Chapter 44: Cheater

Makalipas ang ilan pang mga araw, sa wakas ay papasok na ako. Gaya ng nakagawian, maaga akong nagising para kumain, maligo, at magbihis ng uniform. Nakahanda na akong pumasok pagkatapos ng isang linggong pamamahinga.

"Dito mo mo na lang ako ibaba, Kuya, " utos ko sa kaniya. Nang makitang malapit na ako sa bukana ng gate ng unibersidad ay inayos ko na ang pagkakasukbit ng bag ko maging ang paghawak ko nang maingat sa canvas kong hawak-hawak na ipapasa ko mamaya kay Prof. Hereo.

Hinint ni Kuya Dwayne ang kaniyang kotse sa gilid. Wala naman na akong ibang sinabi at basta na lang binuksan ang pinto para lumabas na agad. Dumiretso lang ako ng paglalakad at sa huling pagkakataon ay sinilip si Kuya kung nakaalis na siya subalit gano'n na lang mangunot ang noo ko sa pagtatakang kasunod ko lang siya sa likuran ko ilang metro lang ang layo.

"Ba't ka sumunod? Ano'ng gagawin mo?" nagtataka kong tanong.

"Mag-uusap lang kami saglit ng proffesor mo," tipid niyang sagot.

Tumango na lamang ako't hindi na kumibo pa. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa maghiwalay kami ng nilalakaran ni Kuya nang lumiko ako papunta sa CR para umihi.

Walang tao sa loob pagkapasok ko kung kaya sinamantala ko na 'yon para pumunta sa pinakadulong cubicle. Saglit lang ang itnagal bago ako matapos. Maya-maya lang ay sa oras na tatayo na 'ko para ayusin ang aking pambaba ay bigla akong nakarinig ng pamilyar na mga boses na siyang mabilis na nagpailang sa buong sistema ko.

"Iwan na ba kita rito?" kaswal na tanong ni Lorenz.

"Hintayin mo naman ako," sagot naman ni Kendra.

"Does changing your pads would take you too long? They might think I'm gay 'cause I'm here."

Bahagyang naawa si Kendra sa sinabi ni Lorenz. "Bibilisan ko na lang."

"Sure. I'll wait you outside here."

Pagkatapos n'on ay wala na akong ibang narinig sinuman sa kanila. Hinintay ko na lang marinig magsara ang pinto ng cubicle bilang hudyat na puwede na akong lumabas. Gayunpama'y kinakabahan ako kung sakaling paglabas ko'y bumungad sa 'kin si Lorenz. Bahala na lang. Kailangan ko nang pumasok.

Lumabas na ako sa cubicle at sinukbit ang aking bag. Saktong paglabas ko'y matatanaw ang nakatayo at nakasandal sa pader ang naghihintay na si Lorenz sa labas ng CR. Sa kinasamaang palad pa'y natama ang aming mga tingin. Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko gayong namumutawi ang kaba at pagkailang sa 'kin. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa dala ng hiya sa kaniyang harapan. Mariin akong napalunok.

Bad timing nga naman, oh.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng aking bag saka yumuko bago nagmamadaling lumabas. Sa oras na malampasan ko siya ay gano'n na lang ako makahinga nang maluwag. Gustuhin ko mang lingunin siya huling sagli ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Nilalakihan ko ang bawat paghakbang ko para mabilis na makalayo sa kaniya. Hindi ko lang maintindihan dahil pakiramdam ko ngayo'y nakasunod lang siya sa 'kin gayong may naririnig akong tumatakbong mga yabag.

"Destiny," maamo niyang pagtawag sa pangalan ko.

Basta na lang akong natigil sa paglalakad sa oras na maramdaman ang presensiya niyang nasa likuran ko na siya. Tuluyan akong napako sa kinatatayuan ko't  hindi nakagalaw. Nagtitimpi lang ako.

"Gusto kitang makausap," pagpapatuloy niya. "Please. Just a minute."

Mabigat akong bumuntonghininga at buong lakas siyang hinarap. "Wala tayong dapat pag-usapan," tipid kong tugon. "Kailangan ko nang pumasok."

"Kahit ilang minuto lang. Gusto lanng kitang makausap. Nahihirapan na 'ko," pagmamakaawa niya bagay na nagpabago ng ekspresyon ng mukha ko.

"Nahihirapan?" tanong ko sa kaniya. "Pa'no ka nahihirapan?  As far as I remember, wala namang bagay o nangyaring nagpapahirap sa 'yo," dugtong ko pa.

"B-Bu---"

"But what? Rarason ka na naman? Tama na, Lorenz. Okay na 'yun," pagputol ko sa kaniya.

"Lorenz?"

Maya-maya lang ay lumabas na si Kendra sa CR. Nilibot niya ang kaniyang tingin sa paligid at hindi naman siya nahirapang makita kami. Biglaa na lang nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha nang makitang magkasama kami ni Lorenz ngayon. Tutal ay wala naman nang patutunguhan pa kung magkasagupaan kami, umalis na ako kaagad kasabay ng pagtaas ko ng aking kamay sa 'king likod at iangat ang gitnang daliri ko para asarin sila.

"Fuck you, too!"

Napangisi na lang ako nang matagumpay kong nainis si Kendra at lumiko na ng direksyon para makisabayan sa mga estudyanteng nagmamadali na ring pumasok.

Sa buong maghapon ng klase, hindi ako bumaba para man lang kumain sa recess o lunch. Good thing na may dinala akong tinapay at tubig sa thumbler ko kaya hindi na ako bumaba't pinagkasya na lang ito. Pasalamat na lang ako't hindi ako gaanong gutom sa mga oras na 'yon kaya nang matapos na ang klase ay nagmadali agad ako ng uwi saka kumain nang marami sa bahay sa kadahilanang do'n na ako nakaramdam ng gutom.

***

Sina Yaya Cha at Yaya Pia lang ang nadatnan ko pagkauwi ko sa bahay. Wala sila Mommy dahil nagpunta sila sa office ng isang subdvision dito sa Linvillia para kumuha ng bahay na titirhan nina Kuya Dwayne at Ate Tiffany para may maipundar na sila kung sakaling magkaroon na sila ng anak.

Heto ako ngayon, kasaukuyan lang nagmumuni-muni habang nagdo-drawing ng kung ano nang marinig ang pag-ring ng aking phone. Kaagad kong tinigil ang aking ginagawa para tingnan kung sino ito.

Tyson is caling....

Nangunot ang noo ko matapos makita ang pangalan ni Tyson sa screen ng phone ko. Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba 'to o hindi pero napakabastos namang tingnan kung hahayaan ko lang magdamag mag-ring ang phone ko. Nakakairita rin kung gano'n kaya sinagot ko na lang ito. "Hello, Tyson. Napatawag ka," kaswal kong paunang salita pagkalagay ng phone sa 'king tenga nang ito'y sagutin.

"Hello, Destiny. Ang hina ng signal dito. Naririnig mo ba 'ko?"

"Oo naman. Bakit?" nagtataka ko namang tanong pabalik. Medyo nakakapagtaka gayong nararamdaman ko sa boses niya na para siyang nagmamadaling ewan.

"Kailangan ka namin ngayon," walang alinlangan niyang sagot.

"Ha?" Hindi ko napigilan ang aking boses para lumakas nang kaunti. "Bakit? Teka lang. Hindi ko maintindihan."

"Please, pumunta ka rito. Ngayon na, please."

"Wait nga lang. Anggulo, eh," inis kong sambit. "Ba't ako pupunta r'yan? Saka ano ba'ng problema?"

Naging matagal ang pagtugon sa 'kin ni Tyson hanggang sa may narinig na lang kong bagay na nabasag sa kabilang linya. Sinundan 'yon ng isang pagsgaw na paniguradong kay Lorenz 'yon nagmula.

"Lorenz? Ano'ng nangyayari?" nag-aalala kong tanong. Bigla ako nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung ano na'ng nangyayari. Humantong pa ako sa pagtayo mula sa kinauupuan ko. "Hello? Hello, Tyson? Tyson, sa'n ka na?"

"Naririnig mo ba 'ko? Hello. Hello, Destiny."

"Oo, oo. Naririnig na kita," tugon ko. "'Tang ina. Ano'ng nangyayari? Nasa'n ba si Kendra? Ba't 'di niya kasama ngayon?"

"Ipapaliwanag ko na lang ang lahat pagpunta mo rito. Kailangan ka ni Lorenz ngayon. Muntik na siyang magpakamatay. Inaawat lang ni Ryker ngayon. Dumudugo na pulso niya ngayon. Dalian mo, Destiny," gagad niyang pahayag.

"Magpakamatay?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Basta na lang nagsimulang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Alam kong hindi basta-basta gumagawa ng ganitong klaseng biro si Tyson.

"Oo, Destiny. Please, pumunta ka na rito," pagmamakaawa niya.

Hindi ko alam ang aking gagawin. Hindi ko na nagawa pang makapagsalita pagkatapos n'on at agad nang pinatayan ng tawag si Tyson. Sa isang pagbuga ko ng malalim na paghinga ay nagmamadali akong kumilos para magbihis saka dali-daling lumabas ng kuwarto at umallis ng bahay. Laking pasalamat ko lang na hanggang ngayon ay wala pa rin sila Mommy dahil sigurado akong hindi nila ako papayagan. Nagtataka ako sa 'king sarili ba't naging ganito na lang ako bigla gayong kanina lang ay halos  kasuklaman ko na siya. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Lorenz just potentially committed suicide? For what?

***

Muntik pa kong hindi makapagbayad sa tricycle kong sinakyan sa kakamadali kong bumaba patungo sa tinutuluyang dorm ni Lorenz. Sobrang bilis ng pagpintig ng puso ko kung kaya patakbo akong nagtungo sa pasilyo hanggang sa makarating ako sa harapan ng pinto ng kaniyang dorm. Nadatnan ko itong nakasiwang nang kaunti at kaagad kong nasaksihan ang kaguluhan sa loob kaya naman hindi na ko kumatatok pa't binuksan na nang todo ang pinto.

"Destiny," ani Tyson.

"Nasa'n si Lorenz?" kaagad kong tanong.

"Nando'n sa taas. Kasama ni Ryker. Kakababa ko lang kasi hinihintay kitang dumating," aniya.  "Hinahanap ka ni Lorenz ngayon. Puntahan mo na sa taas," dagdag niya pa.

Wala na akong ibang inimik sa kaniya at tumango na lamang. Dumiretso na ako ng paglalakad at nagdamaling umakyat sa taas patungo sa kuwarto niya. Sa oras na makaapak ako sa taas ay agad kong natagpuan do'n si Ryker na nakatayo habang pinagmamasdan si Lorenz na nakaupo sa sahig habang nakasandal sa kaniyang kama. Gano'n na lang magbago ang ekspresyon ng mukha ko sa pagtataka kung ano'ng nangyari.

Kung magulo ang sala, mas doble ang gulo nitong kuwarto. Halos lahat yata ng gamit niya ay nagkalat sa buong paligid.

"Destiny." Pagkuwa'y lumapit siya sa 'kin.

"Ano'ng nangyari? Ba't nagkaganito si Lorenz? Kanina ayos pa siya, ah?" sunod-sunod kong tanong.

"Muntik na niyang hiwain pulso niya."

"Bakit nga? Ano'ng rason? Si Kendra ba? Ano'ng nangyari?" Kahit aligaga man ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Lorenz. Unti-untiing bumaba ang tingnin ko sa kaniyang kaliwang kamay at puro dugo ang aking nakita maging sa katapat nitong sahig. Nakatulala lang siya na para bang hindi niya alintanang nandito na 'ko o talagang alam na niya't ayaw niya lang kumilos. Parang naaawa tuloy ako na hindi ko malaman. Parang nawala ang galit ko sa kaniya.

"Si Kendra nga," malungkot niyang sagot.

Dahil sa sinabi niya ay humarap muli ako sa kaniya. Naguguluhan ako. "Bakit? Ano'ng ginawa niya?"

"Matagal nang niloloko ni Kendra si Lorenz. Nalaman ko lang din kanina no'ng kin'wento sa 'kin ni Tyson ang nangyari. Pinahawak ni Kendra kay Lorenz 'yung phone niya saglit at biglang may tumawag. Ito namang si Lorenz, sinagot naman nang walang permiso ni Kendra. Pagkasagot niya, boses agad ng lalaki ang narinig niya. Nagsabi 'yung lalaki ng 'babe' bago nangamusta kaya ro'n na nagsimula. Muntik pang ibato ni Lorenz 'yung phone ni Kendra kanina sa galit. Tinanong ni Lorenz kung sino raw 'yon pero ang nirason lang niya e kaibigan lang daw niya. Hindi naman tanga si Lorenz para maniwala ro'n. Alam na," mahaba niyang paliwanag.

"Then where's Kendra?"

"Hindi ko alam."

Napabuntonghininga na lamang ako't paupong nilapitan si Lorenz nang sa gayo'y magkapantay kami. "Lorenz, what happened?" kalmado kong tanong.

Dahan-dahan siyang lumingon sa 'kin at walang anu-ano'y niyakap ako. "I-Im sorry..." habol-hininga niyang sabi.

Naging tahimik lang ako't walang naging reaksyon. Hindi ako makagalaw dahil sa pagyakap niya sa 'kin. Nakatalikod man ako ay dama ko rin ang pag-alis ni Ryker para iwan kami pansamantala.

Kumalas na 'ko sa kaniyang pagkakayakap para libutin saglit ng aking paningin ang kaniyang magulong kuwarto. Nagkalat ang mga tissue at ilang mga bote ng alak na wala ng laman.

"Ella me engaño."

"Ano?"

"K-Kendra cheated on me..."

Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Nakaupo lang ako sa tabi ni Lorenz at blangko ang isipan ko kung paano ko papagaainin ang loob niya.

"I loved her, but she fooled me. I'm so stupid. Punyeta."

"Calm down. It's okay. Magiging okay rin ang lahat," pang-aalo ko naman.

"It won't." Umiling-iling siya.

"What do you mean?" naguguluhan kong tanong. Laking gulat ko na lang nang sumeryoso ang pagtingin niya sa 'kin.

"Pinakiusapan lang naman ako ng ama niya para gawin ko ang mga 'yon. Awa lang ang nararamdaman ko para sa kan'ya at hindi ko rin siya mahal dahil ikaw ang mahal ko, Destiny. Hindi ko alam kung papaniwalaan mo pa ba 'ko gayong anggulo na ng lahat. Punyeta."

Bigla na lang akong natutop matapos ang kaniyang pagtatapat sa 'kin. 'Di ko alam kung ano ba'ng dapat ang mararamdaman ko dahil kahit ako mimso'y gulong-gulo na rin.

"Since the beggining, I fell in love with you. I tried everything I can just to stop this feeling but it only gets worst. I know it may sound cringe but I don't care anymore."

Pagkatapos niya 'yon sabihin ay nanatili kaming nakatingin sa isa't isa naming mga mata hanggang sa unti-unting lumapit ang mukha ni Lorenz sa 'kin. Natuliro ako sa pag-isip ngunit sa oras na maamoy ko ang alak niyang hininga ay mabilis ko siyang nailayo sa 'kin sa pamamagitan ng pagtulakak.

"Stop," pag-iwas ko. Sa hindi malamag dahilan ay bigla na lang akong tumayo.

"Where are you going?" tanong niya.

Hindi kosiya sinagot. Wala ako sa sarili ko nang matagpuan ko ang aking sariling nagmamadaling bumaba. Nadatnan ko r'on sina Tyson at Ryker na tahimik lang nakaupo sa couch na alalang-alala subalit dumiretso lang ako hanggang sa makalabas na ako dorm. Sinubukan nila akong tawagin at sundan subalit hindi ako nagpatinag.

Sa oras na makalabas ako sa pasilyo ay dali-dali akong tummawid ng kalsada at naghintay ng masasakyan. Sa kabilang banda ng kalsada ay nakita ko pa sinna Tyson at Ryker na nakaambang sumunod sa 'kin pero nang may makita akong paparating na tricycle ay agad ko na itong pinara saka nagmadaling sumakay.

"Sa timog po, Kuya," kaswal kong sabi.

Naging malalim ang sunod kong paghnga. Gayunpaman ay palihim akong naluha dahil sa nangyari. Nagsisisi ako sa katangahan ko kung

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top