Chapter 45: Consequences
Makalipas ang ilang mga araw matapos ang pagtatangkang magpakamatay ni Lorenz, malimit at bilang na lang sa daliri kung ilang beses ko siyang makita maging si Kenra. Sa bawat paglabas ko ay halos hindi ko siya makita at wala ring kaalam-alam sila Tyson patungkol sa kung ano na'ng nangyayari sa kaniya. Dagdag pa ro'n ay mas pinili ko itong ilihim kayla Kuya Dwayne nang sa gayo'y walang maging aberya. Pinakiusapan ko ring pareho sina Cam at Lauren patungkol dito dahil iisa lang naman kami ng pinapasukang unibersidad. Lahat kami'y nag-aalala. Walang ni isa sa 'ming may lakas ng loob para makipagharapan kay Lorenz. Magingako'y ayoko rin dahil umiiwas lang ako sa gulo at problema.
Pagkalabas ko ng cafeteria ay inayos ko ang pagkakasukbit ko ng aking bag habang kaswal na sinusuklayan ang aking mamasa-masa pang buhok kung kaya bahagyang nakabaling ang ulo ko sa gilid para madali ang paghagod ko ng suklay. Maaga kasi akong umalis sa pag-aakalang traffic dahil may parada ang ibang school kaya hindi ko na nagawa pang mag-blower. Laking pasalamat ko na lang na nakababa na ako sa university bago pa man magsimula ang parada dahil paniguradong mahuhuli ako.
Tahimok lang akong nagsusuklay papunta sa hagdanan para makaakyat papunta sa room ko nang bigla na lang ako mapasigaw nang may buong puwersang humatak ng buhok ko. Tuluyan kong nabitawan ang suklay ko't napangiwi sa hapdi ng pagkakahatak sa 'kin.
"May kasalanan ka sa 'kin," nagngingitngit at nanggigigil sa galit na wika ng babaeng madali kong nakilala sa boses pa lang.
"Kendra?" hindi makapaniwala kong tanong. Hindi ko na alam kug ano ba'n dapat kong gawin dahil basta ko na lang hinawakan ang kamay niyang nasa buhok ko't sadyaing ibaon ang mga kuko ko nang sa gayo'y bitawan niya ako. "Bitawan mo 'ko!" Mas diniinan ko pa ang pagbaon ko sa 'king mga kuko at gano'n na lang siya mapasigaw sa sakit bago ko siya itulak papalayo sa 'kin na naging sanhi para mapaupo siya sa sahig.
Gulong-gulo ang kakasuklay ko lang na buhok ko at buhol-buhol din lalo na ang dulong bahagi nito kung kaya ginamit ko na lang ang aking mga daliri para ayusin ito. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sitwasyon ko ngayon. Gaya ng inaasahan ay pinagtitinginan kami ng ilang mga estudyante. Hindi ko tipo an gumawa ng ganitong klase ng eskandalo. Sobra-sobra na akong nilalamon ng hiya sa 'king buong sistema.
"'Tang ina naman, Kendra. Ano na naman ba 'to?" bulyaw kong tanong kasabay ng paghilamos ng mukha dala ng pagtitimpi.
Kaagad naman siyang tumayo mula sa pagkakaupo at walng pigil akong sinampal nang malakas. Hindi ko agad nagawang kumios para umilag.
"Nang dahil sa 'yo, muntik nang magpakamatay si Lorenz!" nanggigigil niyang sagot at muling umamba ng sampal subalit mabilis akong nakakilos para salagin ito.
Alam kong mahapdi ang pisngi ko. Gusto ko 'yon hawakan para maibsan ang sakit subalit napapangunahan na ako ng emosyon ko. Nakakabigla.
"Bitawan mo 'ko!"
Pinanlakhan ko lamang siya ng mg mata at buon puwersang biitawan ang kamay niya na bahagyang nagpausad pa sa kaniyang kinatatayuan. Masyadong mabilis ang nangyari. Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong maging reaksyon sa pagtangkang pagpapakamatay ni Lorenz gayong siya naman talaga ang rason. Nakakapagtaka lang din kung saan niya nalaman ang patungkol sa nangyari.
"Ano ba'ng problema mo, Kendra? Puta naman, oh. Nananahimik ako rito!" halos mangiyak-ngiyak kong sigaw. "'Wag na 'wag mo akong sisisihin sa nangyari dahil una't sa lahat, ikaw ang dahilan. Ikaw ang rason. Double-timer ka kasi!" pagdidiin ko pa dahilan para sa kaniya mapunta ang atensyon ng iilang mga tao sa paligid namin.
"It's all because of you! Sana hindi ka na lang dumating sa buhay namin!"
"Para kang tanga, Kendra. Ang cringe mo rin e, 'no? Lakas mong makapagsalita e ikaw nga 'tong nanloko. Double-timer? Malandi 'yan?" Sinadya kong baguhin ang tono ng pananalita ko nang sa gayo'y as lalo ko siyang mainis at ma-divert sa kaniya ang tingin ng lahat. Hindi naman ako nabigo dahil may iilan na akong nakikitang nagulat, nagbulung-bulungan, at tumapat ng camera sa kaniya para kuhanan siya ng video. Naging kampante naman ako sa nangyayari ngayon.
Dahil sa sinabi ko ay tuluyang nnagbago ang ekspresyon ng mukha ni Kendra. Nasaksihan ko ang pagkuyom ng dalawa niyang mga kamay at walang anu-ano'y sumugod sa 'kin para sabunutan ako. Huli ko nang namalayan na pareho na kamig nagsasabunutan at binibigay ko lang din sa kaniya ang sakit kong natatanggap. Humantong pa kami sa pagtumba hanggang pumailalim ako't pumaibabaw siya sa 'kin. Hindi pa rin siya nakukuntento sa ginagawa sa 'kin at pinaulanan pa ako ng mga sampal. Ako nama'y puro depensa lang ang ginagawa at hindi makapalag. Wala man lang nagtangkang umawat sa 'ming dalawa.
"Akin lang si Lorenz!"
"Saksak mo sa apdo mo 'yang si Lorenz. Sa 'yong sa 'yo n---AH!" HIndi ko na ngawa pang tapusin ang dapat kong sabihin nang matamaan ang mata ko dahilan para mapasigaw ako sa sakit. Dahil dito ay buong lakas kong pinasok ang kanan kong paa sa pagitan namin saka siya tinulak nang todo dahilan para mapahiga rin siya. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at 'di ko na napigilan ang aking sarili para hindi gumanti. Kaagad akong pumatong sa kaniya at malakas siyang pinagsasampal. "Sumosobra ka na!" Wala akong tigil sa 'king ginagawa hanggang sa naramdaman ko na lang na may dalawang braso ang pumulupt sa 'kin at hilahin ako papaalis kay Kendra.
"Destiny, tigil na," kalmadong pang-aalo ni Cam sa likod ko.
Dali-dali akong kumalas sa kaniyang mga braso at hinarap siya. Gano'n na lang magbago kabilis ang emosyon ko nang makita ang mukha niyang nnag-aalala sa 'kin. Ilang saglit lang ang nakalipas ay bumaling naman ako sa likod niya't nakita si Lorenz na kasalukuyang may nakabalot na putng benda sa kaniyang kamay kasama sina Tyson at Ryker.
"Ano'ng nangyayari dito?" habol-hiningang tanong ni Ryker.
Bigla namang nagbago ang awra ni Kendra nang makita pa lang si Lorenz. Agad siyang lumapit na para bang nagmamakaawang aping-api. "L-Lorenz, si Destiny, gusto ako saktan." Nagsimula na siyang umarte sa harapan niya bagay na nagpangiwi sa 'kin dala ng kahihiyan.
"Tingnan mo naman, oh," bulong ko.
Wala namang ibang ginawa si Lorenz kundi pagmasdan lang siya na para bang wala lang.
"Lorenz, please..."
"Come on, Kendra. Wala ka na ba talagang magawa sa buhay mo?" sarkastiko kong tanong. Pagkuwa'y sunod ko namang hinarap si Lorez. "Ano? Sana hindi ka maging tanga this time. Maraming nakakita. Maraming saksi. Tingnan mo mga tao rito," dagdag ko pa.
Hindi siya kumibo at nanatili lang tahimik na nakatingin sa 'kin.
Napabuntonghininga na lamang ako't inis na kinuha ang bag sa sahig at nagmamadaling dumiretso papaalis. Do'n ko lang naramdaman ang mas dobleng sakit sa oras na ayusin ko ang aking sarili. Gusto kong umuwi nang sa gayo'y mabawasan ang kahihiya-hiyang nangyari. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may marinig akong mga yabag na papasunod sa 'kin kung kaya saktong tumigil ako sa tapat ng puno at inis na hinarap ang nasa likuran ko. Gano'n na lang ako matutop at mabigla nang makitang si Lorenz ang nakasunod sa 'kin. Halo-halong emosyon na naman ang nararamdaman ko ngayon.
"Can we talk?" kalmado niyang tanong.
"Ano nama'ng pag-uusapan natin?" pabalik kong tanong.
"This."
"Nag-uusap na tayo. Sabihin mo na," kaswal kong tugon.
"Uhm... I'm sorry for what happened." Bahagya pang pumangalumbaba ang kaniyang ulo. "And also for what I've done these past weeks," pahabol niya pa.
"Palagi naman, eh. Okay na 'yon. Nakakasawa na rin kasi," sarkastiko kong sambit.
Suminghap siya. "I know. I did a lot of mess especially when I almost commit suicide. I'm very thankful that you even come just to see me even though I did something that really made you upset. Kalimutan mo na lang din ang mga nasabi ko ng araw na 'yon. Alam kong nakakabigla pero aware ako sa mga sinabi ko no'n. Pasens'ya na talaga."
"Bumalik ka na ro'n. Hinihintay ka na nila Ryker. Malapit na ring mag-time. Sige na," pagtutulak ko sa kaniya para umalis na sa harapan ko. "Hindi na muna ako papasok ngayon." Tumalikod na ako't nagsimula na ulit maglakad subalit gaya kanina ay sinundan niya pa rin ako.
"Where are you going?"
"It's none of your business," sagot ko't mas binilisan pa ang paglalakad.
"Destiny, wait."
Hindi ko na siya binigyang pansin pa't umakto na lang na parang walang naririnig ubalit maya-maya lang din ay nakaramdam ako ng unti-unting kirot sa 'king dibdib kung kaya dahan-dahan akong tumigil sa paglalakad at napayuko nang kaunti. Sa paglipas ng segundo ay bigla na lang akong napangiwi sa sakit.
"Hey, Destiny. What's wrong? Are you okay?" nag-aalala naman niyang tanong.
Tumagal nang saglit nang bumalik sa normal ang lahat bago ako nakasagot. "Don't mind me. I'm fine," pagsisinungaling ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top