Chapter 46: First Real Kiss
DESTINY
"Sis, later na lang tayo ulit mag-usap. Tinatawag na ako sa baba, eh," pamamaalam ko sa kausap kong si Lauren sa kabilang linya. Hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sasabihin at kaagad ko na siyang pinatayan. Isinilid ko na ang phone ko sa 'king bulsa. Pagkuwa'y sumigaw ako mula sa kuwarto ko bilang tugon. "Sandali lang!"
Muli kong sinilip ang aking sarili sa harapan ng salamin saka inayos ang buhok. Kailangan ko kasing maging representable sa client nan bumili ng munti kong painting. Gusto raw kasi ako makita ng client kahit puwede namang iabot na lang sa kaniya 'yung binli niya. Mabait naman ako kaya pumayag din naman ako sa sinabi ni Daddy kagabi bago para sa araw na 'to. Heto ako ngayon, naglalakad na patungo sa office namin.
Nang makarating, suminghap muna ako ng hangin para kumuha ng lakas. Sa oras na maging ayos na ang lahat ay binuksan ko na ang pinto ng office saka pumasok. Nadatnan ko sa loob sina Daddy na ngayo'y may nakahanda nang camera sa kaniyang mga kamay habang kasama ang lalaking client na bumili ng isa ko sa mga pininta. Naka-display na ang painting ko sa easel at marahil ay may picture taking pang mangyayari. Ganito kasi ang ibang mga senaryo sa nakaraan kong mga kliyente base sa 'king karanasan.
"Siya po ba ang anak n'yo, Sir?" tanong ng lalaki kay Daddy.
"Oo. Bunso kong anak si Destiny," pagpapakilala niya sa lalaki.
Humarap naman siya sa 'kin. "Good morning po, Ma'am Destiny. It's nice to meet you," magalang niyang pagbati sa 'kin.
Napangiti naman ako. "Good morning din po," tugon ko pabalik. Pagkuwa'y pinagdikit ko ang aking mga kamay at tinapat ito sa 'king dibdib bago magsimula. "Sa'n po ba tayo mag-start?" kaswal kong tugon bagay na naging dahilan para bahagya kaming matawa sa isa't isa.
"Punta ka na ro'n, 'nak. Kuhanan ko na kayo ng picture," ani Daddy.
Tumango na lamang ako't tumungo na sa kabilang bahagi ng easel saka pumuwesto. Katamtaman lang naman ang pagngiti ko sa pagkuha ni Daddy ng litrato sa camera'ng kaniyang hawak-hawak na nakasabit sa leeg niya. Ilang kuha lang ang kaniyang ginawa sa iba't ibang anggulo at posing kagaya ng pag-abot ko sa kaniya ng aking sining. Nang matapos ang lahat ay umupo muna kaming tatlo saglit saka nagkaroon ng munting pag-uusap. Saglit lang ang itinagal hanggang sa nagbayad na siya nang pera at ibalot na namin ang painting na binili niya sa makapal na karton.
"Maraming salamat, Sir Hendrix at Ma'am Destiny. Sa susunod po ulit," aniya.
"Salamat din po," sabi ko rin.
Kinalaunan ay umalis na rin siya kung kaya ang perang nagkakahalagang dalawampung libo ay kaagad na naming nilagay sa bangko ko bilang savings. Kumuha lang ako ng kaunting pursyento ng pera kung sakaling may pagkakagastusan ako. Pagkatapos n'on ay bumalik na ako sa 'king kuwarto para mamahinga. Wala namang pasok ngayon dahil Linggo ngayon kaya naman igugugol ko lang ang araw na 'to tanging sa sarili ko.
Kasalukuyan akong nakaupo sa kama ko nang marinig ang pagtunog ng phone ko sa 'king tabi. Napabaling ako rito at nakita ang message ni Lauren.
Lauren Belle Delos Rios
Lauren Belle
Destiny
Wala ka pa rin bang balita kayla Kendra at Lorenz?
Napakunot naman ang noo ko sa oras na mabasa ang kaniyang message.
Destiny Sierra
Bakit? Ano na naman ba 'yon?
And I don't even care about them anymore
Lauren Belle
They're gone for over 2 weeks. Sana naman e okay lang sila
Destiny Sierra
Bakit naman? May nangyari ba sa kanila?
Lauren Belle
Wait lang
Ilang saglit ang nakalipas, isa-isang s-in-send sa 'kin ang mga screenshot ng pag-uusap nila ni Tyson patungkol sa kaniyang tinanong sa 'kin. Maging sila ay nag-aalala na rin base sa pag-uusap nila. Napag-alaman ko ring wala si Lorenz sa kaniyang dorm na tinutuluyan dahil sa bawat pagpunta niya raw ro'n ay wala siya maging ang kaniyang motor.
Destiny Sierra
Totoo? Di to joke?
Lauren Belle
Gaga ka umayos ka nga. Don't be such a mean;. Nag-aalala na nga kaming lahat except sa pakening Kendra na yon hahaha
Sa 'yo ba? Wala bang ganap senyo?
Destiny Sierra
Wala
Lauren Belle
Mamatay ka man?
Destiny Sierra
Wala nga. Mamatay ka man ngayon ahahahahaha
Laurene Belle
I'm serious cuz
Destiny Sierra
Hello po sa inyo Ms. Serious
Lauren Belle
Wag mo kong utuin cuz
May nangyari ba senyo ni Lorenz?
Destiny Sierra
Teka nga
Tatawag ako sayo sandali
Napabuntonghininga na lamang ako't tinawagan siya. Kaagad naman niya itong sinagod at do'n lang kami nagsimulang mag-usap. I left no choice but to explain everything for what happened that night a couple of weeks ago.
"Shocks. Totoo?"
"Oo. Kaya nga tahimik lang ako, eh," sagot ko naman.
"Nakakaawa naman. Grabe."
"'Di naman," pagsalungat ko.
"Bakit naman?" nagtataka niyang tanong. "Hindi ka naaawa kay Lorenz?"
"Naaawa pa rin, pero konti lang. I've learned enough naman na."
"Medyo selfish ka sa part na 'yan, Cuz," aniya.
Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Ako? Selfish? Paano?" balik kong tanong sa kaniya.
"Magpinsan tayo, Destiny. Magkasama na tayo pagkabata natin. Para nga kitang kapatid kasi nga ako na lang literal na anak nila Papa kaya 'di ba madalas din akong nag-ii-stay sa inyo? Lumaki tayo pareho at kila---"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita nang sumingit ako kaagad. "He's the reason why I almost got being raped."
Napabuga siya ng hangin. "Cuz, no one wanted that to happen. Why are you blaming him? Destiny, don't get me wrong pero hindi niya 'yon kasalanan. May iba siyang kasalanan sa 'yo pero hindi siya ang rason kung bakit 'yon nangyari sa 'yo," aniya. "Minsan lang naman akong magbigay ng payo sa 'yo kaya naman sana, Cuz, bigyan mo pa ng pagkakataon si Lorenz. Sa 'yo rin naman nanggaling mismo kung ano'ng mga nangyari, eh."
"Nasasabi mo lang naman 'yan kasi hindi ikaw 'yung nasa posisyon ko."
"But I'm trying to fir in your shoe, Cuz," giit niya.
"Then you failed to fit," tugon ko naman.
"Cuz."
"What?"
"Don't be like that."
"Huh?"
"Gaga."
"Ka."
"Just think before you make a decision, Cuz. Mahirap na."
"Not---"
Bigla na lang niyang pinatay ang linya.
Binaba ko na lang ang aking phone sa study table ko saka napadukdok na lang dito. Napag-isip-isip ako.
Sa totoo lang ay nagpapakitang-tao lang ako sa pag-uusap namin. Kumbaga parang gusto ko na lang siyang linlangin para maitago 'tong nararamdaman ko. Wala naman akong pinagsisisihan. Basta ko na lang naalala ang mga nangyari ilang linggo ang nakalipas.
***
"Destiny! Please come out, Destiny! Please talk to me!"
Napaigtad ako ng bangon mula sa pagkakahiga dala ng pagkagulat dulot ng malakas na kalampag sa 'ming gate na snabayan ng malakas na hamahagulgol na sigaw sa kalagitnaan ng gabi. Pakiramdam ko'y naalimpungatan ako o sadyang nagbago nang gano'n kabilis ang mood ko kaya naman napatayo na ako sa pagtatakang ano'ng mayroon sa baba. Sa oras na makalapit ako sa bintana ng kuwarto ko ay hinawi ko ang kurtinang nakatakip dito at sinilip ang baba. Gano'n na lang manlaki ang mga mata ko sa nakita kasabay ng paglagay ko ng aking kamay sa 'king bibig dala ng naging reaksyon.
Nagulantang na lang ang katawan ko nang makita si Lorenz si naglalagabog sa tapat ng gate namin. Sobrang lakas ng kaniyang ginagawang ingay kung kaya ang iialng katabi naming mga kapitbahay ay sumisilip na rin sa nangyayari ngayon. Natutop ako't napako sa kinatatayuan habang pinagmamasdan lang siya. Gano'n na lang ako mapabaling sa katapat ni Lorenz nang makita sina Yaya Cha at Yaya Pia na nagmamadaling tumungo sa gate para pagbuksan ito bagay na nagbigay pagtataka sa 'kin. Kasunod lang nila sina Ate Dani, Mommy, at Daddy na naguguluhan din sa nangyayari ngayon.
"Ilabas n'yo si Desti---" Hindi na nya nagawa pang matapos ang kaniyang dapat sabihin nang umangat ang tingin niya at direkta niya akong makita mula sa bintana ng aking kuwarto. "Destiny!" garalgal ng basag at desperado niyang boses.
"Ano'ng ginagawa mo rito, Lorenz?! Gumagawa ka ng gulo!" sigaw ni Daddy.
"Titigil lang po ako kapag nakausap ko ang anak n'yo!"
"Wala kayong dapat pag-usapan ng anak ko." Pinapanatili niya pa rin ng pagiging kalmado
"Tito, please," pagmamakaawa niya pa. Bumaling siya ulit sa 'kin dito sa taas. "Destiny, please come down here! Please talk to me!"
"Tama na, Lorenz. Alam na namin ang lahat ng nangyari maging sa 'yo. Sobra-sobrang pandidismaya ang ginawa mo sa 'min. Tumigil ka na sa paggawa ng eskanalo. Mahiya ka sa mga taong natutulog. Nakakahiya ka," mahaba niyang litanya.
Pinagmamasdan ko lang sila sa baba habang ako'y tulirong-tuliro sa nangyayari ngayon. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko sa takot sa posibleng gulong mangyari. Hindi ko na nga alam ang susunod na nangyari dahil napakabilis ng kaganapan. Hindi maproseso ng utak ko ang nakikita ko ngayon.
"'Wag kang bababa, Destiny," mariing utos ni Daddy sa 'kin. "Dani, puntahan mo 'yung kapatid mo sa taas."
"Opo." Wala na rin siyang nagawa kundi ang sumunod na lang kung kaya hinintay ko na lang siyang makarating dito sa kuwarto ko.
Wala akong ibang nagawa kundi ang manatiling nakatayo habang pinapanood sila. Dumating na lang ang kotse ni Kuya Dwayne at sadyaing banggain ang motor ni Lorenz. Bumaba siya at padabog na sinara ang pinto ng sasakyan saka diretsong lumapit kay Lorenz. Pagkuwa'y walang anu-ano'y kaagad niya siyang kinuwelyuhan. Hindi naman gano'n kabilis nakagalaw si Lorenz at gano'n din ang naging naging reaksyon ko sa susunod na ginawa ni Kuya.
"Kuya!" sigaw ko sa pagkabigla. Naramdaman ko na rin ang presensiya ni Ate Dani sa likuran ko.
Sinuntok nang malakas ni Kuya Dwayne si Lorenz sanhi para mawalan siya ng balanse at matumba. Maging ang mga tao sa baba ay napasigaw na lang din sa nasaksihan.
Hindi pa nakunto si Kuya sa kaniyang ginawa. Pumaibabaw siya kay Lorenz na ngayo'y nakahiga at inambahan na naman ng malakas na suntok sa kaniyang mukha. Dahil dito ay dali-daling lumapit sa kanilang dalawa si Daddy para umawat. Si Kuya kasi ay halos magwala na sa galit kay Lorenz.
"'Tang ina mo! Mamatay ka nang gago ka!" mura niya pa rito.
Huli ko na lang namalayan na bigo na pala ako sa pagtitimpi ng sarili ko sa 'king nakikita. Kusa nang tumulo ang mga luha ko. Wala sa sariling napatalikod ako at nagmamadaling tumakbo para lumabas sa kuwarto ko. Sinubukan pa akong pigilan ni Ate Dani subalit hindi ako nagpaawat at napatuloy pa rin sa pagtakbo. Kaagad din naman akong nakalabas at hindi na ako nagdalawang-isip pa. Nakisali na rin ako kayla Daddy para umawat. Siya kay Kuya habang ako naman kay Lorenz.
"Tumigil na nga kayo!" sigaw ko para tumigil silang lahat.
"Lumayo ka sa lalaking 'yan, Destiny," tila nagbabalalang sabi ni Kuya. "'Wag mong kalimutan 'yung nangyari."
Wala akong kinibo. Sa gilid ko lang ay naramdaman ko ang malalim na paghinga ni Lorenz kung kaya humarap ako sa kaniya. Saka ko lang nakita ang kaniyang mukha na tadtad ng bugbog bagay na nagpakirot sa 'king dibdib. Marahil sobrrang dilim kanina sa puwesto niya't malayo ako kaya hindi ko ito gano'ng napansin.
"D-Destiny," mahina niyang sambit ng pangalan ko't bigla na lang akong niyakap nang mahigpit.
Hindi ako nakapag-isip nang maayos. Basta na lang akong natulala sa kawalan sa kalagitnaan ng pagyakap niya sa 'kin. Narinig ko rin ang mahina niyang paghikbi.
"D-Destiny... thank y---"
"Shut up, mother fucker!"
Segundo lang ang lumipas ay natagpuan ko na lang si Lorenz na nakahiga sa maruming sahig habang salo-salo ang kaniyang dumudugong ilong.
Napasigaw na lamang ako. "Lorenz!" Unti-unting nanghina ang mga tuhod ko hanggang sa mapaupo ako para alalayang makabangon si Lorenz. Hinarap ko si Kuya. "Tama na, Kuya!"
"I-It's okay, Destiny. It's okay..."
Naiinis naman akong napalingon kay Lorenz. "Okay? Sigurado ka ba? Tingnan mo nga kala---" Bigla na lang ako matigil sa pagsasalita nang makita ang mga paa, kamay, at katawan niyang puro mga sugat, gasgas, at pasa. "Bakit andami mong mga pasa sa katawan mo? Andami ring sugat at gasgas. Sino'ng gumawa sa 'yo nito?" natataranta kong tanong.
Bumaling lang siya kay Kuya bagay na mabilis ko namang naintindihan.
"Dwayne, ikaw gumawa n'on?" seryosong tanong ni Mommy sa kaniya.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili para mas maluha. "Totoo ba, Kuya?"
"N-No! Nagsisinungaling siya! Bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Sinungaling. P-Pinagtulungan n'yo 'ko ng mga kaibigan mo kanina sa kanto. Nakatakas lang a-ako," pagsalungat niya't napaubo. Tumayo na sya habang hawak-hawak ang kaniyang tiyan kaya maging ako rin.
"Tama ba ang narinig ko, Dwayne?" Si Daddy naman ang nagtanong sa kaniya sa oras na 'to.
Nasilayan kong sumama ang tingin ni Kuya kay Lorenz.
"Deserve naman niya, eh," pabalang niyang sagot. "Bak---"
"Ginawa mo nga?" nagtitimping tanong ulit niya.
Hindi nagawang makaimik ni Kuya.
"Bakit mo nagawa 'yon, Kuya?" naluluha kong tanong subalit hindi niya ako sinagot. "Sumagot ka!"
"Ginawa ko lang 'yon para protektahan ka sa kan'ya," tipid niyang sagot na nagpainit ng ulo ko.
"Gago!" Isang malakas na sampa ang ginawad ko sa kaniya pagkamura ko. "Akala ko okay na 'to? This is too much! Sobra ka na, Kuya!" Napahilamos na lang ako ng sarili. "May nagawa man si Lorenz pero wala kang karapatan! Sumusobra ka na!" Pagkasigaw ko n'on ay natagpuan ko na lang ang aking sariling tumatakbo papalayo sa kanila.
"Destiny!"
Takbo lang ako nang takbo habang umiiyak. Ansikip ng dibdib ko. Nakakapanghina.
"Destiny!"
Sa oras na makaramdam ako ng pagod ay unti-unti akong bumagal hanggang sa tumigil ako sa pagtakbo. Namalayan ko na lang na nasa madilim ang eskinita at tanging ako lang ang mag-isa rito. Naayakap na lang ako sa 'king sarili para pakalmahin ang umaapaw na emosyon. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong tigil sa pagluha. 'Di ko alam kung babalik pa ba ako o magpapatuloy. Nakarinig na lang ako ng yabag ng mga paa kung kaya agad akong napalingon dito. Sobrang dilim at wala akong malinaw na maaninag.
"Destiny..."
"Wala kayong pinagkaiba. Pare-pareho lang kayo," giit ko. Pagkasabi ko n'on ay tinangka ko muling tumakbo subalit mabilis niyang nahigit ang braso ko.
"Stop crying, Destiny. It's okay." Boses 'yon ni Lorenz.
Napagtanto ko na lang na nasa mga bisig na ako ni Lorenz. Nakayakap siya sa 'kin ngayon habang ang isa niyang kamay ay hinahagod-hagod ang likod ko para pakalmahin ako. Pakiramdam ko naman ngayon ay sa bawat paghagod niya'y gumagaan ang nararamdaman ko.
"Tahan na, Destiny."
Wala sa sariling kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. Pagkuwa'y gamit ang kaniyang dalawang mga hinlalaki ay hinawi niya ang luha sa 'king mga mata.
"Shh. Stop crying. Tahan na. It's over, Destiny," aniya sa kalmadong boses.
Tumango lang ako at binasa ang labi.
"Good."
Naging tahimik lang kami ng mga sandaling 'yon at tanging pagtibok ng puso at paghinga lang namin ang naririnig.
Bumuntonghininga siya. "I'm really sorry for everything," basag niya sa nakakailang na katahimikan.
Bahagyang bumama ang tingin.
"There's so way that I could ease your pain. I did a huge mess." Huminto siya saglit para suminghap. "It's okay if you don't love me anymore. It's totally fine. I understand. Just don't accept this kiss, please," dagdag niya pa't walang pag-aatubiling hinalikan ako.
Nanlaki ang mga mata ko sa oras na maramdaman ang kaniyang mga labi na lumapat sa labi ko. Hindi ako makagalaw na tila na nanigas ang aking katawan. Natuliro ako sa pag-iisip at hindi alam ang gagawin maging ang kung ano'ng mararamdaman. Napikit na lang ako't hayaan ang labi ni Lorenz na gumalaw.
Malambot ang kaniyang mga labi. Magaan lang ang kaniyang pagkakahalik sa 'kin---may tamang diin at may tamang ritmo. Tumagal kami nang ilang segundo sa gano'ng posisyon bago ako dumilat nang mamalayang humiwalay na si Lorenz.
"This may not be my first kiss but I'm glad that I'm your first kiss. Te amo, Destiny."
Hindi ko nagawang makapagsalita. Para bang napipe ako dala ng sitwasyon ngayon.
"It's okay. Just take a deep breath."
Tumango naman ako at ginawa naman ang kaniyang sinabi.
I just can't imagine that I've already got my first kiss and it was from Lorenz---my true love.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top