Chapter 50: Eyes and Lips

DESTINY

Panay ang pag-iling ko habang nakatakip bibig na pinagmamasdan ang test paper na hawak. May markang, "A+" ito sa itaas na parte kung kaya hindi maalis-alis ang atensyon ko rito. Sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon.

"Baka 'yan na lang ang titigan mo kaysa sa 'kin," nagtatampong sabi ni Lorenz. Kasalukuyan siyang nasa kama at prentent nakahiga. Nakapatong ang isa niyang paa sa kaniyang hita. Ginawa naman niyang unan ang dalawa niyang mga braso na ngayo'y nakaipit sa kaniyang uluhan.

"'To naman, nagtatampo pa. 'Di ba p'wedeng maging masaya lang sa resulta ng exam ko? S'yempre naman, ikaw pa rin," saad ko. "Hindi pa rin kasi ako makapaniwala. Ang expected ko e B lang ang makukuha pero pero A+. Ikaw ba? Kailan ang ang exam mo? 'Di pa kita nakikitan nagre-review."

"Next week, I guess?" Humihikab siyang bumangon para umupo. "And I'm feeling lazy. It's even too early."

"Hoy, Lorenz, anong tinatamad? Gunggong ka baka bumagsak ka niyan."

"Sinalo mo naman," nakangiti naman niyang sabi bagay na nagpatutop sa 'kin. "I'm not in the mood to start my review again. Our topics are just basic. Besides, I'm having fun along with you. My time is worth for spending."

"Bolero," pabiro kong tugon.

"Totoo nga."

Napairap na lang ako sa kawalan.

Dalawang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng masinsinan naming pag-uusap. Hanggang ngayon ay parang kahapon lang ang mga nangyari. Madalas ma ring dito kumakain si Lorenz at ubusi ang kaniyang magdamag. Tuwing gabi lang siya umuuwi sa kaniyang nirerentahang dorm. Noong nakaraan nga lang ay hindi siya naparito sa bahay dahil nakatuon ang oras ko sa pag-aaral para sa paparating naming exam at gayong tapos naman na at nasa 'kin na ang resulta, puwede na ulit. Walang sagabal. Bukod pa ro'n, nakarating sa 'min sa university na aming pinag-aaralan ang tsimis na nakipaghiwalay na raw kay Kendra ang kaniyang kasalukuyang kasintahan. Sabi ng mga tao e muntik na naman daw nagpakamatay at nawala na naman daw sa katinuan kaya binalik na siya sa US. Gusto pa ngang kuyugin ng ama niya si Lorenz pero salamat kayla Ryker at Tyson sa pagpapaliwanag sa kaniya. It's Kendra's fault in the first place.

"I brought my badminton. Can we play?"

Bigla naman akong nasabik sa kaniyang sinabi. "Game ako," sanga-ayon ko. "Gawa tayo ng deal, oh," panghahamon ko pa.

"What?" kaswal niyang tanong.

"Ang matatalo, manlilibre ng dalawang tub ng ice cream."

"Dalawa lang? Tsk. That's too weak."

"E'di tatlo na," giit ko.

"Game."

***

Pinalipas muna namin ang maghapon hanggang sa mawala na ang init ng araw. Sa mga oras na 'to'y hindi na mainit. Mahangin na kung kaya napagpasiyahan na namin ni Lorenz na umalis pagkatapos naming magpaalam.

Nandito kami ngayon sa silangang bahagi ng Linvillia sa tabing-dagat kung saan kami nagpalipas ng oras noon.

Marami ng mga tao. Karamihan sa kanila'y mga bata na naglalaro. Mukhang okay na rin naman na kaya naman pumuwesto na kami.

Nakatayo ako sa kabilang gilid habang nasa harapan ko naman si Lorenz na handa nang nakaposisyon nag katawan.

Nasa 'kin nag bola. Nang matantsa na ang direksyon ng hangin ay akin na itong hinagis sa ere saka sadyang pinatama ang hawak kong raketa rito dahilan para dumirekta ito sa kaniya. Unahan kasi ito. Ang unang makakakuha ng sampung puntos ay siyang panalo. Ang matatalo naman ay manlilibre ng tatlong tub ng ice cream.

Nasalag naman ito ni Lorenz pabalik sa 'kin. Nasalo naman ito mg raketa ko at napunta ito sa kaniya ulit. Sa oras na ipalo niya ang kaniyang hawak na raketa sa bola ay pumosisyon na ako para kumuha ng buwelo. Sa tamang oras na pagbaba ng bola sa 'kin ay pineke ko ang aking unang paghampas at sa saglit na segundo ay kaagad akong lumihis sanhi para pumitik ito saka hindi na ito tuluyang matamaan ni Lorenz. Bumagsak ang bola sa puti at pinong mga buhangin.

"One point for me!" sigaw ko.

"Galing, ah," aniya't kinuha ang bola sa lapag.

Naulit lang ang nangyari. Gayong ako ang nagkapuntos, sa 'kin ulit ang bola.

***

Malapit nang matapos ang laro namin. Nag-e-enjoy naman ako dahil ganundin naman si Lorenz. Sa ngayon ay walang puntos na siya habang ako naman ay anim. Bali dalawa ang lamang niya sa 'kin.

"Game?" tanong niya habang nakaposisyon na ang mga kamay at kaniyang katawan para i-serve ang bola papunta sa direksyon ko.

"Go!" pasigaw kong sagot.

Sa oras na hatawin niya ang bola ay dali-dali akong umusad pakanan para sundan ang direksyon nito kung saan ito babagsak.

"Tamaan mo!"

Nang akmang iaangat ko na ang kamay ko nang bigla na lang ako nakaramdam ng pagkirot sa 'king dibdib na siyang nagpahina sa 'kin para mamaluktot ang katawan. Napatiklop ako't unti-unting napaluhod sa sakit kung kaya napangiwi pa ako. Sumasakit sa bawat paghingang aking ginagawa kung kaya pinigilan ko ang pagsinghap ng hangin. Nabitawan ko na rin ang hawak kong raketa at nailagay ang aking kanang kamay sa 'king dibdib. Parang pinupunit ang nararamdaman ko. Sobrang sakit.

"Destiny!" Kaagad naman lumapit sa 'kin si Lorenz at tiningnan ang kalagayan ko. Nilagay niya ang kaniyang kamay sa 'king balikat at malimit itong tinapik. "Hey, w-what's wrong? Ano'ng masakit? Saan? Saan, Destiny?" aligaga at sunod-sunod niyang mga tanong sa 'kin. Mababakas sa kaniyang boses ang sobrang pag-aalala.

Sakto nang pagdating niya ay unti-unting nawala ang pagkirot ng aking dibdib at maluwag akong nakahinga. Segundo lang din ang lumipas ay nagawa ko nang makatayo habang sumisinghap ng hangin.

"Wala naman," tugon ko. "Wala lang 'to. Sumakit lang kasi."

"Are you sure? May masakit pa ba sa 'yo? You made me worried."

Umiling ako. "Wala naman na. Tara, tuloy na natin," pag-iiba ko ng usapin.

"'Wag na. I think we should stop. You're too tired. Baka mapa'no ka pa. Ako na lang bibili sa 'yo ng ice cream. Pagabi na rin at baka pagalitan pa tayo," mahaba niyang litanya

Wala na akong ibang nagawa kundi ang pumayag na lang.

***

Papalubog na ang araw nang makabili kami ng ice cream. Isang tub lang ang binili sa 'kin ni Lorenz dahil hindi ko raw mauubos ang ilan pang tub at baka rin daw matunaw ito pag-uwi kaya sa pag-uwi na lang niya ako binili ng dalawa pang mga tub ng ice cream.

Nasa kuwarto ko na ngayon kami. Pareho kaming nasa ibabaw ng kama ko habang walang ginagawa. Tahimik lang akong kumakain ng ice cream habang si Lorenz nama'y nakahilata lang. Maya-maya lang ay tinawag niya ang pangalan ko.

"Destiny."

"Hmm?" Hindi ko nakagawang makapagsalita dahil abala ako sa pagnguya ng kinakain kong ice cream.

"I love you." Pagkuwa'y humarap siya sa 'kin. "I have something to tell you."

Tinaasan ko siya ng mga kilay. Sinenyasan niya lang ako na lumapit sa kaniya na para bang ibubulong naman niya. Sumunod naman ako.

"An---" Bigla na lamang akong naputol sa pagsasalita nang walang anu-ano'y sinawsaw niya ang kaniyang daliri sa kinakain kong ice cream para ipahid ito sa 'king ilong. "Lorenz!" inis kong bulalas.

Humagalpak naman siya ng tawa. "You look cute. Masarap i-kiss."

Natutop naman ako sa pagsasalita. Huli ko na lang napagtantong unti-unti nang lumalapit ang mukha sa 'kin ni Lorenz hanggang sa dilaan niya ang aking ilong at isunod kaagad ang aking labi. Natigil ako sa paghinga't natulala sa kawalan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top