Chapter 52: Background Story

DESTINY

Parang batang nakayakap sa 'kin si Lorenz habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Ako nama'y pilit siyang pinapakalma sa pamamagitan ng paghagod ko ng aking kamay sa kaniyang likod. Sa tuwing aamba ako para kumalas sa kaniya  ay nararamdaman kong mas humihigpit ang kaniyang mga bisig sa 'kin. Pakiramdam ko'y nawala na ang pagkaantok ko dala ng pagtataka sa nangyari ngayon.

"Tahan na, Lorenz. Tahan na. Kung ano man 'yang problema mo, nandito ako. Makikinig ako sa 'yo," pang-aalo ko dahilan para unti-unting lumuwag ang kaniyang mga braso sa 'kin hanggang sa kumalas na siya sa pagkakayakap. "Do'n tayo sa taas mag-usap. Sabihin mo ang lahat sa 'kin, okay?"

Suminghap lamang siya't tumango.

Tinulungan ko siyang makatayo at magkasabay kaming pumanhik sa taas sama bumalik sa kaniyang kuwarto. Binuksan ko ang ilaw at pinaupo siya sa kaniyang kama. Tamabi naman ako kaagad at pinunasan ang mga luha ni Lorenz na halos manlagkit na dahil sa pagkatuyo sa kaniyang mga pisngi.

"Ik'wento mo na. Sabihin mo na sa 'kin 'yung problema mo. Makikinig ako," wika ko.

Nagsimula na naman siyang maluha. "'Y-Yung pamilya ko... Gusto na nila akong kunin," nauutal niyang sagot sa 'kin dahilan para mangunot ang noo ko.

"Ha?" naguguluhan kong tanong.

"I really want to tell this to you, matagal na. I'm finding a perfect time but I can't."

"Then ito na 'yon. Sabihin mo na sa 'kin, Lorenz," pagpupumilit ko.

"I don't want to be with my family anymore," aniya. "Gusto ko na lang manatili rito. Ayoko ro'n."

"Bakit? Hindi ka ba masayang makakasama mo ulit pamilya mo?"

"Never." Makailang ulit siyang suminghap ng hangin saka ulit nagpatuloy. "Mula pagkabata ko, wala nang inisip ang mga magulang ko kundi ang kompanya namin. I grew up mostly my time is with my tios and tias. Tuwing pasko at bagong taon lang yata sila umuuwi ng bahay. What's worst is that they even forgot to be present in my birthday and just give me bunch of moneys even though I don't need it. It feels like those speacial days became normal day," mahaba niyang pagkukuwento.

"Go on. Pagpatuloy mo lang," sambit ko.

"Then I have an older brother. He's name is Sebastian but I only call him, 'Seb' but I call him now by, 'Kuya Seb' when I'm already here in the Philippines. I feel envy about him. Lagi na lang kasing siya ang napapansin. Hindi na rin nakakapagtaka. He's smart and wise man unlike me." Huminto siya saglit para bumuntonghininga. "Maybe that time, I felt like I was an outcast."

Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko ngayon. Nakakabigla siya gayong unti-unti siyang may pinagtatapat sa kaniyang sarili bagay na matagal ko nang hinintay. Gayunpaman, nasasaktan ako sa sitwasyon niya ngayon. Parang may kumikirot sa 'ki na hindi ko maintindihan.

"When I was 18, I heard that my parents I'll be the one who'll inherit our company which is my biggest fear. I don't want any commitment. That means that I'll no longer have my own freedom if I become the inherited our company. I just want a peaceful life. Ayokong igugol ang buong buhay ko sa pagpapatakbo ng kumpanya naming wala namang kabuluhan. Sinubukan kong kausapin sila kahit labag sa kalooban ko pero ayaw nila makinig. I told them na lalayas na lang ako kung gano'n lang din. Do'n na nagalit ang papa hanggang sa nagkatalo kami. Siguro dala ng emosyon kaya binato niya ako ng bote ng wine ta's nabasag sa likod ko kaya may mga peklat ako ro'n," pagpapatuloy niya. Pagkuwa'y inangat niya ang kaniyang damit pang-itaas para ipakita ang malaking peklat sa kaniyang likod.

"Lorenz..."

"Kita mo 'yan? D'yan maraming lumabas na dugo. Pinagamot ba nila ako? Nope. They just left me in that room and I aid all by myself. Ginamot ko ang sarili ko." Binaba na niya ang kaniyang damit. "Kinabukasan, pagkagising ko, nakita ko na lang 'yung mga gamit ko sa baba. Lahat nasa maletang malalaki. Nagmamakaawa ako na ayokong umalis kahit sinabi ko noong lalayas ako pero 'di sila nakinig. Si Kuya Seb naman, tahimik lang dahil ayaw niyang mangielam. They decided to put me here in this contry and left me right away."

"Paano ka n'on? Sa'n ka tumira?"

"Dito lang din sa Linvilla. I'm from east kaya lagi kitan pinupunta ro'n sa beach. I just transferred here para mas malapit sa pinag-aaralan ko."

"Paano ka natutong mag-Tagalog?"

"To be honest, it was quite hard to adjust myself especially when I was in senior high. English lang ang ginagamit kong lengguwahe para makipag-usap kahit na isa akong español. I came from Spain. Pagkatapos n'on, tumigil muna ako nang apat na taon sa pag-aaral para mag-aral ng lengguwahe n'yo. Turns out na mabilis naman akong natuto kaya iyon..."

"Paano 'yung pang-araw-araw mo?"

"Kuya Seb helps me. Nagpapadala siya ng allowance sa 'kin nang hindi alam ng mga magulang ko. Medyo kulang pa noon dahil hindi naman gano'n kalakihan ang pera niya kaya kinailangan ko ring magtrabaho."

"E bakit ka nag-resign sa pinagtatrabahuhan mo?"

"Because he already inherited our company. Marami na siyang pera kaya pina-resign na niya ako. Nakakahiya nga sa totoo lang kasi ang tanda ko na pero wala akong trabaho. Umaasa lang ako sa kuya ko."

"You're 26, right?"

"How did you know my age?"

"Sinabi lang ni Kuya Dwayne. Sabi niya magkaklase raw kayo noon kaya kilala ka niya pati 'yung ano..." Tila nag-aalangan pa ako sa sasabihin ko. "Kay Kendra."

Dahan-dahan naman siyang tumango. "It's true so that's why I can't blame him. He only wants to protect you." Bahagya pa siyang natawa nang sarkastiko. "Funny to think that they still have the audacity to take me back after for all what happened. They already know where I am."

Hindi na ako nagdalawang-isip para yakapi siya. "Hindi kita iiwan. Nandito lang ako."

Umiling lang siya. "I-I can't. Hindi kita kayang iwan. Ayoko..."

"It's okay, Lorenz. Tahan na."

"I'm so tired.

"It's okay." Kumalas ako sa pagkakayakap at hinagod ang kaniyang likod. "Masyado mong pinagod ang sarili mo. Kailangan mo nang magpahinga. Sige na. Matulog ka na. Bukas na natin 'to pagpatuloy."

***

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa 'king mga mata. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nakita si Lorenz na nakaupo sa gilid ng kama habang nakatitik sa kaniyang phone kung kaya kaagad ko siyang tinabihan. Napalingon siya sa 'kin.

"Hey, gising ka na pala."

"What's the matter?" kaswal ko tanong.

Bumuga siya ng hangin. "Tumawag lang si Kuya."

"Ano'ng sinabi niya sa 'yo?"

"Anytime daw ay uuwi ang mga magulang ko para kunin na ako rito," malungkot niyang tugon. "Destiny..." Niyakap niya ako. "Ayoko..."

"Hindi kita iiwan, Lorenz. Nandito lang ako. 'Wag mo masyadong isipin ang mga 'to," wika ko. "You need to take a break." Humarap ako sa kaniya. "Kain tayo sa labas," pagyayaya ko.

Unti-unti namang sumilay sa kaniyang labi ang isang kurba. "Sige, gusto ko 'yan."

"Kumain ka na ba ng almusal mo?"

"Hindi pa. Good idea 'tong sinabi mo," aniya. "Baba lang ako. Maghihilamos lang ako. Sumunod ka na lang sa 'kin pagkatapos ko. Magpalit ka rin ng damit."

Tumango lang ako. "Sige na. Maghilamos ka na ro'n."

Tumayo na si Lorenz at iniwan ako sa kuwarto.

He's hurt.

Napalingon na lang ako sa kawalan at natulala saglit. Pagkalipas ng ilang minuto ay naisipan ko nang tumayo para ayusin ang aming pinaghigaan subalit hindi pa man ako nakakapagsimula ay bigla na namang kumirot ang dibdib ko dahilan para mahirapan ako sa paghinga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top