Gumilid pa ako parapagbigyan sila ng daan. Nangunot ang noo ko dala ng pagkagulo at pagtataka sa nangyayri ngayon.
"Kuya," pukaw ko sa isa sa kanila. "Ano'ng ginagawa n'yo sa dorm ng boyfriend ko? Naghabilan ba sa inyo si Lorenz?" aligaga kong tanong.
"Lorenz?" Nagtaka rin silang pareho.
"Opo, Kuya, si Lorenz po. Dito po siya nanunuluyan," pagkumpirma ko.
"Nako, Miss, matagal nang walang nanunuluyan dito. May bago nang lilipat kaya nag-aayos kammi. O siya, maiwan ka na muna namin," ang tangi niya lang paliwanag.
***
Four years later...
Finally after four years, I'm now graduate as cum laude with my course. May bachelor's degree na rin ako. Masaya ako dahil natapos na ang unang parte ng buhay ko at 'yon ay ang makapagtapos ng pag-aaral at sunod ay maghanap ng trabaho. Sobrang laking tuwa nila Mommy dahil nagawa ko ang pinapangarap nila para sa 'kin. Naghanda pa sila at nag-print ng malaking taurpulin para ilagay sa tapat ng gate namin. Proud na proud sila sa 'kin at hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ng mga araw na'yon. Parang kahapon nga lang ay hirap na hirap ako sa inaaral ko pero heto na, isa na akong ganap na proffesional artist. Gayunpaman, alam ko sa sarili kong may kulang. Kahit ano'ng bagay o blessing ang dumadating sa buhay koay may nanatili pa ring puwang sa puso ko---walang iba kundi si Lorenz.
Lumipas pa rin ang apat na taong hindi siya nagpapakita sa 'kin hanggang a tuluyan akong nawalan ng pag-asa. Sumuko na at 'di na umasa pang babalik siya. 'Yon nga lang, nagkaro'n kami ng pag-uusap ni Daddy na pupunta raw kami ng Spain bagay na ipinagtaka ko. Pilit ko siyang tinatanong pero sinabi niyang sumunod na lang ako.
***
Panay lamang ang pagluha ko habang bumababa ng hagdan. Yakap-yakap ko ang isang urn na naglalaman ng abo ni Lorenz matapos siyang i-cremate. Mahina at impit ang bawat paghikbi ko dala ng pagtitimpi sa sarili. Alam kong nasa baba lang silang lahat subalit hindi ko sila pinagtuunan ng pansin na para bang hindi ko sila nakikita.
Lorenz donated his own heart for me to survive. Naghabilin siya kay Daddy na pumunta sa bahay nila after four years bagay na 'di ko alam kung kakayanin ko ba o hindi. Masyado akong nabigla at durog na durog ang puso ko n'on.
Sa hindi malamang rason ay dire-diretso lang akong humakbang papalabas ng bahay nila Lorenz. Sinubukan pa nila akong tawagin para pigilan ngunit 'di ko na sila pinakinggan pa gayong parang may nang-aakit sa 'kin.
"Destiny!"
Para akong may naririnig na malabo na para bang may tumatawag sa pangalan ko.
"Destiny!"
Sa pangalawang pagkakataon ay narinig ko na namang may tumawag sa 'kin. Lumingon ako mula sa kaliwa't kanan ko at gano'n na lang manlaki ang mga mata ko nang makita si Lorenz na malawak na nakangiti sa 'kin.
"Lorenz?" hindi makapaniwala kong tanong. Nanlaki ang mga mata ko.
Nasa harapan ko lang siya ngayon habang may dala-dalang saranggola sa kaniyang mga kamay.
"Come with me," sabi niya sa 'kin at dali-dali siyang naglakad papalayo nang hindi man lang ako hinihintay.
"Lorenz, wait!" Kaagad akong tumakbo dahil ambilis niyang lumayo sa 'kin. Sinusundan ko lang siya hanggang makita kong lumiko siya sa ibang direksyon kung kaya mas binilisan ko ang pagtakbo para mahabol siya.
Nang umabot na ako sa dulo ng kaniyang pinaglikuan ay laking panghihinayang ko na siya makita. Pakiramdam ko'y bigla akong nabalisa. Naglibot lang ko ng aking tingin hanggang makita ko siya ro'n sa 'di-kalayuan.
"Lorenz, wait lang!" sigaw ko. Hindi ako nagdalawang-isip para patakbo siyang lapitan subalit sa paglipas ng ilang segundo ay unti-unti siyang naglalaho sa paningin ko saka ang pagbalik ng aking reyalidad.
"Hay un camion!"
Bumalik lang ako sa sarili kong wisyo dahil sa sumigaw. Napako ako sa sarili kong kinatatayuan habang pinagmamasdan ang mga taong nakatitig sa 'kin. Unti-unti kong napagtantong nasa gitna ako ng kalsada. Nang akmang haharap ako sa 'king likuran pagkarinig ng malakas na sirena ay huli na pala. Natagpuan ko na lang ang aking sariling dugo.
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top